Kabanata 10

2.7K 113 9
                                    

Fortunately, we arrived at Tagaytay safe and sound. Tulog ako sa buong biyahe at ginising lang ako ni Reyster. Dumaan muna kami sa Starbucks para bumili ng breakfast at pagkatapos noon ay saka kami dumiretso sa Sky ranch.

We took a lot of pictures together. Mayroong groufie. Mayroon namang by couple lang katulad namin ni Reyster pati na rin nina Shaeynna at Kean. Napapailing na lang din kami sa walang humpay na awayan nina Jolo at Trisha.

Matapos noon ay nagdesisyon na kaming maghiwa-hiwalay at magkita-kita na lang mamayang lunch. Nauna nang humiwalay sina Shaeynna at Kean para sumakay sa mga rides habang kami ni Reyster ay hinihintay pang magkasundo ang dalawang taong nasa harapan namin.

"No way... hindi ako sasama sa 'yo. Mas gugustuhin ko pang mapag-isa kaysa sumama sa katulad mo!" Trisha snorted and crossed her arms.

"Tamang tama! Pareho tayong gustong mapag-isa kaya tara magsama na tayo!" masigla at nakangising tugon naman ni Jolo at sinubukan n'yang hawakan ang kamay ni Trisha, ngunit ang kaibigan ko'y tinampal ang kamay ng lalaki at nagmartsa palayo.

"Sumasakit na ang ulo ko sa bangayan nila..." Napahilot ako sa sentido habang pinapanood si Jolo na habulin ang kaibigan ko.

"Bagay sila," natatawang komento naman ni Reyster na nakatanaw din sa dalawa.

Umiling ako. Hinawakan ko ang kamay n'ya at pinagsalikop iyon sa palad ko. Palihim akong ngumiti nang makita kung gaano siya nagulat sa ginawa kong iyon. He slowly bowed his head. Ganoon din ang ginawa ko. Now, we're both staring to our perfectly intertwined hands.

The sunlight slightly hitting him. It gives me more chances to look closely and memorize every bit and every detail of his face.

"Hindi kaya matunaw na 'ko sa titig mong 'yan?" His soft yet manly laugh filled my ears.

"Huwag mo ako masiyadong katitigan, huh? Baka magsawa ka." nakangusong dagdag pa n'ya.

Binasa ko ang aking ibabang labi bago sunud-sunod na umiling bilang tugon. "Imposible naman 'yang sinasabi mo..."

Totoo. Hindi ko alam pero nakasanayan ko na siyang titigan na para bang wala nang bukas. Tila isa siyang magandang tanawin na kahit kailan ay hinding-hindi ko pagsasawaang pagmasdan. Hinding-hindi ko pagsasawaan na balik-balikan. Na kahit gaano ko pa man iyon kakabisado, hindi ko pa rin maiwasan ang mamangha. Cory man pakinggan, ayaw kong ni isang parte mula sa kaniya ay makaligtaan ko.

"Aysus, dinadaan mo na naman ako sa mga pambobola eh..." he trailed off and gave me a death glare. "Palibhasa alam mong marupok ako sa 'yo."

"Edi huwag kang maniwala. Salamat na lang sa lahat." Inirapan ko siya at akmang maglalakad na rin palayo ngunit natatawa n'ya akong pinigilan.

"Teka lang... ang unfair! Ako dapat 'yong nagtatampo at sinusuyo mo, 'di ba? Ba't parang nabaliktad yata?" he uttered, laughing.

"Ewan ko sa 'yo. Pabebe ka kasi, pangit mo naman..." I joked but my face remained serious.

"Mas pangit ka. Huwag kang papatalo." pang-aasar n'ya pabalik sa akin.

Napuno kami ng asaran, but it was actually fun, though. Halos lahat ng rides ay nasakyan na namin tapos kulang na lang ay mapuno ang storage ng phone n'ya ng mga pictures ko. Ayos lang naman 'yon, hindi naman ako nakakarinig ng reklamo sa kaniya. Actually, game na game pa nga siya sa pagkuha sa akin ng magagandang pictures.

"Ayan, tayo ka dyan. Kukuhaan kita ng picture..." Tinulak n'ya ako sa isang parte kung saan tanaw na tanaw ang Taal Volcano.

"Bilisan mo, ah. Ang init, eh!"

"Stolen ka kunwari, mahal. Emote emote ka diyan." He grinned and readied his phone. Ginawa ko naman ang mga inuutos n'yang pose kahit pakiramdam ko'y nangangawit na ang labi ko sa kakangiti.

"Okay na ba? Pagod na ako!" nakasimangot kong daing sa kaniya.

Hindi n'ya ako sinagot dahil abala siya sa pagtingin sa mga pictures ko sa cellphone niya. Tingnan mo 'tong lalaking ito!

"Ang ganda ganda mo naman..." He smirked and gave me a soft kiss on the cheek.

I can feel my cheeks burning because of his words. A side of my lips rose up sincerely kasabay ng pagpungay ng mga mata ko.

"Thank you." Marahil ay wala siyang ideya kung paano n'ya naiaangat at nadagdagan ang confidence ko sa mga simpleng compliments n'ya sa akin.

Marami pa kaming pinuntahan sa Tagaytay. Since first time ko rito ay talaga namang nag-enjoy ako. Hindi ko na ininda ang pananakit ng binti at paa ko dahil sulit naman ang lahat ng mga nangyari.

Time flies so fast when you're happy. Isang linggo na lang ang natitira at muli na naman kaming magbabalik sa klase. Inabala ko ang aking sarili sa pagtra-trabaho at sa pag-aalaga sa mga kapatid ko... kahit madalas ay dine-dedma nila ako at minsan nga ay hindi ko na sila matagpuan sa bahay.

Si Eunice kasi ay palagi na lang kasama ang mga kabarkada n'ya tapos si Albert ay madalas isama ni Reyster sa bahay nila. Madalas nga ay doon na ito natutulog at kung umuuwi naman ay tanging ang Kuya Reyster lang ang lagi n'yang bukambibig. Si Marie naman ay isinasama na ni Nanay sa trabaho.

Kahit papaano ay nakakapag-adjust na kami sa pagkawala ni Tito Aljon sa aming buhay. Madami pa rin kaming nakabinbin na mga utang pero sa tingin ko'y kaunting tiis na lang ay mababayaran na namin ang lahat ng iyon at tuluyan nang mas gagaan ang buhay namin.

"Ayaw mo talaga Nay na tumigil muna ako sa pag-aaral?"

Mula sa pagkukusot ng damit ay nag-angat siya ng masamang tingin sa akin. "Hindi ako natutuwa sa tanong mong iyan..." matigas na aniya. "At saka, alam mo na ang isasagot ko sa tanong na 'yan."

"Pero Nay... feeling ko talaga'y hindi para sa akin ang Accountancy. Hindi ako makasabay sa mga kaklase ko. Nahihirapan talaga ako..." reklamo ko sa kaniya.

Nagpakawala siya ng mahinang buntong hininga at mataman akong tinitigan. "Anak, mas mahirap kapag hindi ka nakapagtapos. Paano pati ang mga kapatid mo kung hindi ka magtatapos sa pag-aaral at mahahanap ng magandang trabaho? Habang lumalaki sila... lumalaki rin ang gastusin. Ikaw lang ang inaasahan kong mag-aahon sa atin sa kahirapan." litanya n'ya.

"Sige nga, kung hindi ka makakapagtapos, sa tingin mo'y paano na ang pangarap ng mga kapatid mo?" dagdag pa n'yang tanong.

Natutop ko ang aking bibig at hindi nakasagot.

'Pero Nay... may buhay din ako. Paano rin ang pangarap ko?' Iyan ang gusto kong itanong ngunit mas pinili kong huwag na lang.

Naiisip ko ring may punto naman talaga iyong mga sinabi ni Nanay. Siguro nga'y dapat ko na lang pagtiisan 'tong kurso na ito para sa mga kapatid ko. Siguro naman kapag tapos na ang tungkulin ko sa kanila... kapag naabot na nila ang mga pangarap nila... puwede ko na sigurong abutin 'yong sa akin, 'di ba?

Trials that We Can't Balance (Accounting Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon