Sa Taong 1890

By xxienc

86.2K 3.6K 1K

Siya si Chestinell Del Veriel Cavillian. Mula sa taong 2020. Isang babaeng laging nasa mali-tingin ng kanyang... More

Mula sa May-akda
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70

Kabanata 8

1.7K 93 4
By xxienc


| Kabanata 8 |


"Anak? Kristina?"


Agad akong napalingon sa pinto nang marinig kong may nagsalita. Ang Mama ni Kristina—si Ina. Wew, hindi ko ma-imagine magiging dalawa ang Mama ko.


"Po?"


Bumukas naman ang pinto at bahagya siyang pumasok. Goodness. Hindi ko talaga ma-imagine na magiging Mama ko siya.


"Pasok po kayo, Ina," nailang tuloy ako sa pagtawag sa kanya ng ina. Pero masasanay din naman siguro ako pagdating ng panahon.


Nakangiti naman siyang pumasok at lumapit sa akin. "O bakit ikaw ay hindi pa nakapagpapalit ng damit?" taka niyang tanong.


"Ah, kumain po muna ako. Nagutom talaga ako sa byahe," palusot ko. Her face sparkled and her teeth were shown dahil sa tuwa.


"Alam kong ikaw ay pagod mula sa inyong biyahe, ngunit kailangan mong dumalo sa piging ng inyong Ama. Sana ay maintindihan mo," medyo malungkot niyang sabi.


Agad ko naman siyang nginitian, "Ayos lang po 'yon Ina. Para po kay Ama, gagawin ko lahat."


Napakunot naman ang noo niya, "Totoo ba ang iyong sinasambit?" sabi niya at ngumiti ng konti.


Tumango naman ako, "Oo naman po Ina. Lalo na po at birthday—kaarawan niya ngayon," nakangiti kong tugon. Phew. Muntik na ako do'n ah.


Ngumiti naman siya ng malapad, "Kung ganoon ay huwag na nating sayangin ang oras. Ihahanda ko na ang iyong isusuot," aniya at excited na nagpunta sa wardrobe ni Kristina. Nakangiti ko naman siyang pinagmasdan at sumunod sa kanya.


"Ina, marami po bang bisita si ama?" tanong ko. Kinakabahan ako. Baka may mga kaibigan si Kristina tapos hindi ko alam paano sila i-approach.


"Oo naman, syempre. Mga taong malalapit sa iyong Ama at sa ating pamilya. Bakit? Mayroon bang problema?" sabi niya pa at lumingon sa akin.


Umiling ako kaagad, "Wala po. Wala po," sagot ko at ngumiti. Nginitian niya nalang ako at lumingon na ulit sa mga damit.


Napatulala naman ako nang makita ang laman ng cabinet niya. Mga baro't saya na iba't-iba ang kulay at disenyo at halatang mamahalin dahil ang gagara at ang ganda pa ng tela na gamit. Napakarami pa nito na nakahelera sa loob. Sa baba naman nito ay may mga kahon-kahong mga bakya at doll shoes na may kaunting takong na halatang mga mamahalin din.

May isang drawer cabinet naman siya na puno ng mga jewelries at mga pamaypay, pati na rin mga panyo at mga pampaganda. Parang spoiled brat ata 'tong si Kristina sa dami ng mga ka-echossan niya eh. Sa bagay bunso siya, at nag-iisang babae pa.


"Ano ang nais mong isuot ngayon?" tanong naman ni Ina. Napangiwi ako. Truly, hindi ko alam ang susuotin ko. Gusto kong suotin lahat 'yan dahil sa ganda kahit naka-side view pa lang sila.

"Hindi po ako sigurado Ina. Ano po sa tingin niyo?" sagot ko at lumingon sa kanya.


Tinaasan naman niya ako ng kilay, "Paniguradong pagod ka nga sa inyong biyahe na hindi mo man lang mapili ang iyong isusuot, hindi tulad ng dati," sabi niya pa.


Tumango naman ako, "Oo, Ina. Pero 'yan pong blue parang gusto ko 'yan," sabi ko sabay turo sa kulay dark blue na baro't saya na may halong pearl white na kulay.


"Bl-blo?" nakakunot ang noo na sambit niya.


Ngumiti naman ako at tumango, "Opo, blue. Ibig pong sabihin ay asul o bughaw," kaagad kong sagot. Aish, nasanay na talaga akong magtaglish.


Napatango naman siya, "Mukhang babagay nga ito sa iyo ngayon," aniya sabay kuha sa tinuro ko.


Mas lalo pa akong na-amaze nang makita ko 'yon. Maraming gems at sequins ang nakatahi dito na parang kumikinang na ito. More on flowers ang design nito. Parang ayoko na atang suotin at titigan nalang o kaya'y ibenta ko nalang kaya 'to?


"O sya. Papupuntahin ko si Isay rito upang tulungan ka sa paliligo mo. Nagkaalikabok ka pa kanina. Ang sabi ko sa iyo'y huwag kang humiwalay sa amin sapagkat napakaraming tao. Ano pa't nakita ka nalang namin na muntik ng madaganan ng kalesa," malungkot sa usal niya.


Pasaway talaga itong si Kristina oh. Mabuti nga siya at may nag-care sa kanya.


"Pasensya na po Ina. Pangako, mag-iingat na ako sa susunod," turan ko at ngumiti.


Tumango naman siya at hinaplos ang mukha ko. Gusto ko tuloy maiyak. Hindi ko kasi naranasang gawin 'to ni Mama sa akin ngayong malaki na ako. Puro sampal lang ang natanggap ko, hindi haplos.


"Mabuti kung ganoon. Sya, bababa na ako," usal niya at dinala ang damit sa kama at inilatag, at nginitian ako bago lumabas.


Hayy, pa'no na 'to ngayon? Pagkadating na pagkadating ko may party kaagad. Hindi man lang ako pinahinga sandali. Pero ayos na rin 'to, para makilala ko ang mga tao sa paligid ko. May narinig naman akong kumatok at maya-maya ay pumasok ito. Si Isay.


"Aayusin ko lang ang paliguan, Senyorita," nakayukong sabi niya at pumunta sa C.R.


Sumunod nalang din ako sa kanya. May extension ang C.R. na isa pang room na bihisan naman. May isa pa kasing cabinet dito na may mga damit at mga sapatos. Kumuha ako ng isang pares ng baro't saya na mukhang pambahay lang ni Kristina pero mukhang pang-alis niya pa rin, napakasopistikada pa rin tignan eh. Eto nalang muna ang susuotin ko dahil 4 pm pa lang naman at maaga pa para magbihis ng pang-party.


"Tapos ka na ba?" tanong ko kay Isay na nakatayo na sa may pinto ng C. R.


"Opo, Senyorita," sagot niya. Hinintay ko siyang kumilos at lumabas pero hindi niya 'yon ginawa.


 "So? May gagawin ka pa ba? May kailangan ka?" taka kong tanong. Don't tell me makikiligo siya?


She stammered a bit and finally she spoke up,  "Tutulungan ko po kayong maligo, Senyorita."


"What?! No way!" gulat kong sabi at kaagad na niyakap ang sarili.


Parang nagulat naman siya sa biglang pagtaas ng boses ko, kaya mas lalo siyang napayuko. Gano'n? Si Kristina nagpapatulong pang maligo? Goodness. That's so shocking. Ang tanda na may nagpapaligo pa?


"Hindi na. Kaya ko ng mag-isa. Salamat sa paghahanda. Tsaka pwede ka ng umalis," mabilis na sagot ko.


Tumango naman siya kaagad at umalis na. Huminga naman ako ng maluwag at umiling. Iba talaga itong si Kristina eh, noh.

Nagtampisaw nalang ako sa tubig sa tub, na hinanda ni Isay, ng kalahating oras. Matapos n'on ay nagbihis na ako at lumabas na ng banyo. Isinuot ko rin ang kwintas na ibinigay ng matanda, at umupo sa kama at tumanaw sa labas ng bintana.

Ang yaman pala talaga ng mga Del Veriel. Napakalawak na hacienda at maraming hayupan din. Pero sa present kasi, hindi tulad nito eh. Dahil nga sabi ni Mama may mga taong masasama ang budhi at nanlalamang ng kapwa makuha lang ang gusto nila. Siguro pinag-aagawan 'tong mga ari-arian pagkamatay ng mga tao rito sa bahay noh?

Sino ba naman kasi ang ayaw yumaman? Wealth makes you powerful. At totoo 'yon. Kaya kawawa 'yon mga mahihirap, laging inaapi ng mga mayayaman.

Pero ang tanong, sino naman kaya ang papatay kay Kristina? Tsaka bakit siya? Anong motibo? Sino ang gumawa?

Bukas, sisimulan ko nang maghalughug sa kwartong 'to. I need to start my mission at wala akong sasayanging panahon. Hindi ko rin natanong sa matandang 'yon kung anong buwan na ba ngayon dahil hanggang June 1 lang ang misyon dahil 'yon ang wedding day ni Kristina at ng lalaking ipinagkasundo sa kanya. Sino naman kaya ang lalaking 'yon?

Naninibago talaga ako sa paligid. Parang panaginip 'to. Pero ngayong nangyayari nga 'to at totoo ang lahat, I can't do anything but to accept it. Ang kailangan ko lang gawin ay kumpletuhin ang misyon ko.


Huminga ako ng malalim at tumingin sa relo sa leeg ko. Malapit ng mag-five. Medyo matagal din ang page-emote ko ah. Kinuha ko nalang ang damit na nilagay ni Ina sa kama at dinala sa bihisan. Magbibihis na ako baka dadating si Ina at dadalhin na ako sa party. 

Buti nalang at kasya ang damit ni Kristina sa akin, baka kung hindi lagot talaga ako. Lumabas na ako at pumunta na sa kwarto. Lumapit ako sa whole body mirror ni Kristina sa may vanity table, sa may bookshelf. Gulay, ang ganda talaga ng mga damit ni Kristina. Gusto ko meron ako nito sa bahay at ilalagay ko sa glass box, na parang sa museums. Ang cool kasi tignan.


May narinig akong katok kaya napalingon ako sa pinto. "Anak, si Ina mo ito."


See? Sabi ko na eh. Mabuti nalang at natapos na akong magbihis. "Pasok po, Ina."


Maya-maya ay pumasok si Ina na may konting ngiti sa labi, "Nakabihis ka na pala," sabi niya. Ngumiti nalang ako bilang sagot.


"Aayusan ka namin ng iyong tiya. Ayos lang ba iyon?" kumunot ang noo ko. Hindi ba nagpapaayos si Kristina sa Mama niya? Eh sino ang nag-aayos sa kanya?


"Oo naman po. Bakit naman po hindi?" sabi ko. Dahil do'n mas lalo pang lumapad ang ngiti niya.


Ang sabi ni Lolo noong birthday niya, hindi maganda ang ugali ni Kristina at hindi niya masyadong ginagalang ang mga magulang niya. Nagtataka nga ako dahil ang bait naman nila. Hindi ko lang alam sa Papa niya, eh nakakatakot ang aura no'n eh. Mas worse pa kay Lolo. Nakakaintimidate.


May kumatok naman uli kaya si Ina na ang nagbukas dahil malapit lang din naman siya. Ngumiti naman si Ina sa taong nasa labas, "Arcela, halika na upang maaayusin na natin si Kristina,"  sabi pa ni Ina rito. Arcela? Tita niya ba 'yon?


Pumasok naman ang isang babae, at ang Tita nga niya. Oh, Arcela pala ang pangalan niya. "Siya ba ay pumayag na Ate?" tanong ni Tita—Tita ko na rin siya.


"Oo, kaya halika na at baka mahuli pa tayo sa pagdiriwang," nakangiting sabi niya.


Natawa naman si Tita Arcela, "Ayos lang iyon Ate. Rito din naman ginaganap sa inyong bahay ang pagdiriwang," sabi pa niya, kaya natawa ako.


Oo nga naman noh. Mas mabuti 'yon para grand entrance. Bigla naman silang napalingon sa akin at sumeryoso ang mga mukha nila. Goodness, bakit?


"B-bakit po?" awkward kong tanong.


Agad na umiling si Ina, "Magsisimula na kaming ayusan ka. Halika," aniya at dinala ako sa vanity table at pinaupo doon.


Ilang minuto akong inayusan nilang dalawa. Si Ina ang nag-ayos sa buhok ko at si Tita Arcela naman sa make up ko. Isang malaking braid ang ginawa niya sa buhok ko at inikot at pinusod sa may batok ko at nilagyan ng magagandang pins. Nilagyan naman ni Tita Arcela ang mukha ko ng powder. May light red din na ink na nilagay niya sa labi ko pati sa pisngi ko.


"Ina, kung may mga party—I mean pagdiriwang po, kung gusto niyo kayo na po ang mag-ayos sa akin," sabi ko na nakatingin sa kanya through the mirror sa harap ko. Gusto kong magkaroon sila ng happy memories together dahil mamatay si Kristina ng bata pa. Napatigil naman silang dalawa sa pag-aayos sa akin.


Nginitian ako ni Ina sa salamin, "Tunay?" 'di makapaniwalang sambit niya.


Tumango kaagad ako, "Opo Ina. Gusto kong ikaw ang mag-ayos sa akin. Kayo ni Tiya," nakangiti kong sagot.


Ngumiti naman siya ng napakalapad. "Lagi ko iyang tatandaan. Hiling ko sana'y maraming pagdiriwang ang ating dadaluhan, nang sa gayun ay maayusan kita ng maraming beses," excited pa na sabi niya.


Through that I can see how she really love Kristina. Sa simpleng pag-aayos lang sa kanya excited na ito. Eh si Mama? Napailing nalang ako sa loob-loob. I shouldn't compare both of them, because they're a best mothers in their own ways.

Natawa naman kami at pinagpatuloy na nila ang pag-aayos.


"O hayan, hindi maipagkakailang kahit saang anggulo tignan ay napakaganda ng aming prinsesa," magiliw na komento ni Ina pagkatapos nila akong ayusan.

Of course! Agree ako d'yan, Ina.


Napalingon naman ako sa drawer ng vanity table nang may nakita akong kumislap. Nakita ko ang isang butterfly na hairpin na kulay itim, dark blue at red ang mga gemstone. Detailed pa ito at sophisticated ang dating. Parang gawa ng isang professional designer. Ang ganda.

Agad ko 'yong kinuha at inilagay sa gilid ng ulo ko sa left side. Ang cute niya oh. Nakangiti naman si Ina habang nakatingin sa akin, ang awkward tuloy.


"Ayos lang po ba ang itsura ko Ina?" nahihiya kong tanong.


"Syempre! Talagang nagmana ka sa akin," nakatawa pa niyang sabi, kaya natawa na rin ako.


"Ate, may mga dumating na," napalingon kami nang magsalita si Tita Arcela.


Nakatingin siya sa labas ng bintana. May mga kalesa na ngang dumarating. Andito na ang mga bisita! Goodness, bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit.


"Sya, bababa na muna ako, anak, upang maasikaso ko ang ating mga panauhin," sabi ni Ina sa akin, at tumingin siya kay Tita Arcela, "Halika, Arcela, samahan mo ako," aniya at dinala na si Tita papunta sa labas.


Sinara ko nalang ang mga bintana at tinignan ang oras sa kwintas, 5:30 pm na. Nagpunta kanina dito si Isay at inilawan ang mga lampshades sa kwarto. Marami-rami ito kaya maliwanag sa loob. Kumuha nalang ako ng libro at nagbasa pampalipas ng oras.

Sa future mahilig din akong magbasa. Pero ngayon hindi ako makapag-concentrate. Kinakabahan kasi talaga ako. Sigurado akong maraming bisita ang darating at hindi ko alam kung paano sila ia-approach.

Pero ang sabi ni Lolo at no'ng matanda tahimik at mapag-isa si Kristina, but paano kung ka-close niya ay lalapit sa akin? Oh goodness, paano na 'to! Nanginginig na 'yong tuhod ko at giniginaw na rin ako sa kaba. Malapit na rin kasi ang 6:15, dahil 6:10 na. Ang bilis ng oras! Baka dumating na si Ina at bababa na kami. Kinalma ko nalang ang sarili ko at pabalik-balik na naglakad sa harap ng kama. Natatakot na talaga ako. Goodness, baka makagawa ako ng kapalpakan.

Agad akong napalingon sa pinto dahil sa gulat nang may kumatok. Goodness, napa-praning na talaga ako. "Bukas 'yan," usal ko.


Naku, baka si Ina na 'yan at lalabas na kami. Naiihi na talaga ako sa kaba. Owemji.


Bumukas naman ang pinto at medyo nagulat ako nang pumasok si Kuya Lucio. At si Kuya Marco. Pati na rin si Kuya Lucas. Whoa! Ang gu-gwapo talaga nila. Nakatuxedo na sila na 'yong collar ng polo hanggang gitna leeg, at 'yong mga buhok nila ay nakaayos na bumagay talaga sa kanila. Mahaba 'yong coat nila na hanggang hita.


"Aba naman! Nakakabighani at napakaganda ng aming bunso!" nakangiting sabi ni Kuya Lucio. Mambobola naman 'tong mga 'to.


Ngumiti ako, "Wow, kayo nga 'tong ang gwapo eh."


Nagkatinginan silang tatlo, at sabay na nagkibit-balikat. "Kung ang salitang gwapo ay katumbas ng pagiging makisig, aba'y tatanggapin ko iyon ng buong puso, dahil iyan ay napakalaking katotohanan," sagot ni Kuya Marco.


"Isa pa, simula noong isinilang kami, ang salitang makisig ay nagkaroon na ng malaking ugnayan sa bawat pangalan namin," sabat naman ni Kuya Lucas. Sabay pang nagtanguan at tumawa ang tatlo. Eh 'di kayo na ang gwapo. Tsh.


"Ngunit mayroon akong naisip," biglang ani Kuya Marco. Napaseryoso naman silang tatlo, kaya pati na rin ako ay nakigaya na.


"Siguraduhin mong iyan ay matino, Marco," paalala ni Kuya Lucio sa kanya.


"Aba, syempre. Naisip ko lamang, huwag na kaya nating papalabasin si Martina sa kanyang silid," aniya at kunot-noong tumingin sa akin.


Napataas naman ang kilay ko. Bakit naman, aber?


"At bakit naman?" tanong ni Kuya Lucas. Ngumiwi naman si Kuya Marco sa akin kaya napatingin naman ang dalawa pa sa akin.


"Maraming ginoo ang nasa ibaba, at marami pa ang darating. Sa ganda ng ating bunso, hindi maiiwasang mayroong magkaka-interes sa kanya. Kuya Lucio at Lucas, hindi ako papayag sa ideyang iyan," seryosong sabi ni Kuya Marco.


Napangiti ako na natawa ng kaunti. Ang OA ha.


"Tama. Naisip ko rin ang bagay na iyan. Ngunit sayang naman ang pagod nina Ina na ayusan siya," katwiran naman ni Kuya Lucas. Napatango rin naman ang dalawa. Ang cute naman nilang protektahan si Kristina.


"Martina, bilang nakakatandang mga kapatid, ang protektahan at iiiwas samga mapangahas na mg Ginoo. Kung kaya't huwag kang lalayo sa amin. Papayag kaming ikaw ay bababa ngunit ipapangako mong sasama ka lang sa amin," ani Kuya Lucio, ang pinaka-matanda sa magkakapatid.


Ngumiti ako at tumango. "Mga Kuya, naiintindihan ko ang ibig kong sabihin, at sang-ayon ako doon. Isa pa, gusto ko rin makasama kayo para masaya."


Does that sound okay or I'm just overreacting?


I'm making this para sa kanilang magkakapatid. Gusto kong maging close nila si Kristina dahil kaunti nalang ang panahong makakasama niya sila, kahit hindi ako ang tunay na Kristina, at least buhay sa mga alaala nila na naging malapit sila sa isa't-isa.


Nagkatinginan naman silang tatlo, at agad ring lumingon sa akin, "Mabuti kung ganoon. Babantayan ka namin upang walang ni isang ginoong makakalapit sa iyo," ani Kuya Lucas.


Mabuti pa si Kristina may mga kuya na kagaya nila. Napakaprotective. Kulang nalang itali ako sa mga kamay nila, partida sa bahay pa idadaos ang party. But, this would be better, dahil ibig sabihin walang kakausap sa akin.


"Pero kuya Lucio hindi ba't mas maraming ginoo ang lalapit sa kanya dahil kaibigan natin ang mga iyon?" tanong naman ni kuya Lucas.


Umiling si kuya Lucio, "Kung nag-iisa si Martina at wala tayo, mas madali nilang malapitan siya. Ngunit kapag kasama natin siya at lalapit sila maraming paraan ang magagawa natin upang mapalitan ang kanilang interes na kausapin at kilalanin siya," pangatwiran ni Kuya Lucio.


Napailing ako. Ayaw ba nila akong—este ni Kristina na magka-boyfriend? Sabagay kahit isa nga lang ang Kuya protective na, paano na 'tong tatlong 'to? May nakabantay sa bawat gilid at may isa sa likod, plus 'yong tatay pa sa harap, wala na, hindi na makakapag-asawa.


"Oo nga, tama ka." sambit ni Kuya Lucas. Bumaling naman silang tatlo sa akin.


"Martina, alalahanin mo ang iyong sinabi. Hindi ka hihiwalay at sasama ka lang sa amin, maliwanag?" usal ni Kuya Lucio. Siya nga talaga ang pinakamatanda, dahil mas protective siya.


Tumango ako at ngumiti, "Yes po, maliwanag," tugon ko.


"'Yes'?" taas kilay na tanong ni Kuya Marco.


Tumango ako, "Yes, 'yan ang ingles ng oo. Yes," nakangiti kong paliwanag. Napairap ako sa loob-loob. Mukhang sasanayin ko na talagang isantabi muna ang English, mapapahamak ako nito eh. Sabay naman silang nagsipagtanguan.


Bigla namang may kumatok at bumukas ang pinto. Bahagyang pumasok si Ina. Napangiti naman siya, "Narito pala kayong lahat," aniya at naglakad papalapit sa amin, "Nakakatuwa at napakaganda ninyong pagmasdan. Ang aking mga anak ay malalaki na. Hindi ko man lang napansin ang paglipas ng panahon," dugtong niya pa.


"Bakit po Ina, maganda at makikisig po, hindi ba?" natatawang sambit ni Kuya Lucas.


Natawa naman si Ina, "Aba syempre. Nagmana sa mga magulang," usal niya. Nagtawanan naman ang tatlo kaya nakisali na rin ako.


"Bueno, tayo na sa labas at bababa na raw tayo. Ang inyong Ama'y naghihintay na sa labas. Marami-rami pa siyang mga panauhing sasalubungin at kukumustahin," wika ni Ina.


Dahil doon ay bigla na naman akong kinabahan. I took a deep breath at sumunod na kami kay Ina na naglakad na palabas. I can do this. Nandito rin naman sina Kuya kaya hindi na ako mamo-mroblema na may lalapit sa akin.


Oh my C! This is it. My first ever appearance sa mga tao sa panahong ito, sa katauhan ni Kristina.

Sa panahong ito, ako na si Maria Graciana Kristina Del Veriel.







Sa Taong 1890

Continue Reading

You'll Also Like

118K 3.5K 79
The Past and the Present Genre:Fan Fiction ( PAST ) Si Guy, Makulet,Palabiro at masayahing bata noon. Habang si Girl naman ay mahinhin, mahiyain at...
3.2M 91.4K 86
An unexplainable tradition of Saint Harvest when it comes to their school organization where all of them are part of the campus royalties The goal of...
58.8K 1.5K 27
(Old story) Si Ava Maria Kristina Block ay gusto maging Secret Agent kagaya ng kanyang mga magulang kaya naging scholar siya sa Secret Academy, isang...
1.2M 18.5K 51
HIGHEST RANK ACHIEVE - #1 in Bloody Category (1 week) #2 in Brutal Category - HELL IS EMPTY. ALL THE DEVIL IS HERE - Humanda ka na Isusunod ka na ni...