Sa Taong 1890

By xxienc

86K 3.5K 1K

Siya si Chestinell Del Veriel Cavillian. Mula sa taong 2020. Isang babaeng laging nasa mali-tingin ng kanyang... More

Mula sa May-akda
Kabanata 1
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70

Kabanata 2

2.8K 135 84
By xxienc

| Kabanata 2 |

Napatitig ako kay Lolo at tinaasan siya ng kilay.


Grabe naman itong si Lolo. Tawagin ba naman akong Lola, eh mas matanda pa nga sya sa akin. Tch.

Napalingon naman ako sa likod ko, baka naman kasi nag-assume lang ako. I scanned the whole room with my raised brows pero wala naman akong nakita kahit anino ng butiki.

Tsaka isa pa, imposibleng buhay pa ang Lola na tinawag ni Lolo, dahil Lola nga niya diba? So, kung hindi iyon buhay, does that mean then that...

Waaahh! May multo talaga ditooo!


Dahan-dahan akong lumingon kay Lolo at hanggang ngayon nakatitig pa rin siya sa'kin. Goodness.

"Lo-lolo, sino po a-ang tinatawag niyo?" tanong ko.

Kapag sasagot talaga siya na nasa likuran ko ang Lola niya, promise uuwi na talaga ako sa amin, ora mismo.


Tumikhim naman siya at sumeryoso ang mukha, "Ang aking Lola," sagot niya. "Hindi ko siya tinatawag. Sinambit ko lang ang pangalan niya."

Dahil sa sagot niya ay nakahinga ako ng maluwag. Pero bakit naman siya nakatitig sa akin nang sinabi niya 'yon. Gusto ba niyang malaman ko ang pangalan ng Lola niya?

Weird. Pssh.


Magtatanong na sana ako nang maglakad na siya palabas at nilagpasan ako. Aish, napaka-cold talaga nitong si Lolo. Hindi naman malapit lapitan.


Dali-dali nalang akong sumunod sa kanya palabas ng bahay. Nakasunod lang ako sa kanya papunta sa kabilang bahay. Marami pa rin nag mga relatives namin na nando'n pero ang iba ata ay nasa isa ko pang Lolo.

Dalawa nalang kasi sila Lolo na magkapatid na nandito sa San Luisiano. Si Lolo Alejandro at Lolo Sergio. And their houses were just a walking distance.


Nadatnan ko sila doon na nagsasaya. Sobrang dami pang handang pagkain, kaya pagtingin ko palang ay nabusog na ako at ayaw ko na tuloy na kumain.


Sa mga relatives ko ay wala akong ka-close. May mga kaedad at magkalapit na edad sa akin, pero kasi hindi kami close kaya hinahayaan ko lang sila. Nagkakausap naman kami pero hindi talaga gano'n ka lapit sa isa't isa.

Napalinga-linga nalang ako para humanap ng mauupuan dahil halos magiba na ata ang Second House dahil sa dami nila kahit malaki naman ang lugar. Napailing nalang ako.

Kumuha na ako ng pagkain at naglakad papalayo sa kanilang lahat. Marami naman ditong mga puno at kahoy na upuan kaya ayos lang, tsaka may mga ilaw din naman sa paligid ng mansion kaya kitang-kita mo ang mga tao.

Nang paalis na ako matapos kumuha ng pagkain ay agad akong pinaupo sa may dulo ng mesa ng isang babae, siguro ay pinsan ni mama, or tiyahin, I don't know. Ayoko namang tumanggi at magpaka-loner sa malayo kaya nakangiti akong tumango at umupo doon.

Tahimik lang akong kumain matapos ng prayer. Ayoko namang makipagchika sa iba kaya binilisan ko nalang ang pagkain ko.

Nang medyo marami na rin ang natapos at nagkwentuhan na ay pasimple akong umalis at nagpunta sa may manggahan nina Lolo na nasa gilid lang ng Mansion.

Naka-tshirt at pedal lang ako kaya naman gininaw na ako. Malamig pa ang simoy ng hangin. Maliwanag din ang buwan at may mga stars pa. Agad akong naglakad papunta sa ilalim ng isang mangga at umupo sa paanan nito.

Maganda ang mag-isa. Hindi mo kailangan ng ibang tao kundi ang sarili mo lang. Dahil hindi minsan naman nakakaintindi ang ibang mga tao.


Medyo madilim na sa parte na 'to pero may buwan naman kaya ayos lang. Bigla namang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Lolo kanina na pangalan.

Ano nga 'yon? Justina?

Pero bakit sa dinami-daming pagkakataon at panahon, eh sa harap ko pa niya sinabi? Or it's just his habit na sambitin talaga ang pangalang iyon, somewhat kind of expression? Ang wierd naman ng expression niya. Pangalan pa ng Lola niya.

Goodness, bahala nga siya.


"Oy, 'wag mo namang lakihan."

Agad na kumunot ang noo ko nang marinig ang boses ng isang babae, tapos ay tumawa pa ito. "Babe naman, masakit eh," dugtong pa nito. Dahil do'n awtomatikong nanlaki ang mga mata ko.

Goodness, seriously?

Napalinga-linga ako para hanapin kung saan nanggaling ang boses na 'yon. At ilang metro ang layo mula sa akin ang may nakita akong babae at lalaking nakaupo sa may puno ng niyog. Madilim na sa banda nila kaya hindi ko makita ng mukha nila. Pero alam kong may tao doon dahil may gumagalaw.

Goodness, ano naman kaya ang kababalaghang ginagawa nila?

"Sorry babe, dahan-dahanin ko na."

Napangiwi naman ako sa sinagot ng lalaki. Napatingin ako sa gilid ko at humanap nga bato. Batuhin ko kaya sila para matigil 'yang kawalangyaan na ginagawa nila. Sinisira nila ang imahe ng mga Del Veriel, at hindi ko hahayaan 'yon noh.

Mga lapastangan.


At baka makita pa sila ni Lolo bago ko pa sila mapahinto sa ginagawa nila. Napairap ako at pinulot ang isang batong sakto lang ang laki. Mas mabuti ng mabukolan sa noo, huwag lang sa tiyan, diba?

Ay ang galing ko talagang mag-isip.

Itinaas ko na ang kamay ko at akmang babatuhin sila nang tumigil ako.

I shouldn't do this.

Wala akong pakialam sa mga tao sa paligid ko, dahil sa oras na idadawit ko ng pangalan ko sa kanila, ako ang mapapahamak. Itinapon ko nalang sa malayo ang bato na hawak ko at pinagmasadan ang dalawa.

Tss. Bahala sila d'yan kung anong mangyari sa kanila. Sila rin naman ang papagalitan, hindi ako. Umiling nalang ako at umiwas sa kanila ng tingin.

Napaisip naman ako. Kailan kaya ako magkaka-boyfriend. Misan tuloy napapaisip ako kung panget ba ako at binobola lang akong maganda ako.

Pero hello, I'm beautiful y'know, in any angle.


Pero kasi naman, sa nineteen years ko in this small world, I haven't encounter someone na naglakas loob na manligaw sa'kin.

But duhh, I don't care, hindi naman ako mawawalan ng mana kung wala kong boyfriend noh.

Wala nga akong mga kaibigan hindi na ako magtataka pang wala akong boyfriend. They're all the same, pagkatapos kang gamitin iiwanan ka lang. 


⋅─────────⊱༺ ·𖥸· ♡⁠ ·𖥸·༻⊰─────────⋅


Nagising ako maaga pa lang, 6 a.m. Well, kung para sa inyo late na iyan, sa akin maaga pa. Nagigising ako, back at home, if walang pasok 9:30 ng umaga, kapag may pasok 7am, at 8:15 am pa ang pasok ko n'yan.

Kaya lang naman ako gumising ng maaga ngayon dahil ayaw ni Lolo ng tulog mantika. Dahil kapag nalaman niyang meron, papaliguan niya ng tubig na may yelo doon mismo sa hinihigaan. Pagkatapos niyon, ipapakaladkad niya papunta sa hacienda at ibibilad sa araw ng dalawa't kalahating oras. In a scorching heat.


Cruel, is it?

That is why I'm not associating myself sa Lolo ko, or sa kung ano mang bagay na malalaman niya, dahil patay ako.

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng kwarto. Napakatahimik pa rin dito. Buti nalang at nakatulog ako ng maayos kagabi, at walang mga multo o kung ano mang kababalaghan sa kwarto.

Pagdating ko sa baba ay walang katao-tao kaya agad akong nagpunta sa Second House, at nadatnan ko sila doon na naghahanda para sa almusal.


"Chestin,apo, halika na at kumain," pagtawag ni Lola sa aking nang makita niya akong dumating.


Nginitian ko nalang si Lola at ang lahat ng nagsipaglingon sa akin nang tawagin niya ako. Umupo nalang ako sa may sulok at naghintay sa breakfast.


Teka nga pala, birthday pala ngayon ni Lolo. Nasaan na kaya siya? Para ma-greet ko man lang. Tsaka ilang taon na kaya siya? Tingin ko wala pa siya sa 80. Ang bata pa kasi ni Mama nang pinanganak ako, mga 24 ata, tapos si Mama pa ang eldest.

Pero hindi bale nalang, kung hahanapin ko siya eh wala naman akong maereregalo sa kanya, mamayang gabi nalang. Morning kasi ang preparation at gabi ang celebration.

Hahanap muna ako ng biscuit or sopas na ipangreregalo sa kanya. Goodness, baka makatanggap lang ako ng sampal at suntok na ikakatanggal ng mga ngipin ko.

At sasabihin pa niya, "Hoy, iniinsulto mo ba ako?! Wala kang galang!"

Dumadagundong pa ang boses niya. Kaya ako naman luluhod sa harap niya at magmamakaawang papatawarin.

Pero imbes na papatawarin niya ako ay tatadyakan niya ako at hahambalusin ng tungkod niya. "Lumayas ka sa harap ko! Itatakwil na kita! Layas!"

Nanggagalaiti pa na sabi niya na parang puputok na ang mga ugat niya sa noo.

I chuckled at the thought. Kaya lang medyo napalakas 'yon kaya naman nagsipaglingon sila sa akin. They gave me a scrutinizing look and as if they're saying I'm a retard.

"Ayos ka lang, hija?" tanong ng isang matanda, which is hindi ko kilala, na nakaupo sa tabi ko. Agad na sumeryoso ang mukha ko at tinanguan siya.

"Opo, may iniisip lang po ako," sagot ko at bahagya siyang nginitian.

Hindi na naman siya nagsalita pa ulit kaya tumayo na ako para kumuha ng pagkain. Feeling ko in-law ata siya ni Lolo, mukha kasing strikta at elegante ng pormahan kaya feeling ko kapatid ni Lolo ang asawa niya. Napailing nalang ako dahil sa kapalpakan ko.


Gabi na at kanina pa nagsimula ang celebration. Medyo maingay ang paligid dahil sa music at ang mga usapan at mga tawanan nila. Marami din ang mga pagkaing handa sa long table na halos bibigay na.


Hindi lang naman ang birthday ni Lolo ang cinelebrate kun hindi pati na ang reunion ng buong pamilya. At dito sa labas ng Mansion ang venue. Gusto kasi nila ng environmental feel. Kaya may bonfire din sa labas para magbigay liwanag. Kanina din kinantahan nila si Lolo at nagbigay sila ng mga regalo.


Buti pa sila may niregalo, ako? Poplaks!


Ni hindi ko nga nabati si Lolo dahil nahihiya ako baka singilin pa niya ako. Pero hindi ko naman siya kailangang regaluhan eh mayaman naman siya. Makukuha na niya ang gusto niya.


Tumambay nalang uli ako doon sa may mangga. Wala sa mangga ang mag-jowa kagabi. Hindi ko pa nga nalaman kung sino ang mga 'yon, and like I care! But anyway, malaki ang buwan ngayon at may mga bituin pa. Malamig ang hangin kaya nakakaantok.

Nilingon ko sila doon sa may Mansion at sobrang saya nila. Samantalang ako nagpapaka-emote dito. I have tried to be with them, to be close to them pero it didn't seem to feel right. I didn't feel any happiness. Hindi ko alam pero parang hindi ako masaya, at hindi ako sumaya. Kung sumaya man ako, hindi ko alam kung kailan 'yon.

Isa pa, sa pamilyang ito, nakasentro lang ang lahat sa maaaring maging mamanahin kaya kung posibleng matapakan mo kahit kapamilya ay gagawin maangkin lang ang mga ari-arian ng pamilya. Kaya feeling ko rin, nagpaplastikan lang ang iba rito.

Hayy, di bale. Papasok nalang ako at matutulog.

Gusto ko man mag-enjoy sa sembreak na ninais ko, pero parang wala sa mood kong mag-enjoy. Hindi ko na nagawang magpaalam pa sa kanila. Busy si Lola, may kausap sina Mama at Papa. Sina Yanna may mga katropa na at ewan ko kung nasaan. At si Lolo naman kausap ang mga kapatid niya.

Kaya dumiretso na kaagad ako sa loob ng Mansion. May mga tao din dito at maliwanag ang buong bahay, pero dahil busy sila ay hindi nila ako napansin.

Umakyat nalang ako at medyo tahimik na rito. Pero may mahina na music ang maririnig mula sa labas. Papasok na ako sa kwarto nang may ideyang pumasok sa isipan ko.

Libutin ko kaya 'tong mga kwarto rito?


Pero may mga gumagamit na kasi, baka sabihin pa na wala akong respeto. At kapag nangyari 'yun katapusan ko na talaga.

Pero kasi, gusto kong makapag-explore bago kami umuwi.

Kaya, lilibutin ko nalang ang buong floor but hindi ako papasok sa mga kwarto.

Nagsimula na akong maglakad at tumingin-tingin sa mga bagay dito. Majority na andito sa bahay ay makaluma pa rin. Dark brown at light brown ang kulay dito, pati na rin sa baba kaya present pa rin ang old-fashion vibe. Sahig nga kahoy pa rin, pero makikintab pa rin.

Nawala ang antok at takot nang malibot ko na ang second floor. Last nalang itong kinaroroonan ko. Ang kinasulok-sulokan ng buong floor. Medyo madilim din dito dahil hindi in-on ang ilaw sa parte na ito. Sa dulo may nakita akong pinto.


Ano kaya iyan dyan? Baka dyan nakatago ang mga kayamanan ni Lolo? O di kaya naman andyan ang multo?

Baka andyan nakatago 'yong sinabi ni Mama na kayamanan at antique things ng Del Veriel? If that's the case, then magiging mayaman na ako! HEHE.

Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa pinto, saka lumingin sa likuran kung may sumusunod ba. Buti nalang at wala. Humakbang ako papalapit sa pinto. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan bigla. Baka mahuli ako ni Lolo, I'm really dead talaga.

Umiling ako at pinihit ang doorknob. Bahala na, isa pa hindi alam ni Lolo na andito ako, busy iyon sa birthday niya. Napakunot ang noo ko nang napihit ko lang ang knob at hindi iyon naka-lock.

Naman si Lolo oh, baka nilimas na ang mga treasures sa loob.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at biglang umilaw sa loob. Woah, automatic pala 'to, galing. Naglakad ako papasok. Maliit lang ang space na kasya ay mga sampung tao lang.

Ano ba ito?  Wala ring laman sa loob, except sa isa pang pinto.

Wow, ang feeling ha? Parang sa Alice in the Wonderland. Sabi ko na nga ba treasure room 'to eh.

Sobrang lapad ng ngiti ko habang papalapit sa isa pang pinto.

Naku, Lolo, bahala ka dyan. Kukunin ko na ang mga ari-arian mo. Makakaganti na ako sa iyo.

Pagpihit ko sa knob ay hindi pa rin ito naka-lock. Pagbukas ko ay napakadilim sa loob. Shucks. Wala pa naman akong dalang flashlight dito.

Kinapakapa ko nalang ang wall sa loob, sa may pinto. Nang may mahawakan akong parang switch ay agad kong pinindot 'yon. Nagliwanag ang buong kwarto at nakatulala akong pumasok sa loob.

Ang kwartong ito at isa palang office. Sa medyo dulo ng kwarto ay may desk na makaluma, pero maayos at makintab pa rin. May mga libro at papel pa sa ibabaw nito. Sa gilid naman ng kwarto ay may magka-opposite na bookshelves na hanggang ceiling ang taas, at sobrang daming libro pa na nakalagay.

Sigurado ba silang nabasa na nila lahat ito, or mababasa nila lahat ng mga libro rito?

Amoy makuma pa sa loob at may pagka-albatros or some kind of moth balls.

Napansin ko naman sa dulo ng kwarto ay may mga picture frames. Matagal ko ng gusto magkaroon ng portrait saka idi-display ko sa kwarto ko.

Na-curious tuloy ako kaya agad akong lumapit doon. Sino kaya itong mga andito sa paintings na 'to eh at makaluma pa ang dating? The texture and the medium used. Dagdag pa ang mga suot nila na naka-Filipiniana, baro't saya, tsaka tuxedo na turtle necked.

Inisa-isa kong tinignan ang bawat frames. May nakita akong painting nina Mama, iyong whole family ni Lolo. Tapos may nakita akong painting nina Mama na magkakapatid, na halatang noong kabataan pa nila. May painting din ng whole family nina Lolo, as in iyong mga kapatid at mga magulang nila.

May painting din na silang magkakapatid magkasama. May paintings din na nag-iisa lang ang subject. Nakita ko si Mama at Lolo, pero hindi ko kilala ang iba. Wala ang mga kapatid ni Lolo at ni Mama na mag-isa lang sa painting.

Nasaan kaya ang sa kanila?

May napansin naman akong isang mas malaking painting na nakapwesto sa gitna ng lahat ng mga paintings.  Isa ata itong pamilya. May tatlong lalaking nakatayo sa likuran. Isang babae at lalaki na nakaupo sa harap ng tatlo at sa gitna ng dalawa ay isang baba—teka?


Bakit ako nandyan? Why am I on that painting?!




What the world?!




Sa Taong 1890

Continue Reading

You'll Also Like

132K 9.1K 102
Si Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan n...
6.5K 1.2K 18
Penful Aqua got accident because she wanted to escape those people who hurt her, and after that incident she met this guy named Ausvein Aphie who hav...
789K 18.9K 43
(Delilah Series # 3) "You were my father's mistress. How else do you want me to treat you?" Halos matumba ako sa bigat na dumagan sa puso ko dahil sa...
58.8K 1.5K 27
(Old story) Si Ava Maria Kristina Block ay gusto maging Secret Agent kagaya ng kanyang mga magulang kaya naging scholar siya sa Secret Academy, isang...