The Last Stop (Completed)

By Dominotrix

187K 4.2K 1K

Si Sophia Velasco, 40 years old and still single. Ito na ang huling biyahe niya kung gusto niya pang makabin... More

Unang Kabanata: Sophia Velasco
Ikalawang Kabanata: Si Sophia Velasco, 40-year-old Virgin
Ikatlong Kabanata: Si Sophia Velasco, Ang butihing Chat-Girl
Ika-apat na Kabanata: Si Sophia Velasco, Ang Reluctant Cougar
Ikalimang Kabanata: Si Sophia Velasco at si Gil Velasco
Ika-anim na Kabanata: Si Sophia Velasco, Denial Queen
Ikapitong Kabanata: Si Sophia Velasco, Puro na lang si Sophia Velasco
Ikawalong Kabanata: Sa Likod Ng Ngiti Ni Joseph Valle
Ikasiyam na Kabanata: Si Mysty Siya, Si Mysty Ako. Sino ba si Mysty?
Ikasampung Kabanata: Concerned o Selos?
Ikalabing-isang Kabanata: Imbestigador
Ikalabindalawang Kabanata: Sa Ngalan Ng Ina
Ikalabintatlong Kabanata: White Lies
Ikalabing-apat na Kabanata: Ang Mabilis na Pangyayari
Ikalabinlimang Kabanata: Paglisan
Ikalabing-anim na Kabanata: Akin lang si Joseph
Ikalabingpitong Kabanata:Mahal Mo, Mahal Ko
Ikalabingwalong Kabanata:Himala
Ikalabingsiyam na Kabanata: Maghihintay Ako
Ikadalawampung Kabanata:May Puso Si Mrs. Valle (Saging Siya)
Ika-21 Kabanata:Linlangin Mo
Panimula sa Pangalawang Arko:
Ika-22 Kabanata: Tuloy Pa Rin
Ika-23 Kabanata: Si Mr. Tisyu
Ika-24 na Kabanata: J.E.V.
Ika-25 Kabanata: Bakas ni Mr. Valle
Ika-26 na Kabanata: Father Figure
Ika-27 Kabanata: Ang Nalalaman ni Joey
Ika-28 Kabanata: Kape at Gatas
Ika-29 na Kabanata: Lihim
Ika-30 Kabanata: Ang mga Antonio
Ika-31 Kabanata:Kumusta? Paalam, Ama.
Ika-32 Kabanata: Ang Paghaharap
Ika-33 Kabanata: Ang Nagbabalik, E.J.V.
Ika-34 na Kabanata
Ika-35 kabanata
Ika-36 na Kabanata
Ika-38 na Kabanata
Epilogue
Author's Note

Ika-37 Kabanata

3.4K 62 7
By Dominotrix

Inabot ni Sophia ang kanyang laptop.  Nagsimula siyang magtype ng kanyang mensahe kay Joseph.

Mysty:  Dadating ako

Pipindutin na sana niya ang send pero sa huli ay diniinan niya ang backspace at binura ang mensaheng iyon.  Sinara niya ang laptop na gulong-gulo ang kanyang isipan.  Inikot niya pabalik-balik ang kwarto, hindi siya makapag-isip ng maayos.  Matapos iyon ay bumalik siya sa pagkakaupo at muling bumuhos ang kanyang luha.  Humiga siya at kinuha ang kanyang kumot at nagtalakbong. 

.......

Kinaumagahan ay agad niyang tinext si Diosa, ito lang naman ang nahihingahan niya ng sama ng loob.  Para bang karugtong na ng buhay niya ang buhay ni Diosa.  Matapos niyang mai-send ang maikling mensaheng iyon ay tumunog ang kanyang phone.

“Hello, Norman?”

“Okay ka lang ba?” tanong ni Norman kay Sophia

“Hindi.”

“Sige pupunta na ako diyan.” Binaba ni Diosa ang phone at dalidaling inayos ang sarili niya. Tinangal niya ang uniform na apron at nagbilin ng maikling mga paalala kay Mamu at Robert.  Matapos iyon ay agad din siyang umalis.

Ilang sandali pa at narating na niya ang bahay nila Sophia.  Nasa pintuan pa lamang siya at hindi pa kumakatok ay binuksan na agad ni Sophia ang pintuan at niyakap ang kaibigan.  Narinig siguro ni Sophia ang tunog ng sasakyan na huminto sa harap ng bahay nila.  Mahigpit ang yakap ni Sophia na iyon. Damang-dama ni Diosa ang hapdi ng kalooban ni Sophia sa higpit nang pagkakayakap nito.  Matapos iyon ay humagulgol si Sophia, niyaya na ni Diosa na pumasok sa loob at baka marinig pa ng mga kapitbahay.

“Gaga sa loob tayo mag-drama, ‘yung yakap mo sa akin baka mapagkamalan pa akong tomboy.  Masira pa ang image ko.”

Sinara ni Diosa ang pinto at niyaya sa upuan si Sophia para doon sila mag-usap.

“Bakit ba?” tanong ni Diosa dito

“Naguguluhan ako.” Tuloy lamang sa paghagulgol si Sophia

“Saan?”

“Kasi kahapon nagkita kami ni Joseph.  Sinabi niya sa akin na sa date namin ng Papa niya sa Friday magpo-propose sa akin si Joey.” Kwento nito.

“Oh tapos, Sa lahat naman ng tatanggap ng proposal, ikaw ang drama queen.  Imbyerna ka, nang-iingit ka lang yata.” Inis na sabi ni Diosa

“Sandali, makinig ka muna.” Pigil nito sa kaibigan. “Kasi sabi ni Joseph, hihintayin niya rin ako sa Bristol, kapag dumating daw ako magpapakasal kami agad.”

Nanlaki ang mata ni Diosa sa kwento ng kaibigan.  Kinilig ito na parang may halong pagkainggit.  Buti pa si Sophia dala-dalawa ang nakahandang magpakasal samantalang siya ni isa wala.

“Oh eh bakit ka umiiyak?  Ang OA mo!  Pumili ka ng isa para matapos na ang lahat.” Payo nito kay Sophia

“Sino ang pipiliin ko?” tanong nito sa kaibigan dahil kahit siya ay wala pang desisyon.

“Kung ako ang tatanungin mo, syempre sa mas bata, makatas, mas matigas....ang paninindigan.”biro ni Diosa sa kaibigan, umaasa na ngingiti ito pero hindi ito ngumiti.  Tinapik nito sa hita ang kaibigan at nakipag-usap ng masinsinan. “Friend, ikaw lang naman ang makakasagot sa tanong mo.  Sino ba ang mas mahal mo?  'Yung tao na hindi mo na kailangan ng dahilan para mahalin.  Kasi sa tuwing maghahanap ka ng dahilan, dadating ang panahon na magbabago ang dahilan na iyon at mawawalan ng saysay ang lahat.” Payo nito sa kaibigan.

“Pero hindi ko kayang saktan si Joey.”

“So, si Joseph nga ang mas mahal mo.”

Hindi sumagot si Sophia sa sinabing iyon ni Diosa.  Iniwas niya ang kanyang mga mata.  Bukas ay biyernes na at kailangang magkaroon na siya ng desisyon.

Maghapon silang nag-usap ni Diosa pero hindi iyon nakatulong na pagaanin ang kanyang nararamdaman.  Lalong gumulo ang isipan niya dahil sa pinagsasasabi ni Diosa na parang hindi naman siniseryoso ang kanyang kwento.

Pag-uwi ni Diosa sa may coffee shop ay nadatnan niya ang isang pamliyar na mukha.  Si Joseph iyon at tila may hinihintay.

“Diosa!” masayang bati nito sa kanya

“Bakit nandito ka?” pagtatakang tanong ni Diosa dito.

“May hihilingin ako sa iyo, pati kila Mamu.” Agad na sabi nito.

“Ano namang hihilingin mo?  Kung katawan ko iyan ibibigay ko kaagad sa iyo, lalo na after kong malaman kay Sophia na malaki pala ang ano mo.”

“Ang ano?” nakakunot ang noo nito na parang hindi gusto ang sinabi ni Diosa

“Ang dibdib.  Ikaw naman naka-react ka kaagad.” Biro nito kayJoseph.  “So ano na palang hihilingin mo?”

“Gusto kong dumating kayo bukas ng gabi sa Bristol.” Wika nito sa kausap

“Bakit?” nagkunwaring walang alam si Diosa sa mga mangyayari bukas.

“Kasi ikakasal ako kay Sophia bukas, pero sa judge lang muna.  Saka ka na magpatahi ng gown mo.” Sabay tawa nito na parang na-eexcite.

“Dadating ba siya, di ba may proposal din ang Papa mo sa kanya.  Paano kung Papa mo ang piliin niya?” nadulas ang bibig ni Diosa at nasabi ang bagay na iyon.

“Alam mo na pala.” Ipinagkibit balikat lamang ni Joseph ang bagay na iyon. “Darating siya.  Alam kong darating siya.” Kampanteng sabi ni Joseph

“Papaano kung hindi?” usisa pa rin ni Diosa

“Eh di tayo na lang ang ikasal.” Biro dito ni Joseph.

“Sabi mo yan ha.  Hindi ako tatanggi diyan.” Sumakay na rin sa biruan si Diosa

“Sinabi ko na rin kila Mamu, magkita-kita na lang tayo bukas ng gabi.  Pero h’wag niyo muna sanang sabihin kay Sophia.” Pakiusap ni Joseph sa mga ito

...............

Kinabukasan ay maagang nagising si Sophia, hindi naman talaga siya gaanong nakatulog dahil wala pa rin siyang desisyon hanggang ngayon.  Nagtimpla siya ng kape at pumuwesto sa mesa ng nakatunganga.  Maya-maya ay bumangon na si Mamu at lumabas sa kwarto. Naabutan niya si Sophia na nasa labas at nakatulala.

Hindi pa rin sila nag-uusap na mag-ina matapos nang may nangyari sa kanila ni Joseph.  Masama pa rin ang loob ni Mamu sa kinilos ng anak na para bang hindi nag-iisip.  Pero nang malaman niya ang kalagayan nito ay nahabag siya.  Sa huli ay nilunok na lamang niya ang pride niya at kinausap si Sophia.  Kumuha siya ng isang tasty bread at pinalamanan iyon ng peanut butter at iniabot iyon kay Sophia.

“Mamu hanggang ngayon alam niyo pa rin ang paborito ko.” Ani Sophia

“Noong bata  ka, hindi bale nang walang kape basta may pandesal lang tayo at may palaman na peanut butter.  Kapag wala, hindi ka na lang mag-aalmusal. Natatandaan mo pa ba ‘yun?”

Nangilid ang luha ni Sophia sa pag-alala nila ni Mamu sa sandaling iyon na napakasimple ng buhay. “Bubuksan ko pa ang pandesal noon para siguraduhin kung peanut butter nga ang nasa loob.  Kasi minsan niloko niyo na ako at nag-iiyak ako nang malasahan ko na hindi peanut butter ang palaman.”

“Walang iba kung hindi peanut butter lang.  Sana pwede mong masabi ngayon ulit na isa lang ang gusto mo at isa lang ang magpapaligaya sa iyo.  Kasi noong bata ka sigurado ka sa mga gusto mo.  Ano bang nangyari at nagbago iyon?”

“Kasi nagsimula akong magmahal?”

“Anak sa pagmamahal, isa-isa lang.  Kapag dalawa ang minahal mo, mapapagod ang puso at bibigay.  Masasaktan ka at ang mga nasa paligid mo.” Payo dito ng Ina.

“Sino bang dapat kong piliin?”

“Sino nga ba ang dapat mong piliin?  Alam kong alam mo na ang gusto mong sagot.”

“Pero iyon ba ang tamang sagot?”tanong nito sa Ina

“Ang pag-ibig ay parang giyera, hindi mahalaga kung sino ang naiiwan at natalo.  Ang mahalaga ay ang nanalo.  Hindi ko sinasabing tama ang nananalo, pero iyon ang basehan sa giyera.” wika ni Mamu sa anak

“Kailangan ko nang mamili.”

“Akala ko ba nakapamili ka na noong una?  Bakit nagdadalawang isip ka ngayon?” tanong ni Mamu

Nag-isip ng malalim si Sophia.  “Alam niyo Mamu, noong teenager ako ang gusto ko gwapo, matangkad, magaling kumanta, kulay Pilipino.  Ang haba ng listahan ko noon sa ideal na lalaki. Tapos noong naging college ako, nabawasan.  Gusto ko na lang yung mature at may sense of responsibility.  Nitong tumatanda na ako sabi ko kahit ano na lang basta may dumating susunggaban ko.” Sabay tawa ni Sophia at Mamu pero parehas nang nangingilid ang luha nila. “Malay ko bang kung kailan hindi na ako choosy sa lalaki ay saka pa dadating ang mga ideal kong lalaki.”

“Kasi nga maganda tayo.” Tumayo si Mamu at kumembot para mawala ang pagka-seryoso ng usapan.  Kung ipagpapatuloy pa kasi nila iyon ay baka siya maiyak.  Pagkatapos noon ay hinawakan niya ang balikat ng anak. “H’wag kang gagawa ng desisyon na pagsisisihan mo buong buhay.  Kapag sa dibdib mo, pakiramdam mong mali, talikuran mo at puntahan mo ang tunay na gusto mo.” Tumalikod na si Mamu ay pumunta sa banyo.  Nagsimula na itong mag-ayos para pumasok sa coffee shop.

..........

Kinagabihan ay binuksan ni Sophia ang kanyang cabinet.  Tiningnan niya ang kanyang mga susuotin.  Kahit yata sa mga damit niya ngayon ay nahihirapan siyang mamili.  Sa huli ay kinuha niya ang simpleng puting bistida na may maliit na embroidery at iyon ang sinuot.  Humarap siya sa salamin at naglagay ng manipis na make-up.  Inilugay niya ang kanyang buhok at nagsuot ng pearl earrings.

*Wala nang atrasan ito Sophia.*wika niya sa kanyang sarili.

Kinuha niya ang kanyang bag.  Inilagay niya ang kanyang phone sa loob nito at tiningnan kung may pakete pa siya ng tissue sa loob.  Bakit ba ganito ang pakiramdam niya? Parang hindi siya nasasabik sa maaring mangyari.

Matapos niyang masigurado na wala na siyang kailangan ay lumabas na siya ng bahay at kinandado ang pintuan nila.  Nagprisinta sana si Joey na susunduin siya ngayong araw pero sinabi niyang  h’wag na lamang.  Kahit hanggang ngayon ay wala pa siyang desisyon.  Papara siya ng taxi at saka na lamang mag-iisip kung saan niya papatakbuhin ito.

“Taxi!”  pumasok si Sophia sa likuran ng taxi.

“Saan po tayo Ma’am?” tanong ng driver pero wala siyang maisagot.

“Pwede bang paandarin mo na lang muna ang sasakyan at sasabihin ko na lamang mamaya kung saan tayo pupunta?” pakiusap niya sa driver

Kahit hindi malinaw ang pagkakasagot ni Sophia sa taxi driver ay pumayag na rin ito.

Malalim pa rin ang iniisip ni Sophia.  Papatakbuhin ba niya ang sasakyan papunta kay Joey o papunta kay Joseph?

..................

Abala si Mamu at Diosa sa pag-aayos sa Bristol.  Ang restaurant kanina ay nagagayakan ng mga puting mga bulaklak at makukulay na ilaw.  Maya-maya pa ay dumating na si Joseph na nakapang-Amerikana at maayos na maayos ang buhok.  Nandoon din si Cecilia na halatang hindi natutuwa sa naisip ni Joseph.

“Balae!” bati ni Mamu kay Cecilia

“Wala pa.  H’wag umasa at baka mapurnada pa.”

Inirapan siya ni Mamu at hindi pinansin.  Nilapitan nito si Joseph at sinuri ang suot. “Ang gwapo ng magiging manugang ko.”

“Salamat po.”

“Anong oras na ba?  Anong oras ba dapat dumating si Sophia?”

“Mamaya-maya lang ho siguro nandito na siya.” Kampanteng sagot ni Joseph.

.................

Si Joey naman ay kanina pa rin naghihintay sa Le Dali.  May ilang tao sa loob pero hindi iyon katulad ng ibang araw kung saan marami ang parokyano. Nilapitan siya ng isang waiter para tanungin kung ready na ba siyang umorder pero  sinabi niyang wala pa ang kasama niya.

Tiningnan niya ang kanyang relo at nakitang huli na si Sophia sa tinakda nilang oras.  Hindi naman nahuhuli si Sophia sa usapan nila.  Madalas nga ay nauuna  pa ito dahil ayaw siya itong pinaghihintay.  Lumabas siya ng restaurant dahil hindi na siya mapakali sa kanyang nararamdaman.

..................

“Ma para na!” wika ni Sophia sa driver.  Nag-abot siya ng 500 na buo at hindi na niya kinuha pa ang sukli niya.  Kabayaran iyon sa pagsakay ng mamang drayber sa toyo ng utak niya.

Dahan dahang naglakad si Sophia papunta sa bukana.  Matapos iyon ay naglakad siya patungo mismo sa restaurant.  Huminto pa siya sa fountain at pinagmasdan iyon na parang inaaliw ang sarili.  Pagkalipas ng ilang sandali ay nagpatuloy na siya sa paglalakad.  Nakatungo siya sa lupa at parang walang kagana-gana nang narinig niyang may tumawag sa kanya.

“Sophia!”

Inangat ni Sophia ang kanyang ulo at binati ang pamilyar na boses.

“Joey!”

Continue Reading

You'll Also Like

668 76 14
[gayxgirl] Insecurity-filled Reeya has been wearing a mask eversince forever just to hide her "defective" self. *** Reeya is totally different from w...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
13.9K 417 52
Highest Ranking #112 Architecture ARKITEKTA GIRLS # 1 Autumn shows us how beautiful it is to let things go..... Iselin Sana Torre is a kind of girl n...
238K 6.4K 48
Napagdesisyunan ni Cheyenne na kumawala na sa rehas ng kanyang kwarto at ospital kung saan nauubos ang kanyang oras sa pagpapahinga at pag-inom ng mg...