Zombie Outbreak: Rise of the...

بواسطة Nixzelle_03

8.9K 439 86

Science and Technology is at their peak at our generation. Using this, we create innovations and different us... المزيد

PROLOGUE
ZOROTU 1
ZOROTU 2
ZOROTU 3
ZOROTU 4
ZOROTU 5
ZOROTU 6
ZOROTU 7
ZOROTU 8
ZOROTU 9
ZOROTU 10
ZOROTU 11
ZOROTU 12
ZOROTU 13
ZOROTU 14
ZOROTU 15
ZOROTU 16
ZOROTU 17
ZOROTU 18
ZOROTU 19
ZOROTU 20
ZOROTU 21
READ BEFORE PROCEEDING
ZOROTU 22
ZOROTU 23
ZOROTU 24
ZOROTU 25
PART II: Special Chapter
ZOROTU 26
ZOROTU 27
ZOROTU 28
ZOROTU 29
ZOROTU 30
ZOROTU 32
ZOROTU 33
SPECIAL
ZOROTU 34

ZOROTU 31

104 7 7
بواسطة Nixzelle_03

CHAPTER 31:
Friendship Sisterhood


Cassidy's PoV

"Shush. Go and sit tightly." Ang siyang mandar ng isang lalaking mukhang black american. Sobrang matipuno nito at matangkad. Perfect example of Hot and Bulky. Sa simpleng salita, yummy.

Ps, don't tell my father. He will surely wring my neck. Super conservative pa naman ng parents ko.

I can see different people in front of us. There are at least five of them. The most catchy thing is, they look like foreigners. Halos hindi masyado mahahalatang may dugong pilipino sila.

"Cassidy, mauna na kayo nila Flaire." Utos sa akin ni Emerald. Hindi ko na siya tinatawag na kuya kahit mas matanda siya ng dalawang taon. It's awkward and I don't think he cares.

It's just honorifics after all. Balewala iyon kung hindi ko siya tunay na ginagalang sa gawa at isip.

Sinunod ko yun at maingay na sumakay sa bangka. By the way, may isa pang parating na bangka. They must have figured out that there are too many of us to fit in just one boat.

Inabot ng isang lalaking may blonde na buhok ang kamay niya para alalayan akong pumasok. I gladly accepted it and smiled. He looks very familiar.

Halos namangha pa ako nang magkatinginan kami. His eyes are the lightest hue of gray that when the peeking sun shines, it's as if it turns light blue! Aside from his hair and eyes, he's also fair. Not as fair as I am or the other girls, but more fair than average looking boys.

"Lakad na. Kabagal." Halos matalisod ako nang may bumundol sa likuran ko. Kinunutan ko ng noo si Azazel na nakasunod sa akin.

Aba, sumingit pa ang isang ito. "Masakit yun ah." Kastigo ko at nauna na. Umupo sa tabi ko ang lalaki pero hindi ko na siya binalingan. Anong nakain niya? He's not usually crude.

Instead, I checked if Eunzie and Flaire is following me. I saw them sitting behind us. They look fascinated at the turquoise water as they dip their hands in it.

Sunod kong nakita ay umupo sa likod nila si Hezekiah at Hyacinth kasunod si Kairos, Kaius at Karius. We balanced the boat as the other three strangers maneuvered it.

Sa kabilang bangka ay si Amara at ang babaeng may pulang wavy hair. Btw, its natural. She's a red head.

Nandoon din ang kawawang si Steel, tapos sina Emerald, Bullet, Crimson, at Fire. And again, other strangers too.

Halos payapa ang paglalayag namin nang mapansin kong may tumayo sa kabilang bangka. Me, along with the others here in our boat watch the other boat to figure what was happening.

"It's getting intense." Parang nag-eenjoy pa si Flaire sa nakikita niya.

Magalaw ang bangka sa kabilang grupo. Maalog yun tapos malilikot pa sila. Aren't they scared?

Sa kabilang bangka kasi ay mukhang nagtatalo pa rin si Amara at yung isang babae. Seriously, we need to know that girls' name. Alangan namang tawagin namin siyang 'babaeng may pulang buhok' sa buong durasyon ng kuwento?

I can hear their loud screaming voices. Sunod ay nagtulakan na nga sila sa bangka. At sa kinangiwi namin ay muntik bumaliktad ang bangka nila. Malas pa, nakatayo sila kaya ayun at sila lang ang nahulog. Hay naku, ewan ko sa kanila.

Nang umahon ang nga ulo nila na akala mo ay mga itlog, basang sisiw sila. They look hilarious that most of us laughed.

Nakita ko pang nagturuan ang dalawa. Siguro, nag-aasaran o nagsi-sisihan sila. Pero sa huli ay nagtawanan na rin sila at nag-babasaan lang. Mabuti at marunong sila lumangoy. Ang lalim na kaya namin.

"Tsk, mas maganda kapag sabay silang nalunod. Diba Flaire?" nanggaling ang mga salitang yan kay Hyacinth. Tumango tango naman si Flaire na todo agree.

Nakita ko nalang na napailing si Kaius sa usapan ng mga kasama namin.

Sinaway din naman sila ni Hezekiah. "Huy, wag nga kayong ganyan!" She said and dinugtungan ko rin yun.

"Mamaya sa inyo yan mangyari, sige." Ako na bahagyang pumihit patalikod para tignan sila.

"Karma's a bitch." Sabat ng lalaking Black American na kasama namin. Grabe, ang dami talagang gwapo. Parang naghugis puso ata yung mata ko ng ngitian ako ni kuya. Hoho.

Naputol lang yung paga-admire ko sa handsomeness ni kuya nang marinig ko ang boses nila Amara. I can hear them arguing on who's first. Nagawa pa talaga nilang mag-race palangoy sa malaking yate eh.

Then they received some ropes. Habang kami naman ay binabaan din nila ng malalaking tali. The males tied it to the both sides of the both. Maya maya pa ay naramdaman kong unti-unting tumaas yung bangka namin. Hinihila kami pataas ng makina. Although hindi naman kami nagsu-sway, pakiramdam ko parang aalog at mahuhulog kami.

Letse talaga!

Kumapit nalang ako sa bisig ng katabi ko. Si Azazel. Humawak ako sa braso niya tapos dumikit sa kanya. Hindi niya naman yun pinansin kaya sa tingin ko ay ayos lang.

The whole time na nasa ere na kami at pataas ng pataas ay nakapikit na yung mata ko. Mahigpit ko nalang na hinahawakan yung braso ni Azazel. Sometimes, I would squeeze his arms every time our boat will move like its gonna drop or shake.

"Baba ka na." Tawag ng isang boses sa akin. Nag-sisibabaan na pala sila at ka-pantay na namin ang yate sa taas.

Humawak ako sa kamay ng lalaking nasa gilid ko at bumitaw ako kay Azazel. He carefully assisted me on going down. Pagkababa ko ay nakasunod si Azazel sa likod ko at dala niya ang ibang mga gamit namin. Inaabot nila ito at pinapasa.

Nang sa wakas ay nakalayo na ako sa balustre ng yate ay nakahinga ako ng maluwag. I can even feel my cold sweat trickling on my body and forehead. Tapos na dapat ang paghihirap ko pero narinig ko ang pamilyar na boses na gaya ko ay halatang may pinagdadaanan din.

"Saglit!" angal ni Minerva sa kabilang bangka. I know its her. Sa ilang araw naming magkasama, pamilyar na ako sa boses niya. Pati na rin ang mga hinaing at kaartehan niya. Paano ba naman kasi, walang gusto sumama sa kanya maliban sa'kin.

Lumapit ako sa lumalabyog pa nilang bangka. Alanganin akong dumukwang at naglahad ng kamay sa kanya na agad niyang tinanggap.

Binitawan niya ang kamay nung estrangherong lalaki tapos ang akin ang inabot niya. Medyo malayo ang bangka sa mismong yate pero pikit mata niya iyong tinalon.

Ano ba yan! Natutuwa ako kasi ako ang pinili niya kesa sa isa pang lalaking nag-abot din ng tulong sa kanya pero grabe naman!

I was left to shoulder her weight. Sinubukan ko siyang saluin pero mas malakas ang momentum niya kahit pa pinilit kong patatagin ang paa ko sa kinatatayuan ko. Sa ikinaawang ng labi ko ay impit akong napasigaw nang humandusay kami sa lapag ng yate. Para kaming tanga!

"Austin!" isang malakas din na sigaw ng isang babaeng nasa malayo at nanonood sa amin.

Ang lalaking Austin ang pangalan ay nagmamadaling tumalon din para puntahan kami. But, unlike us, he gracefully landed. Siya yung guwapong Black American na tinutukoy ko kanina! Ang tangkad niya talaga! Yung muscles din grabe!

Kasabay ng pag-alalay ni Austin kay Minerva na dinadaganan ako ay may humawak sa ulo ko at inalalayan ako paupo. The colliding bodies awhile ago made me dizzy. Parang naubusan ako ng lakas kanina na ngayong may umaalalay sa'kin ay parang mapapahiga pa rin ako. Kaya ang nangyari, ay pinasandal ako ng taong iyon sa braso at dibdib niya.

I looked up to see who it is. I was almost knocked out of my breath when I saw Azazel's familiar face.

"Ah! Sorry!" Parang nag hyperventilate ako ng mga oras na yun. I clawed the ground and pushed myself to bear my weight pero ang bigat ko! Pasan ko ba ang mundo?

"It's okay. Don't push yourself." he said nonchalantly. Ako pa ang nahiya sa aming dalawa.

Wait? Akala ko ba galit siya ulit? Nagsusungit ito kanina ah! Bipolar lang? Ang gulo naman! Ewan ko sayo Azazel!

Hindi ko na yun pinansin kasi may isa ring humawak sa kamay ko. "Are you okay po?"

Doon ko nakita ang babaeng may kulay itim na buhok at may light brown doe eyes. May bangs pa siya sa noo at ang buhok niya ay nakalugay.

"Irish! Don't touch her! Baka bigla kang sakmalin!" saad ng isang boses din ng babae. Sunod niyon ay isang babaeng natitiyak kong kasing edad nina kuya Fire at ng Triplets.

Taliwas sa masamang sinabi niya sa'kin, hindi siya mukhang maangas o maldita. Instead, she reminds me of my mother's friend. The girl looks like a snob and silent but she have this concerned expression.

By the way, nasabi ko bang palapit sa amin ang babae na tinutukoy ko at para bang handa niya akong tapyasin sa hawak niyang palakol kung sakali nga na 'mananakmal' ako. Hinila niya ang mabait na dumalo sa akin, na tinawag niya na Irish. Cute name.

"Wow! Grabe ah, manakmal talaga? Don't worry, Cassidy won't hurt anyone. Compared to me, I have the chance to slice you off." Minerva bantered.

Nakatayo na siya at naka-cross arms pa. She flipped her hair. Looks like she regained her composure now.

"Ate tama na!" si Eunzie naman na lumapit sa amin. Sunod ay hinawakan niya ako sa kamay at hinila patayo. Doon ko lang na-realize na nakaupo pa rin pala ako! Nakakahiya!

"Tama na yan." A guy interrupted us. He have this thick accent and a different way of slang.

"Kuya Storm." si Irish yan, ang babaeng may doe light brown eyes.

Napatango ako sa narinig. By hearing them converse and listening intently, I can figure out their names.

"Don't you have shame? Fighting over trivial things when mankind is in peril?" si Storm. Ps, siya yung lalaki sa bangka, yung hot blonde!

"Stand down, Epiphany Emerley Arellano or I'll call Ephraim this instance." another voice blaired. Mas bata sa babaeng may hawak ng pala na tinawag nila, hindi ko na uulitin yung pangalan at sobrang haba..

She scoffed and walked out. Halos ganun ang nangyari nang sa wakas ay may adult na talagang nagpakita! Hindi na yung puro kami 14-19 lahat dito. Most of us are still immature, unreasonable and reckless. Kaya nga ang gulo namin eh.

"Magsipasok kayo." An older woman commanded. Ang kasama niyang isa pang babae ay lumapit sa kanya. I gasped seeing the familiar face with the adults walking toward us.

"Ni-ninong Tyler!" my eyes wide in shock. The adults just smiled. "Siya lang ba ang naaalala mo Cassidy?" tanong ng katabi ni Ninong.

I smiled too. "Sorry po Ninong Cloud and Ninong Theo. Ninang Stella, hello po." Lumapit ako sa kanila at nagmano. These adults were one of my parents' friends and they often visit us.

"Why dont we all go inside and continue our conversation? Mas komportable doon. And I see people with injuries." Ninang orated. Sunod ay nilapitan niya ako at hinila papasok.

Nahihiyang nilingon ko naman ang mga kasama ko. Nakahinga ako ng maluwang nang makitang nakasunod sila sa amin at bahagya ding nag-uusap.

"Let me see your hip." A younger girl demanded. Kausap niya si Karius na umiiling nang makita ang hawak ng babae na kit at base sa masamang titig niya sa alcohol, hindi ko na kailangang ipaliwanag pa.

"Kumusta ka? Ang laki laki mo na!" Si ninang at pinaupo ako. Napansin kong dinala niya kami sa mukhang clinic.

Bawat kama ay may kurtina na naghihiwalay doon na parang malilit na cubicle. Pumasok ako kasabay ng iba at pinaghiwa-hiwalay kami.

"Pasensiya na, kailangan namin suriin ng masinsinan ang katawan niyo para masigurong wala kayong kahit anong kalmot o kagat." Rinig kong anunsiyo ni Ninong Cloud.

Pero nakarinig ako ng protesta. Si Fire. "Anong ginagawa mo? Layuan mo nga ako? Huwag mo hawakan ang kapatid ko! Dito lang kami!" palag niya. Kahit pa nga hindi ko nakikita ay nasisiguro kong hindi nito hinayaang malayo si Flaire.

"Hmm, that's Flames' children. Nagmana sa kanya." si Ninong Theo na siguradong naga-ala frankenstein na naman. Unlike most of their bunch, si Ninong Theo ang hindi toned ang katawan. He's skinny but tall. Hindi siya nag-gym. But don't underestimate him, he's the brains. Superb ang talino ni Ninong.

"You need to calm down po! Hindi naman po kami mananamantala po. Ichecheck lang po namin ang katawan niyo po! Babae sa babae at lalaki sa lalaki naman! Wala naman malisya po!" Mahabang litanya ng isang boses. It sounded sarcastic. Maldita pa ang tono niya dahil sa kalakip na accent at slang ng pagsasalita niya.

Na-curious tuloy ako. Sumilip ako sa kurtina at nakita ang isang maliit na batang naka-kibit balikat na lumalaban ng tinginan kay Fire. The girl did not even flinch.

"Si Ava yan. Wag ka mag-alala. Ipapakilala kita mamaya." saad ni Ninong at pinabalik ako sa gurney.

Nag-umpisa akong maghubad ng sapatos at medyas. Sunod ay ang pang-ibaba ko at pang-itaas hanggang sa underwear nalang ang natitira sa'kin. I also lifted my hair and turn around. Pati talampakan at mga singit ko ay hindi pinalampas ni Ninang at sinuri niya talaga ang buong katawan ko.

"You're good. Pero anong nangyari sa Cuff bracelet mo? Ang ganda pa naman. Unique." puna ni Ninang.

I raised my arm to level my face and looked at my cuff bracelet. Indeed, it was ruined. May bakat ng ngipin doon at medyo naflatten at naiba na ang hugis ng mga arrows na kumpol.

I smiled. "I encountered a hybrid zombie Ninang. The moment I thought I'm gonna get bitten, this cuff bracelet saved me. Sayang at regalo pa naman ito ni Daddy."

"I'm glad you're okay then. Here, isuot mo na ulit ang damit mo. Gagamutin ko pa ang galos mo."

I started getting dressed. Tapos ay nilinis nga ni Ninang ang binti ko. Naka-ilang beses kasi akong nadapa kaya hindi maiiwasang magalusan ang balat. May mga gasgas nga din ako sa mga siko at kamay ko. Pati ang gilid ng baba ko ay nilagyan ng gauze dahil nagasgasan din iyon. Hindi ko lang pinagtuunan ng pansin dahil ano nga ba ang maliit na gasgas sa kamatayan o pagiging zombie diba? Malayo yun sa atay, ika nga ni Mommy ko.

"Aray! Ayoko niyan! Ilayo niyo sa akin ang alcohol na yan!!" atungal ni Karius. Hindi pa rin siya tapos. Sunod sunod akong nakarinig ng kalabog sa katabing pwesto na parang may nagrarambulan.

"Ano ba! Ang laki mo na tapos ang duwag mo! Umayos ka nga!" saway ni Kuya Kaius. Napangisi nalang ako sa bangayan nila. Hindi din pahuhuli ang ibang makukulit kong kasama.

Para bang lahat sila may angal.

"Pwede ba? Don't touch me!" si Min yan. Narinig ko pa ang buntong hininga ng babaeng kasama niya. "Pano kita magagamot kung hindi kita hahawakan?" rason niya.

Isa ding pasaway si Steel. "Ibaba mo muna kasi ang tablet mo. Wag kang malikot!" nafru-frustrate din ang nanggagamot sa kanya. Hindi naman lumaban ang lalaki at nanahimik lang. I remembered, may malaking sugat nga pala si Steel sa noo niya. Sana naman ayos lang siya.

"Tutal tapos na tayo, pwede bang kumain?" makapal ang mukhang pagtatanong ni Hyacinth. Naku naman.

"Let's go child. We'll continue our talk on the dining area. Magbreakfast muna tayo." - Ninang Stella.

I stared at her. The years made her more of a woman. As someone more matured and disciplined. Ninang is still approachable but she's not as playful as before. Man, getting older means getting more serious in life.

"Ninong Tyler!" tawag ko sa isa ko pang ninong at niyakap siya ng patagilid. Madalas silang bumisita ni ninong Theo, halos thrice a month. Kung hindi naman sila nakakabisita ay nagpapadala nalang sila ng regalo lalo na kapag birthday ko. Kung ganito ang mga Ninong mo, talagang imposible mo silang makalimutan.

"You're getting bigger and heavier." puna niya. He ruffled my hair then he pinched my cheeks.

"Czarina dear, lay those plates slowly." Sabi ni Ninang at nakita ko ang babaeng sinabihan niya nun. Lumapit naman sina Ate Hyacinth para tumulong.

Napaka-laki ng hapag-kainan tapos may mga stools pa sa mga gilid at parang bars. Then they started laying big aluminum trays filled with rice and food. Parang may okasyon at sobrang dami namin. Saka ko lang natanto yung ibang nakapaligid sa amin.

Halos manindig yung balahibo ko. There's a guy who looked so hopeless. Na parang wala ng pag-asa. There's a bunch of them holding dangerous weapons. May babaeng ka-edad pa namin na may hinahasang maliit na katana at nakangiti pang nakikipag-titigan sa akin. She looks like a Psycho. Some are just talking, using their smartphones, a nerd is reading an odd book and others. Meron silang kaniya-kaniyang ginagawa.

Pero kung mamasdan mo ang kabuuan naming lahat, makikita ang bumabakas na duming bumahid sa amin. We are all tainted. Those soulful eyes we bare are like crystal almost breaking and shining with unshed tears.

The next thing I felt was Ninong Theo's hands are holding my shoulder and leading me to sit down. Nagsi-sunuran naman sila. I shifted uncomfortably.

"Stop fidgeting." saway ni Minerva sa akin. That's when I became aware of our positions. And also, the eyes of the others, scrutinizing me. Awkward... Mas lalo akong nailang sa pagkakaupo. Hindi ko na alam saan ibabaling ang atensiyon ko.

Inaya nila kaming kumain and God! It was so awkward that I wanna hide! Pero yung mga kasama ko? Wala silang pake sa mga nangyayari at kain lang sila ng kain na parang wala lang. Feel at home!

Hindi ko kaya ang ganito!

"Eat more. So you can replenish your strength." Hezekiah murmured beside me. Tapos ay dinagdagan niya ang pagkain sa pinggan ko. Halos umangal pa ako nang sumandok siya ng madaming kanin. Nilagyan niya pa ng dalawang hotdog, isang sunny side-up egg, 3 ham at 2 bacon strip ang plato ko. Wala na akong nagawa kundi kainin ang nilagay niya.

Tapos may naglapag pa ng baso ng gatas sa tabi ng pinggan ko. Si Irish. Nahihiya akong ngumiti at nagpasalamat sa kaniya. Napansin ko rin na hindi lang pala ako ang binigyan niya. Yung iba pa ay may mga hawak na kape, tubig, gatas, chocolate drink o juice. Yayamanin naman. Iba iba pa kami ng inumin.

Nang matapos kami kumain ay pinapunta kami sa isang malaking kwarto at pinaupo sa mga upuan. By the way, the chairs are embedded on the floor so we can't move it. Nang masulyapan ko ang kabuuan namin, saka ko natantong marami-rami rin pala kami. Halos aabot ata kami sa tatlumpo lahat. Ayaw ko man pansinin pero nakakapanindig balahibo kapag sinasalubong nila ako ng tingin at nakakatitigan ko ang mga pamilyar nilang mukha at mata! Nasisiguro kong nakalaro ko sila noon o di kaya'y kilala ko ang magulang nila base sa nasabi noon nina Kaius.

Nauna nila ulit pinaliwanag ang nangyayari at ang mga tungkulin namin. Pa-ulit ulit na lamang yun pero nakinig pa rin ako. Bukod dun, naihayag na rin nila ang misyon at ang pangunahing layunin kung bakit kami humantong sa ganito. Ang layuning wakasan ang mga Zombies at iligtas ang mundo. Isa na sa advantage namin ay ang naging kasanayan namin sa isa o dalawang larangan na makakatulong na mabuhay kami at sa survival, nangangailangan din kami ng mga kasamahan. Simula palang ay sinulusyunan na agad ito ng mga magulang namin.

Pinanganak ako na madaming nakakasalamuha simula noon pero kailanman ay hindi ko iyon nakita bilang isang importanteng bagay. The importance of comradeship and our bonds.

Hindi man ako malapit sa kanila ay madami akong namumukhaan at may mga pumapasok na alaala sa isip ko. Alaala mula sa nakaraan kung saan maliit pa lamang kami.

Anak ako ni Chloe at Atticus. I'm Cassidy Eclair. The archer. Just like my mother.

Pero ito ang malaking katanungan. Sino ako at sino sila? Ano ang kaugnayan namin lahat at saan sila nagmula? Ano nga ba ang maiaambag namin sa isa't isa? Ano ang mangyayari sa pinagsama-sama naming pwersa?

Taimtim akong nakatitig sa bawat mukha. Nag-iisip.

"Mas mabuting kilalanin niyo na ang isa't isa. Bukas, matapos ang tanghalian ay tuluyan tayong dadaong sa Mindanao. Mag-uumpisa na ang madugong labanan. At... makikita niyo na ang mga magulang niyo." saad ni Ninong Theo. Halos lahat kami ay nagulat. Nabigla sa nalaman at nasabik sa muling pagkikita ng aming pamilya.

Nang matapos yung maikling pagpupulong ay hinayaan nila kaming magpahinga at lumibot sa barko. Tapos nakipagkilala na rin kami sa iba pa naming kasama. I'm telling you, super dami namin at nabigla pa kami nang malaman namin kung sino ang mga magulang nila. Ilan pa sa kanila ay talagang nakalaro ko nga!

Alam na naman natin sino ang mga magulang nila Amara pero hindi sa mga bagong kasama namin. Unahin natin ang lalaking mukhang gabay nila lagi. Si Kuya Blonde Hottie aka Storm Taylor. Anak siya ni Ninang Stella at Ninong Cloud. Inaanak ako nina Ninang kaya halos magkapatid na rin kami. Sayang, magkapatid kami kung sakali kahit hindi kami blood related. I heard that he's 19, gaya ni Azazel at Bullet. Sila na ata ang pinaka-matanda sa amin.

The doe light brown eyes is Irish Mendoza, she's Ninang Iris and Ninong Reese' daughter. She's 15. Habang ang babaeng pumigil sa kanya ay si Epiphany Emerley Arellano or Epiphany daw, anak ni Tita Wendy at Tito Ephraim, 18 siya. Wag kakalimutan si Jashlee Cortez, yung babaeng may pulang buhok na kaaway ni Amara at pareho silang 17. Anak daw siya ni Jasper at Lorraine. Sadly, hindi ko kilala yung parents niya so no comment.

Yung lalaki naman na nag-assist kanina ay si Aeon Sandoval. Lalaki siya at 16 gaya ko pero mahahalata mo ang pagiging magalang dahil sa papa niya na si Ninong Cyrus pero nakuha niya ang pagiging matalino ni Ninang Rei at ang hilig niya sa mga mystery cases at history. Ang babae naman kanina sa hapag ay si Czarina Siervo, 16 na anak ni tita Cyanderille at Ninong Atlas. Then si Austin Hidalgo na anak ni Shane at Ellyse, he's also 18.

Bukod sa kanila. Narito si Ava Vargaz, 15. Unlike us, para siyang nasa malaking team ng Emergency respondents na may dalang malaking emergency kit saan man siya magpunta. Buti nalang at de-gulong iyon. Btw, yung nanay niya ay si Tita Avi at si Tito Dash. Kung gaano ka-lambot ang features niya ay ganon naman ka-tindi ang titig niya gaya ng sa ina niya. Let's just thank the heaven kasi matino siya hindi gaya ng papa niya. Ninong Dash is responsible indeed but quite childish.

Then the untouchable Diesel Cox age 17, anak ni tita Kiana at Tito Calvin. Masyado itong isnabero at halos hindi ko pa narinig na magsalita ang lalaki. He was only introduced by one of his bubbly friends which I know very well. His friend is Vince muller, 17 din na anak naman ni Tita Venice at tito Chum. Their mothers are the best of friends. Pero ganun din ang nanay ni Ava at Aeon pero mas kakaiba si Ava dahil sa age gap nila habang talagang nerd si Aeon. And lastly, Xian Mercado, 16, who acts like a model even in the middle of the zombie outbreak.

Akalain mo. He approached us while wearing his Armani suit and his black Prada shoes. He's screaming money. Mapera din naman kami pero kakaiba ang level niya. Ang simpleng panyo ng lalaki ay nagkakahalaga ng 200USD dahil daw branded. He reminds me of tita Xiara while his dad is Ninong Kael. Naalala ko pa noon na nagpadala ng pasalubong si tita. Halos hindi bumaba sa 300USD ang bawat item na padala niya kahit simpleng panyo lang yun. Yung bag ko nga na bigay niya ay worth 600USD tapos yung Tiffany and Co earrings ko lang ay umabot na sa 750USD. Ako nalang yung napapagod sa pag-iisip ng bayad. Hay.

"Halika na Cassidy! Makihalubilo tayo!" Anyaya ni Hyacinth at hinila kami ni Minerva at Hezekiah. Lumapit kami sa mga babaeng naka-upo sa ilang kumpol.

The next thing I know, nag-uusap na kami na para bang matagal na kaming nagka-kilala. Sa buong araw ay lagi ko na silang kasama! But I noticed some who are really the closest.

Kahit na laging nag-aaway si Amara at Jashlee, yung babaeng may pulang buhok, ay kapansin pansin ang pagiging in sync nila. Mukhang nag-uumpisa na nilang makasundo ang isa't isa. The only reason why they clash is because they're competitive and hot-headed at the same time.

I also noticed the closeness between Eunzie and Irish. Nagkakasama na silang tatlo nina Flaire at narinig ko pa ngang tutuloy ang tatlo sa isang kwarto na may tatlong bunker eh. Sila kasi ang magka-edad halos kaya nagkakasundo sila.

Si Hyacinth naman ay napapalapit na rin kay Epiphany! Tapos magkakasama naman kami ni Czarina. Habang si Minerva naman ay naging interesado kay Ava surprisingly! Seryoso! Nag-uusap sila kanina!

Omg, my Icy Min. I'm so proud of you! Natututo na talaga siyang makihalubilo because of me. Nagiging friendly na siya at mas expressive and tame. This is courtesy of me na hinahawaan siya ng friendly vibes ko. I'm really so so proud! 🤧

Si Steel naman ay naka-sundo si Aeon. While the other boys bonded kasi sila ang magkaka-age. Oo lahat ng boys magkakasama dahil naglalaro ata sila ng billiards sa baba. Kami naman na girls ay nasa taas, sa balkonahe ng yate at magkakasama rin.

Guess what we're doing? Naglalaro kami ng uno! Yung card game. At kanina pa natatalo si Ava.

"Uno!" sigaw ni Jashlee nang isa nalang ang matirang card na hawak niya. As you guys can notice, we don't call them ate. Awkward kasi. Sina Eunzie, Flaire, Ava at Irish lang ata ang gumagamit ng ganun kasi sila ang pinakabata sa'min. They're 14 or 15 after all.

Hindi pa natatapos ang game. Matapos kumuha ng card ni Minerva ay sumigaw na rin siya ng uno. Habang ako ay may madami pang cards. Bwahaha pero may plano ako. Saglit pang umikot ang turns namin. Unang natapos sina Minerva. Nag-uno na rin sina Hezekiah at ang mga maliit na kulit except si Ava. Maya maya pa ay sa tingin ko, may 50+ cards na akong hawak.

When it was my turn. Naglapag ako ng card na kapareho ng nilapag nila. Sunod ay ang Change color na card na kulay yellow na wala sa hawak ko at ginamit ko ang exchange card.

Bwahahaaha. Hindi maipinta ang mukha ni Amara nang sa kanya ko ibinigay ang cards ko tapos yung dadalawa niya nalang na card ang napunta sa akin. Tapos mas nalukot yung mukha niya nang mapansin na walang kahit anong yellow na card dun sa binigay ko. She eyed me sharply. Sa sobrang talim ng titig niya ay pakiramdam ko masusugatan ako ng hindi niya hinahawakan.

"Walang hiya ka!" asik niya.

Hindi naman ako na-offend dun. Itinawa ko nalang. Lalo pa nang sa huli ay kahit naglapag na ng huling card niya si Ava ay punong puno pa rin ang hawak ni Amara.

Sobrang bilis lumipas ng araw. Sunod kong natanto ay tinatanaw na namin ang maliit na isla ng Lipata. Sa Surigao kami dadaong. Inabot kami ng ilang araw sa dagat dahil nag-long cut kami simula sa luzon at straight saka umikot sa Visayas para sa maliit na ukab ng daungan sa parte ng Surigao. Bakit nga ba sa Surigao namin napili dumaong? Madalas kasi ay malalaking barko talaga ng paglalayag ang bisita doon.

Isa pa, masyadong delikado sa tubig. The waters can be really treacherous. Halos atakehin kami ng kaba gabi gabi. Lalo na kapag lumalakas ang hampas ng alon at bahagyang gumegewang at tumatagilid ang barko. Kung sa Davao pa kami mismo dadaong, mas tatagal ang biyahe at tiyak na mas delikado. Our supplies are not enough.

Hindi niyo ba maintindihan ang paliwanag ko? Hayaan niyo nalang. Pero kung Curious kayo, maari niyo namang ihambing at tignan ang mapa ng Pilipinas. Tapos isipin niyo ang pinanggalingan namin at ang dadaungan namin habang sinusundan ang paliwanag sa itaas. Mas maiintindihan niyo kasi kapag ganuon.

"Handa na ba kayo?" Bulong ni Bullet sa amin. Ayaw ko mang pansinin pero napatitig ako sa napalalaking itak na hawak niya. It's a double machete. Yung common na nakikita natin lagi sa mga zombie movies.

Nasagot ang tanong niya ng malakas na sigawan. We roared, ready to engage. Rinig din ang mga pagkasa ng baril namin.

"Go!"

Tuluyan na kaming nagbabaan. Sa mismong daungan ng malalaking barko. But to our surprise, a van stopped in front of us. Pero hindi kami nun pinalapit. Sina ninang Stella ang naunang pumasok at nanatili lamang kaming nakatayo habang pinapanood sila.

"You have another mission. Survive for the whole week in different places.. As for us, we will wait for you in the base of Davao. We will cut all communications but we will still monitor you." Ang huling bulalas ni Ninong Theo bago siya tuluyang pumasok sa van.

As the door closed, I caught a glimpse inside the van. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang napakapamilyar na mukha. Isang mukhang halos aakalain niyong kakambal ko.

Ako lang ata ang nakapansin sa nangyari. I blinked. At nang magsimulang mabuhay ang makina ng sasakyan ay nagtatakbo ako palapit dito. The engine started and the van moved. Halos bayuhin ko ang bintana kung nasaan nakaupo ang nanay ko para buksan niya ang yun.

"Momma! Ma!" halos maiyak ako habang patakbong sinasabayan ang sasakyan.

To my surprise, she opened her window. "Momma!" I called my mother in relief.

Pero saglit lang yun. Inabot niya sa'kin ang isang may kalakihang long bag at biglaang hinalikan ang tuktok ng ulo ko. She smiled at me and looked straight into my eyes. Bumagal ang takbo ko. My eyes still glued to her. Lumayo ang sasakyan pero nakatitig nalang ako sa kanya. Unti unti na silang nawawala... Kumaway siya. Sa huli ay hindi ko na siya nakita.

I was shocked. My legs weakened. Napaupo ako sa maduming lapag. Sigurado akong si Momma yun... Oh my gosh!

"Cassidy! Siddy!" yugyog sa'kin ni Minerva. Nasa gilid ko na siya at hawak niya ako sa magkabilang balikat.

I faced her. I smiled. "Nakita mo ba yun? That was my momma!" I said. Tumango naman siya at niyakap ako. "I did! Magkamukha kayo! Kaya dapat wag tayo mamamatay kasi hinihintay tayo ng parents natin!" paliwanag niya.

Habang nag-uusap kami ay pakiramdam ko, lumulutang ako sa alapaap. Like I'm in a dream.

Nang halukayin namin ang nakalagay sa bag ay napangisi ako sa nakapaloob doon. A new cuff bracelet na pamalit, dalawa iyon. Tapos madaming arrows ko. Saka isang malaking mapa na may mga details ng buong bansa, mapa ng buong lalawigan ng Davao na centralized, tapos mapa ng buong mundo at isang maliit na booklet. Sa gilid ng booklet ay may isang maliit na handgun saka may kaliitang knapsack na puno ng bala nito.

Pinasadahan ko yun ng tingin pero dahil kuryoso din si Minerva ay hinayaan ko siyang makita iyon saglit. Hindi nga lang siya nakuntento at pinagkukunan niya ng larawan ang mga ito gamit ang cellphone niya. I bet she just don't wanna crowd me with the others later.

"Let's go!" Azazel remarked.

May nakita silang malaking building at doon kami lahat sumilong at nagtago para pag-aralan ang mapang nakuha namin kanina. I can see excitement in their eyes. While others are unsure and terrified. Halo halo ang nararamdaman namin kaya naman ay hindi ko rin alam ang sasabihin.

Because this new life of ours is surrounded by change and uncertainty. Kaya halos hindi ako nagulat nang bumigay ang building na pinagtaguan namin. Galing sa Lipata ay bumiyahe kami ng mabilisan gamit ang mga sasakyan na basta nalang na naka-park sa bungad ng daungan. Tapos ang Surigao na Centralized ang pinuntahan namin kasi yun ang pinakamalapit na City. Pero ang building na pinuntahan namin ay nasa pinakalabas ng Surigao. It was abandoned and battered. Matagal na building iyon at wala masyadong gamit bukod sa mga office tables nalang. It looked like it's going to be demolished.

Kaya pala mukhang ide-demolish ang building. It was old and weak. Hindi namin pinansin ang hazard sign sa labas. Yung warning kasi, binalewala lang. Kaya ngayong nahuhulog kami lahat, wala akong ibang masabi. Damn.

We got separated. We jumped to avoid being buried in the ruined building. Nang mag-angat ako ng tingin ay balot na kami lahat ng usok at mga debris ng gumuhong building.

Umubo ako kasabay ng iba. Unti unting napapawi ang usok kaya naaninag ko na ang mga kasama ko pero balot pa rin kami nito. Habang nakaupo ako ay may mga pigura akong naaninag. Madami sila. I gasped.

"Mga zombies! Takbo!" sigaw ng isang boses. Natataranta kong hinablot ang mga gamit kong nasa sahig. As i wear my quiver and bags, I ran away from the flock of zombies.

Ako lang mag-isa. Halos maiyak ako lalo pa nang may mabunggo ako. Sunod kong namalayan ay nakalayo ako sa building at wala na ang mga usok. Nakikita ko na ng maayos ang paligid.

"Cassidy dito! Umakyat ka na!" Hezekiah shouted desperately. Buhat siya ni Hyacinth sa kanyang likod at nasa kabilang bahagi na sila ng gate ng isang malaking paaralan!

Agad akong lumapit at umakyat. I held tight. Nanginginig ang katawan ko. I can feel the adrenaline, ang lakas ng tibok ng puso ko.

Tumayo na si Hezekiah at pinaputukan ang zombies na lumalapit sa akin.

Natatakot ako...

Malapit na ako sa tuktok. At natutusok ako sa matalim na gate. Sa harap ko ay si Hezekiah saka Hyacinth na pinapalakas ang loob ko na bilisan at kayanin ang ginagawa.

The strain on my body hurts so much. Halos maiyak na ako sa nangyayari. Ni hindi ko magawang tignan ang paligid para man lang matignan kung nasaan pa ang ibang kasama namin.

"Jump!" Boses ni Kairos. Palapit siya sa amin at nasa loob siya ng gate. Mukhang sa ibang bahagi sila dumaan.

Natatakot na talaga ako. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Parang di ko kakayanin. Pero naramdaman ko ang madaming kamay sa pwet ko.

"Kaya mo yan! Akyat pa!" si Steel ang nalingunan ko. Tinutulak nila ako paakyat para mabuhat ko na ang katawan ko.

"Come on!" Narinig ko ang boses nina Azazel at Emerald na pinipilit ako iangat.. At nagawa ko nga. Nasa taas na ako ng gate.. Sa baba naman ay inaabangan nina Amara ang pagbaba ko.

Halos mapahinga ako ng maluwag nang tuluyan kaming makapasok.. Madami pa kami.. Pero hindi pa ata dito natatapos yung kalbaryo namin. Dahil nakakita kami ng mga zombies na pagala gala sa loob ng paaralan.

"Halika na! Magtago na tayo!" They orated simultaneously.

Kaya hindi nila napansin... Na kahit madami kami, may iba pa ring kulang sa paligid namin.

"Minerva!" nanginginig ang boses kong sigaw. Hinanap ko siya sa kumpulan namin habang tumatakbo. At halos mapaawang ang bibig ko nang matantong wala siya dito. I was frozen. Nanlamig ako, parang nalaglag ang puso ko at may humila sa lahat ng intestine ko. Naramdaman ko ang kawalan. Wala siya dito. Wala dito ang kaibigan ko. Sa naisip na yun ay parang tinakasan ako ng lakas at tinangay ang kaluluwa ko paalis sa katawan ko.

"Minervaaa!" ang basag at gumagaralgal na boses ko ang umalingawngaw sa buong paligid namin.

Before I can cry my heart out and scream, a hand covered my mouth. My sobs silenced, my cries unheard while we we're in the middle of nowhere, crawling with zombies.

=====================
(End of Chapter 31)

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

278K 9.2K 40
HIGHEST RANK: #11 in HISTORICAL FICTION ❤ December 14, 2018 +----------------------+ A girl who doesn't know how to care and give, how to help others...
247K 6.6K 47
"I'm the nightmare in everyone's wishful dream. A devil disguised as an angel. The merciless, brutal and pretty evil queen," THAT INFAMOUS GIRL Copyr...
30.1K 988 40
Isang dalagang not literally dalaga ay biglang napunta sa nakaraan ng dahil sa wardrobe na nakatago sa kanilang van. Nang dahil sa isang babae nakaba...
School War Online بواسطة Reynald

الخيال العلمي

5.2M 268K 73
Online Game# 1: DANI X RAYDIN