Eligible Bachelor 1: Liam Arn...

De IrishHeaven

19.7K 1.7K 1.5K

[Completed] "May mga bagay sa mundo na hindi kaya baguhin ng panahon. Pero kayang ayusin kapag nabigyan ng pa... Mais

Cast
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Epilogue

Chapter 10

590 55 73
De IrishHeaven

MATAPOS mangyari hindi na ako pumasok. Nagdahilan na lang ako kay Mama na masama pakiramdam ko at naniwala naman siya. Kumusta na kaya sila? Masaya ako kasi malapit na silang magtapos. Ako hindi ko alam kung ano mangyayari sa akin. Natigil ako sa pagmuni-muni nang kumatok si Mama.

"Anak nandito sina Olivia at Emma," sabi ni Mama. Anong ginagawa nila rito? Pinagbuksan ko agad ng pinto si Mama at pinuntahan mga kaibigan ko.

"Girl kumusta ka na?" tanong agad ni Olivia.

"Okay lang ako kayo kumusta na ano balita sa inyo?" tanong ko sa kanila.

"Okay lang kami Cassy at ito nga may balita kami sa'yo kaya nandito kami!" masayang sabi ni Emma.

"Ano iyon?" tanong ko ulit.

"Sinabi sa amin ni dean na bibigyan ka raw niya ng chance dapat within one week matapos mo iyong thesis mo. Kapag nagawa mo iyon makaka-graduate ka at babalik sa'yo ang summa cum laude mo!" malakas na pagkasabi ni Emma.

"Talaga totoo ba iyan?" Hindi ako makapaniwala.

"Oo girl salamat kay Noah kasi tinulungan ka." Natigilan ako si Noah ano kinalaman niya?

"Ano kinalaman ni Noah dito?" nagtatakang tanong ko.

"Kasi sabi niya sa amin gagawa siya ng paraan kasi mahalaga ito para sa'yo," seryosong pagkasabi ni Olivia. Kung gano'n dahil kay Noah dapat akong magpasalamat sa kaniya.

Bago mag one week natapos ko na iyong thesis ko at excited kong ipasa kay dean. Masaya ako habang naglalakad dahil makaka-graduate na ako at babalik sa akin ang honor ko. Dahil sa lutang ang isip hindi ko napansin may nabangga ako.

Bogsh... bago ako matumba may brasong humawak sa akin. Pag-angat ng aking tingin si Noah ang nakita ko. Dahil sa sobrang kasiyahan niyakap ko siya agad ng mahigpit.

"Noah salamat sa'yo," sabi ko habang nakayakap sa kaniya ng mahigpit.

"Ahem nandito pa kaming dalawa ni Liam." Pagbasag ni William sa amin. Agad akong kumawala kay Noah.

"Sorry hindi ko kayo napansin na dalawa hello sa inyo," sabi ko. Tumingin ako kay Liam na masama ang tingin sa akin.

"Bakit ang saya mo yata Cassy?" pansin ni Noah.

"Oo kasi makaka-graduate na ako at utang na loob ko iyon sa'yo Noah," sabi ko at tumingin sa kaniya.

"Ako?" Turo niya sa kaniyang sarili.

"Oo kasi sabi nina Olivia at Emma gumawa ka ng paraan para tulungan ako kaya maraming salamat," nakangiting sabi ko.

"Ah gano'n ba oo walang anuman iyon Cassy happy ako sa'yo," nakangiting sabi niya.

"Tapos na kayo mag-usap tara na!" sabi ni Liam at agad umalis. Galit na naman siya.

Mabilis lumipas ang araw at ngayon graduation namin. Tumagal din ng ilang oras ang ceremony at nag-speech ako kahit nakakaiyak ang speech ko pinigilan ko. Lahat nagkakasiyahan na hinanap ko si Liam pero hindi ko makita. Sa dami ng tao hindi ako tumigil sa paghahanap hanggang nakita ko siya sa may field.

"Liam congrats sa'yo." Pagbati ko sa kaniya pero wala akong nakuhang sagot.

"Bakit ka nandito do'n tayo naroon silang lahat." Pero wala pa rin siyang imik. "Liam pun-" hindi ko pa tapos ang sasabihin ko ng putulin niya.

"Ano ba Cassy? Tumigil ka na ang kulit-kulit mo!" Natahimik ako sa sinabi niya.

"Nag-aalala lang kasi ako sa'yo dahil mag-isa ka lang dito," mahinang pagkasabi ko.

"Sanay na ako mag-isa at puwede ba tumigil ka na. Tigilan mo na ako dahil wala ka makukuha sa akin hindi kita kailangan!" galit na sabi niya.

"Bakit ka ba ganyan sa akin? Lahat ginagawa ko para sa'yo. Binago ko ang sarili ko baka sakaling magustuhan mo ako. Gusto ko maging proud ka sa akin kaya kinaya ko lahat. Tiniis ko kahit nasasaktan na ako. Kahit sunod sunuran sa'yo wala akong pakialam. Kahit binabalewala mo ako pinagsawalang bahala ko. Naging matiyaga ako para mahalin mo rin pero bakit hindi mo ako magawang mahalin? Pero ako mahal na mahal kita Liam," sabi ko habang umiiyak. Tumingin siya sa akin.

"Alam mo kung bakit hindi kita magawang mahalin? Dahil wala akong nararamdaman sa'yo. Hindi ka bagay para sa akin. Tingnan mo ang sarili mo kahit baguhin mo wala pa rin pinagkaiba. Hindi bagay status mo sa status ko, ikinahihiya kita ang layo ng antas ko sa'yo. Sa madaling salita wala kang kwenta at hindi kita mahal Cassy! Kahit kailan hindi kita mamahalin naintindihan mo? Ito uulitin ko sa'yo para maintindihan mo HINDI KITA MAHAL! Huwag ka umasa na mamahalin din kita!" Tagos sa puso ang pagkasabi niya ang sakit sakit!

"Bakit ano bang nagawa ko? Ano kulang sabihin mo sa akin para magawa ko. Mahal na mahal kita Liam hindi ko kaya mawala ka sa akin please mahalin mo rin ako." Nakaluhod ako sa harapan niya habang sinasabi ko at patuloy na umiiyak.

"Ang kulit mo! Matalino ka naman pero hindi ka nakakaintindi. Layuan mo na ako, tigilan mo na ako, ayaw ko sa'yo at hindi kita mahal!" Sigaw na pagkasabi niya. Paalis na siya at tumalikod sa skin pero hinabol ko at niyakap siya sa patalikod.

"Please Liam nagmamakaawa ako sa'yo hindi ko kaya. Ikaw ang buhay ko, hayaan mo mahalin kita kahit hindi mo ako mahalin okay lang sa akin basta rito ka lang." Pero inalis niya mga kamay ko na nakayakap sa kaniya tapos may babae na biglang sumulpot.

"Tigilan mo na ako Cassy may girlfriend na ako. Siya ang mahal ko kaya layuan mo na ako!" Niyakap niya ang babae sa baywang at naghalikan sila sa harapan ko.

"Hindi mo ba talaga ako matutunan mahalin?" tanong ko habang humihikbi.

"Hindi at kahit kailan hindi kita matutunan mahalin!" Parang pinipiga sa sakit ang puso ko.

"Sige, masaya ako para sa inyong dalawa. Alagaan mo ang sarili mo Liam paalam." Pagkasabi ko tumakbo ako palayo na umiiyak. Puno ng luha ang mata ko dahilan para madapa ako. Hindi na ako lumingon sa kinaroroonan nila at ipinagpatuloy ang pagtakbo.

Nasa kwarto ako walang tigil sa pag-iyak tumabi sa akin si Mama.

"Dapat masaya ka ngayon dahil graduation mo bakit ka umiiyak?" tanong ni Mama.

"Ang sakit Mama hindi ko na kaya," sabi ko na umiiyak pa rin.

"Kung hindi mo na kaya bumitaw ka na," payo ni Mama.

"Pero hindi ko alam kung kaya kong bumitaw sa pagmamahal ko sa kaniya." Pinaharap niya ako.

"Kayanin mo anak alam ko masakit at walang katumbas ang pagmamahal mo sa kaniya. Pero huwag mo pilitin ang isang tao kung ayaw sa'yo. Masaya na siya sa iba kaya pabayaan mo na siya. May makikita ka pa diyan na iba hindi lang siya ang lalaki sa mundo. 'Di ba sabi ko sa'yo hindi kita pipigilan na magmahal pero kapag nasaktan ka na papatigilin na kita. Sundin mo si Mama kahit ngayon lang," pagsusumamo ni Mama.

"Alam ko hindi ito ang tamang oras para sabihin ito sa'yo pero dapat mong malaman ang totoo." Nagtatakang humarap ako sa kaniya.

"Ano po iyon Mama?" tanong ko.

"Sorry anak kung matagal akong naglihim sa'yo hindi ko kasi alam kung matatanggap mo. Ang totoo hindi ako ang tunay mong magulang. Ang tunay mong Mama ay ang kapatid ko." Pagpapaliwanag ni Mama ay hindi pala siya, iyong kapatid niya.

"Asan po totoong magulang ko?" tanong ko ulit.

"Iniwan ka sa akin ng Mama mo bata ka pa lang dahil mag-abroad siya para matungunan ang pangangailangan mo. Iniwan kasi kayo ng Papa mo wala siyang choice kung hindi kumayod. Siya ang nagpaaral sa'yo ng palihim sana patawarin mo si Mama at iyong totoo mong Mama." Naintindihan ko para sa akin kaya niya nagawa.

"Naintindihan ko po at hindi ako magtatanim ng sama ng loob. Kahit hindi kayo humingi ng kapatawaran pinapatawad ko na po kayo." Gumaan ang loob ko kahit nakaka-shock ang mga nalaman ko.

"Ang swerte ko dahil ang bait ng anak ko," masayang sabi ni Mama.

"Kasi pinalaki niyo ako ng tama," nakangiting sabi ko.

"Nandito ang totoong Mama mo sabi ko kakausapin muna kita." After namin mag-usap ni Tita Mama iyon ang tawag ko na sa kaniya nagkita at nagkausap kami ng totoo kong Mama. Gusto niya akong isama sa US dahil nandoon ang work niya at si Tito George ang bago niyang asawa. Siguro time na rin para gumising na ako sa katotohanan kaya pumayag akong sumama.

Kinabukasan graduation ball namin kaso hindi na ako pumunta dahil aalis na rin ako. Tinawagan ko sina Olivia at Emma para makapagpaalam.


3rd Person Point of View

Habang nagkakasayahan ang lahat malungkot naman si Liam.

"Olivia bakit wala si Cassy?" tanong ni Noah.

"Nakipagkita sa amin kanina si Cassy para magpaalam," malungkot na pagkasabi niya.

"Saan ba siya pupunta?" tanong ni Noah ulit.

"Pupunta na siya sa US kasi pinapasama siya ng totoo niyang Mama. Hindi totoong Mama ni Cassy si Tita iyong kapatid niya ang Mama ni Cassy pinalabas lang na siya ang Nanay. Dahil nag-abroad para matungunan ang pangangailangan ni Cassy. Iniwan kasi sila ng Papa niya, ngayon nakapangasawa ulit Mama niya nasa US kaya kukunin na rin siya," mahabang paliwanag ni Olivia.

"May gano'n pa lang pinagdadaanan si Cassy na hindi natin alam. Iniwan siya ng Papa at Mama niya bata pa lang," nanghihinayang na sabi ni William.

"Fuck! Aalis si Cassy na hindi ko lang sinasabi sa kaniya." Nagulat sila sa inasal ni Noah. Si Liam nakikinig lang na parang wala sa sarili.

"Saan ka pupunta bro?" tanong ni William.

"Puntahan ko si Cassy sa airport baka maabutan ko pa siya." Paalis na sana siya ng pigilan ni Emma.

"It's too late Noah nakaalis na sila hindi mo na siya maaabutan." Nanghinang napaupo si Noah sa sahig. Hindi alam ng iba na bigla na lang umalis si Liam.

Bago pumasok si Cassy sa loob ng eroplano sa huling pagkakataon sinulyapan niya ang buong lugar. Mami-miss niya ang Pilipinas pero pinangako niya sa sarili na magbabago ang lahat. Goodbye Liam! sabi ng isip ni Cassy.
Bagsak siyang naupo sa sahig at isang desisyon ang ginawa niya na pagsisihan niya habang buhay.

================================
Chapter 1-10 balik tanaw po nung nasa college pa sila.

IrishHeaven

Continue lendo

Você também vai gostar

46.4K 542 34
[COMPLETED] Can true love can beat the power of first love? Anong laban ng pusong nagmamahal ng tunay sa taong unang minahal? Would she fight for her...
5.8K 191 13
When the marriage of Celeste and her husband Liam is on the rocks she finds her happiness in the arms of Greyson her husband's younger brother which...
55.5K 57 1
[Career Series #2] Athena is a dreamer. She dreamt of becoming a star in the fashion design field, which is why she's taking clothing technology at o...