Lost in Memories

By Dream_Secretly

8.4K 345 78

Laxamana Series 3 of 7. Daniel Dela Cruz Laxamana. More

Lost in Memories
SIMULA
KABANATA 01
KABANATA 02
KABANATA 03
KABANATA 04
KABANATA 05
KABANATA 06
KABANATA 07
KABANATA 08
KABANATA 09
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
EPILOGUE

KABANATA 28

136 7 4
By Dream_Secretly


"Are you really sure about this? Kapag tinuloy natin ito, mas bibilis ang panghihina ng katawan niya."

Suminghap ako. "T-Tell me, doc." Nanginig ang labi ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Wala na ba talaga tayong magagawa? B-Baka may paraan pa?" Pagsusumamo ko.

He sighed. "I'm really sorry." Sincere niyang sagot.

Nag-iwas lamang ako ng tingin at bumuntong hininga. "S-Sa totoo lang...hindi k-ko na rin alam kung dapat ko pa bang ituloy 'to." Mabilis kong pinunasan ang luhang nakatakas sa mga mata ko. "Natatakot lang t-talaga ako. At u-umaasa na b-baka may paraan pa...baka m-maawa ang Diyos sa'min. N-Nakikinig naman S-Siya, 'di ba? A-Ayoko nang mawalan u-ulit, Doc."

Nawala na sa'kin si Maximo, pati ba naman si Daniel? Paano na ako? Paano na si Maxine? Anong mangyayari sa'ming dalawa?

Hindi ako handang mawala siya sa'kin.

"Corraine!"

Nagulat ako nang biglang sumulpot si Georgia pagkalabas ko nang opisina ni Doc. "Bakit hinihingal ka?" Tanong ko. Taranta niya akong nilapitan. "M-May nangyari ba?" Kabadong tanong ko. Siya kasi ang iniwanan ko kay Daniel at Maxine.

"N-Nawawala si Daniel at Maxine!" Tarantang sabi niya.

"A-Ano?! Wha—Why? W-What happened?" Mabilis at malalaki ang hakbang ko patungo sa room ni Daniel. "Iniwan ko sila sa'yo, Georgia!" Kinabahan ako. Saan naman sila pupunta? Mahina pa si Daniel at bata pa si Maxine. Saan naman sila pupuntang dalawa? At bakit sila aalis?!

"Nag-Cr lang ako tapos pagbalik ko wala na sila!" Aniya 'tsaka ako hinila sa braso. "Doon tayo sa CCTV room. Nandoon ang parents ni Daniel para malaman kung nasaan ang dalawa." Sabi niya.

"Nasaan naman sila no'ng mawala sila Maxine?" Tanong ko habang pareho kaming lakad takbo.

"Eh nauna na silang lumabas muna bago ako nag-CR. May pinabili kasi si Daniel...'yon pala balak na n-niyang umalis."

"Umalis? Georgia, saan naman siya pupunta?! He's weak!" Mas lalo akong nag-alala. Medyo lumalakas na siya ngayon at kaya na niyang maglakad lakad pero may sakit pa rin siya at delikado para sa kaniya ang umalis ng hospital!

Nang makapasok kami sa CCTV room ay saktong may pinapanuod na silang footage. Kaagad akong lumapit roon. "Sila Daniel! Saan sila papunta?" Nakita kong hawak kamay na naglalakad ang dalawa papunta sa kung saan. Iba ang suot na damit ni Daniel kaya siguro hindi sila naharang. Napapikit ako. Saan naman sila pupunta.

"Palabas na po ito ng ospital, Ma'am." Sabi ng security. "Hindi na ho masusundan ng CCTV kapag tuluyan na silang lumabas ng building."

Saan naman sila pupunta? "Georgia?" Nilingon ko siya. "Subukan mo ngang tawagan si Rhea, baka umuwi sila sa bahay." Tarantang sabi ko. "Aalis muna ako. Tawagan mo 'ko kapag may update na." Sabi ko.

Akmang lalabas na ako ng kwarto nang tawagin ako ng Mommy ni Daniel. "Saan ka pupunta?" Tanong niya.

Malamig ko siyang tiningnan. "Kay Maximo." Sabi ko bago tumakbo palabas.

Kung hindi sila umuwi, siguradong pinuntahan nila si Maximo. Wala naman na silang ibang pupuntahan. At alam kong matagal na ring gustong dalawin ni Daniel ang namatay naming anak.

Mabilis akong dumiretso sa kotse at pinaharorot 'yon paalis. I sighed heavily. Sana ligtas ang mag-ama ko. Sana nakarating sila ng maayos sa pupuntahan nila. At sana hindi umatake ang sakit ni Daniel. Si Maxine lang ang kasama niya, nag-aalala ako na baka may mas malalang mangyari.

Huwag naman sana.

Maximo, sana diyan sila sa'yo pumunta. Kailangan ako ng Daddy mo ngayon. Alam kong naging matigas ako sa kaniya at naging selfish. Tanging gusto ko lang ang masusunod. Tanging sarili ko lang ang pinapakinggan ko. Alam ko, umalis siya kasi pinipilit ko ang gusto kong ituloy ang chemo niya. Mas lalo siyang nahihirapan dahil sa'kin.

Tumunog ang cellphone ko. Sakto namang huminto muna ako sa traffic kaya mabilis ko 'yong nasagot. "G-Georgia, may balita na ba? Umuwi ba sila sa bahay?" Tanong ko habang sinisilip ang harap. Putek! Ba't ngayon pa sumabay ang traffic! Kung kailan naman nagmamadali ako.

"Wala sila sa bahay, Corraine. Tingin mo, nasa sementeryo sila?" Tanong niya.

Nakagat ko ang ibabang labi. "S-Sana..." Nanginig ang boses ko. "Mababaliw ako kung hindi ko sila makita ngayon. K-Kasalanan ko kasi kaya siya umalis...k-kapag may masamang nangyari sa mag-ama ko...h-hindi ko kakayanin. M-Mababaliw ako, Georgia!" Hikbi ko.

Nagpunas ako ng luha at pinindot ng ilang beses ang busina. "Traffic pa!" Suminghot ako.

"Hindi mo kasalanan, Corraine. Gusto mo lang namang gumaling siya. Alam kong naiintindihan ka ni Daniel. Gusto niya lang sigurong lumanghap ng sariwang hangin."

Umiling ako at nagpunas ng luha pero tuloy tuloy pa rin ang pagtulo no'n. "H-Hindi ko kasi siya p-pinapakinggan. Ilang b-beses na niyang sinabi na p-pagod na siya....na hirap na h-hirap na siya...pero imbes na pakinggan s-siya...nagbingi-bingihan ako." Sinandal ko ang noo sa manibela. "I-I'm just scared. Ayokong m-mawala siya, G-Georgia."

"C-Corraine..."

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa gumalaw ulit ang mga sasakyan. Mabagal lang pero mas okay na 'yon. Nakiusap naman ako kay Georgia na ayusin na ang mga dapat i-settle sa hospital kaya hindi rin nagtagal ang pag-uusap namin. Sinabi ko naman na magtetext ako kapag nakita ko na sila Maxine. Which I did the moment I saw them.

Hapon na nang makarating ako ng sementeryo at wala na akong inaksayang oras. Tumakbo ako papunta sa puntod ni Maximo at napatigil nang matanaw ko ang mag-ama ko sa loob.

Nanikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan sila. Sa palagay ko higit tatlong oras na silang nandito kung wala silang ibang pinuntahan. I sighed heavily. Dahan dahan naman akong naglakad palapit sa kanila. Nakaupo si Daniel at nakapikit na nakasandal sa dingding habang natutulog naman sa hita niya si Maxine.

Magaan pa rin ang hakbang ko palapit sa kanila nang makapasok ako nang tuluyan sa loob. Dahan dahan akong lumuhod sa harap niya, nag-iingat na hindi magising si Maxine.

"H-Hey..." Nanginig ang boses ko. Inabot ko ang pisngi niya at marahan 'yong hinaplos.

Dahan dahan naman siyang nagbukas ng mga mata at tipid na ngumiti. "Y-You found us..." Nanghihinang sabi niya.

"B-Bakit kayo umalis, huh?" Nanginig ang labi ko.

"A-Ayokong mamatay doon. Gusto k-kong mamahinga sa bisig ng mahal ko. G-Gusto kong umuwi sa'yo."

"Bakit d-dito?"

Nilingon niya ang puntod ng anak namin. "S-Si Maximo...g-gusto kong sabihin sa kaniya na hindi na siya mag-iisa. H-Hindi na siya m-malulungkot. G-Gusto kong m-malaman niya na malapit k-ko na siyang m-makasama." Napatakip ako ng bibig at humagulgol. "N-Nakiusap rin ako na b-baka pwede niyang k-kausapin ang D-Diyos at bigyan ako ng o-oras para makasama kayo ni M-Maxine. N-Na sana hayaan niya a-akong makabawi sa'yo. A-Alam kong takot k-ka...kaya nagmakaawa ako s-sa anak natin n-na...baka...pwede niya akong bigyan ng l-lakas na alisin lahat ng takot m-mo para makaalis ako nang payapa..."

"H-Hindi ko kaya...." Iyak ko.

"Ikaw ang pinaka-matapang at matatag na b-babaeng kilala ko. N-Naniniwala akong kakayanin m-mo. H-Hindi ka naman mag-iisa dahil mananatili ako sa puso mo. M-Mahal na mahal kita, Asawa ko. I know...you're s-scared...but y-you have to let m-me go..." How can I do that? "K-Kapag dumating na ang oras ko...kailangan kong marinig sa'yo na ayos lang...n-na pwede na akong mamahinga...dahil makakaalis lang ako ng payapa k-kung papalayain mo ako........

......W-Will you let me g-go?"

Naninikip ang dibdib ko at halos hindi na ako makahinga sa kakaiyak.

Tumango ako kasabay nang tuloy tuloy na upagtulo ng mga luha ko. "I l-love you so m-much, Daniel...." Lumapit ako sa kaniya at hinalikan sa labi. Sinandal ko ang noo ko sa noo niya. "I'm so s-sorry..." Hikbi ko. "H-Hindi na kita pipiliting mag-chemo ulit. J-Just....give me time...h-huwag mo muna akong iwan......" I'm begging you.

"Y-You don't have to feel sorry, A-Asawa ko..." He sighed heavily. "T-This is all my fault. I was so selfish. H-Hindi na dapat ako b-bumalik. Hindi k-ko na dapat p-pinilit na bumalik sa buhay m-mo. N-Nasasaktan ka ngayon dahil na naman sa'kin. I-I just want to be with you. Hindi ko n-naisip na mas masasaktan lang k-kita. I'm so sorry, Asawa ko."

Umiling ako at lumayo sa kaniya. Tinitigan ko siya sa mata. "N-No. I was so lost, D-Daniel. But, you found me. Binalik mo 'ko sa tahanan ko, binalik mo 'ko sa mga bisig mo. You are my Home. And with you, I never felt lost. Kaya huwag kang humingi ng tawad dahil bumalik ka sa buhay ko...dahil noon pa man...kahit galit na galit ako sa'yo...h-hinihintay ko pa rin ang pagbabalik m-mo. And you did. Kung hindi ka pa bumalik, baka lunod na lunod na ako sa alaala at galit. So, thank you for saving me."

"A-Ano bang ginawa kong m-mabuti para ibigay ka ng Diyos sa 'kin?" Garalgal ang boses niyang sabi.

"S-Siguro dahil alam niyang i-ikaw lang ang kailangan ko..."

Inabot niya ang pisngi ko. "Mahal na Mahal kita, Asawa ko. W-Wala akong ibang ginusto kung hindi a-ang makasama ka." Binaba niya ang malungkot na mga mata kay Maxine. Hinaplos niya ang buhok ng anak namin. "At makita sanang lumaki ang baby ko. N-Ni hindi ko man lang m-mababantayan ang paglaki n-niya..."

Continue Reading

You'll Also Like

6.8M 137K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
27.5M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
1.4M 57.1K 58
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
438K 32.3K 7
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...