Trials that We Can't Balance...

By xxialej

119K 4K 881

Accounting Series #4 (COMPLETED) Being the breadwinner of the family isn't easy. Sa murang edad ay pasan-pas... More

Trials That We Can't Balance
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 24
Kabanata 25
Wakas
Author's Note
SOON TO BE PUBLISHED
Accounting Series PREORDER

Kabanata 23

2.9K 121 7
By xxialej

Reyster is a man of his words. Kapag sinabi niya, gagawin niya. Kapag nangako siya, tutuparin niya. Patuloy ang komunikasyon naming dalawa kahit na minsan ay mahirap ang signal sa barko.

Habang tumatagal ang relasyon namin ay mas lalo itong tumitibay. Sabagay, hindi ko na rin naman talaga nakikita ang sarili kong nagmamahal pa ng iba at alam kong gano'n din siya.

At the age of 28, Reyster proposed to me. It was the most elated moment of my life. I felt like I was over the moon that time. Hindi ko maipaliwanag iyong sayang nararamdaman ko noong mga panahong iyon.

My family and friends know about his plan. Kahit na tanggap at parang pamilya na ang trato nina Nanay at mga kapatid ko kay Reyster ay hindi pa rin niya nakalimutang humingi ng permiso sa pormal na paraan. Masinsinan pa rin niyang kinausap si Nanay kahit na obvious naman na papayag iyon.

Sa totoo lang ay ilang beses na rin kaming kinukulit ng mga kakilala namin tungkol sa bagay na iyan. Stable na naman ang buhay naming dalawa at hindi na rin kami bumabata. Wala na rin kaming ibang iniisip pa.

Graduate na si Eunice ng kolehiyo at maayos na maayos na ang buhay nito. Sina Albert at Marie naman ay malapit na ring makatapos. Ngayong taon ay gra-graduate na si Albert at ang nakaka-proud pa ay pinag-aagawan ito ng mga kompanya para doon mag-trabaho.

Hindi ko talaga na-imagine na ganito ang kahihinatnan ng buhay namin. Akala ko'y habang buhay na lang kaming nasa baba at hind na kailanman uusad pa... but life is really full of surprises, right?

"Iyong mga invitations ba okay na?" tanong ko kay Kean.

Kumagat siya sa pandesal na hawak niya at tumango-tango sa akin. "Yes, Ma'am. Kukunin na lang mamaya sa shop para maipamigay na..."

"Okay. Sinong mamimigay no'n?"

"Iyon lang ang hindi ko pa alam kasi 'di ba pupunta kaming Maynila ni Terrence sa susunod na araw? Susunduin namin si Trisha," aniya at sabay kaming napatingin kay Shaeynna na bumababa sa hagdan na mukhang kagigising lang.

Napangiwi ako. Si ate, hindi man lang yata muna naghilamos bago humarap sa amin ng fiance niya. Sumilay ang matamis na ngiti ng lalaking nasa harapan ko. Isinubo nito ang natitirang tinapay na hawak niya bago lumapit sa babae upang bigyan ng malalim na halik sa labi.

"Tangina ninyo, mga pokpok! Sa harapan ko pa talaga." nagngingitngit kong saad at kulang na lang ay ibato ko sa kanila itong papel na checklist na hawak ko.

Pareho lamang silang natawa.

"Magpakasal ka na rin kasi..." Kean smirked at me.

I rolled my eyes heavenwards. Parang tanga 'to. "Magpapakasal naman talaga dapat kami ngayon taon kung hindi lang kayo epal ni Shaeynna at inunahan kami."

Totoo 'yon. Dapat ngayong taon kami magpapakasal ni Reyster pero ipinagpaliban namin para sa kanila dahil may pangako nga pala kami nina Shaeynna at Trisha sa isa't isa noong highschool.

Nangako kami no'n na alphabetical order dapat kung sinong unang ikakasal. Sa makatuwid, dahil Heli ang apelyido ni Shaeynna ay siya ang mauuna. Ako dapat ang pinakahuli pero dahil wala namang jowa si Trisha ay mauuna na 'ko sa kaniya. Alangan namang hintayin ko pa siya magka-boyfriend 'no, ano siya chix?

"Malapit na ang kasal nina Kean at Shaeynna. Sayang lang at wala ka."

"Oo nga, Mahal. Kailan nga ulit 'yon?"

"July 17," matipid kong sagot, "Mabuti na lang napilit naming umuwi si Trisha. Mukhang walang balak na yata talagang umuwi ang isang 'yon, eh."

"Eh hanggang kailan naman 'yon dito?"

I pursed my lips and sighed sadly. "Isang linggo lang. Kailangan daw siya sa trabaho eh. Talagang umuwi lang siya para sa kasal nina Ynna at Kean."

Ngumuso naman siya at tumango. Hindi ako nilulubayan ng tingin kahit na sa cellphone lang kami magkausap. I can't help but to smile sweetly as I stare back at him. Natutuwa ako sa pagbabago ng itsura niya. Ilang buwan pa lang mula noong muli siyang sumakay pero mahaba na ang buhok nito. Hanggang balikat na. Tinubuan na rin siya ng kaunting bigote at balbas. But even so, he is still deadly and sinfully handsome for me. Ewan ko lang sa iba.

It was just a casual talk. Kumustahan lang tungkol sa mga nangyari nitong mga nagdaang araw na hindi kami masiyadong nakakapag-usap. Nasanay na naman ako sa ganito naming set-up. Sa tuwing sumasampa siya ng barko pagkatapos ng dalawa o tatlong buwan niyang bakasyon ay hindi na ako umiiyak. Malungkot pero sanay na.

"Nagdadalawang isip ako kung sasakay pa ba ako ulit ako o last na itong ngayon..." he opened up and sighed.

Kumunot ang noo ko, nagtataka. "Oh bakit naman? May problema ba?"

"Wala naman." He shook his head and gave me a tired smile. "Eh hindi ba't ikakasal na tayo next year? Hindi naman puwedeng ikaw lang ang mag-asikaso no'n at saka--"

I cut him off and laughed a bit. "Ano ka ba? Ayos lang 'yon. Naiintindihan ko naman. Medyo matagal pa naman 'yong sa atin eh. Di 'ba, gusto mong December tayo ikasal?"

"Sabagay." Siya naman ngayon ang natawa. "Uuwi pa naman ako ulit next year kaya kahit pag-uwi ko na lang tayo mag-asikaso ng kasal. What do you think?"

I agreed. Halos wala pa yata kaming thirty minutes magkausap nang pumasok ang isa niyang kasamahan para sabihing pinapatawag daw sila noong kapitan. Kitang-kita ko ang pagka-iritang dumaan sa mga mata ni Reyster pero wala naman siyang naging reklamo.

Muli itong bumaling sa screen at nanghihinging paumanhin na ngumiti sa akin. Bakas ang lungkot sa mga mata niya dahil alam kong mahirap para sa kaniyang tapusin ang pag-uusap.

"Hindi ba't tapos na ang duty mo?" taka kong tanong.

Sumulyap ako sa wristwatch. Nasa Japan ngayon ang barko at sa pagkakaalam ko ay advance doon ng isang oras. 10:52 pm na rito sa Pilipinas so ibig sabihin ay 11:52 na roon?

He sighed. Nakatayo niyang ipinatong ang cellphone ng ibabaw ng lamesa para makita ko pa rin ang ginagawa niya kahit hindi na kami magkaharap ngayon.

"Oo nga, eh. Gustuhin ko mang magreklamo, hindi ko naman magawa. At saka, medyo mainit din ang dugo sa amin noong mga nasa taas. Noong isang araw nga ay nakasagutan ko pa 'yong Third Mate. Masiyadong highblood palagi tapos ang yabang pa." pagkwe-kwento niya habang nagbibihis.

Bwisit, hindi ko alam kung saan itutuon ang atensyon ko. Kung sa sinasabi ba niya o roon sa bukol sa pagitan ng hita niya. Ano ba 'yan! Bat naman kasi naghubad-hubad pa sa harap ko?! Puwede namang mag-offcam muna!

"Para ka namang others. Maraming beses mo na 'yang nakita, ah? Hinihimas mo pa nga 'yan," natatawang wika niya at kulang na lang ay sumabog ang mukha ko sa sobrang pula no'n.

"Ewan ko sa 'yo! Tumigil ka dyan, Esteng!"

Ngunit ang loko, imbis na pakinggan ako ay mas lalo pang humalakhak ng tawa. "Virgin ka ghorl? First time mo?" dagdag pa niyang pang-aasar.

Hanggang sa tuluyan naming patayin ang tawag ay hindi nabawasan ang pamumula ng aking pisngi. Para akong sinisilaban sa sobrang init ng nararamdaman ko. At dahil bida-bida ako at ayaw kong magpatalo, nakaisip ako ng matinding pambawi sa kaniya. Hindi ako papayag na siya ang mananalo sa asaran na 'to...

Mabilis akong bumangon sa kama at ni-lock ang pinto. Pagkatapos no'n ay hinanap ko ang regalo niyang mga lingerie sa akin noon. Sinusuot ko lang ang mga ito kapag umuuwi siya pero dahil may naiisip akong kalokohan ay mukhang mapapakinabangan ko ngayon ang mga ito.

Una kong sinuot iyong pulang lingerie at nag-picture sa harap ng full-length mirror. Hindi naman 'to nudes noh! Iyong nangse-seduce na lang!

Kasunod kong isuot ay iyong itim at kagaya noong una ay kumuha ulit ako ng picture. Sinadya ko pang i-exposed ang aking cleavage at makinis na hita.

Nang makontento ay humiga ako sa kama at tumatawang sinend iyon sa messenger. Buong akala ko'y hindi siya magre-reply agad ngunit mali ako.

Napadaing ako't sinapo ang mukha nang bumagsak ang aking cellphone sa mukha dahil sa sobrang gulat at inis. Bumangon ako at muling binasa ang mga reply niya sa mga sinend kong picture.

From: Reyster pogi

HAHAHAHA amp, ginagawa mue?? pak mamsh! Seductive yern??

From: Reyster pogi

I luv ur pics dEar pls send mor ;)

I groaned and stomped my feet in frustration. Anak ng! Hindi effective sa kaniya?!

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 43.1K 52
Lumi-as someone who's being told what to believe and hope in everything as she grows up-reckons that living is a way to comply with and entrust one's...
1.5K 424 22
HEAVENLY BODIES SERIES #1 What happens when the daughter of a well-known doctor meets a rich boy who has a rare disease that has no cure? When their...
778K 28.4K 40
Heartbreakers Series #3: Alaric Reuben Frontera Aquila "Aki" Esqueda is one of Alaric Reuben "Abe" Frontera's friends since Grade 11. Nasa iisang bar...