Remember 2 Love me (completed)

By sointoyou06

2.1M 66.6K 24.5K

Book two of Kissing Reese Santillan. Reese ❤ Maddy More

Author's note
Prologue
Chapter 1 - Madison
Chapter 2 - Reese
Chapter 4 - Bewildered
Chapter 5 - Longing
Chapter 6 - Only exception
Extra chapter - That kiss
Chapter 7 - Confession
Chapter 8 - Deja Vu
Extra chapter - Another sleepover
Chapter 9 - Crazy beautiful
Chapter 10 - Girls night out
Chapter 11 - Si Aly
Chapter 12 - Runaway
Chapter 13 - You and Me
Chapter 14 - Jealousy
Chapter 15 - Overjoyed
Chapter 16 - Confusion
Chapter 17 - Reminiscing
Chapter 18 - Alapaap
Extra chapter - Tipsy
Chapter 19 - Lunch out
Chapter 20 - Out of town
Chapter 21 - Dreams
Chapter 22 - Underwater
Chapter 23 - Daze
Chapter 24 - Pain
Chapter 25 - Cold heart
Chapter 26 - her birthday
Chapter 27 - Make a wish
Chapter 28 - Breakfast
Chapter 29 - Remember
Chapter 30 - Back home
Chapter 31 - My Bff Alyana
Chapter 32 - Dakota
Chapter 33 - She's mine
Chapter 34 - Living with her
Chapter 35 - Coffee or me?
Chapter 36 - Ice cream
Chapter 37 - My only one
Chapter 38 - Constant change
Chapter 39 - Girls night out 2
Chapter 40 - Unexpected
Chapter 41 - Where is she?
Chapter 42 - Ang masarap na creamy garlic mushroom chicken
Chapter 43 - Who is Tita Jenna?
Chapter 44 - Aphrodisiac bar
Chapter 45 - Surprise date
Chapter 46 - Si Kayah
Epilogue

Chapter 3 - The Welcome Party

68.6K 1.6K 277
By sointoyou06

Madison P.O.V.


Isang malaking OMG!

Si Reese!

Sa sobrang gulat ko ay mabilis akong tumayo palayo sa kanya.

"I-I'm sorry.." hingi ko ng paumanhin, sobrang tension ang naramdaman ko kaya hindi ako makatingin sa kanya.

Of all people naman kasi talagang si Reese pa ang kailangang makikita ko dito sa CR? Umalis nga ako doon sa loob ng office para iwasan siya pero akalain mo yun na dito pa pala kami magtatagpo?

'Umayos ka nga Maddy!' Sigaw ng utak ko. Naman kasi! Bakit hindi ko magawang kumalma??

"Be careful next time!" narinig ko na lang na singhal nya bago sya nagmamadaling naglakad palayo.....naiwan ako doon na nakatulala.

Totoo bang si Reese yun? Parang hindi pa din ako makapaniwala na nandito na sya ulit.

After 4 long years....

Pareho pa din pakikitungo nya sa akin kagaya noong huling nagkita kami sa farewell party nila ni Reema..

Bigla ako nakaramdam ng lungkot kasi and reality hit me – obvious na hindi pa din bumabalik ang memorya nya na nawala dahil sa aksidente.

Pumasok ako sa loob ng CR at mabuti na lang at walang tao dito. Lumapit ako sa salamin at tinignan ang repleksyon ko mula dito.

'Ano ba Madison? Umaasa ka pa din ba? Akala ko ba nag move on ka sa kanya kagaya ng sinasabi mo kay Aly?' i told myself.

Liar...you're such a big liar.

Saglit pa akong nanatili sa loob at pilit na kinakalma ang sarili ko. After 5 minutes ay pinakiramdaman ko ang sarili ko, nang medyo ok na ako kaya napagdesisyunan ko ng bumalik sa opisina at baka hinahanap na ako doon.

Pagpasok ko ay agad akong napansin ni Aly "OK ka lang ba? Bakit namumutla ka ata?" tanong nya saka sinalat pa ako sa noo.

"Medyo sumama lang yung pakiramdam ko pero kaya pa naman." malungkot na sagot ko saka ko siya nilampasan. Pagkaupo ko sa pwesto ko ay bumalik na naman sa isip ko yung nangyari kanina; yung posisyon namin na habang nakatitig ako sa mga mata nya.

Alam ko sa sarili ko na sobrang ko syang namiss..yung mukha nya, yung ngiti nya, yung pang aasar nya....yung lahat lahat sa kanya.

Pero sa halip na matuwa ako na nagkita ulit kami kanina ay lungkot ang nararamdaman ko, paano naman hindi pa din nya ako naaalala hanggang ngayon....

Parang biglang gusto ko tuloy maiyak pero pinigilan ko. Siguradong magtataka sila kapag napansin nilang umiiyak ako, lalong lalo na si Aly na hindi ako tatantanan sa pagtatanong.

Napabuntong hininga muna ako bago pilit na inalis si Reese sa isip ko. Hinawakan ko ang mouse ng computer at saka tinutok ko ang atensyon ko sa pagpapatuloy ng trabaho ko.

Swerte ko na lang at hanggang sumapit ang lunchbreak ay hindi ko na nakita pa ulit si Reese. Pakiramdam ko talaga ay matutuluyan na akong magkakasakit kung magkakaroon ulit ako ng close encounter sa kanya.

Tumayo na ako at kinuha yung wallet sa bag ko, as usual sa resto sa ibaba kami maglulunch ni Aly kasama ang iba pa naming officemates.

Sabay sabay na kaming naglakad nina Aly, Beth, Arlene at Agnes papuntang elevator. Nasa ground floor pa kasi yung favorite resto namin.

Ding!

Pagpasok namin sa loob ng elevator—

"Nakakasawa na yung mga pagkain dito ano?" reklamo ni Arlene habang pinipindot yung elevator button.

"Oo nga eh yun at yun din." pag sang ayon naman ni Aly.

Hindi naman kasi kami pwede lumabas at doon kumain dahi paniguradong kakapusin kami ng oras pagbalik. Malayo pa kasi yung mga resto dito sa building namin at saka traffic din sa dadaaanan kaya bihirang pagkakataon lang na mag lunch out kami.

Mahigpit kasi si head, ayaw nya na nahuhuli kami ng balik sa trabaho. Kaya eto wala tuloy kami magawa kung hindi pagtyagaan na lang ang mga pagkain dito, pero minsan naman nakakapag baon ako.

Baka next time magpafood delivery na lang kami, meron pa naman ibang alternatives.

Ding!

Bumukas ang elevator at muntik nang tumalon ang puso ko nang makita ko kung sino yung mga papasok dito –sina Blake, Brandon, Reema at si ......Reese.

Halos hindi ako makahinga pagkakita sa kanya. Hindi ko malaman saan ko ibabaling ang tingin ko.

Busy sila ni Blake sa paguusap at tila hindi kami napansin nito. Si Reema ang lumingon sa amin at feeling ko nagliwanag ang mukha nya nang makita ako...o imagination ko lang yun?

"Maddy!" masayang bati nya, todo smile siya.

Napansin din ako ni Sir Brandon "Oh hi Maddy" nakasmile na bati din nya. Ngumiti din ako sa kanila at bumati kahit medyo nahihiya ako.

Sa gilid ng mata ko ay napansin ko na napatingin din sa amin si Reese. Pero saglit lang yun at binalik ulit nya ang tingin nya kay Blake na parang hindi naman ako worth it ng attention nya.

Ouch much!

"Lunch na kayo? Tara sabay na kayo sa amin. We'll try yung bagong resto malapit lang dito." narinig kong anyaya ni Reema.

"Ah wag na Ma'am sa resto sa ground floor na lang kami." magalang na tanggi ko, mabuti na lang at bumukas na ulit yung elevator at nagmamadali na kaming nagpaalam sa kanila bago lumabas dito.

"Grabe ang gwapo gwapo talaga nila!" sabi ni Beth pagkalabas namin at halatang kinikilig silang tatlo.

Bumaling sa akin si Aly, napansin nya siguro ang pananahimik ko at alam kong alam nya kung bakit.

Bumulong sya "Natense ka friend?" parang nang aasar pa siya.

Inirapan ko sya "Asa!" inis na sagot ko.

"Weh?" Parang hindi pa sya makapaniwala. Kutusan ko kaya itong babae na 'to?

Inirapan ko lang sya habang naglalakad na kami palapit sa food counter. Madami na ding mga empleyado ang mga nakapila dito. Halos lahat kasi ng mga nagtatrabaho sa building ay dito din kumakain.

Naramdaman ko may sumiko sa akin, palinga ko si Agnes pala. Bumulong sya sa akin "Mukhang close ka sa mga boss natin ah lalo na kay Ma'am Reema."

Umiling lang ako "Hindi naman, nagkakilala na kasi kami few years ago."

Kumuha ako ng tray at saka pumili ng kakainin ko. Menudo, rice, coke at macaroni salad ang binili ko habang nilagang baka naman ang kay Aly.

"Maddy totoo bang schoolmates nyo daw sina Sir Blake at Ma'am Reese noong college kayo?" tanong naman ni Beth pagkaupo namin at nagsisimula ng kumain.

"Ah yeah..." maikling sagot ko. I wondered kung saan naman nya nakalap ang balita na yun? Wala kasi akong pinagsabihan nun kahit sino sa mga officemates ko.

"So sila na ba nun? I bet sila ang most popular couple ng time na yun, tama ba ko?" Si Beth ulit.

Hindi ako umimik. Sa totoo kasi ay ayoko ng sagutin yung tanong nya... ayoko na munang pagusapan si Blake or kahit anong may kinalaman kay Reese.

Tila napansin naman ni Aly ang pananahimik ko kaya siya na lang ang sumagot sa tanong ni Beth.

"Yup! Sila na nun, and yes sila ang 'it' couple ng Brentwood University during that time." sagot nya sa pagitan ng pagsubo.

"Sabi ko na nga ba! Bagay na bagay talaga silang dalawa, ang ganda ganda ni Ma'am Reese at ang gwapo ni Sir Blake." as usual ay kinikilig na naman yung tatlo.

Bigla tuloy ako nawalan na akong ganang kumain sa narinig ko. Kalahati lang ang naubos ko sa pagkain ko at binigay ko na lang yun salad ko kay Aly.

After maglunch ay bumalilk na kami sa office, after mag freshen up ay nilapitan ako ni Rizza at saka maarteng nagsabi ng "Pinapatawag ka ni Sir!" sabay irap sakin habang papalayo. Hindi ko na lang siya pinansin at naglakad na lang ako papunta sa office ni Sir.

Kumatok muna ako bago pumasok.

"Ms. dela Rosa, take a seat." habang nakaturo sya sa upuan sa unahan ng table nya.

Pagkaupo ko ay agad syang nagsalita "We have a meeting with the Board, they want us to present the draft financial statement of the company."

I nodded "What time Sir?"

He looked at his wrist watch "3pm." saka binalik ang tingin sa akin.

Ok tamang tama, 1pm pa lang naman. May 2 hours pa ako para icheck at ayusin lahat ng kakailanganin.

Nagpaalam na ako sa kanya pagkatapos. Paglabas ko ay nilapitan ko agad si Aly.

"May meeting daw kami mamaya sa board room, ipresent namin yung FS." pag inform ko sa kanya.

"Ahh....kasama kaya sina Reese sa meeting?" tanong nya kaya bigla akong kinabahan. Oh my! Baka nga kasama din sila nina Reema. Damn.

"H-hindi ko alam, sige aayusin ko muna yung FS." tensionadong paalam ko bago bumalik sa pwesto ko. Saglit na nawala ang focus ko dahil sa pagiisip kung kasama nga sya doon sa meeting...pero malamang sa malamang kasama nga yung mga yun!

Almost 2 hours ang lumipas bago ko natapos ang kinakailangang reports. Kasama dito ang balance sheet, income statement at ang cash flow.

Nag photocopy ako ng ilang piraso para mabigyan ang lahat ng members ng Board. Nagpatulong ako kay Aly sa paglalagay isa isa nito sa individual folders nila.

Nakita kong lumabas na si Sir sa office nya at lumapit sya sa akin "Is everything ready?" he asked. Inabot ko yung isang folder sa kanya saka nya ito tinignan.

Pagkatapos ay tumingin sya sa akin "Let's go" at nagsimula na syang naglakad palabas ng office, dala ang iba pang folders ay sumunod na din ako sa kanya.

Pagpasok namin sa loob ng Board room ay automatic na nagdrum sa bilis ang tibok ng puso ko, hinanap agad ng mata ko si Reese.

May 3 members na ng Board ang nandoon pagpasok namin.

Nakahinga ako ng maluwag ng hindi ko siya nakita.

'Sana hindi sila makaattend para makapagconcentrate ako' tahimik na hiling ko.

Nilapag ko isa isa ang folders sa tapat ng bawat upuan. 12 sila lahat dun kasama na yung CEO na si Mr. Santillan at COO na si Mr. De Asis na father nina Blake at Brandon.

Pero tila nabigo ang hiling ko ng isa't isang nagpasukan ang lahat ng members ng Board, kasama sina Reese at Reema kasunod nila sina Sir Brandon at Blake.

Saglit nagtama ang tingin namin ni Reese pero ang tindi ng impact nun sa akin.

My gosh! Wag naman sana akong mamental block mamaya, panalangin ko.

Nang makaupo na silang lahat—

"Shall we start?" ask ni Sir Santillan habang binuklat na yung folder. Tumango lang si Head at saka ako tinignan, tumayo na kami bago naglakad sa unahan. Sa totoo lang ay nanginginig na ang mga tuhod ko sa kaba. Hindi naman bago sa akin ang ganitong pagpresent namin sa board, naiiba lang kasi kasama ngayon si Reese.

'Relax lang Maddy!' sabi ko sa sarili ko habang humugot ako ng hininga.

Para hindi ako madistract ay hindi ko na lang tinitignan si Reese kahit sa gilid ng mata ko ay nakikita kong nakatitig siya sa akin.

Sina Blake at Brandon ay halatang interesadong nakikinig maging si Reema na madalas ay nagtatanong din kabaligtaran ng bored na bored na itsura naman ni Reese.

Mga 30 minutes lang naman tinagal ng pag present namin, tumagal lang yun sa mga pagtatanong nila. Mabuti na lang at nakahanda kami ni Sir sa lahat ng kasagutan dito. Halatang naimpress ang CEO sa report namin kaya pinuri nya kami ni Head.

"Maasahan ka talaga Ms. dela Rosa, isa ka sa asset ng company." puri pa nya.

"Thank you Sir, i'm just doing my job." masayang sagot ko.

Pagkatapos nun ay sinabihan na ako ni Head na lalabas na daw kami, meron pa kasi silang mga ididiscuss na hindi na related sa accounting.

Naglalakad na ako papunta ng pintuan ng napansin ko na may nalaglag na papel sa sahig, saglit akong huminto at saka yumuko para pulutin ito.

Pero sa halip na papel ay isang malambot na kamay ang naramdaman ko na nahawakan ko, mabilis kong inangat ang tingin ko at nagulat ako nang makita si Reese na hawak din yung papel na yun. Nakayuko din siya at saglit kaming nagkatitigan.

Hindi agad ako nakareact lalo na ng maramdaman ko na parang may kuryenteng dumaloy sa akin ng magdikit ang mga kamay namin.

Pero maya pa ay masungit na syang nagsalita "Baka gusto mo ng bitawan yung kamay ko?"

Tila doon lang ako nahimasmasan "Oh I-I'm sorry.." sabi ko habang mabilis na inalis ko na yung pagkakahawak ko sa kamay nya.

Nagmamadali akong lumabas habang abot abot ang kaba ko, napasandal ako sa pintuan habang nakahawak sa kamay ko. Grabe! Hindi talaga makakaila na ang lakas lakas pa din ng epekto nya sa akin. Naiiling na lang ako habang naglakad na ulit ako pabalik ng office.

"Ano friend kamusta ang meeting?" tanong agad ni Aly pagkaupo ko sa pwesto ko. Nakasilip sya sa cubicle ko, since magkatabi lang naman ang cubicle namin.

"O-Ok naman, madami silang mga tinanong.." wala sa sariling sagot ko, ewan parang timang lang kasi ako na nakatitig lang sa kamay ko. Yung kamay ko na ilang minuto lang ang nakakaraan ay hawak ang kamay ni Reese...

"O bakit parang nashock ka dyan?" tanong nya uli habang pinagmamasdan ako tapos bigla ay nangiti sya "May nangyari doon sa board room 'no??" nanunudyo ang tono nya.

Pero hindi ko pinansin sa panunukso nya "Wala no. Magtrabaho ka na nga lang dyan!" singhal ko sa kanya.

Natawa lang sya "Aha may nangyari nga! Kwento naman dyan." patuloy pa din sya sa pang aasar.

Inis na kumuha ako ng papel saka ito nilamukos bago ko hinagis sa kanya "Wala no!" natatawa na lang ako sa kanya.

Pero mabilis syang nakailag sa papel na hinagis ko.

"Hindi ito oras ng paglalaro." all of a sudden ay lumitaw ang bampirang si Rizza sa likuran namin at mataray na tumingin sa amin.

Hindi ko lang siya pinansin at bumalik ang tingin ko sa computer monitor na parang hindi ko sya narinig.

Umirap muna sya sa amin bago tumalikod at naglakad na pabalik sa pwesto nya.

"Hindi ito oras ng paglalaro." panggagaya sa kanya ni Aly pati ang gesture ni Rizza na pangiirap ay ginaya din nito. Hindi ko tuloy mapigilang matawa sa kanya habang pinapanood sya.

Pagdating ng alas singko ay niyaya na ako ni Aly na umuwi "Friend tara, samahan mo ako sa mall may bibilhin ako."

Saglit akong nagisip kung may urgent ba ako na kailangang tapusin ngayon. Nagawa ko na naman din pala lahat yun kahapon and beside kailangan ko din maglibang para hindi ako masyado nagiisip kaya pumayag na din ako.

"Ok" sagot ko habang inoff ko na yung computer.

Nagulat sya sa mabilis na pagpayag ko kasi dati kailangan nya pa ako pilitin para samahan syang lumabas.

Habang nasa tapat na kami ng elevator ay napansin namin si Reema na paparating. Mukhang pauwi na din sya. Agad akong napasilip sa likuran nya, at nakahinga ako ng maluwag nang matiyak ko nag iisa lang siya.

"Maddy! Aly!" halatang natuwa siya nang makita kami.

"Ma'am Reema!" bati namin sa kanya habang pinipindot ko ang elevator button pababa.

"Kapag tayo na lang please just call me Reema wag na yung may Ma'am." sabi nya sa amin at saktong bumukas na yung elevator at sabay sabay na kaming pumasok.

"Tara girls labas tayo,my treat!" aya nya.

"Huwag na Reema nakakahiya, and beside boss ka na namin ngayon.." tanggi ko agad. Nakakailang naman kasi, iba na yung situation namin now hindi kagaya dati noong una kaming nagkakilala 4 years ago.

"Tsss!! I insist!" She pushed the basement button kaya wala na kami nagawa ni Aly kung hindi ang sumama sa kanya. Pagdating sa may basement ay lumapit na kami sa nakapark na kotse nya. Kulay black yun at mukhang mamahalin at bagong bago lang.

Sa likuran sumakay si Aly at ako naman sa unahan. Tahimik lang kami habang nasa byahe paminsan minsan ay napapasulyap ako sa kanya. Ibang iba na kasi sya compare sa Reema na nakilala namin dati. Mula sa pananamit hanggang sa pagsasalita at kilos nya, in fairness ah galing nya na din magtagalog ngayon.

Dinala nya kami sa isang mall sa hindi kalayuan sa office. Pagkapasok sa mall ay nag aya muna syang magdinner, pumasok sa loob ng isang sosyal na resto sa mag ground floor.

"Sige pili lang kayo." sabi nya habang hawak namin ni Aly yung menu.

Bumulong si Aly sa akin "Grabe friend ang mamahal naman dito, tignan mo nga yang salad almost 500 na." sabay turo nya sa salad na nasa menu.

Ako na ang nahasap sa mahal ng mga pagkain doon, biruin mo meron doon isang steak lang tapos worth 4,000 plus na ata ang pinakamura. Grabe ano ba dito may ginto? Bakit ang mahal?

"Girls may napili na ba kayo?" ask nya, nakatayo na kasi yung waiter dun inaantay na kung anong oorderin namin.

Ang ganda ng ambiance dito, halatang mayaman lang nakakakain dito dahil sa mahal ng presyo nila tapos ang popogi pa ng mga waiters.

Hindi agad ako makasagot sa tanong nya, sa totoo ay hindi kasi familiar ang mga pagkain dito na ang hihirap pa ipronouce. Sanay lang ako sa mga fastfood at hindi sa sosyal na resto gaya nito.

Bumaling na lang ako kay Aly para magkaroon pa ako ng time mag isip "O Aly ano daw order mo?" tanong ko.

Pero halatang wala din ideya si Aly kung anong oorderin nya "Ah...eh...ikaw na lang bahala. Hehe"

Napansin siguro ni Reema na hesitant kami kaya sya na lang ang umorder ng kakainin namin. Hindi ko naintindihan kung anong mga inorder nya dun sa waiter, parang french kasi ang pangalan ng mga pagkain.

"Masarap dito, for sure magugustuhan nyo yung food." baling nya sa amin pagkaalis ng waiter.

Luminga ako sa paligid, napansin ko na mostly ay foreigner ang customers nila dito "Madalas ka dito?" tanong ko.

"Twice pa lang mula ng pagbalik namin dito last week."

"Ay kababalik nyo nga lang pala." si Aly. Kunwari ay hindi alam.

"Yup, ilang araw pa lang pero sinabak na agad kami ni Dad sa training. We didn't have the time to relax." parang nagrereklamo siya.

"Gusto ko pa naman pumunta sa mga magagandang tourist destinations dito." kwento pa nya.

"Oo nga, sayang ang dami pa naman magaganda dito like sa Cebu, Palawan, Bohol at madami pang iba." si Aly.

Nakikinig lang ako sa usapan nila bago ko dinampot yung baso na may tubig at saka uminom.

Nakita kong bumaling sya sa akin "How are you Maddy? What happened to you in last 4 years? New boyfriend perhaps?

Halos maibuga ko naman yung tubig ng marinig ko yung huling tanong nya. Hinimas naman ni Aly yung likod ko habang inabutan ako ni Reema ng tissue.

"Are you Ok?" halata ang concern sa mukha nya.

"Ok lang nabulunan lang ako." paliwanag ko. Naman kasi sa dami ng maitatanong ay boyfriend pa talaga?

"After i passed the Board exam ay nagwork na agad ako sa D&S.." sagot ko sa tanong nya kanina.

"....how about your lovelife?" halatang interesado siya dito ah.

Teka bakit naman nya magiging interesado sa lovelife ko?

"Wala muna yun sa isip ko, focus lang ako sa career and family ko." sagot ko na lang.

"Hay naku Ma'am Reema paano magkakalovelife yan eh maghapon na numbers lang ang kaharap nyan." singit ni Aly.

"Minsan nga ay kinakausap nya pa ang mga ito, tapos sumasagot naman si calculator." dagdag pa nya obvious na inaasar na naman ako.

Natawa si Reema sa narinig saka sumulyap sa akin "Really Maddy? Ganun ka talaga kasipag and kadedicated sa work?" naaamaze na tanong nya.

"Huwag ka maniwala dyan kay Aly exaggerated lang yan." tinignan ko ng masama ang natatawang si Aly.

Buti na lang at dumating na yung order namin at natigil na si Aly sa pang aasar sa akin.

Parang biglang kumalam ang tiyan ko ng makita at maamoy ko yung mga pagkain na nakahain. May steak, salad at dessert na ...cheese cake. Imagine cheese cake! Wow parang gusto kong pumalakpak. Bakit nya alam ang favorite ko?

Grabe ang sarap ng meat, halos matunaw ito pagkagat mo sa sobrang lambot tapos ang sarap din ng pagkatimpla. Ilang sandali lang ay nakakapagtakang naubos na agad namin yung mga pagkain.

Grabe busog na busog ako! Taob lahat ng plato.

Bumaling ako kay Reema after nya kuhanin yung bill at inabot ang bayad dito.

"Reema salamat ha." nahihiyang sabi ko. Alam ko kasi na malaki ang binayaran nya dun sa mga kinain namin.

"Wala yun next time dadalhin ko naman kayo sa isang italian resto, masarap din doon." nakasmile pa din sya.

Paglabas namin dito ay sinabi ni Aly na pupunta muna daw sya ng 2nd floor at may bibilhin lang. Asar na hinabol ko lang siya ng tingin habang naglalakad na siya palayo.

Badtrip talaga itong si Alyana oh, tama ba naman na iwanan ako dito kasama si Reema?

"By the way Maddy i want to invite you this coming Saturday for our welcome party at Solaire."

Mabilis akong humarap sa kanya, sa Solaire Resort and Casino? OMG ang sosyal kaya dun. It means I need to buy a dress for this? Napaisip ako. Marami akong damit sa bahay pero puro slacks at skirt na pang office lang. Kaya ayoko nagaattend ng sosyal na event, eto na lang laging problema ko since college pa.

Tila nabasa ni Reema ang nasa isip ko "Don't worry ako na bahala sa dress mo."

Umiling lang ako "Huwag na, sobra sobra na yun." nilibre na nga nya kami sa mamahaling resto tapos ngayon siya pa din ang sasagot sa isusuot ko. Naalala ko tuloy last time na pinadalhan nya ako ng isusuot noon sa farewell party nila.

"May alam akong store dito na ok yung mga dress nila." sabi nya habang lumilinga "Doon ako namili last time." at saglit syang napatigil tila nakita ang hinahanap nya.

"There! Let's go!" hinila nya na ako papunta dito.

"Wag na lang kaya Reema." giit ko. Hindi naman kasi ako sanay ng binibigyan ng ganun at hindi ko naman pinagtrabahuhan.

"I insist, isipin mo na lang na gift ko sayo yun sa birthday mo." pagdismiss nya sa pagtanggi ko. Wala na tuloy akong nagawa kundi manahimik.

"Tara pasok tayo." hinawakan nya ako sa kamay at niyaya sa loob nito.

Napatingin ako sa kamay naming magkahawak, hindi gaya kay Reese ay wala naman akong naramdaman na kuryente na dumaloy sa katawan ko ng hinawakan nya ako.

"Try this Maddy" kinuha nya ang isang dress na nakadisplay dito at saka inabot sa akin.

"Ah hmmm." hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Tinignan ko yung dress, it was a beautiful forest green sheer panel with criss cross straps and plunging deep open back.

"Please pretty please?" nakikiusap ang mga mata nya, paano pa ako makakatanggi dun?

Kaya kinuha ko na din ito, tinuro sa akin ng babae na nandoon kung saan yung dressing room at napilitan na akong isukat ito.

Paglabas ko—

Kita kong nanlaki ang mata ni Reema pagkakita sa akin at tila wala sa sariling nagsabi ng "Perfect.." habang walang kurap na nakatitig pa din sa akin.

Bumaling siya sa sales lady na nandoon "We'll take it" inabot nya yung card nya dito bago binalik ang tingin sa akin.

Hindi ko tuloy maiwasang maconscious, tumungo ako at tinignan ang dress na suot ko. Napakalambot ng tela nito at halatang mamahalin talaga.

Lumapit sya sa akin sa likuran ko at inayos pa yung hair ko na parang itinaas pa nya saka kami sabay na humarap sa malaking salamin.

"It fits you perfectly." nakasmile na sabi nya. Halatang nagustuhan nya ang nakikita nya.

"Yes. Thank you.." nahihiyang sagot ko. Pangalawang beses nya na kasi ako binigyan ng dress na isusuot.

Bumalik ulit yung sales lady dala na yung card nya at receipt. Pumasok ulit ako sa loob ng dressing room para hubarin na yung dress na suot ko. Paglabas ko ay pinasok lang nila yun sa loob ng paper bag bago inabot ulit sa akin.

Paglabas namin ng botique ay saktong natanaw na namin si Aly na may dala ding paper bag. Mukhang tapos na syang mamili.

"Ano nabili nyo?" tanong nya ng makita may hawak ako.

"Ahh yung dress para sa party sa Saturday." sagot ko saka napasulyap ako kay Reema. Iniisip ko kasi kung hindi ba nya iimbitahan din si Aly.

Tila naintindihan nya ako "We'll be having a welcome party this coming Saturday, you and Maddy are both invited."

"Ahh hindi ako pwede sa Saturday, samahan ko kasi si Inay papacheck up. Si friend na lang, thanks for the invite anyway." sagot naman nito. Nalungkot ako nang maisip na hindi pala siya makakasama.

"Uwi na ba tayo?" si Aly ulit kay Reema nakatingin.

Tumango ito "Oh ok, sige may work pa pala tayo bukas." mabuti na lang at pumayag na din sya, gusto ko na din kasi umuwi at makapagpahinga dahil sa emotional exhaustion ko kanina.

Naglakad na kami papuntang parking area at sumakay na kami sa kotse nya.

Pagkauwi sa bahay ay nagpasalamat muna ako sa kanya bago ako bumaba ng sasakyan dala ko na yung paper bag. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay hindi pa din ako makapaniwala na binilhan nya ako ng ganito kamahal na dress para lang umattend sa sosyal na party na yun.

Gusto ko namang tumanggi sa imbitasyon nya pero ewan ko parang ayaw lumabas ng boses ko kanina. Siguro ay nahihiya na din ako sa kanya.

Tulog na silang lahat kaya dahan dahan lang akong pumasok sa kwarto at nagpalit ng damit. Mabilis lang akong naghilamos at nag toothbrush bago nahiga na.

*********************************

Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon ay sumapit na ang gabi ng welcome party nila. Maaga pa lang ay gising na ako kahit hindi ako masyadong nakatulog kagabi kakaisip sa mangyayari mamaya.

Hindi na ako tumawag ng magaayos sa akin dahil swerteng nandito ngayon si Dakota. At dahil sanay na siya sa pagmake up at pag ayos ng buhok ay siya na lang ang gumawa nito sa akin.

Almost 2 hours ay natapos na yung make up at pagayos sa hair ko. Feeling ko ay ang ganda ganda ko habang nakatitig ako sa salamin.

"Thanks Sis." sabi ko habang papalabas na ako.

"Have fun 'te" sagot naman nya halatang masaya din sa kinalabas ng pag aayos nya. Actually hanggang ngayon ay hindi ko pa din nakwento sa kanya na nagbalik na si Reese at boss ko pa sya ngayon.

Hindi ko masabi kasi siguro ayokong tanungin pa nya ako tungkol kay Reese. Pero sasabihin ko din naman ngunit hindi lang ngayon.

Nagtext na si Reema malapit na daw sya. O diba sobrang nakakahiya na talaga at sya pa ang susundo sa akin.

Saktong paglabas ko ay huminto na ang magarang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Luminga ako at mabuti na lang ay hindi sumunod ang mga kapatid ko o sina Itay dito, kasi panigurado makikita nila si Reema at aakalain nilang si Reese ito. Kumakain na siguro sila ng hapunan.

Bumaba si Reema at nilapitan ako "Let's go gorgeous." pasimpleng puri nya habang nakatitig sa akin. Kung naging guy lang itong si Reema ay iisipin ko na type nya ako, lagi nya kasi akong pinupuri.

Mabuti na lang at hindi masyadong traffic ngayon, ilang sandali lang ay nasa tapat na kami ng Solaire Resorts sa Parañaque.

Grabe ang ganda pala dito! Sa lobby pa lang ang sosyal na tapos ang bango pa. Sa may Grand ball room ginanap yung party nila. Pagpasok namin sa loob ay lalo akong namangha.

Carpeted yung buong area tapos ang daming nakasabit na mga naglalakihang chandeliers sa ceiling. Nakasuot ng formal ang lahat habang may relaxing na music ang maririnig sa background.

Ang ganda din ng ayos ng kada table, may mga makukulay na mga bulaklak at scented candles na nakalagay sa gitna nito at may nakaready na plates at utensils na halatang mamahalin din.

Bumaling ako kay Reema "Ang ganda pala dito." puri ko saka luminga ulit sa buong paligid.

Nagsmile lang sya saka nagsabi ng "Yes but you are more beautiful..." na nakapagblush sa akin.

Niyaya nya ako palapit sa isang table kung saan nakaupo sina Blake, Brandon at Reese.

Mabilis na kumabog ang dibdib ko pagkakita kay Reese. Hindi ko mapigilang humanga nang makita ko ang suot nya. Napakaganda nya sa suot na gown! It was a black floor length sleeveless V-neck dress. Lumalabas lalo ang kasexyhan nya...daig pa nya ang isang Dyosa sa gabi na yun.

Natigil lang ang pagcheck ko sa kanya nang binati ako ni Brandon "Madison! Nice to see you here." tumayo sya at kinuha ang kamay ko bago hinalikan.

Parang biglang gusto kong manliit sa ginawa nya lalo na at napansin ko yung ibang mga kababaihan sa paligid na nakatingin sa akin at bakas sa mata ang inggit. Paano naman napakagwapo ni Brandon sa suot nitong white button up shirt na pinatungan ng black leather jacket.

Tumayo din si Blake para batiin ako, pero si Reese hindi man lang nagawang kahit tumingin man lang sa direksyon ko. Busy lang sya sa pag sip ng wine.

Ouch much pa din! Nakaramdam ako ng pinong kirot sa dibdib ko dahil doon.

"You Ok Maddy?" si Reema, nakaharap pala sa akin at parang kanina pa ata ako pinagmamasdan.

Pilit akong ngumiti "Yes..." pinigilan ko na ang sarili kong sumulyap ulit kay Reese kasi masasaktan na naman ako panigurado.

Bakit ganito kasi ang nararamdaman ko? Bakit hindi pa din sapat ang 4 na taon para makalimutan ko siya...?

Nagulat ako ng bigla nyang hawakan ni Reema ang kamay ko "Tara doon muna tayo para marelax ka, masyado ka kasing tense dito." sabi nya habang dinadala ako papunta sa may bar counter.

Hindi ko alam kung bakit nya nasabi na tense ako. Ganun na ba ako kaobvious?

"H-Hindi ako umiinom.." sagot ko naman. Naalala ko yun dating pinainom nya ako nun farewell party nila, ayoko na ulit matikman ang mapait na likido na yun.

Tumingin sya sa akin "Promise this one taste much better." habang hawak pa din ang kamay ko. Binitawan nya lang ito ng makarating na kami sa bar counter.

May sinabi sya sa bartender na hindi ko naintindihan. Maya maya ay may inabot sya sa akin na baso na may laman na parang juice lang.

"Come on, take it" nakasmile na sabi nya.

"Are you sure na walang alkohol ito?" paninigurado ko.

"Yeah pineapple juice lang yan" siguradong sagot nya.

Pagkasabi nya nun ay saka ko na ito ininom...tama nga sya, parang juice lang ang nalasahan ko. Pagkababa ng baso ay bumaling ulit ako sa kanya.

"Masarap.." komento ko, pero may konting tama ako naramdaman ng sumayad na ito sa lalamunan ko.

"See?" in her i-told-you-so look nya.

"Piña colada yan, may halong rum pero konti lang naman." sabi nya sabay ngiti. Yung ngiti na malaki ang similarities kay Reese.

"Ganun ang daya sabi mo walang alcohol." pagprotesta ko pero natawa lang siya sa akin.

"Para medyo marelax ka..this will be a long night anyway."

Nagstay pa muna kami sandali doon habang nagkwentuhan. Nang mainip na kami ay niyaya nya ako sa table para kumain, sakto kasi may mga nakaserve na na mga food dito.

Naglalakad na kami papunta dito nang masagi ni Reema yung isang girl na nakatayo doon.

"Oh i'm sorry." hingi nya ng paumanhin dito. Napalinga yung girl at agad kong nakilala ang pamilyar na mukha na yun.

Si Cher!

"It's Ok." habang nakatingin siya kay Reema bago sya napasulyap sa akin.

"Dela Rosa?" hatalang nagulat siya nang makilala ako.

Tapos saktong papalapit din sa direksyon namin si Blake, Katrina at Reese.

Si Reese nagulat din nang makita akong nakatayo doon.

"Oh my Gawwd! Is this a kind of reunion or what?" maarteng si Cher habang nakatingin sa amin nina Blake, Reese, Katrina and Reema. Hindi naman nila pinansin ang sinabi nito.

Bumaling sa akin "Nice to see you again dela Rosa .....Wow look at you now, you're still in the bottom of the food chain. Oh well, some things never change huh?" may bahid pang iinsulto na sabi nya.

Naoffend ako sa sinabi nya pero hindi ako nag react, sa totoo wala ako sa mood na patulan pa siya. Same old Cher, yung laging walang magandang lumalabas sa bibig nya.

"Hey! Watch your mouth!" si Reema, galit na nakatingin dito.

But Cher just rolled her eyes sabay inom sa wine glass na hawak nya.

Bumaling si Reema sa akin "Let's get out of here." saka ko hinawakan sa kamay at hinila palayo sa kanila.

Pero bago pa kami tuluyang nakaalis doon ay naramdaman ko ang malagkit na likido na tumapon sa dibdib ko at mabilis akong napatungo.

Wine!

"Opppppsss!" sabi ng isang pamilyar na boses.

Mabilis akong napalingon at nakita ko si Reese na nakataas yung kamay nya habang hawak pa yung wine glass na ngayon ay wala ng laman.

"What the hell Reese?!" Reema hissed. Binitawan nya ang kamay ko saka siya galit na lumapit sa kapatid nya.

"It was an accident..pagdaan nyo nasagi yung kamay ko." painosenteng sagot naman ng kapatid nya.

Narinig ko na nagtatawanan sina Cher at Katrina sa tabi nya. Hindi ako makapaniwala na nagawa nya yun sa akin!

Nag init tuloy ang mata ko. Pinagtitinginan kami ng ibang mga tao na nandoon...naalala ko na ganito din yung nangyari sa Mcdo dati.

"Enough Reema, aksidente lang yun. Nakita ko natabig ni Maddy yung braso ni Reese pagdaan nyo." pagtatanggol ni Blake sa gf nya.

Reema glared at him "Fine. Just control your girlfriend!"

Bumaling sya sa akin "Come on Maddy samahan kita sa room, let's clean that."

Pumasok kami sa malaking room, sinabi nya na nagrenta pala sila ng room dito kasi dito na pala siya nag stay kagabi pa lang.

Tinulungan ako ni Reema para hugasan ko yung unahan ng dress ko. Nanlalagkit na ang pakiramdam ko, paano tumagos na yung natapon na wine hanggang sa bra ko. Kainis talaga!

Kinuha nya yung face towel na nandoon saka nya binasa ng tubig saka nya pinupunas sa dress ko.

Parang nahiya naman ako na sya pa yung gumagawa nun sa akin, hinawakan ko yung towel "Ako na lang.." saad ko.

Pero inalis nya lang yung kamay ko "Just let me.." sabay sabi nya. Wala na tuloy akong nagawa kung hindi panoorin na lang siya.

"Tsk! I don't know what's wrong with her. She always seems mad at you." halatang inis pa din siya sa nangyari.

"Ok lang yun, baka kasi aksidente naman talaga." pagjujustify ko. Reese didn't do this on purpose....or did she?

"I want to believe that Maddy, but i know my sister very well." she insisted.

"I'm wondering kung bakit nya nagagawa ito sayo diba close naman kayo before?" nagtatakang tanong nya.

"Yeah, pero dati pa yun noong hindi pa siya naaksidente. Hindi ko din alam bakit siya galit sa akin pero nabanggit nya dati na may sinabi daw si Cher sa kanya..." sagot ko naman. Tila nag init yung mata ko dahil doon. Si Cher na hindi ko alam kung anong kasalanan ko sa kanya kung bakit nya ginagawa yun...

"I see, for sure they fed her with wrong information kaya ganun na lang sya kagalit sayo.."

Kukuhanin ko sana yung towel na hawak nya pero ayaw nya pa din ibigay sa akin. Tinapat nya ulit ito sa may faucet at saka binasa at piniga ulit.

"Her lost memories, until now hindi pa din bumabalik...." napahinto sya sandali bago nagpatuloy

" ...and a part of me wishing it would remain that way." Sabi pa nya.

Napaangat ako ng tingin sa kanya, nagtataka. Bakit naman nya kaya nasabi yun?

Saglit nyang tinigil ang ginagawa nya saka sumandal sa sink "Do you miss her...?" she asked all of a sudden.

"What?...Who?" kunot noong tanong ko.

"Reese..." she answered in her low voice na halos hindi ko na marinig.

Natigilan ako. Medyo naguguluhan ako sa kanya. Kanina sabi nya sana hindi na bumalik ang alaala ni Reese tapos ngayon she's asking kung namimiss ko ito.

"Bakit mo naitanong? But to answer your question...yes kasi kaibigan ko siya." I told her.

Sana nga at naging kaibigan ko lang siya talaga para hindi na ako nasasaktan ng ganito.

Tumayo ulit siya sa harapan ko at saka ako pinagmasdan "I see...where's your necklace? Hindi mo na ata suot?"

Wala sa sariling napahawak sa leeg ko "Nasa bahay bihira ko na lang isuot." pagsisinungaling ko. Sa totoo ay lagi ko dala yun, like now nasa loob lang ng bag ko.

Kinuha nya ulit yung towel saka pinagpatuloy ang pagpunas sa dress ko

"Hmmm Maddy..?"

"Yeah?" tumingala ako at tinitigan siya. Ang lapit pala ng mukha namin sa isa't isa. Her face kahit identical sila ni Reese ay hindi ganun kalakas ang epekto nito kumpara sa epekto ni Reese sa akin.

Nasa ganun kaming posisyon nang may narinig kaming nagsalita mula sa labas ng bathroom.

"Dad is looking for you" sabi ng galit na boses.

Sabay kaming napalingon and we saw a furious Reese.

Pinagmasdan nya ang posisyon naming dalawa ni Reema na halos magkadikit na ang katawan namin sa lapit at wala sa sariling napalayo ako dito.

Nakakatakot kasi yung tingin nya...parang nakakapaso.

"Can't it wait? I'm still helping Maddy here." walang interes na sagot nya, parang hindi sya naaapektuhan sa nagbabagang tingin ni Reese sa amin.

"Dad is urgently looking for you!" pag uulit nya, halatang naiinis na sa kapatid nya.

Sumulyap si Reema sa akin "Ok ka lang ba dito?" halatang ayaw nya akong iwanan dun kasama ni Reese.

"Lalabas na din ako.." i told her. Bakit naman ako magpapaiwan dito kung aalis na sya?

Umiling siya "Just stay here until you're ready, you can blow dry your dress. May hair dryer ako sa may side table."

Gusto ko pa sana igiit na lalabas na ako kaso tumalikod na si Reema at naglakad palapit sa pintuan, lumingon pa ulit siya sa akin saka tumingin kay Reese bago tuluyang lumabas.

Nang naiwan kami ay nakatungo lang ako pero ramdam na ramdam ko ang bigat ng pagtitig sa akin ni Reese parang tumatagos na ata sa pagkatao ko.

Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko. Para kasi wala pa syang balak na lumabas ng room eh.

Nakakadagdag pa ng kaba sa akin ang isipin na kaming dalawa lang ang nandito.

Kahit nanghihina ang tuhod ko ay pinilit kong maglakad palabas ng room kahit sinabi ni Reema na mag stay ako. Masama pa din kasi ang loob ko dahil sa ginawa nya kaninang pagpapahiya sa akin kanina.

Kakalampas ko lang sa kanya nang naramdaman ko ang mahigpit na paghawak nya sa braso ko para pigilan ako. Mabilis nya akong inikot paharap sa kanya.

"Not so fast!" she hissed. Kita kong nagbabaga ang mata nya sa galit habang nakatitig sa akin.

May nagawa ba ako? Bakit galit na galit siya??

"What do you want Ma'am Reese?" binigyang diin ko yung salitang 'Ma'am'

"Hindi lang pala si Reema ang nauto mo maging sina Brandon at Dad!"

Nagulat ako sa sinabi nya pero agad akong nakadama ng inis dahil sa pagaakusa nya. Kailan naman ako nang uto? Kung nasaan man ako ngayon dahil yun sa sipag at dedication ko sa trabaho at dahil sa pang uuto o ano pa man.

"Hindi totoo yan!!" sagot ko kanya at medyo tumaas na din yung boses ko. Nanginginig yung buong katawan ko sa sobrang inis sa sinabi nya.

She just raised her eyebrow "Oh really? So ano lang?? Sa pagsisipsip mo lang...ganun ba?!" sabi nya na may halong panunuya.

Ramdam ko ang pagtaas ng dugo ko sa narinig, kinuyom ko yung palad ko sa pagpipigil na patulan pa siya. Ayokong may masabi ako o magawa na pagsisihan ko sa huli, after all anak pa din sya ng may ari ng kumpanyang pinagtatatrabahuhan ko.

"Wala akong alam sa sinasabi nyo Ma'am, please bitawan nyo na lang ako at hayaan nyo na ako makaalis dito." pilit ko pinakalma ang boses ko kahit galit na ako. How dare she para akusahan ako ng kung ano ano!

I tried na alisin ang pagkakahawak nya sa braso ko pero no use din dahil ang higpit nito.

"I'm not done yet!" angil nya, at hindi ko inasahan na hilahin nya ako palapit pa sa kanya na halos mawalan ako ng balanse.

Napasandal ako sa katawan nya at nakakapagtakang parang yelong biglang natunaw ang nararamdaman kong inis lalo na ng maramdaman ko yung lambot nito at maging ang body heat na nanggagaling sa kanya na sobrang namiss ko.

Napalunok at unti unti kong tinaas ang tingin ko, at dahil na di hamak na matangkad sya ay nakatingala ako para titigan siya sa mata.

At sa hindi ko pa din inasahan......... ay sa halip na galit (kagaya ng nakikita ko dito kanina) ay pagkalito na ngayon ang nababasa ko sa mga mata nya.

Hindi ko sigurado kung namamalikmata ako--- dahil napansin ko na nakatitig na siya sa labi ko ngayon na parang gusto nya itong halikan.

Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko, i wanted her to kiss me.

Pero bago pa mangyari yun ay mabilis nya akong binitawan.

"I-I'll talk to you again some other time..." para syang nataranta at bago pa ako makasagot ay nagmamadaling na syang lumabas ng room.

At kagaya kanina ay naiwan na naman akong doon na nakatulala at naguguluhan sa mga ikinilos nya.

Wala sa sariling napahawak ako sa ulo ko na nagsisimula na naman atang sumakit.

'Ok.... so what had just happened??'' puzzled na tanong ko sa sarili ko.

__________________________________________________________

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 94.7K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
20.6K 727 27
They say, keep your friends close and your enemies closer. Bakit nga kaya? May magbabago ba sa awayan ng dalawa Mikay at Mary malayo o malapit man s...
53K 2K 54
what if i said i'm falling for you?
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...