Wakas

5.6K 226 198
                                    

For my Eloisa,

I wrote this letter to show my appreciation to my love, my wife, my everything. I'd never been a fan of writing this kind of stuff. I find this too old-fashioned but here I am... holding a pen and bunch of papers to write our story while smiling from ear to ear.

I have plenty of time right now. Today is just one of my sad nights. Katatapos lang ng duty ko sa trabaho. Malakas ang alon ng dagat dahil masama ang panahon. While writing this, the song 'Home' by Michael Bublé is playing on my phone. Ito ang kantang palagi kong pinapatugtog sa tuwing namimiss ko ang girlfriend ko na ngayo'y misis ko na. I can't believe it! Iyong babaeng dati ay nahuli ko lang na nangungulangot sa isang sulok ng classroom ay asawa ko na ngayon.

In my whole life existence, I'd never imagined to find the right love at a young age. Tandang tanda ko iyong unang pagkakataong nakita ko siya. We were elementary that time. Grade five to be exact. Nalipat ako sa mababang section dahil bumaba ang grades ko at tinatamad akong pumasok. My father brought me a XBOX kaya ayon, tinamad na tuloy akong mag-aral.

The first time I laid my eyes on her, I saw nothing special. Bukod sa makinis at maputi niyang balat, kulay itim at mahabang buhok, mayroon pa nga siyang bangs noon na halatang resulta lang ng pagkainip. Mukha siyang bao dahil hindi pantay-pantay ang gupit. Grabe pa nga ang itinawa ko nang palihim noon, eh. Manipis ang kaniyang kilay. Maganda rin ang mga bilugan niyang mga mata at mapupula pa ang labi. Mayroon pa siyang maliit na nunal sa gilid ng labi... pero kahit gano'n siya kaganda sa paningin ko, hindi ko pa rin siya type.

Hindi kagaya niya ang mga type ko sa babae. Tahimik siya kung minsan tapos may mga pagkakataon naman ang ingay niya. Depende siguro sa kasama niya.

"Huwag kang lalapit dyan kay Eloisa. Pokpok ang nanay niyan tapos balita ko magkaiba sila ng tatay no'ng kapatid niya," naaalala kong sabi sa akin no'ng kaklase namin na kaibigan ko rin.

Wala naman talaga akong pakialam kung anong klaseng buhay ang mayroon siya. Kahit hindi kami close, nakikita ko naman na mabait siya sa mga kaklase namin. Kung pokpok ang nanay niya, wala na siyang kinalaman doon. Hindi niya kasalanan 'yon.

Alam ko rin namang hindi sila pinagpala sa buhay. Minsan ay nakikita ko itong nakatitig lang sa mga kaklase namin na kumakain ng meryenda. Napapansin ko rin na sa aming lahat, siya lang ang bukod tanging naka-tsinelas sa tuwing papasok sa school. Alam kong mabigat ang paraan ng pamumuhay nila pero bakit sa tuwing ngumingiti siya ay para bang napakagaan ng lahat? Bakit kahit kumakalam ang tiyan niya, punong-puno ng laman ang ipinapakita ng mga mata niya?

How can she be like that despite what life she has?

Since then, I admire her for being strong.

Akala ko nga noong una ay simpleng paghanga at kuryosidad lamang ang nararamdaman ko para sa kaniya ngunit hindi pala.

"Huwag mong ipagkakalat pero crush ko si Eloisa," sabi ko roon sa isang kaklase namin na pinagkakatiwalaan ko nang sobra.

Or that's what I thought... dahil ang loko pinagsigawan sa classroom 'yon! Namumula at nag-iinit ang buong mukha ko sa sobrang kahihiyan!

"Crush ko rin siya. Kami na ba?" natatawang sagot ni Eloisa na mas lalo kong ikinanganga.

"Huh? H-Hin--"

"Osige, tayo na!"

We were freaking a grade six student that time! Aalma na sana ako ngunit nang hawakan niya ang kamay ko ay wala na akong nagawa pa. Sige na nga!

Akala ko ay laro-laro lamang iyon. Akala ko talaga ay hindi kami magtatagal. Malay ko ba sa mga relasyon na ganiyan? Bata pa ako, ni hindi pa nga ako tuli!

Trials that We Can't Balance (Accounting Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon