Lost in Memories

By Dream_Secretly

8.5K 345 78

Laxamana Series 3 of 7. Daniel Dela Cruz Laxamana. More

Lost in Memories
SIMULA
KABANATA 01
KABANATA 02
KABANATA 03
KABANATA 04
KABANATA 05
KABANATA 06
KABANATA 07
KABANATA 08
KABANATA 09
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
EPILOGUE

KABANATA 29

127 7 4
By Dream_Secretly

Nang makauwi kami ay nandoon na si Georgia at ang parents ni Daniel. Sa garahe pa lang pag-park ng kotse ko ay lumabas na sila para tulungan kami.

Kinuha ni Georgia si Maxine at binuhat samantalang dumulog naman sa kaniya ang Mommy't daddy niya.

"Bakit ka ba umalis ng ospital? Pinag-alala mo kami..." Hikbi ng Mommy niya.

"I-I'm sorry..." Mahinang sabi niya. Mas lalo siyang nanghina sa byahe namin at hindi pa siya nakakainom ng gamot kaya halos hindi na rin siya makalakad ng maayos. "I-I want to...rest..." Sabi niya.

Lumapit naman ako sa kanila at akmang aalalayan siya nang pigilan niya ako. "Unahin mo muna si Maxine. I'll be fine. Sila Mommy na lang ang maghahatid sa'kin." Ngiti niya bagamat halos hindi na niya mabuka ang mga mata.

I sighed. Tumango ako at hindi na nakipagtalo pa lalo na't halos wala na rin siyang lakas. Kinuha ko si Maxine kay Georgia. "Pakitulungan sila. Sa kwarto ko nalang, Georgia." Pakiusap ko sa mabuting kaibigan.

Tumango siya at tumulong sa pag-alalay kay Daniel. Nauna na silang pumasok, sumunod ako habang buhat si Maxine.

Dumiretso ako sa kwarto ni Maxine at dahan dahan siyang binaba sa kama. Kinumutan ko siya at tinitigan. I sighed heavily. Bahagya naman siyang gumalaw at dahan dahang nagmulat ng mga mata. Ngumiti ako at hinaplos ang pisngi niya.

"Hey..." Malambing kong bungad sa kaniya nang diretso niya akong titigan.

Namula ang mga mata at ilong niya. Napakurap siya. "S-Sorry po, Momma.." Parang may tumusok sa puso ko nang magsalita siya.

"Wala kang kasalanan, baby. Hindi galit si Momma." Sabi ko.

Bumangon naman siya at umupo sa kama. "No, Momma. I know Daddy's sick....and we escape...." Yumuko siya.

I sighed again. "Maxine, okay lang." Niyakap ko siya. "Next time, huwag mo na lang uulitin. Delikado kung aalis kayo ni Daddy ng kayong dalawa lang." Malumanay kong sabi.

Nag-angat siya ng tingin sa'kin. "I-I just want h-him to be happy be....before he....h—he....." Hikbi niya. "....l—leave...."

Nanginig ang mga labi ko kasabay ng tuloy tuloy na pagtulo ng mga luha ko. "M-Maxine...Shhh..." Pilit ko siya pinapatahan kahit ako mismo ay hindi matigil sa kakaiyak.

"I know, Momma. He's dying!" Hagulgol niya. "M-Mawawalan na ako ng Daddy!"

"I-I'm so sorry, b-baby..." Tanging nasabi ko lang.

"H-He's gonna m-meet Maximo s-soon....." Hikbi niya pa. "S-Sabi ni Daddy...he'll hug Maximo for us and they will watch us from h-heaven. H-Hindi na daw malulungkot si M-Maximo kasi sasamahan n-na siya ni Daddy....p-pero ako naman a-ang walang Daddy...."

"Shhhh...hindi m-mawawala ang Daddy sa puso n-natin, baby." Pinilit kong tatagan ang boses ko. "He will always be with you....b-because he loves you..."

"M-Momma...I-I don't want h-him to g-go....but he's h-hurting.....n-nahihirapan na ang Daddy k—ko....k—kawawa naman ang D-Daddy ko...."

"H-Hush, baby." I'm sorry, baby. Walang magawa si Momma para hindi ka masaktan. Kahit anong gawin ko hindi kita maiiwas sa sakit. "L-Listen, baby. We have to be s-strong." Sinilip ko siya at hinaplos sa pisngi. "For D-Daddy...we have to be brave.....okay?"

Dahan dahan lamang siyang tumango at bumalik sa pagyakap sa'kin. Iyak lang siya ng iyak at hinayaan ko namang ilabas niya lahat. Naaawa ako kasi ang bata bata niya pa para maranasan lahat ng ito...at wala akong magawa para pagaanin ang loob niya.

Her Dad is dying......ngayon lang sila nagkasama tapos kukunin din ito agad sa kaniya. I can't imagine how painful it is for a child. It is a torture. Kawawa naman ang anak ko.

Nakatulog rin siya sa kakaiyak. Nang masiguradong ayos na siya at mahimbing na ulit ang tulog ay dahan dahan naman akong lumabas ng kwarto at pinuntahan si Daniel.

Naabutan ko sila Georgia at ang parents niya na nasa labas ng kwarto ko. Mukhang inaantay ako dahil sabay sabay pa silang lumingon sa'kin at humarap.

"I'm sorry natagalan ako. How's Daniel?" Tanong ko sa kanila.

"He's sleeping, Iha." Sagot ni Mr. Dela Cruz. "How's Maxine?

Tumango ako. "Nakatulog na po sa kakaiyak. She'll be fine." I hope so. I sighed heavily. Nilingon ko si Georgia. "Ako na ang bahala sa kaniya. Magpahinga na kayo." Sabi ko. Tumango naman siya.

"Uhm iha," Binalik ko ang tingin sa mag-asawa. "Can we talk for minute?" Alangang tanong ni Mrs. Dela Cruz.

"We can talk tomorrow. Magpahinga na lang po muna tayo ngayong gabi. Parehas po tayong pagod kaya hindi rin po tayo makakapag-usap ng maayos." Sabi ko. Tiningnan ko ang oras sa relong pambisig. "Masyado na rin pong late. Dito na lang din po kayo matulog. Pwede ninyong gamitin ang guest room na ginamit ni Daniel."

"Is it okay, Iha? I mean, kumportable ka ba kung nandito kami?" Tanong ni Mr. Dela Cruz.

"Para po ito kay Daniel." Pagod kong sagot. "Sana maging kumportable kayo. Si Georgia na po ang bahala sa inyo." Sabi ko at akmang bubuksan na ang pinto ko nang hawakan ako ni Mrs. Dela Cruz sa braso.

"Wait, Iha. I just...want to know your decision. H-He loves you kaya k-kung anong desisyon mo, 'yon na rin ang a-akin. He's my son—"

"—I won't decide anymore. He will." Mariing sambit ko bago sila tuluyang iniwan roon.

Nang masarado ko ang pinto ay napasandal ako roon. Mariin akong pumikit at napabuntong hininga. I can't still look at them as Daniel's parents. The regret....the pain...it's still in my heart. Hindi ko 'yon maalis kahit anong gawin ko!

'Yong galit ko siguro unti unti nang nawawala pero hindi ko makalimutan lahat ng mga nangyari noon. Hindi ko maalis sa isip ko na nasa malapit lang ang mga taong nagpahirap sa'kin at naging maramot kay Maximo. At kahit anong paliwanag nila o ano mang dahilan...namatay pa rin ang anak ko!

Nagpunas ako ng luha.

Nang iwan kami ni Daniel noon, gulong gulo ako. Napapaisip kung saan ako nagkulang? Anong mali ko? Masaya naman kami pero bakit siya umalis? Hindi ko maintindihan.

Nawala ako noon. Lumubog sa alaala naming dalawa at halos ayaw nang gumising sa panaginip kung saan kasama ko siya.

I was lost on my memories of him. At naiisip ko kung iniisip niya rin ba ako o ang mga anak namin? Kailan siya babalik? O babalik pa nga ba talaga siya?

Nasaktan ako ng sobra sobra noon at nahirapan dahil dalawang bata ang umaasa sa'kin. Kailangan kong manatili sa matinong pag-iisip kahit minsan ay natatalo rin ng lungkot...pero kinaya ko. Pilit kong kinaya dahil kailangan ako ng kambal..lalo na ni Maximo.

Sa dalawa, si Maximo ang sakitin at mas kailangan ng atensiyon. Si Maxine naman kahit bata pa lang ay parang marami na siyang naiintindihan. Hindi ko siya minsan nakitaan ng inggit sa tuwing mas pinaglalaanan ko ng pansin si Maximo...siguro kasi sobrang bata niya pa talaga. Siguro gano'n nga.

Ang mas nakadurog lang lalo sa puso ko noon ay ang sabay na pagkamatay ni Mama at Maximo. Ginawa ko naman lahat para hindi mangyari 'yon pero traydor ang tadhana. Sinisisi ko ang sarili ko sa mga pagkukulang ko pero ayokong mas lumubog kaya humanap ako nag masisisi, humanap ako ng mapagbubuntungan ko ng galit para hindi ko kamuhian ang sarili ko. Sa halip ay namuhi ako sa lahat ng Dela cruz at Laxamaman. Nasisi ko rin si Daniel.

Hindi naisip na wala naman siyang ginusto sa mga nangyari dahil sarado ang isip ko noon. Hindi ko naisip na mas higit siyang masasaktan dahil hindi man lang niya nayakap o nakita si Maximo. Tanging sa litrato na lamang niya naabutan ang anak namin. Bakit kasi napakalupit ng tadhana, ano?

"A-Asawa ko..."

Nilingon ko siya nang bigla siyang gumalaw sa tabi ko. Suminghap siya at sinapo ang ulo.

Mabilis naman akong bumangon at kinuha ang gamot niya. "I-I'm here......" Bulong ko sa kaniya habang inaalalayan siyang uminom. Nilunok niya 'yon kaagad at patuloy pa rin sa pag-inda ng sakit sa ulo niya. "Sabihin mo lang kung g-gusto mong dalhin kita sa o-ospital..." Alalang sabi ko habang pinagmamasdan siyang nahihirapan.

"I-I'm...fine..."Nahihirapang sagot niya.

Tumango lang ako at niyakap siya. Inantay ko na umepekto ang gamot sa kaniya at mawala ang sakit ng ulo niya. Mariin akong pumikit.

"How's Maxine?" Tanong niya matapos mahimasmasan. Nakasandal siya sa headboard ng kama at hinihilot ang sintido.

Hindi na daw masyadong masakit ang ulo niya. "She will be fine." Sabi ko.

"I'm worried about her....." Aniya.

Tinitigan ko siya. "She can do this, Daniel." Hindi ko rin pababayaan si Maxine. Kakayanin naming dalawa ito.

He sighed heavily. "Plano ko talagang dalhin siya kay Maximo para na rin malaman ko kung ano ang nasa i-isip niya. And you know what she said?" Malungkot niya akong tiningnan. "She knew...that I'm dying. She cried to m-me. And when she b-beg me to stay I-I broke. Ang sakit sakit na makita siyang gano'n. H-Hindi niya naman kailangang magmakaawa na huwag ko siyang i-iwan kasi....kasi k-kung may choice lang ako? Hindi ko kayo iiwan. I'll stay if...only I can. I love her so much as much I love you. And it h-hurts me seeing her cry. Pakiramdam ko wala akong kwentang ama kasi nahihirapan ang anak ko! Nand dahil sa'kin....hindi na siya makatulog ng maayos sa gabi. A-Ang bata bata niya pa para maranasan 'tong l-lahat. I m-made my girl suffer....and s-she...." Nilingon niya ako. Puno ng lungkot at luha ang mga mata. "S-She reminds me of you. Sa tuwing tinitingnan ko siya, nakikita kita. The way she cried. The way she beg. The sadness in her eyes. Her pain. I saw them in you too...everyfuckingday. And It haunted me. I don't k-know if I can go in p-peace.....knowing that you will both suffer. I-I'm scared. She's just a baby....h-hindi siya kasing-lakas mo, Asawa ko. At natatakot ako na baka hindi niya kayanin...."

Pumatak na rin ang mga luha ko. "Kakayanin niya. She will always h-have me. A-And maybe...may ibang plano ang Diyos. B-Baka bigyan niya pa tayo ng....c-chance." Hikbi ko. Niyakap ko siya at binaon ang mukha sa leeg niya."Daniel, I'm scared too. I'm scared of losing you...b-but what can I d-do? Wala rin akong m-magawa para iwasang masaktan ang anak natin. K-Kaya kong maging matapang pero h-hindi ako sigurado kung hanggang saan ang k-kaya ko para harapin l-lahat ng nangyayaring 'to......I love you so much that it hurts seeing you in pain....I love you so much that I can't let you go.....that easily..."

"Shhhh....I'm so sorry...for bringing you s-so much pain..."

"N-No.....I'm sorry for loving you too much. Daniel, Okay l-lang kung paulit-ulit mo akong saktan.....titiisin ko....just please....can you s-stay with u-us?"


Hello! Sorry sa matagal na update 😊 I hope magustuhan ninyo💖 Hindi ko na 'to binasa bago i-publish kaya kung may error, pasensiya na HAHAHA

Kindly like this chapter, comment your thoughts and if okay lang paki-recommend naman stories ko sa mga kakilala ninyo HAHA beke nemen 🤣 Thankyou guys! Don't forget to follow me!

Kung may gusto kayo sabihin, feel free to private message me para masagot ko po. Sa comment naman sumasagot ako pero hindi ko kasi minsan nakikita sa sobrang daming notif.

Thank you po sa mga nagbabasa! I love you all 😘

Ps: KINDLY FOLLOW ME ON MY INSTAGRAM ACCOUNT @Senyoritanovee

—Active rin po ako doon. Feel free to message me. Enjoy! 💖

Continue Reading

You'll Also Like

26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
279K 15.4K 38
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
2.9M 104K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...