Kabanata 17

2.5K 105 15
                                    

I spent too much of my life feeling insecure. Totoo iyon at hindi na ako magpapaka-plastic pa.

Marami akong bagay na kinai-inggitan sa ibang tao. Marami akong bagay na gustong maranasan pero pakiramdam ko'y napakadamot sa akin ng mundo.

Mula pagkabata ay mulat na ako sa kahirapan. Tandang tanda ko pa kung paano ako mapalunok-laway sa tuwing nakikita ko ang mga kalaro kong kumakain ng ice cream. Malinaw pa sa akin na sa tuwing kumakalam ang sikmura ko ay tanging pagtulog ang sagot para hindi ko na muli maramdaman ang pagkagutom.

Hindi ko rin makakalimutan iyong mga panahong pumapasok ako na ni-piso ay wala ako sa bulsa. Kulang ang pera ni Nanay at dahil ako ang panganay, kailangan kong magpaubaya para sa mga kapatid ko.

Kailangan kong magtiis. Kailangan kong magtiyaga.

“Ikaw ang tatayong haligi ng tahanan, Eloisa. Mahirap man para sa akin... pero hindi ko kayang palakihin ang mga kapatid mo na ako lang mag-isa,”

Tandang tanda ko ang mga katagang binitawan sa akin ni Nanay noong nasa high school pa lamang ako.

Doon pa lang ay alam ko nang kailangan kong talikuran ang pangarap ko para sa pangarap ng mga kapatid ko.

Ibinaon ko ang kagustuhan kong maging isang manunulat. Sinunod ko ang gustong kurso para sa akin ni Nanay na Accountancy. Aniya'y sa kursong ito ay maraming oportunidad na nakaabang. Sa propesyon na ito, giginhawa ang buhay namin.

And nang dumating sa buhay namin si Tito Aljon, nakahinga ako nang maluwag. May sumalo ng responsibilidad na inilaan sa akin ni Nanay... pero hindi rin iyon nagtagal dahil nakulong siya sa maling paratang.

Hindi naman ako humihingi ng kahit anong kapalit... All I want is just to feel appreciated. To be respected. As a daughter and as a sister.

Matapang akong tao. Hindi ako nagpapakita ng kahinaan. Kaya kong itago ang libo-libong sakit gamit lang ang isang malawak na ngiti.

Ngunit nang marinig ang mga salitang iyon sa kapatid ko ay napakahirap lunukin. Tila isang sirang plaka na paulit-ulit sa aking utak.

“You're zoning out again...” Reyster sighed. I felt his warm hand gently caressing my exposed back. The warmth of his touch sent shivers down my spine.

Kanina pa natapos ang birthday party ni Tita. It went well, though. Simple lang pero sobrang saya. Umuwi ng bahay sina Nanay at mga kapatid ko habang ako nama'y naiwan dito sa bahay nina Reyster. Dito ako magpapalipas ng gabi.

It's already two in the midnight. We're both lying on the bed, naked. Madilim ang buong sulok ng silid at tanging kaunting liwanag na nagmumula sa bukas na bintana.

“May iniisip lang,” paos at inaantok kong saad.

Umayos ako ng higa. Ang ulo ko'y nakapatong sa kaninang matipunong dibdib at ang isang braso ko ay nakapalibot sa baywang niya. Bahagya akong napapangisi dahil sa kiliting hatid ng pagguhit ng bilog gamit daliri niya sa aking likod.

Matagal bago siya muling nagsalita. “May I know what's on my baby's mind?” tanong niya at halos mapapikit naman ako sa lambing ng kaniyang boses.

Marami. Marami akong iniisip... pero hindi ko maaaring sabihin sa 'yo. Hindi puwede. Ayaw ko.

Intead of taking his question seriously, I just flashed a wide grin.

“Wala naman. Iniisip ko lang kung paano ba ako makaka-graduate na wala akong ginagawa...”

Tumawa siya at hinagilap ang kamay kong nakayakap sa baywang niya. Buong akala ko'y ipagsasalikop niya iyon ngunit laking gulat ko nang pabiro niya iyong kagatin ang braso ko.

Trials that We Can't Balance (Accounting Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon