Sabrina's POV
Habang nakatitig ako sa picture ni Edwin at ng kaklase kong si Rejen ay biglang may kumatok sa pinto ng kuwarto ko.
At iyong mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa aking mga mata ay kaagad na pinahid ko iyon.
Ayokong may nakakakita ng mga luha ko. Ayokong isipin nila na nasasaktan ako. Ayokong isipin nila na mabilis akong masaktan sa mga kaunting bagay. Ayokong makita nila na mahina ako pagdating sa ibang bagay.
I want them to see in me na matapang na ako. Na hindi ako mahina. Na hindi ako mabilis masaktan. Na hindi ako mabilis umiyak. All in all, bakit pa ako naging gangster, right? Kung mahina lang din naman pala ako.
Kaagad na binuksan ko ang pinto ng kuwarto ko at nakita kong nakatayo si Kuya Red na ngiting-ngiti habang hawak-hawak ang isang malaking box.
"Kuya?!?", gulat kong tanong sabay yakap sa kaniya, kahit may nakapagitan sa amin na isang malaking box sa gitna.
"Hindi naman siguro halata na miss mo ako 'no?", tanong ni kuya Red.
"Hindi naman kuya." Sagot ko sabay bitaw sa yakap. "Okay na ba ang sugat mo? Gumaling na ba?", tanong ko.
"Oo naman. Kuya mo ata ito."
"Yabang." At tumawa kaming dalawa.
"Ano pala iyan kuya?", tanong ko habang nakatingin sa malaking box na hawak-hawak niya.
"Ah ito? Para sa iyo." Kunot-noo naman akong napatingin sa box.
"Para sa akin? Ang laki naman nito? Ano bang laman nito?", sunod-sunod kong tanong.
Instead na sagutin ako ni kuya Red ay pumasok siya sa kuwarto ko at nilagay niya ang malaking box sa kama ko.
"See for yourself. Pero mamaya mo na buksan, we're eating lunch." Sabay alis ni kuya Red.
Kunot-noo akong tiningnan ang isang malaking box. Kinatok-katok ko ang box pero wala namang babasagin kaya nagtataka ulit ako kung anong meron sa box na ito. Pero may fragile na nakasulat.
Just like what kuya Red told me ay mamaya ko na lang bubuksan iyon. Isa pa ay gutom na din ako. Kaya bumaba na ako at nakita ko silang masayang nagku-kuwentuhan.
Umupo na lamang ako at kumuha ng pagkain at nagsimulang kumain. Hindi ko pinansin ang pinag-uusapan at tahimik lamang akong kumakain.
Iniisip ko pa din kasi si Edwin at yong girlfriend niyang si Rejen.
Nakakagalit talaga silang dalawa. Kaibigan ko din si Rejen, alam noya na din na boyfriend ko noon si Edwin.
Pero bakit inahas niya? Talo-talo na ba kami ngayon?
Rejen's a good friend of mine, pero bakit niya ito ginawa sa akin.
Nakakainis, nakakagalit...
"Anong nangyari sa'yo Sabrina? Di ka na naawa sa food na tino-torture mo." Sabay tawa nilang lahat doon.
Imbis na mainis ako ay hindi ko na sila pinansin.
"Is there something wrong?", tanong naman ni kuya Rex.
"Nothing." Bored kong sagot. "I'm finished." Sabi ko sabay tayo at lumabas ng bahay.
Lumabas ako at pumunta sa likod ng bahay namin. Diba nga isa itong subdivision, na may madaming puno. Akala mo ay gubat na. Pero bukid lang talaga siya.
Naglakad-lakad ako sa muntihing bukid at doon ko tiningnan ang matataas na puno. Mukha namang walang tao kaya pumulot ako ng bato at ibinato iyon sa puno. At sumigaw ng sobrang lakas.
"Why did you do this to me?!? I hate the both of you! I hate you! I hate you! I hate you!", at sumigaw na naman at kasabay niyon ay naupo na lang ako at naluha na lang.
Ang sarap nilang saktang dalawa. Sinaktan nila akong dalawa.
And one thing just hit me.
Kaya ba ako iniwan ni Edwin para kay Rejen?
Mas mahal pa ba niya si Rejen kaysa sa akin?
Akala ko ba mahal niya ako?
Noong iniwan niya ako, wala siyang sinabing break na kami. It means kami pa din ni Edwin...
Lalo akong lumuha dahil sa mga iniisip ko.
Kinuha ko ang baril ko at sunod-sunod kong pinutukan ang kawalan.
"Ano ba yan?!? Hindi mo ba alam na may natutulog dito?!?", rinig kong sabi ng isang malakas na boses.
Humarap ako at itinutok ang baril sa kaniya. Habang naluluha pa din.
"Sabrina? What are you doing here?", rinig kong tanong niya sabay lapit niya.
"Don't come near me." Sabi ko.
"Why? Is there something wrong?", tanong niya.
"Shut up!", sabi ko. "Ganoon naman kayong mga lalaki diba? Mang-iiwan sa huli-"
"Sabrina, what are you talking about?", tanong na naman niya.
"I said shut up!", galit kong sabi.
"Nangangako kayo na walang iwanan, pero kayo pa ang mang-iiwan. Bakit kayo ganoon? Bakit kung kailan mahal na kayo ng isang tao, iiwan niyo. Bakit kung kailan, mahal na mahal kayo, iiwan niyo?"
"Sabrina... Kung ano man yan, pag-usapan natin yan. Wag mong idaan sa galit."
"Kapag ba nag-usap tayo... Maayos na lahat? Kapag ba nag-usap tayo... Babalik sa dati ang lahat? Hindi diba? Kaya wag mo kong kakausapin."
"Pero Sabrina, at least napag-usapan, at least maaayos nang kaunti yong mga bagay-bagay."
"Kapag ba kinausap kita, babalik siya sa akin?", sabi ko sabay tulo na naman ng luha ko.
Ako na yata ang pinaka-miserableng tao dito sa mundo.
"Hindi ko masasagot yan. Pero... Baka matulungan kita." Sabi niya. "Kaya please, ibaba mo na iyang baril mo."
"You won't hurt me... Again?", sabay baba ko nang baril kaya lumapit na siya sa akin.
"So what's the problem? I know, there's something wrong." Sabi niya.
I gave a sigh. "One friend of mine... betrayed me."
"How?", takang tanong niya.
"Boyfriend niya si Edwin. Boyfriend ng kaibigan ko si Edwin..." At nasasaktan na naman ako. "Alam niyang boyfriend ko noon si Edwin, then now, kinuha niya sa akin."
"Umalis na lang bigla noon si Edwin nang walang pasabi. Tapos nakita ko siya last year kasama si Pogs, then now, nakita ko sa facebook. Magkasama sila ni Rejen."
"Hindi ko alam kung anong gagawin ko." Lungkot kong sabi.
"Tinanong mo na ba silang dalawa kung bakit ganoon?", tanong niya.
"Wala akong lakas ng loob itanong sa kanila. And besides, hindi ko na nakita pa si Edwin sa Laguna."
"May alam ka ba kung nasaan silang dalawa?"
"No... I won't find them... Magbabayad sila." Sabi ko.
"Halika nga dito." At sumunod naman ako. Inilagay niya sa balikat niya ang ulo ko.
"Sabi ko naman kasi sa'yo eh. Ako na lang sana... Pero hindi naman kita mapipilit kasi siya talaga ang mahal mo. Hindi ko naman matuturuan iyang puso mo na, ako na lang dapat." Lungkot niyang sabi.
"Tama ka... Sana ikaw na lang. Sana hindi na lang siya nagpakita pang muli. Sana hindi ko na lang siya hinintay mula noon pa. Sana hindi na lang siya. Sana hindi ko na lang siya nakilala."
"But you know, even though he left me, he hurt me, he still is. He is still the one I love. You know earlier, I wanted to get lost. I'm here, but why not me." Dagdag ko pa.
"I feel that everyday when you're with me." Rinig kong sabi niya.
"How?"
"Kasi ako yong nandito, pero si Edwin pa din ang hanap mo. Sinaktan ka na nga niya, siya pa din. Siya pa din yong mahal mo. Walang nagbago."
"That's really it. When you love him, you really love him." Sabi ko sabay tingin sa kawalan. "Siguro, ito na yong karma ko. Yong ginawa kong pambabalewala sa'yo, bumalik sa akin."
"I know. Wala naman na din kasi akong magagawa kung siya talaga ang gusto mo eh. Kagaya nga ng sabi nila, kung talagang mahal mo, papalayain mo." At nakita kong tumulo na ang mga luha niya.
Katulad ba nang nararamdaman ko ngayon ang nararamdaman niya noon? Kasi kung ganito din, sobrang sakit n'on. Hindi ko matitiis ang sakit. Siguro nga ay magbi-break down na ako sa sobrang sakit at galit.
I hug him...
"Thank you for understanding me. And thank you for being there for me. I hope you'll fine the best girl for you. And when you found it already, I will told her that don't leave you, because she'll be lucky to have you." Ngiting sabi ko.
"No, after you... I won't love anymore." Seryosong sabi niya.
"No, don't say that. I know you will find that woman... Trust me."
Ngumiti na lamang siya.
"So, you're officially a member of James' gang?", tanong ko.
"Yes."
"Please, wag ka nang sumali, mapapahamak ka lang... Lalo pa at magsisimula na ang gang wars."
"Sumali na ako Sabrina at wala nang atrasan to."
"But... Hindi ko mapapangako na mapo-protektahan kita, kaya please, umalis ka na sa gang. Ayaw kong madamay ka sa amin."
"No Sabrina. I can handle myself."
Hindi na ako nag-salita pa. Dahil kahit anong sabihin ko ay hindi na talaga magbabago ang isip niya.
Then he hug me...
"David?!?", and then we saw a girl standing there. Kaya bumitaw ako sa yakap na iyon.
"What are you doing here Aira?"
At bago pa man ako maka-sagot ay niyakap na ni Aira si David...