Over And Over Again (On-Going)

By Ms_NLD

936 446 132

Did I really meant to be broken forever? Should I always hold to thier promises? I don't know I once promise... More

Prologue
Chapter 1: Whats happening?
Chapter 2: Blurred
Chapter 3: Unknown
Chapter 4: Meetup
Chapter 5: Who you?
Chapter 6: Work
Chapter 7: Memories
Chapter 8: The Start
Chapter 9: Common friend
Chapter 11: The Kiss
Chapter 12: Fall
Chapter 13: SVIP Unit
Chapter 14: The Owner
Chapter 15: Questions
Chapter 16: Trapped
Chapter 17: Coincidence
Chapter 18: With You
Chapter 19: The Truth
Chapter 20: Rest Day
Chapter 21: Back to the RW
Chapter 22: Brotherly Love
Chapter 23: Finally Home
Chapter 24: Tragedy
Chapter 25: Safe
Chapter 26: Another Man
Chapter 27: Confession
Chapter 28: Triple Pain
Chapter 29: Yes???
Chapter 30: Suitor x Family
Chapter 31: Decision
Chapter 32 : Hours with him
Chapter 33 : Debut
Chapter 34: Painfalls

Chapter 10: Glimpse

25 10 8
By Ms_NLD

Nakita ko gulat sa kanyang mga mata ng magtama ang mga mata namin.

"K-kaye?" Halos pabulong na bigkas ni Rui.

"Sya ba yung sinasabi mong kaibigan mo?" Pag babalewala ko sa narinig kong bulong ni Rui.

"Uhmm oo. Magkakilala kayo?" Nalilitong tanong ni Rill.

"Uhm parang ganon na nga. All I know is his name" sagot ko kay Rill. Nakita ko ang pagiwas ni Rui nang tingin na animo ay nasasaktan.

"Uhmm sa tingin ko sa bahay nalang nila Rui natin to pagusapan. Lalong lumalakas yung ulan ehh.." putol ni Rill sa usapan.

"Sige, you both just use this umbrella." Sabi ni Rui habang bumaba sa kotse si Rill.

"Hindi na, kayo nalang ang gumamit." Sabi ko at kinuha ang susi ng kotse sa harap. Akala ko ay pumunta na sila sa kotse ngunit si Rill nalang ang nakita ko na nasisilungan ng payong. Kahit na malakas ang buhos ng ulan ay malinaw ko pa ring narinig ang busina ng kotse sa di kalayuan.

"Tara na?" Sabi ni Rill. Bumaba na ako dahil wala na rin akong magagawa pa at siniguradong nakalock ang pinto at bintana.

May parte sakin ang bumubulong na dapat ay sa passenger seat ako umupo, parang sinasabi nito na ako ang karapat dapat doon ngunit dinala ako ni Rill sa harap ng pinto ng backseat. Wala na akong nagawa at pumasok nalang sa loob. Akala ko ay tatabi sya sakin ngunit sinarado nya ang pinto at nagtungo sa tabi ni Rui. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko kahit na hindi naman dapat. Pakiramdam ko ay naagawan ako ng isang bagay na gustong gusto ko. Natigil lamang ang pagiisip ko ng magsalita si Rill.

"Ok ka lang dyan Kaye? Gusto man kitang tabihan kaso magmumukang driver natin si Rui." Malumanay na sabi ni Rill

"Oo naman" pagsisinungaling ko. Hindi ako ok na nandito ako, para gusto ko syang itulak palabas ng kotse tapos ako ang uupo don o kaya parang gusto ko nalang sabihin na tabihan nya ako dito. Mukang mas maganda yung huli, ayokong maging mamamatay tao.

Nag uusap silang dalawa at minabuti ko nalang na isindal ang ulo ko sa bintana at sa labas ang tingin. Para akong nagseselos na ewan. Sana talaga di nalang ako pumayag, para akong nakipaglaro sa kaibigan tapos sya lang ang nageenjoy kasi sya lang ang may hawak. Hindi naman dapat ganto eh. Sino ba sya? Ni hindi ko nga yata sya kaibigan eh, pero bakit nasasaktan ako ng ganito?

"Kaye!" Halos pasigaw na sa tawag sakin ni Rill.

"Ah, ano ulit yon? Inaantok na kasi ako eh, pagpasensyahan mo na." Pabirong sabi ko.

"Sinabi ko lang kung paano kita na meet" sabi ni Rill ng lumingon sya sakin. Di na ako nag-abalang sagutin sya at tumango nalang.

"Go sleep, medyo malayo pa naman tayo sa bahay. Just make sure to wear a seatbelt" biglang sabi ni Rui. "Malikot ka pa naman matulog" bulong nya pa. Nagkibit balikat nalang ako sa narinig ko at pinulupot na sa sarili ang seatbelt. Pinikit ko ang mga mata ko hanggang sa unti unti nang maging tahimik ang paligid.

***

Nagising nalang ako ng maramdaman ko na buhat na ako. Hindi ko na kailangan pang imulat ang mata ko para makilala ang taong may buhat sakin. Sa amoy palang ng pabango nya na Eternity Men by CK at sa mga bisig nya, alam ko na si Rui ito.

Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at tama nga ang hinala ko, diretso ang tingin nya sa daan at tila malalim ang iniisip.
Pinikit kong muli ang mga mata ko dahil alam ko na magiging akward kung bigla na lang akong magigising na hawak nya. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ilang sandali lang ang lumipas ay naramdaman kona na lumapat ang likod ko sa malambot na higaan.

"Kaye, bakit kahit na pilit na akong umiiwas sayo, inilalapit ka pa rin sakin. Mahal kita nang sobra kaya kahit na gustuhin ko man na ipaalala ang ipinangako mo gaya ng sinabi mo noon hindi ko gagawin, dahil gusto ko ikaw ang mamimili. Gusto ko piliin mo ko di dahil nangako ka at kailangan mong tuparin kundi dahil ako yung mahal mo. Ayokong maubliga ka na piliin ako dahil ibig sabihin non hindi mo na mapipili pa ang taong tunay mong mahal ang magpapasaya sayo ng sobra. Yun ang dahilan kung bakit ako pilit na lumalayo pero bakit ganto pinaglalapit naman tayo ng tadhana. Pero alam mo narealize ko na hindi ko naman kailangang umiwas sayo, maybe I should make my move, because o
If not, how will you fall to me? Just wait Kaye and I will make you fulfilled your promised without actually knowing it" huling mga katagang sinabi ni Rui bago ko narinig ang muling pagbukas ng pinto.

Nang naramdaman ko na wala na sya ay tumawa ako. Naguguluhan ako, para ba sakin ang lahat ng yon. Pero masyadong magulo. Is it about the one he love? Eh bakit naman sa harap ko nya sinasabi. Ano nagpapractisan lang. Gustuhin ko mang intindihin ay wala ng pang lakas ang mga mata ko para matagal na imulat ito. Muli akong bumalik sa pagtulog at isang panaginip ang lalong nagpagulo sa utak ko.

****
Malayo ang pwesto ko sa dalawang taong nasa harap ko ngunit rinig ko ang mga boses nila.

"Sorry na kasi. Nalate lang ng limang minuto nagtampo kana agad." Rinig kong sabi ng lalaki sa babaeng nakatalikod sa kanya.

"Yes 5 minutes ka lang late sa time ng meet, pero Hello, 35 minutes na akong nandito. Tinext kaya kita." Nagtatampong sabi nung gurl.

"Sorry na, nakatulog kasi ako." Sabi nung boy at inabot ang bulaklak na nakapatong sa bubong ng kotse na nasa gilid lang nya. At dahil nakatalikod ang babae ay di nya alam na may hawak itong mga bulaklak. Dahan dahan itong inilapit nung boy sa harap nung girl at ng maamoy nito ang bulaklak ay napaharap din sya don. "Sorry na kasi" sabi ulit nung boy at ngumuso.

Napangiti ang babae at kinuha ang bulaklak. "Alam na alam mo talaga kung paano ako hindi makakatanggi sayo" sabi nung girl at inamoy amoy ang bulaklak. Makulay ang bulaklak dahil iba't ibang uri ang nakalagay doon.

"Ok na tayo ahh, don't worry next time 1 hour before the time nasa meeting place na ako" sabi nung boy.

"Siguraduhin mo lang ahh. Tara na nga" aya nung kamuka ko sa boy.

"Wait, ganto nalang paunahan tayo kung sinong mauuna sa Resto syang ililibre. Ano deal?" Nakangiting sabi nung boy

"DEAL!!" excited na sagot nung girl. Agad na tumakbo yung boy ng hindi manlang inaabisuhan si ate gurl

"Oyy Rui ang daya mo naman ehh" sigaw nung babae at tumakbo na rin papasok sa mall.

"Di kaya sadyang mabagal ka lang. Bilisan mo Kaye marami akong oorderin" sigaw pabalik nung Rui.

Naging white ang palagid at isa nanamang senario ang nakita ko.

"This house is made for the both of us" sabi ng isang lalaki sabay akbay sa isa pang lalaki. Nakangiti sila pareho sa babae na kasama nila at sa tingin ko ay nagaaral pa sila dahil pare pareho pa silang naka uniform.

"Anong taon ba kayo nagkakilala?" Tanong ng babae na kapangalan ko.

"When we were just 5, we already know each other" sagot ng lalaki na kamuka ni Rui sa unang Vision.

"Ano yung pinakamalalang bagay na napagawayan nyo?" Tanong ni Kaye at sumubo ng dala nilang pagkain.

"Well, wala pa naman" sagot nung lalaking di ko knows ang name pero familiar din ang mukha.

"Pa? So may balak kayong magaway?" Pabirong tanong ni Kaye.

"There's no imposible, love" nakatitig kay Kaye na sabi nya.

Naging puti muli ang paligid at napalitan ito muli ng bagong panaginip

Nasa tabi ako ng dalawang taong naguusap. This time mas kamuka ko na at ni Rui. Pareho silang umiiyak at may pinaguusapan.

"Kaye, mahal mo ba talaga sya? Kasi kung Oo lalayo ako, at siguraduhin nya lang na hindi ka nya iiwanan ng umiiyak, kasi kung gagawin nya yon aagawin kita. Kukuhanin ko yung chance ko." Sabi ni Rui habang hawak ang kamay nito.

"Salamat, salamat sa pagsasakripisyo. Hindi ako masaya na nasasaktan kita kasi ikaw yung palaging nandyan sakin bukod sa kanila Cali. Thank you kasi nagkaroon ako ng pangalawang kuya dahil sayo. You gave me all the respect that girl can have. At na-giguilty ako dahil kahit na pilit mong pinaparamdan sakin na hindi lang kaibigan ang turing mo sakin eh binabalewa ko pa rin, kasi ayokong tanggapin. Ayokong masira ang kung anong meron tayo, pero kahit pala anong gawin ko masisira at masisira din ang lahat." Patuloy sa pagiyak na sabi ni Kaye.

"Don't cry." Sabi ni Rui habang pinapahid ang luha ni Kaye. "If ever that my best friend cheat on you, tell it to me and I'll be the first one punch his face. And I swear I will make my move. I will bring a chain and tie it to the both of us just to make sure that you will fall with me." Nakangiting sabi ni Rui habang pinapahid ang luha nito.

Isang kotse ang dumating at isang lalaki ang lumabas mula roon. Lumayo si Rui ng konti sa dalaga at sinabing, "Go, go to your happiness." Mababakas ang lungkot sa boses ng binata sa pagkasabi nyang iyon.

Dahan dahan naglakad ang dalaga patungo sa lalaking nakasandal sa kotse. Iniisip kung tama ba ang desisyon nya. Nang makarating sya ay yinakap nya ito at umiyak sa dibdib nito. Tiningnan ko si Rui at nakita ko na nagsimula na pala itong maglakad palayo. Pilit na pinipigilan ang pagiyak ngunit kahit na ganon ay halata pa rin ito dahil sa pagyugyog ng kanyang mga balikat.

"RUI!!!!!" Sigaw ko ng bigla akong magising.

"What the hell is that?" Tanong ko sa sarili ng mapagdesisyunan ko na umupo. Anong meron? Bakit ganto ang panaginip ko? Bakit mga kamuka namin yon?

To Be Continue

___________________________________

A/N: Una sa lahat happy Monthsarry...
My ghadd isang buwan na pala simula ng sinimulan ko to.. Thank you sa support lalo na sa mga kaibigan ko.

Ayan may hint na kayo kung anong meron sa nakaraan. Pinilit kong makapag update ngayon sana magustuhan nyo. Love lots guys.

Continue Reading

You'll Also Like

251K 301 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
104K 107 108
This story is not mine credits to the real owner. 🔞
1.2M 29.6K 64
"Love is like war,easy to begin but very hard to stop." Alastair Gray McKlein- a wealthy young-man guy with an epitome of God except to his personali...
34.4K 94 16
This story is not mine credits to the rightful owner 🔞