Sa Taong 1890

بواسطة xxienc

86.1K 3.6K 1K

Siya si Chestinell Del Veriel Cavillian. Mula sa taong 2020. Isang babaeng laging nasa mali-tingin ng kanyang... المزيد

Mula sa May-akda
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70

Kabanata 1

5.4K 170 36
بواسطة xxienc

| Kabanata 1 |


"Kailan kaya ako magiging masaya? Iyon bang mamahalin ako ng mga tao sa loob ng pamilya ko. Lalo na ni mama."


Pinagmasdan ko ang kisame ng kwarto ko habang nagmumuni-muni ng nakahilata sa kama. Gusto kong sanang sumigaw at ilabas ang saloobin ko ngunit huwag nalang. Gusto ko nga ang buong paligid dahil walang istorbo at tahimi—.


"Hoy, Ate! Aalis na tayo! Natutulog ka na naman diyan?!" rinig kong sigaw ni Yana mula sa labas ng pintuan.

Siya ang pangalawa sa aming magkakapatid at siya rin ang primary enemy ko sa bahay. Nakakainis kasi ang ugali. Parang kagaya lang ngayon, panira ng moment.

Inis akong napaupo sa kama. Istorbo talaga!


"Ate! Aalis na! Gusto mong maiwan?!" sigaw niya ulit.


Kaya bago pa siya mag talumpati sa labas ng kwarto ko ay inunahan ko na siya.


"Narinig ko! Hindi ako bingi! Palabas na!" ganti ko.


Kakairita talaga 'to!

Napairap nalang akong tumayo at nag-ayos ng sarili.

Hindi naman siya uli nag-salita pa, siguro ay umalis na. Agad na akong nagsapatos at isinukbit ang travel bag at lumabas na ng kwarto. Andito na sa loob ng bag ang lahat ng gamit na kakailanganin ko para sa out-of-town namin.

Papunta kami sa San Luisiano, ang hometown ni Mama. Birthday kasi ng Lolo ko bukas at reunion na rin ng pamilya Del Veriel, ang pamilya nina Mama. Del Veriel is my middle name. Chestinell Del Veriel Cavillian is my name.

Sa reunion na iyon, pupunta ang mga relatives namin, kung hindi man sila a-absent. Pati na rin ang mga kapatid ni Lolo. Syempre, reunion.


But hindi ko alam kung hanggang kailan kami doon, dahil ayaw nina Mama na pangunahan ang panahon. Hindi rin naman kami magtatagal doon dahil next week ay balik na naman sa school. But I'm hoping, sana naman ay mag-enjoy ako sa sem-break na ito.

Dumiretso na ako sa van at nadatnan ang tatlo kong kapatid na naglalaro sa may pinto nito. Abala sa kakapindot ng cellphone ang dalawa, sina Yana at Kiann ang nag-iisang lalaki, at si Yanesha, ang bunso, ay kinakausap naman ang teddy bear niya.

Ang weird talaga ng mga bata.

Napangiwi nalang ako at inilagay ang bag sa pinakalikod na upuan at tumambay muna sa likod nito at nagpahangin.


"Let's go, sige na. Magsipasok na kayo. Wala na bang nakalimutan?"


Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Mama na papalapit sa van. Nagsipagsakay naman ang tatlo, kaya sumunod na ako, pagkatapos kong sinara ang pinto sa likod.

"Wala na po, Ma," sagot ni Yana.


Doon ako pumwesto sa bandang likuran para mapayapa ang buhay ko. Maya-maya ay dumating na rin si Papa at pinaandar na ang van at umalis na kami. Limang oras ang byahe mula sa amin papunta sa San Luisiano. Medyo matagal 'yon tsaka boring.

Kumusta na kaya ang San Luisiano? Huli kong punta doon ay nine years old pa ako. Ngayon nineteen na ako, kaya sobrang tagal na n'on. Ano na kaya ang itsura doon?

"By the way, pagdating natin doon ibigay niyo sa akin ang mga gadgets niyo," biglang baling ni Mama sa amin sa kalagitnaan ng byahe, kaya agad kaming nagsipaglingunan sa kanya.

"What?!" halos magkasabay pa naming tatlong sambit. Binigyan naman niya kami ng matalim na titig.


"You heard me. Besides ayaw ni Tatay ng may gadgets sa bahay niya. Kilala niyo naman siguro siya, hindi ba?"


Aish, ayoko pa namang mawalay 'tong cellphone ko sa'kin.


Iyong Lolo ko kasi napaka-strict. Gusto niya ang rules niya ang dapat masunod. Gusto niya lahat naaayon sa gusto niya. At kahit konting mali, hindi niya pinapalampas. Kailangan kapag nasa harap ka niya, dapat perpekto at tama ka.

Kwento sa akin ni Lola Cela dati, ganoon talaga ang mga Del Veriel, lahi na talaga nila ang pagiging strikto, seryoso, at perfectionist, specially na din dahil panganay ang Lolo ko. Mabuti nalang talaga at lumipat kami ng bahay, kung hindi patay ako kay Lolo.


"Iyang mga ugali niyo ah, ayus-ayusin niyo. Huwag niyong ipahiya ang mga sarili niyo," paalala pa ni Mama.

Eldest din si Mama, kaya ganun nalang ang pagdidisiplina at pagtuturo niya sa amin.

"Huwag niyong ipahiya ang mga sarili ninyo. Alam niyo namang maraming tao ang pupunta doon, at mga kadugo niyo pa," dagdag pa ni Papa.

Napasimangot ako ng konti. Bakasyon na nga lang kailangan pang maging prim and proper. Hindi ba pwedeng maging free muna saglit?


Goodness. Rules. Rules. Rules.

Being a Cavillian and a Del Veriel means everything sabi ni Mama. Hindi kami super yaman but ang apelyedo kasing 'yon ang iniingatan ng bawat member ng family. Ayaw ng mga Lolo at Lola ko na madungisan ang apelyido nila kaya ganoon nalang nila kami pinag-iingat.

Natulog nalang ako sa buong biyahe. Mas mabuti nang makapag-beauty rest ako. Para pagdating namin doon overflowing at bongga ang beauty ko.

Naalimpungatan ako ng makaramdam ako ng lubak sa dinadaanan namin. Hapon na nang makarating kami. Namiss ko ng sobra ang San Luisiano. Goodness, ang dami ng mga bahay ngayon dito.

Natanaw ko ang bahay nina Lolo, at ang isa pang bahay sa gilid nito. Medyo madami ang mga tao na nado'n na sigurado akong mga relatives namin. Agad na ipi-nark ni Papa ang van sa gilid ng bahay ni Lolo.

"Magsibaba na kayo. Akin na ang mga gadgets niyo," paalala ni Mama.

Akala ko pa naman makakalimutan niya. Aish!

Nagsibaba na ang dalawa matapos ibigay ang mga gadgets nila. Sumunod naman ako kaagad dala-dala ang bag ko.

"Chestinell, ang cellphone mo," tawag ni Mama pagkababa ko ng van.

Agad akong napasimangot at humarap sa kanya, "Naman eh. Huwag nalang," reklamo ko.

Paano na magiging memorable ang semester break na ito kung wala ang cellphone ko?


"Chestinell, 'wag mong umpisahan," sabi niya in a warning tone.

Aish, talaga naman oh!


Napabuntong-hininga nalang ako at labag sa loob na ibinigay ang cellphone ko.


"At ayusin mo iyang ugali mo. Huwag mo na namang awayin ang mga kapatid mo," dagdag pa niya.

Napabuntong-hininga nalang ako, at tumalikod na akong nakasimangot na naglakad papunta sa kabilang bahay. 

Dalawa kasi ang bahay nina Lolo, iyong Mansion at ang Second House. Ang Mansion ay nandoon na ang sala, comfort rooms, at saka mga kwarto.

Doon naman sa Second House naroon ang kusina at tambayan namin. Half open lang 'yon, ang likod at right side lang ang may concrete wall, at sa harap at left nito ay wala na, para daw presko at maaliwalas, pero may kaunti namang glass wall for protection.

Nagsipag-lingunan ang mga tao sa akin nang makalapit ako doon.


"Hala, sya na ba si Ches?" tanong ng isa kong Tita, pinsan ni Mama.


Nginitian siya. "Hello po," nahihiya kong sambit saka nagmano isa-isa sa kanila. Wew, nangawit ang leeg ko kakayuko. Ang dami nila.

"Ilang taon ka na, hija?" tanong ng isang medyo may edad na babae.


"Ah, nineteen po," tipid kong sagot. Lahat pa ng taong andito nakatingin sa akin. Nakaka–conscious.

"Naku, dalaga ka na Chestin. Dati hanggang dito ka palang sa beywang ko, ngayon lagpas ka na sakin," daldal niyong isang babae na hindi ko kilala.


"Oo nga eh. You're so pretty pa, hija," another woman said. Napangiti naman ako. Anteh, gusto ko 'yan. Push mo.

"Ah, salamat po," kunwari ay nahihiya kong sagot.

"Yna, hindi mo naman sinabing may dalaga ka na. Ang ganda-ganda pa," Tita Michelle said, she's Mama's pinsan. Hindi ko napansin na nakalapit na pala si Mama sa amin.

"Of course, Michelle. Kanino pa ba magmamana ang mga iyan," sagot ni Mama at doon na nagsimula ang kwentuhan nila.

Tumabi ako doon at pinagmasdan ang buong paligid. Napakatahimik, napakaganda at aliwalas ng San Luisiano. Maraming mga taniman at mga hayupan dito. Makikita mo pa ang syudad at dagat na nasa ibaba.

"Chestin?"

Agad akong napalingon nang biglang may nagsalita sa gilid ko.


"Lola Cela?" agad kong sambit nang makita ko ang nakangiti niyang pigura.


Si Lola Cela ang asawa ni Lolo Alejandro, mga magulang ni Mama. Hindi kami close ni Lola Cela pero nagkakausap kami. Mabait kasi itong si Lola at approachable, hindi gaya ni Lolo na may attitude.

Agad akong nagmano sa kanya. Medyo tumanda na si Lola at may kaunting grey hairs na.

"Dalaga ka na talaga, hija," nakangiting usal niya. "Pero bakit hindi ka pa pumapasok sa loob?" tanong niya.

"Eh, nahihiya po ako eh," nakangisi kong sagot.

Umiling naman siya at ngumiti, "Parang hindi ka Del Veriel niyan. Ikaw talagang bata ka." Nginitian ko lang naman siya.


"Halika na nga. Ang mga kapatid mo nasa loob na," sabi niya at inakay ako papasok sa Mansion.

Ang Mansion ay kagaya parin ng dati, makaluma pa rin at puro kahoy, pero may ibang parte na semento na. Dahil na rin sa kalumaan ay ni-renovate.

Malawak pa rin ang bahay. May sala, mini kitchen at mga kwarto sa baba, pero sa taas ay mga kwarto na lahat. Two storey lang ito pero malaki at malawak itong ancestral house ng mga Del Veriel.

Hindi nga lang ito simpleng ancestral house kundi isang old mansion. Mula pagkabata ko ay may marami na talagang mga kwarto dito, dahil na rin kasi 'yong mga Lolo ko pa ang nag-occupy nito nung kabataan nila, at marami silang magkakapatid.

Natatakot ng ako dito dahil sobrang luma na ng bahay na 'to. May mga kwarto pa nga rito nga hindi ko pa alam at hindi ko pinapasok. Tsaka hindi ko sinubukang pumasok, dahil nga kay Lolo. Ayaw niya ng may nangingialam.

Isa pa, nakakatakot kayang pumasok kahit saan dito, baka may makita pa akong hindi dapat makita. Napaka-creepy pa naman dito. Karamihan pa sa mga gamit dito ay mga antiques.

Hindi ko rin naman alam ang buong history ng bahay na ito dahil natatakot ako kay Lolo, at ayoko ring magtanong kay Lola baka pag may nalaman ako mas lalo pa akong matakot.

Dinala ako ni Lola sa taas. Naku naman, bakit dito pa?

Medyo madilim pa dahil puro kwarto lang ang andito nakahilera at malayo ang bintana, tsaka medyo dim ang ilaw rito. Kinilabutan tuloy ako. Goodness, nakakatakot naman dito.

"Lola Cela, pwede po bang sa baba nalang ako?" medyo alinlangan kong tanong. Ayoko pa namang mag-isa ako sa kwarto.

Ngumisi naman sakin si Lola, "Hindi pwede, apo," sabi niya. "Dahil ito ang nakatakda."


What?!

Medyo napataas ang kilay ko dahil doon. What does she mean by that? May plano na ba silang ginawa kung sino ang tutuloy sa bawat kwarto dito?

Noo! Baka ang pinili nila para sakin ay yung may....multo?! Huhuhu, no no.

"Pero po, Lola, gu-gusto ko po sa baba."

Naku naman, baka pakana ito ni Lolo, baka may kinikimkim siyang galit sa akin kaya niya ito ginagawa. Pero sa pagkakaalala ko wala naman akong atraso sa kanya ah.

"Hija, puno na ang mga kwarto sa baba," nakangiti niyang sabi at hinatak ako sa isang kwarto na malapit lang sa may hagdan.

Binuksan niya ito at pinapasok ako doon. Dahil sa takot ay naistatwa ako sa gitna ng pinto.

"Hija, ano ba ang ginagawa mo?" she raised her brows.

Ehh, ayokong pumasok doon baka bigla niyang sarhan ang pinto at ikukulong ako kasama ang kung ang multo sa loob nito.

Bahagya niya akong tinulak pero hindi ako nagpatinag.

"Lola, please," pagmamakaawa ko.

"Hija, pumasok ka na doon at makapag-ayos ka na," sabi niya.

Agad ko namang hinawakan ang braso niya.

"Lola, samahan niyo po muna ako sa loob, please. Kahit saglit lang," pagmamakaawa ko.


"Aba, oo nga. Kaya ako nandito upang samahan ka," sabi niya at naglakad papasok sa loob.


Sumunod naman ako kaagad matapos niyang i-on ang switch sa may pinto, pero hindi pa naman masyadong madilim sa loob. Medyo may kalakihan ang kwarto at saka sobrang tidy nito.

May kama sa gitna na sakto lang, may side table at may isang bintana sa kanan ng kama, at may isang malaking cabinet. Naaah, ayokong makialam sa cabinet na iyan. Baka andyan ang multo nakakulong.

"Lola Cela, may kasama po ba ako rito?" pagbabakasakali ko habang nakatayo sa may pinto.

Gusto kong may kasama ako rito—'yong tao—kahit pa si Yana basta hindi ako mag-iisa dito. But, dahil sa tanong ko ay natawa siya, kaya napataas ang kilay ko.

Ok, anong nakakatawa do'n?

"Chestin, alam mo namang napakaraming kwarto ang meron dito at may mga hindi makakarating and ibang mga Del Veriel, kaya tag-iisa ang lahat ng kwarto."

What? Goodness, no!

"Pero p-pwede po bang tabi nalang kami ni Yana? Sige na po," pagmamakaawa ko pa.

"Hija, nasa kwarto na niya si Yana,"sagot niya, kaya napasimangot ako. "Sige na, mag-ayos ka na. Maghahapunan na mamaya," she added.

"Okay po," medyo matamlay kong sagot.

"Oh sya, bababa na ako. Sumunod ka kaagad," sabi niya.

Tumango nalang ako. Lumabas na siya at sinara ang pinto. Goodness, napakatahimik naman dito.

Dahan-dahan nalang akong lumapit sa kama at inilagay ang bag ko sa paanan nito at humilata doon.

Ipinikit ko nalang ang mga mata ko. Sigurado naman akong walang multo dito, dahil wala naman akong narinig na mga usap-usapan tungkol do'n.

Lumipas ang ilang minuto ay nagbihis ako at lumabas na ng kwarto. Napatigil ako sa hallway ng walang katao-tao dito. Sobrang tahimik pa na nagdagdag ng ka-creepy-han dito. Brrrr.

Dali-dali nalang akong bumaba. Pati sa first floor sobrang tahimik at wala ring mga tao dito. Pero 6:15 palang ah, imposibleng natutulog na sila.

Nakarinig naman ako ng tawanan sa labas kaya nakahinga ako ng maluwag. Wew, goodness akala ko iniwan na nila ako.

Naglakad nalang ako palabas. Pero agad akong napatigil nang may narinig akong tunog. Somewhat parang object na pinukpok sa wooden floor. Hindi rin siya sunod-sunod instead it's one at a time ito. Dahil do'n ay biglang kumabog ang puso ko.

Waah! May multo talaga dito!

Nanlalamig akong napalingalinga kung saan nanggaling ang mga tunog na iyon. Goodness, papalapit pa ito.

Hindi ko na alam ang gagawin ko and stayed like frozen as to where I'm standing at kinabahan na ako ng sobra. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang tunog at papalapit na talaga ito sa akin. Sobrang laki at lawak pa ng first floor kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko, at nasa gitna pa ako.

Teka? Bakit parang nasa...likod ko na? Aah, ayoko na ditooo!

Sobrang lapit na nito at nararamdaman ko na talagang nasa likod ko na ito. Kahit naninigas na ang leeg ko ay pinilit kong lumingon para tignan ang nasa likuran ko. Sobrang lakas pa at bilis ng kabog ng puso ko.


Parehong gulat at pagluwag ng puso ang naramdaman ko. Hindi pa pala 'yun multo, kundi si Lolo. Goodness!

At 'yong tunog na naririnig ko ay tungkod pala niya. Napaayos naman akong humarap sa kanya. Phew, akala ko na talaga multo na 'yon!

Pero ang ipinagtataka ko ay tumitig siya sa akin. Maganda ako Lo, noh? Gulat kayo diba?


Magsasalita na sana ako nang naunahan niya ako. But I was surprised sa sinabi niya.


"Lola Kristina?" medyo alinlangan niyang sambit.



What?!


Lola?!

No Way!





Sa Taong 1890

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

84.6K 3.5K 33
An accident that will bring her back to her past life. Credits to Bb Mariya for the cover ✨ Started: May 12, 2020 Ended: November 28, 2020 Highest Ra...
6.5K 1.2K 18
Penful Aqua got accident because she wanted to escape those people who hurt her, and after that incident she met this guy named Ausvein Aphie who hav...
School Life With You بواسطة kaye

قصص المراهقين

45.6K 5.1K 81
Chelsea Reyes, a former homeschooler since childhood, wants to go to regular school as a Grade 10 student. She then enrolled in Empyrean Academy, or...
1.1M 70.3K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...