Trials that We Can't Balance...

By xxialej

119K 4K 881

Accounting Series #4 (COMPLETED) Being the breadwinner of the family isn't easy. Sa murang edad ay pasan-pas... More

Trials That We Can't Balance
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Wakas
Author's Note
SOON TO BE PUBLISHED
Accounting Series PREORDER

Kabanata 17

2.5K 105 15
By xxialej

I spent too much of my life feeling insecure. Totoo iyon at hindi na ako magpapaka-plastic pa.

Marami akong bagay na kinai-inggitan sa ibang tao. Marami akong bagay na gustong maranasan pero pakiramdam ko'y napakadamot sa akin ng mundo.

Mula pagkabata ay mulat na ako sa kahirapan. Tandang tanda ko pa kung paano ako mapalunok-laway sa tuwing nakikita ko ang mga kalaro kong kumakain ng ice cream. Malinaw pa sa akin na sa tuwing kumakalam ang sikmura ko ay tanging pagtulog ang sagot para hindi ko na muli maramdaman ang pagkagutom.

Hindi ko rin makakalimutan iyong mga panahong pumapasok ako na ni-piso ay wala ako sa bulsa. Kulang ang pera ni Nanay at dahil ako ang panganay, kailangan kong magpaubaya para sa mga kapatid ko.

Kailangan kong magtiis. Kailangan kong magtiyaga.

“Ikaw ang tatayong haligi ng tahanan, Eloisa. Mahirap man para sa akin... pero hindi ko kayang palakihin ang mga kapatid mo na ako lang mag-isa,”

Tandang tanda ko ang mga katagang binitawan sa akin ni Nanay noong nasa high school pa lamang ako.

Doon pa lang ay alam ko nang kailangan kong talikuran ang pangarap ko para sa pangarap ng mga kapatid ko.

Ibinaon ko ang kagustuhan kong maging isang manunulat. Sinunod ko ang gustong kurso para sa akin ni Nanay na Accountancy. Aniya'y sa kursong ito ay maraming oportunidad na nakaabang. Sa propesyon na ito, giginhawa ang buhay namin.

And nang dumating sa buhay namin si Tito Aljon, nakahinga ako nang maluwag. May sumalo ng responsibilidad na inilaan sa akin ni Nanay... pero hindi rin iyon nagtagal dahil nakulong siya sa maling paratang.

Hindi naman ako humihingi ng kahit anong kapalit... All I want is just to feel appreciated. To be respected. As a daughter and as a sister.

Matapang akong tao. Hindi ako nagpapakita ng kahinaan. Kaya kong itago ang libo-libong sakit gamit lang ang isang malawak na ngiti.

Ngunit nang marinig ang mga salitang iyon sa kapatid ko ay napakahirap lunukin. Tila isang sirang plaka na paulit-ulit sa aking utak.

“You're zoning out again...” Reyster sighed. I felt his warm hand gently caressing my exposed back. The warmth of his touch sent shivers down my spine.

Kanina pa natapos ang birthday party ni Tita. It went well, though. Simple lang pero sobrang saya. Umuwi ng bahay sina Nanay at mga kapatid ko habang ako nama'y naiwan dito sa bahay nina Reyster. Dito ako magpapalipas ng gabi.

It's already two in the midnight. We're both lying on the bed, naked. Madilim ang buong sulok ng silid at tanging kaunting liwanag na nagmumula sa bukas na bintana.

“May iniisip lang,” paos at inaantok kong saad.

Umayos ako ng higa. Ang ulo ko'y nakapatong sa kaninang matipunong dibdib at ang isang braso ko ay nakapalibot sa baywang niya. Bahagya akong napapangisi dahil sa kiliting hatid ng pagguhit ng bilog gamit daliri niya sa aking likod.

Matagal bago siya muling nagsalita. “May I know what's on my baby's mind?” tanong niya at halos mapapikit naman ako sa lambing ng kaniyang boses.

Marami. Marami akong iniisip... pero hindi ko maaaring sabihin sa 'yo. Hindi puwede. Ayaw ko.

Intead of taking his question seriously, I just flashed a wide grin.

“Wala naman. Iniisip ko lang kung paano ba ako makaka-graduate na wala akong ginagawa...”

Tumawa siya at hinagilap ang kamay kong nakayakap sa baywang niya. Buong akala ko'y ipagsasalikop niya iyon ngunit laking gulat ko nang pabiro niya iyong kagatin ang braso ko.

“Aray ko naman!” daing ko kahit sa totoo'y hindi naman masakit ang kagat niya. Gusto ko lang mag-react.

Tumawa siya ulit at muling ibinalik ang kamay sa pagkakayakap sa kaniya. Nang mag-angat ako ng tingin sa mukha niya ay wala na iyong bakas ng kahit anong ngiti. Ang mga mata niya'y hindi humihiwalay sa puting kisame, tila may malalim din ang iniisip.

Nabalot kami ng nakakabinging katahimikan. Wala na ni-isang nagsasalita. Tanging paghinga lang naming dalawa ang naririnig.

This intimacy is giving me an inner calmness. Matagal-tagal na rin kasi mula nang gawin namin ang bagay na ito. Pareho kaming naging abala sa mga bagay-bagay... at ngayong kasama ko siya ngayon at kayakap, pakiramdam ko'y nagkaroon ako ng pahinga mula sa nakakapagod kong mundo.

Corny pero iyon ang totoo.

Buong akala ko'y tulog na siya ngunit nagulat ako nang bigla niyang basagin ang matagal na katahimikan.

“I wanna know what's running to your head. I wanna know your thoughts, your doubts, and even your problems...” he trailed off and sighed.

“Gusto kong malaman kung pagod ka na ba? Kaya mo pa ba? Hanggang kailan mo kakayanin ang lahat nang mag-isa? Kasi kung hindi na, nandito lang naman ako... handa akong sumalo.”

Tears filled my eyes. “R-Reyster...”

“Dahil para sa 'kin, Eloisa, ang responsibilidad mo'y responsibilidad ko rin. Mahal kita at ayaw kong nakikita kang nahihirapan. Mahal kita at nasasaktan ako sa tuwing nakikita kong nauubos ka...”

“I know you heard everything earlier.” dagdag pa niya sa namamaos na boses at dahil doon ay tuluyan na akong bumigay.

Ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ay nagsimula nang umagos na parang gripo.

Ito ang unang pagkakataon na aaminin kong nasasaktan ako, na nahihirapan ako. Ito ang unang pagkakataon na sasabihin ko na sana hindi na lang ito ang klase ng buhay na ibinigay sa 'kin.

That night... I cried my heart out while Reyster's arm were enveloped in my body.

The next days has been hell to me or should I say... to us. Nagsimula na kami sa paggawa ng research. Sa kasamaang palad ay ang professor ang pumili ng makaka-grupo namin para roon. Ni isa sa mga kaibigan ko ay wala akong kasama.

Idagdag pa na kung kailan medyo gumaan na ang aming buhay ay doon pa namin malalaman ang kondisyon ni Nanay. Noong nakaraang araw lang kasi ay sinamahan ko siyang magpa-check up dahil sa iniinda nitong karamdaman. Madalas itong mapagod o hapuin agad. Kaunting lakad lang ay hingal na hingal na siya kaya naman minabuti naming pumunta sa doctor.

Matapos ng napakaraming test na isinagawa ay doon namin nalaman na lumalaki pala ang puso ni Nanay. Kinailangan niyang tumigil sa pag-tra-trabaho at ang masaklap pa ay masakit sa bulsa ang presyo ng kaniyang maintenance.

Wala tuloy akong choice kundi ang maghanap muli ng trabaho. Kung noon ay dalawa kaming magkatuwang sa mga gastusin ay ngayo'y mag-isa na lamang ako.

Mabuti na lang ay hinayaan ako ni Boss Harrold na bumalik sa Aloha. Doon ang trabaho ko tuwing gabi. Tuwing weekends naman ay sa restaurant ako na malapit sa Kamay Ni Hesus nagtra-trabaho bilang janitress o kung minsan ay dishwasher.

“Wala na pala akong gamot. Iisa na lang ang natitira rito,” salubong sa akin ni Nanay pagkauwi ko sa bahay.

Hapon pa lang pero ramdam ko ang bigat ng katawan ko dahil sa sobrang pagod, sabayan pa kumakalam na rin ang sikmura ko sa gutom. Marami kasing customers kanina sa resto. Kinulang pa sa tauhan kaya naman napilitan akong mag-serve sa mga tables.

Alas singko pa lang naman ng hapon, tapos na ang shift ko. May isang oras pa ako para magpahinga. Pagkatapos no'n ay papasok na ako sa Aloha.

“Ako na ang bibili bukas, Nay. Ibigay mo na lang sa 'kin ang reseta.” Dumiretso ako sa kusina para maghanap ng makakain pero napabuntong-hininga ako nang wala.

“Dumating na rin ang bill natin sa kuryente at tubig. Nariyan sa cabinet. Tapos si Aling Imelda, sumugod na rito kanina, naniningil ng upa...” pagpapatuloy ni Nanay sa sinasabi.

Tinawag ko si Albert para utusang bumili ng pancit canton.

“Ay ate, puwedeng makahingi ng pera? May project kasi kami. Kahit mga 200 lang.” usal ng kapatid ko.

Napabuntong-hininga ako at matamlay na tumango.

“Sige... ipaalala mo na lang ulit sa akin bukas. Bilhin mo muna iyong inuutos ko dahil gutom na ako.” Ginulo ko ang buhok niya bago siya tuluyang lumabas ng bahay.

“Ako rin, Ate! Mayroon kaming bayaran sa school. Hanggang next week na lang po 'yon,” ani Marie.

Ganiyan ang naging scenario namin sa pang-araw-araw. Sa isang iglap, pasan ko na sa balikat ko na ang lahat ng responsibilidad.

Sa dami ng gastusin, minsan ay nakakaligtaan ko na ang pag-aaral. Madalang na akong pumasok sa school. May mga pagkakataon kasi na kailangan kong rumaket ng bongga dahil kahit dalawa na ang trabaho ko ay kulang na kulang pa rin para sa lahat ng gastusin.

Ilang tao na ba ang nag-alok sa akin ng tulong? Ewan ko... basta ang alam ko lang, wala akong tinanggap ni isa mula sa kanila. Ni kahit si Reyster at ang Mommy niya ay sinubukan din magbigay ng pinansyal pero hindi ko tinanggap.

Kaya ko 'to. Kakayanin ko. Hindi bale nang magkanda-kuba ako sa pagtra-trabaho, huwag lang akong mabaon sa utang na loob. Nakakatakot.

Akala ko'y iyon na ang pinaka-mabigat pero ang hindi ko alam ay may idadagdag pa palang pasakit sa akin... dahil isang madaling araw, pagkauwi ko galing sa trabaho ay naabutan ko si Eunice na nakatayo sa harapan ng sarado naming pinto, hawak-hawak ang isang maliit na maleta.

Nakayuko at umiiyak nang malakas.

“Eunice?” Pinaghalong gulat at saya ang naramdaman ko nang dahan-dahan itong lumingon at nagtama ang paningin namin.

“Ate... I'm sorry!” hagulhol niya at hindi ko napigilang ngumiti nang malawak.

Hindi pa rin makapaniwala. Namamangha... ngunit ang lahat ng iyo'y naglaho nang bumaba ang tingin ko sa maliit na umbok sa kaniyang tiyan.

“I'm sorry, A-Ate... hindi ko ginusto. Hindi namin ginusto...” she said between her sobs. “B-Buntis ako p-pero tinakbuhan ako ng boyfriend ko...”

Bumagsak ang balikat ko sa narinig. Nanlambot ang aking mga tuhod, kasabay ng paninikip ng dibdib ko.

“A-Ate... tulungan mo ako. Hindi ko ito kayang mag-isa...”

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 119K 34
Tadhana (Self-published)
46.9K 2.1K 81
an epistolary ; jadys and jayden
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...