Lost in Memories

By Dream_Secretly

8.8K 345 78

Laxamana Series 3 of 7. Daniel Dela Cruz Laxamana. More

Lost in Memories
SIMULA
KABANATA 01
KABANATA 02
KABANATA 03
KABANATA 04
KABANATA 05
KABANATA 06
KABANATA 07
KABANATA 08
KABANATA 09
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
EPILOGUE

KABANATA 24

145 7 3
By Dream_Secretly

"Good morning, Maximo."

Ngumiti ako nang bumaling ako sa puntod niya at binaba ang binili kong bulaklak para sa kaniya.

Ako lang ang mag-isang pumunta rito ngayon. Tulog pa 'yong dalawa nang umalis ako kaya kay Georgia lang ako nakapag-paalam.

"Nakikita mo ba kami ngayon, Anak?" Umupo ako sa tapat ng lapida niya at hinaplos ang bawat letrang nakaukit doon.

In loving memories of our Little angel
MAXIMO DELA CRUZ

"May sakit ang Daddy mo. Hindi pa naman niya kami iiwan 'di ba? Hindi pa naman o-oras....H–Huwag mo muna siyang susunduin, ha?" Nangilid ang luha ko. "M-Maximo....sobrang miss na miss ka na ni Momma." Hikbi ko. "Kung nandito ka lang siguro...baka mas magaan ang lahat. I'm so sorry, Anak. S–Sorry kung kailangan naming lumayo. Sorry kung i–iniwan ka namin dito...kayo ng Lola at Lolo mo...." Nilingon ko ang puntod nila Mama at Papa. "Mama, Papa, s–sorry po talaga...." Hindi ko na napigilang humagulgol. Napatakip ako ng bibig at yumuko. "H-Hindi ko na alam ang gagawin ko...n-natatakot ako...takot na takot..." Ayoko nang mawalan ulit. Ayokong mawala si Daniel. "T-Tulungan ni'yo po ako....p-pakiusapan naman po ninyo ang Diyos na sana pahiram muna kay Daniel..." Nahihirapan na po ako. Sobrang bigat na.

Huwag po muna ninyong kukunin ang asawa ko...nagmamakaawa po ako.

Matagal din bago ako kumalma. Iba pa rin talaga kapag nalalabas mo lahat. Nababawasan kasi 'yong bigat. Ito talaga ang dahilan kung bakit gusto kong mag-isang dumalaw. Para magbawas, umaapaw na rin kasi lahat ng iniisip ko at problema.

"Medyo gumaan na ang pakiramdam ko, Anak." I sighed. "Handa na ulit akong humarap sa Daddy mo na hindi pinapakitang mahina ako. Kailangan kasi malakas ako sa paningin niya para...hindi siya masyadong mag-alala. Nahihirapan na siya ngayon, ayoko nang dumagdag pa sa mga iisipin niya." Nakagat ko ang ibabang labi. "Nga pala, Maximo. Miss na miss ka na ni Maxine. Gusto nga niyang bumalik dito para dalhan ka ng laruan. Marami na naman 'yong iku-kwento sa'yo about sa schools niya. Lalo siyang kumukulit, ano? Sigurado palagi kang nakabantay sa kaniya..." Ngumiti ako. "Bantayan mo rin ang Daddy mo, Ha? Sayang hindi ninyo man lang nayakap at nakita ang isa't isa. Miss na miss ka na rin niya, Anak. Alam ko sinisisi niya pa rin ang sarili sa nangyari sa'yo. Tulungan mo siyang gumaling, ha? Hindi niya naman talaga kasalanan kung bakit siya umalis noon....." Natigilan ako saglit. "Sana talaga....nandito ka..." Ang hirap tumigil sa kaka-sana, Anak. Pasensiya ka na kung hindi mapakawalan ni Momma ang alaala mo. Hanggang ngayon kasi ang hirap hirap pa ring tanggapin na talagang wala ka na. Iniisip ko pa rin na sana panaginip lang 'to.

I'm sorry kung hindi kita mabitawan, Anak.

Nagpunas ako ng luha at tumayo. Anong oras na pala? Baka hinahanap na ako nila Daniel. Akmang kukunin ko sana ang phone sa shoulder bag ng matigilan ako. May narinig kasi akong ingay ng takong ng sapatos, naramdaman ko rin na may mga tao.

Nilingon ko kung sino ang mga 'yon. Umawang ang labi ko. "A-Anong ginagawa ninyo...." Hindi ko na natuloy nang lumapit sila at tumabi pa talaga sa'kin.

"Sorry, Iha. Hindi namin alam na darating ka. Pumunta lang sana kami para palitan ang mga bulaklak..." Sabi ng Daddy ni Daniel bago binaba ang mga dalang bulaklak. Sinundan ko lang ito ng tingin na para bang sanay na sanay na siya sa ginagawang pag-aayos.

"U-Uh iha..." Bumaling naman ako sa Mommy ni Daniel. Kimi itong ngumiti. "Mabuti na lang nakita ka rin namin....kamusta na si Daniel? Is he o-okay?"

Doon ako parang natauhan. Napakurap ako at tumayo ng tuwid. Umusog pa ako para mabigyan sila ng espasyo. "Anong ginagawa ninyo rito? Kayo ba ang sinasabi ng caretaker na palaging dumadalaw dito?" Tanong ko. Not minding her question.

"Kami nga, Iha. Gusto lang sana naming dalawin ang apo at ang mama mo. Naisip kasi namin na habang wala ka, kami muna ang bahala sa kanila...." Umiling ako sa sinabi ni Mr. Dela cruz.

Hindi makapaniwalang nilingon ko sila. "Bakit? Nagi-guilty ba kayo? Inuusig na ba kayo ng konsensiya ninyo?"

"Iha, kasalanan ko ang lahat. Sa 'kin ka na lamang magalit." Sabat ni Mrs. Dela cruz.

"Tama, kasalanan mo nga ang lahat." Malamig kong tugon. Binalik ko ang mata sa lapida ng anak ko. "Namatay si Maximo dahil sa 'yo. Ang nanay ko....hindi niya kinaya....ni...ni hindi man lang niya nasabing masama ang loob niya sa inyo ng pamilya mo. Buong buhay niya nagsilbi siya sa inyo....pero anong ginawa mo? H–Hindi mo man lang kinaawaan ang mama ko."

"I'm really sorry! Nagsisisi na talaga ako!" Kulang na lang ay lumuhod siya sa pagmamakaawa.

"Wala naman ng magagawa ang sorry mo. Kahit magsisi ka pa buong buhay mo, wala pa ring magbabago. Nawalan pa rin ako ng anak at ina. Nasira ang buhay ng pamilya ko at hanggang ngayon dala dala pa rin namin ang sakit na dinulot ninyo."

"L-Lahat gagawin ko para mapatawad lang ninyo a-ako...." Nanginig ang boses niya. "Please, Corraine. Hayaan mo akong makabawi..."

Anong gagawin ko, Mama? Kakayanin ko bang tanggapin sila, Maximo?

Biglang tumunog ang cellphone ko. Kaagad ko iyong kinuha sa bag ko at sinagot nang makitang si Georgia ang tumatawag.

I sighed. "Georgia...."

"C—Corraine! Si D–Daniel!" Natatarantang bulalas niya.

Namutla ako at kinabahan. "H-Ha? Bakit? M–May nangyari ba?!" Nataranta na rin ako. Nang tingnan ko ang mga magulang ni Daniel ay nakita ko ang takot sa mga mata nila habang nakaabang sa'kin.

"T–Tinakbo namin siya sa h-hospital....h-hindi ko alam...b–basta..." Hindi ko na siya masyadong naintindihan.

Napalunok ako. "P-Papunta na ako diyan!" Natatarantang binaba ko ang tawag at akmang tatakbo na paalis nang may pumigil sa braso ko.

Tiningnan ko ang Mommy ni Daniel pababa sa kamay niyang nakakapit sa braso ko. "A-Anong nangyari? S–Si Daniel..."

Nanghihinang binawi ko ang braso sa kaniya. "Sumunod na lang kayo sa'kin...." Sabi ko bago tumakbo paalis.

Daniel, please.

"M—Mommaaaa!" Umiiyak si Maxine nang salubungin niya ako ng yakap. Niyakap ko siya nang mahigpit para pakalmahin. Puno ng takot at pag-aalala ang mga mata ko nang nilingon ko si Georgia na nakaupo lang sa gilid.

Nakagat ko ang ibabang labi at hinarap si Maxine sa'kin. "Okay lang, baby. Magiging okay rin si Daddy..." Pag-aalo ko sa kaniya. Marahan kong pinunasan ang mga luha niya. Iyak pa rin siya ng iyak.

Niyakap ko na lamang siya ulit at binuhat. Nilapitan ko naman si Georgia at umupo sa tabi niya. "G–Georgia, ano bang nangyari?"

"H-Hindi ko alam..." Umiling siya. "...inalalayan ko lang siya papunta sa k-kusina para sana pakainin sila ni Maxine ng agahan pero bigla na lang....dumugo ang ilong niya tapos...tapos may dugong lumabas sa bibig...niya..." Nagbaba siya ng tingin sa damit. Tiningnan ko naman ang damit niya. May mga dugo! "N–Nawalan na siya ng malay...kaya tinakbo na namin siya ni Maxine rito..."

Nanginig ako sa takot. Nasa emergency room pa daw siya. Niyakap ko na lamang si Maxine. He will be fine, baby. Hindi tayo iiwan ni Daddy.

Nilingon ko naman ang mga magulang ni Daniel na umupo sa harap namin. Iyak ng iyak ang Mommy niya samantalang inaalo naman ito ng asawa. Nakagat ko na lamang ang ibabang labi at nag-iwas ng tingin sa kanila.

"Corraine!"

Nilingon ko sila Rhea at ang parents niya. Hinihingal silang lumapit sa'kin. Saglit pang natigilan si Rhea nang makita ang parents ni Daniel pero nagpatuloy rin naman siya sa paglapit sa'kin.

"Are you okay? Pumunta agad kami no'ng tumawag si Georgia.." Sabi niya.

Tumango ako. Kinuha naman nila Tita at Tito si Maxine sa'kin para pakalmahin na rin. Hinayaan ko na ang anak ko sa kanila lalo na't willing naman siyang humiwalay muna sa'kin.

"I thought...he's getting bettet?" Tanong ni Rhea.

Kaagad akong umiling. "He's not getting any better." Nilingon ko siya. Nanginginig ang mga labi ko. "I think....his c-cancer...." Humikbi ako. "I think....Its getting w—worse!" Hagulgol ko.

"C–Corraine..." Niyakap niya lang ako.

Umiling ako. "R–Rhea...dumating na ang kinatatakutan ko....I-I can't do this..." I really can't.

"Shhh it will be alright. He'll be alright." Pag-aalo niya.

Please. Please, be alright.

(Wasn't backread before publishing.)

Continue Reading

You'll Also Like

67.9K 480 36
Erotic Gay Story not for everyone. Written by Sphyxxx
13.1M 496K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
18.7M 594K 36
Limited Time: 50 Coins or less! September Sale Alert! From fresh starts to lasting love, these stories have it all. Unlock now until Sept 22! ** Whe...
29.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...