Look, I found you (UNDER REVI...

By CloudedTale

9.8K 1.4K 673

How does it feel to be a character in the story or in a comic book? What if you are not aware that you are in... More

LAPSES
MENTAL ILLNESS?
GLIMPSE OF THE FUTURE?
WORLD OF COMICS
IN DENIAL
FATE OF AN EXTRA
DOING MY ROLE
ZACK'S ROLE
IRREFUTABLE PROOF
THE SCENE CHANGED
THE PROTAGONIST'S CONFLICTS ARISES
LITTLE THINGS
TRYING A CHANGE
FINDING MYSTERY GUY
PLANNING TO MARRY
TRIVIAL HIM
SECRET HERO
FIELD TRIP
TREVOR'S REJECTION
WISHING STONE
I REMEMBER YOU
LOST IN THE WOODS
HIRO
GETTING CLOSE
ZACK MEETS HIRO
TREVOR'S JEALOUSY
BAD CHANGES
WITH HIM
GLIMPSE OF THE PAST
TREVOR CARES
JAXTON'S MOTHER
JAXTON'S BIRTHDAY
CELEBRATION OR NOT?
HIRO IS MISSING?
TREVOR KNOWING THE TRUTH
YOU WON'T BE HIM
ALORA'S HARD TIME
DISTRACTION
DREAMY DATE
EDGE OF DYING
SAVING ALORA
A GOOD NEWS?
HURT
AWARENESS AND DISAPPEARANCE
AWARENESS AND DISAPPEARANCE 2
FEW LAST PAGES
SAME ENDING?
PAIN REMEMBERS
SAY MY NAME
A BRAND NEW START

HIRO IS BACK

67 15 1
By CloudedTale




CHAPTER 39:



*STAGE BEGINS* (Clicking sound)




"Alora!"




Isang tinig ang nakapagpalingon sa akin, napamulat nalang ako ng makita si Hiro na naglalakad sa kinaroroonan ko. Tiningnan ko rin ang paligid ko, wala na kami sa loob ng school, at naiba na rin ang damit ko. Naka-jumper dress ako at naka-upo sa isang bench, siguro ay nasa park kami. Gabi na rin, at ang nagbibigay liwanag sa lugar ay ang mga lamp posts sa paligid. Hindi ko alam kung lumipas na naman ba ang mga araw, at sinasadya ng writer na magtagpo kami kahit sa loob ng stage nang hindi niya ako naalala.




Nakasuot pa rin siya ng uniform niya at may hawak na boquet ng bulaklak sa isang kamay habang nakapamulsa naman ang kabila.




"Hiro--" Napatayo ako at kumaway ng makita siya. Naputol lang ang sasabihin ko ng lagpasan niya ako. Lumingon ako sa likuran ko at nakitang papalapit naman si Trevor.



"Nandito ka na pala," ani Hiro kay Trevor sabay tapik sa braso nito. Ngumiti rin siya sa akin at ganoon din ako sa kanya. Iniabot ni Hiro ang hawak niyang boquet kay Trevor.



"Tss, salamat dito ah?" Sabay angat ng boquet at ako naman ang binalingan ni Trevor. "This is for you, Alora."



"Aww, thank you Trevor." At kinuha ang bulaklak sabay yakap sa kanya. Nang bitawan ko si Trevor ay bumaling rin ako kay Hiro, "Salamat din Hiro sa pagiging kaibigan ni Trevor." Sabay hagikgik ko at nag-focus sa mukha ni Trevor.



"Mauna na 'ko. Mag-enjoy kayong dalawa ah?" Ngumisi pa si Hiro bago siya tuluyang umalis.



Pinagmasdan ko si Hiro habang naglalakad papalapit sa dilim. I want to run after him, but I can't. Hindi ko kontrol ang sarili ko ngayon.





*STAGE ENDS*




Nakahinga ako ng maluwag nang matapos ang stage. Matamlay ko ring ibinalik ang bulaklak kay Trevor at tumalikod sa kanya. Gusto kong sundan si Hiro.




"Alora..." Mahinang sabi niya. Nanatili rin akong nakatalikod sa kanya. "Gusto mo pa rin bang habulin siya?"



Hindi ako nakapagsalita. Naitiklop kong pareho ang mga kamay ko sa magkabilang gilid, at saka humarap sa kanya.



"Oo, Trevor. Hindi ako magsasawang hanapin at ipaalala sa kanya kung sino ako."



He rolled his eyes, and looked away a little bit. He definitely knows my answer.




Tumakbo ako papalayo sa kanya, at halos mangiyak-ngiyak na hinanap si Hiro sa paligid. Wala nang mga tao sa paligid, at lumulutang na ang gamit sa paligid, at kakaunting lamp posts nalang ang naiiwang nagbibigay liwanag.




Hiro... Saan ka na?




Napahinto ako sa gitna ng kalsada, at patuloy na umiiyak lang. Napatakip ako sa mukha gamit ang dalawang kamay ko at napaupo nalang bigla.




"Alora..."




Hindi ko alam kung sinundan ba ako ni Trevor o sadyang guni-guni ko lang na may tumawag sa akin.




"Umalis ka na, Trevor, please..."



Iniangat ko ang ulo ko pero hindi pa rin ako tumatayo sa pagkakaupo ko. Halos hindi ako makapagsalita dahil sa taong nasa harapan ko ngayon, siya ang lalaking hinahanap ko.



Hiro...



Mas umagos pa ang luha sa mga mata ko, agaran akong tumayo at niyakap siya ng mahigpit. He came back to me, right now he found me.



"Patawad kung pinaghintay kita," aniya at hinimas aking buhok at yumakap pabalik.



Hindi pa rin ako makapagsalita kaagad at patuloy lang na umiyak. Inilayo ko ang mukha ko upang tumingala sa kanya. I don't know why I am smiling while crying, I just want to cry because I'm happy.



"P-paanong nakabalik ka?" Bumitaw ako sa kanya at pinunasan ang magkabilang pisngi ko.




"Hindi ko rin alam kung bakit. Isang araw bigla nalang bumalik sa isip ko ang lahat, ang mahalaga nandito na ako ulit." His eyes looked to me with such contentment.



Hinawakan ko ang mga kamay niya, pinagmasdan niya akong gawin iyon at muling tumingin sa kanya, "Sisiguraduhin kong hindi ka na ulit mawawala, Hiro."



He simply nodded his head and embrace me with his arms. I couldn't ask for more now, I'm just happy that he regain his memories.



Hinatid din niya ako pauwi sa amin, Tumigil kami sa paglalakad nang dumating  sa tapat ng gate ng bahay ko. He smiles at me again when I enter inside. Kumaway pa siya sa akin at hindi umalis hangga't nakatingin pa ako sa kanya.



"Psh," ungot ko. "Sige na, mauna ka. Hindi ako makakapasok sa loob kung nakatingin ka pa sa'kin ng ganyan."



"Mmm, Alora." Tanging naging tugon niya at tinalikuran na ako.




Pagkatalikod niya ay doon ako halos sumigaw ng papigil at halos hindi maisarado ang bibig sa kakangiti. He definitely always making my heart flutters like this.




"S-sandali, Hiro." Patakbo akong lumabas ako ng gate at bumaling siya muli sa'kin. "Let's make the most of it. Sulitin na natin habang nasa shadow tayo, ayaw ko pang umuwi. Gusto kitang makasama hanggang sa susunod na eksena."




Seryoso ako sa mga sinabi ko. Wala rin namang maalala si Daddy o ang mga tao sa paligid namin na hindi ako umuwi.  Sa shadow kaming dalawa ang bida sa sarili naming istorya.




Pumunta kami ulit sa park at walang takot na umupo sa isang bench kahit gabing-gabi na at iilang poste nalang ang naiwang nakabukas. Pinagmasdan lang namin ang maliwanag na kalangitan at pinakinggan ang maiingay na kulisap sa gabi.




Naglakad-lakad rin kami sa kalsada, at may iilang tao kaming nakita na tumatawid sa pedestrian lane. May mag-nanay na tumatawid na mas nakaagaw ng atensyon ko. Sa tingin ko ay nasa seven years old palang ang batang babae na nakahawak sa kamay ng nanay niya.




"Sila, may mga sariling kwento rin malamang. Depende nga lang kung sila ang bida o katulad din nating extra," saad ko habang pinagmamasdan ang mag-ina na tumatawid ng kalsada.




"Baka wala rin silang kamalay-malay pero lumalaban sila para sa sarili nila." Tiningnan ko si Hiro, pinagmamasdan niya rin pala ang dalawa.




"Mmm. Do you want some ice cream? Ililibre kita, treat ko sa pagbabalik mo." Isinukbit ko ang kamay ko sa braso niya at muli kaming naglakad.




Through out the night, we just shared our thoughts and our dreams. I am satisfied that we can be together until the next stage.




*Third person's point of view*



(FLASHBACK MEMORIES)



"Isa kang tapat sa akin, alam ko 'yan dahil kahit kailan ay hindi mo ako binigo," salita ni Santiago sa kanyang kanang kamay at itinuring na ring kaibigan.



"Walang anuman, panginoon." Yumuko ang lalaki kay Santiago bilang paggalang.



Hinipan niya ang isa sa mga kandilang nakasindi sa silid at binuhat ang lalagyan nito. Ang mga mata niya ay parang nagagalit at napupuno ng kasakiman.




"Nais kong magkaroon ng posisyon, at magagawa ko lang iyon sa pamamagitan ni babaeng si Alondra." Naglakad-lakad ito sa silid na parang may malalim na iniisip.




"A-ano ang balak mong gawin?" Tanong ng kanang kamay niya.



"Papaibigin ko si Alondra, at hahayaang mamatay ang pinsan niyang anak ng kapatid ng kanyang ama, sa ganoon madali kong matatanggal ang dalawa pa." Lumapit si Santiago sa katiwala at iniabot ang patay na kandila.




"Ikaw ang magmamatyag sa Binibini kung patay na ang pinsan niya. Gusto kong ikaw mismo ang kumitil ng buhay niya," anito at iniwang mag-isa ang lalaki.



TO BE CONTINUED...


Please leave your comments, reactions while reading. Your votes are much appreciated, love lots!💙

Continue Reading

You'll Also Like

57.8K 718 34
Ianne Velasquez, one of DLSU Lady Spikers. Because of her mischievous friends, she even got close, she always there to support and cheer, her one and...
1.1K 110 21
[STUDENT COUNCIL SERIES #1] Chylene Hera Aragon ay isang babae na pag-aaral lang ang inaantupag, introvert at mahilig magsulat ng mga nobela. Dahil p...
Raven University By lollybae

Mystery / Thriller

375K 18.1K 44
Welcome to Raven University! Kung saan hindi pang akademikong asignatura ang iyong aaralin, kundi kung paano lumaban para mabuhay at... pumatay. Thi...
109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...