Kabanata 11

2.7K 126 13
                                    

"Panibagong semester, panibagong disaster!" nakangiwi kong usal habang pinapasadahan ng tingin ang class schedule ko.

"Statistical Analysis with Software Application. Governance, Business Ethics, Risk Management and Internal Control, Intermediate Accounting 2, Professional Elective 3, IT Application Tools in Business, International Business Trade, and Financial Management—what the hell? Pangalan pa lang ng subject kinikilabutan na ako!" daing naman ni Trisha at tila nanlalamig na hinaplos ang mga braso n'ya.

Tumawa naman si Shaeynna at tinapik kami sa balikat. "Ano ba kayo? Kaya natin 'yan..."

Trisha shook her head and rolled her eyes. "Bakit naman kasi naniwala ako sa Nanay ko na pirma pirma lang daw kapag Accountancy eh. Kung alam ko lang na ganito pala tayo lolokahin ni Luca Pacioli edi sana gumiling na lang ako sa bar..." Napakamot siya sa ulo na ikinatawa namin ni Shaeynna.

Sigurado naman akong kaya talaga nila. I can clearly visualize them as a Certified Public Accountant. Sa aming tatlo ay ako lang naman ang kulelat pagdating sa pag-aaral. Matalino si Shaeynna, eh. Simula yata nang mag-aral 'yan ay hindi na siya nawala sa honor list at kulang na lang ay maging pagawaan ng ginto ang bahay nila sa dami ng medals n'ya. Si Trisha naman ay matiyaga sa pag-aaral at mabilis maka-gets. Samantalang ako ay heto... ganda lang ang ambag.

As I expected, walang Professor na sumipot sa unang araw ng klase. Medyo magulo pa rin kasi 'yong schedule noong iba naming ka-blockmates kaya ito ang time para ayusin nila 'yon. At dahil nga wala namang klase ay nag-decide kami ni Trisha na umuwi na lang–maliban kay Shaeynna na nagpaiwan pa roon sa room dahil hihintayin daw n'ya si Kean.

Habang naglalakad papalabas ng campus ay hindi sinasadyang dumako ang mga mata ko sa may Registrar Office. Natigil ako sa paglalakad at mas pinaliit ko pa ang aking mata upang siguraduhin na hindi talaga ako namamalikmata sa nakikita. Maging si Trisha ay natigilan din at nagtatakang lumingon sa akin.

"Tanginang 'to. Salitang salita ako wala na pala akong kausap..." Pinanlisikan n'ya ako ng tingin at bahagya akong kinurot sa braso. "Sino bang sinisilip mo riyan?"

"Hindi kasi... parang pamilyar 'yong lalaking nakatayo roon sa may window 1." May kalayuan man siya sa amin ay hindi ako maaaring magkamali. "Si Rhys 'yon, 'di ba? 'Yong pinsan mo?"

Naningkit din ang mga mata n'ya at kalaunan ay tumango sa akin. "Ah oo, dito na 'yan nag-aaral. Hindi na nga dapat tatanggapin kaso alam mo naman ang nagagawa ng connection ni Kuya Harrold..."

"Anong course n'ya?" kuryosong tanong ko.

"Accountancy din kaso irregular student..." tanging usal n'ya bago nagkibit-balikat.

Batid kong wala naman siyang pakialam sa pinsan n'yang iyon. Hindi naman sila magkaaway pero siguro'y hindi lang talaga sila ganoon kalapit sa isa't isa kagaya ng ibang magpipinsan.

Laking gulat ko nang sa ikatlong araw ay walang pasubili siyang pumasok sa classroom at umupo sa upuang nasa pinasulok—malapit sa bintana. Naiwan sa kaniya ang mata ng mga kaklase namin lalo na ng mga kababaihan. Halu-halong pagtataka, gulat, at pagkamangha ang makikita sa kanilang mukha. I almost rolled my eyes heavenwards when I heard most of them squeal in romantic excitement.

"Ginagawa niyan dito?" bulong ko kay Trisha na tila walang pakialam sa pinsan n'ya. Ni hindi nga siya nagulat.

Mula sa cellphone ay tamad siyang nag-angat ng tingin sa akin. "Kaklase natin siya sa tatlong magkakasunod na subject."

Umawang ang labi ko at napasinghap sa gulat ngunit kalaunan ay napalitan iyon ng pagkalukot ng mukha. Kapag minamalas nga naman!

Umayos na ako ng upo nang pumasok na ang Prof. Binigyan ko ng isang mabilis na sulyap si Rhys na tahimik pa rin at animo'y robot na hindi gumagalaw sa upuan n'ya. Muli akong napairap sa kawalan at hindi na lang nagsalita pa.

Trials that We Can't Balance (Accounting Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon