Trials that We Can't Balance...

By xxialej

119K 4K 881

Accounting Series #4 (COMPLETED) Being the breadwinner of the family isn't easy. Sa murang edad ay pasan-pas... More

Trials That We Can't Balance
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Wakas
Author's Note
SOON TO BE PUBLISHED
Accounting Series PREORDER

Kabanata 3

3.2K 144 48
By xxialej

Kahit masakit ang katawan dahil sa nangyari kahapon ay pinili ko pa ring bumangon. Grabe! Para akong binugbog ng limang tao na wala man lang akong kalaban-laban. Kasalanan 'to ni Reyster eh! Maayos naman akong nakauwi kagabi, pumasok pa nga ako sa trabaho eh. Ni wala nga akong nararamdamang kahit anong pananakit ng katawan... ngayong umaga ko lang naramdaman lahat. Anak ng tupa!

Hindi iyon ang unang beses na mayroong nangyari sa aming dalawa. Sa totoo nga ay maraming beses na pero nag-iingat naman kaming dalawa. Gumagamit siya ng proteksyon dahil kahit nasa legal na edad na kami ay alam naming hindi pa rin namin kakayanin ang malaki at panghabang-buhay na resposibilidad.

Iika-ika akong lumabas ngunit nang makita ko si Nanay na nagwawalis sa sala ay agad akong umayos ng tayo at nagpanggap na maayos ang lakad. Dumiretso ako sa kusina para sana magtimpla ng kape ngunit gano'n na lang ang pagsimangot at pagkasira ng araw ko nang makita ang pinsan kong hunghang na nakikilantak na naman ng almusal namin sa kusina.

Kumakanta pa siya habang nilalagyan ng sandamakmak na itlog ang pandesal. Nakangisi itong lumingon sa akin. "Hi cousin of the world!" energetic niyang bati sabay kagat nang malaki sa tinapay.

Sumilip ako sa pinggan at halos umusok ang ilong ko nang makitang katiting na lang ang itlog na tinira niya. Marami pa kaming hindi kumakain! Tulog pa 'yong mga kapatid ko! Anong kakainin nila paggising?!

Sinamaan ko siya ng tingin, dinampot ko ang sandok na nakapatong sa lamesa at nanggigigil na hinampas iyon sa sa kaniya.

"Aray ko naman, cousin of the world!" daing niya at pagak akong natawa.

Sinundan niya ng tingin ang hintuturo kong nakaturo sa pinggan at kapagkuwan ay ngumuso siya at pinikit-pikit ang mga mata na para bang nagpapa-cute. "Nagtira ka pa, Jose Carlo! Sana inubos mo na, nahiya ka pa!"

"Aba, Maria Eloisa, pasalamat ka pa nga't nagkaroon ako ng konting hiya!" singhal niya pabalik sa akin kaya naman mas lalong umusok ang ilong ko sa inis.

Nasira na ni Jolo ang magandang umaga ko kaya imbis na kumain ay naligo na lang ako at gumayak na papasok sa school. Tatlong subject lang naman ang mayroon kami ngayong araw.

Alas-diyes ang simula ng unang klase ngayong umaga at ang huling subject naman ay ala-una ng hapon matatapos. Papasok ako nang maaga ngayon para naman makapagpa-good shot ako sa mga Professor ko. Madalas kasi akong late kung pumasok na siyang ikinagagalit ng ilang Prof. May mga gano'n kasing klaseng Professor, may iba na ayaw na na-la-late tapos may iba naman na walang pakialam.

"Pasok na 'ko, Nay," paalam ko at akmang lalabas na ng pinto nang pigilan niya 'ko.

"Eloisa... sandali. Puwede ba tayong mag-usap?"

Kumunot ang noo ko dahil sa hindi maipaliwanag na tono ng boses nito. Nagtataka man ay dahan-dahan akong tumango at lumapit muli papalapit sa kaniya. Umupo ako sa lumang sofa na katapat lang niya.

She looked at me using her weary eyes, kahit nakangiti siya sa akin ay hindi pa rin makakaligtas sa mga mata ko ang nakatagong matinding lungkot sa kaniya. Tila mayroong kumurot sa puso ko kasabay ng pangigilid ng luha ko sa mga mata. Hindi ko siya kayang titigan nang matagal kaya unti-unti akong yumuko at tumitig na lang sa mga kamay ko.

"Ililipat na sa malayong kulungan ang Tito mo..." Nanginig ang boses niya nang sabihin niya ang katagang iyon. "Pumunta ako sa presinto kahapon at sinubukan kong makiusap sa kanila na baka kung pu-puwedeng huwag na lang muna nilang ilipat ang Tito mo, na hahanap ako ng paraan para makapagpiyansa siya p-pero..."

"Pero ano, Nay?" mariing tanong ko at mas naging atentibo sa pakikinig sa kaniya.

Nagsimulang manubig ang kaniyang mata at ilang saglit pa'y tuluyan na itong humagulhol ng iyak. "P-Pinagtawanan lang nila ako! Ang sabi pa no'ng isang Pulis, paano raw tayo makakahanap ng paraan ay mahirap lang daw tayo? A-At isa pa, masiyado rin daw mabigat ang kaso ng Tito mo... imposibleng makalaya pa siya."

"Paano magiging mabigat ang kaso, Nay?! Eh hindi naman gumagamit si Tito Aljon ng drugs! Alam mo 'yon, alam natin 'yon, at alam din 'yon ng lahat ng tao rito—"

"May quota ang mga Pulis, Eloisa, kaya kahit inosenteng tao dinadamay nila," she cried and shook her head. "Idagdag pa ang mga kapatid mo na hindi na ako kinikibo magmula noong hindi ko na sila in-enroll sa paaralan."

"Patagal nang patagal ay nababaon na rin tayo sa utang. Kahit pagsamahin ang kinikita nating dalawa, kulang na kulang pa rin. Hindi ko na alam ang gagawin ko, anak. Ikaw ang panganay kaya sana... sana matulungan mo 'ko. Hindi ko ito kakayaning mag-isa." Frustrated niyang sinabunutan ang buhok niya habang patuloy ang pag-agos ng mga luha sa mata niya.

Naninikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan siyang nagkaka-gano'n. Sumasakit ang puso ko dahil sa mga sunud-sunod na problemang dumadating sa amin. Katulad ni Nanay, gusto ko ring umiyak, sumuko, at magalit, ngunit hindi puwede... kailangan kong maging matatag at kailangan kong ipakita kay Nanay na makakaya at malalampasan namin ang lahat ng ito.

Minsan ay napapaisip na lamang ako. Bakit ba hindi pantay ang trato sa atin ng mundo? Bakit ang ka-ginhawahan, ang maaliwalas, at maayos na hustisya ay pumapabor lang lagi sa mayayaman? Bakit ang magagandang oportunidad ay para lang sa kanila? Bakit kahit anong pagsisikap naming mahihirap, imbis na makaahon, ay mas lalo pa kaming lumulubog?

Kaya hindi ko masisisi kung ang ibang tao'y pinanganak ng mahirap at namatay din ng mahirap. Lubos ko nang nauunawan ang ibang taong mas pinipili na lang ang manahimik kaysa humingi at sumigaw ng hustisya. Tangina, kung pantay lang sana ang pagtrato at ibinibigay na oportunidad para sa lahat, kung maayos lang sana ang sistema...
Iwinaksi ko ang kung anumang bigat sa dibdib ko nang makarating ako sa school. Malawak ang ngiti kong sinalubong sina Shaeynna at Trisha. Nakipag-aasaran ako sa kanila at sa buong oras ng klase ay natutulog lang ako. Hindi namin kasabay kumain sina Terrence at Kean noong lunch breakdahil magkaiba ang schedule namin ngayon. Bago bumalik sa panghuling klase ay naalala kong i-chat si Reyster. Nauunang maglakad sina Shaeynna at Trisha habang ako naman ay abala sa pagpipindot sa cellphone ko.

To: Esteng tweety bird

Tol, huwag mo na 'kong sunduin sa school ha. Maaga akong papasok ngayon sa work.

At wala pa ngang ilang minuto ay nagreply na ito.

From: Esteng tweety bird

Oki powhzx. Sunduin mo na lang kita after work mo po ha.

Sineen ko lang iyon at hindi na nagreply pa. Bumalik kami sa klase at matapos noon ay dumiretso na kaagad ako sa bar kung saan ako nagtra-trabaho. Restaurant kasi 'to sa umaga at hapon. Sa bar talaga lagi ang oras ng duty ko kaso sinadya ko talagang agapan ngayon dahil gusto kong makausap ng personal si Boss Harrold.

"Nandiyan ba si Boss?" tanong kay Hayme, isa sa mga tauhan dito.

"Oo, nando'n sa kitchen, kausap yata si Chef. Bakit may sasabihin ka ba? Baka mamaya pa 'yon!" sagot nito.

I nodded my head in response. "Sige, hintayin ko na lang."

"Oh sige..." Nagkibit balikat siya at pinagtaasan ko siya ng kilay nang abutan niya ako ng walis tambo. "Magwalis-walis ka muna habang hinihintay mo si Boss."

"Inuutusan mo 'ko because?" pambabara ko at nang akmang hahampasin niya ako ng tambo ay tumakbo na ako palayo sa kaniya habang humahalakhak.

Kagaya nga nang inutos ni Hayme ay nagwalis ako ng sahig, naglinis na rin ako ng mga table at iba pang gamit. Tumulong na rin ako sa pagse-serve ng pagkain sa ibang customer. Naiinip na nga ako pero mabuti na lang ay pagkalipas ng halos mahigit isang oras ay lumabas na si Boss Harrold sa kitchen. May kausap pa ito sa phone kaya hindi ko agad siya nilapitan. Nang patayin niya ang tawag at ibaba ang phone ay kumaripas kaagad ako ng takbo papalapit sa kaniya, dahilan para mapalingon siya sa akin.

A small smile formed into his lips. "Oh, Eloisa, ang agap mo yata?"

"Ah eh... kasi boss... puwede ka bang makausap?" I held my nape and smiled shyly at him.

"Gusto mo akong makausap because?"

My smiled turned into a frown. "Boss naman!"

His manly chuckle filled my ears as he shakes his hands. "No, no. I'm just kidding. Tara sa office," aniya at walang pagda-dalawang isip akong sumunod sa kaniya. Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang malisyosong pagsunod ng tingin sa amin ng ilang empleyado.

I rolled my eyes and flipped my hair. Bahala kayo riyang mag-isip ng kung ano. Dudumi ng utak niyo!

Boss Harrold is five years older than me. Gwapo siya at talagang nakakaagaw pansin pero siyempre... mas gwapo pa rin ang boyfriend ko, excuse me! Nakaka-intimidate ang aura ni Boss Harrold lalo na kapag seryoso siya at walang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha, pero kalaunan ay nasanay na rin ako sa presensya niyang gano'n kasi kapag kami lang mga empleyado ang kasama niya ay mabait siya at may pagka-maloko. Strikto at may pagka-perfectionist lang talaga siya pagdating sa trabaho. Ang sa pagkakaalam ko'y nagtapos siya sa kursong Culinary. Nagtrabaho siya sa isang Hotel bilang Chef at nang makaipon ng pera ay itinayo niya itong Aloha Bar and Restaurant. Aloha is her girlfriend's name... pero sa kasamaang palad ay naghiwalay na silang dalawa.

Hindi ko tuloy alam kung matatawa o maaawa ba ako nang malaman ko 'yon.

He comfortably sat on his swivel chair. Isinandal niya likod sa sandalan nito at bahagyang inikot-ikot. Medyo may kaliitan lang ang office niya dahil ang main office ay naroon mismo sa bahay niya.

"Upo ka." Iminuwesta niya sa 'kin ang leather sofa sa harapan niya. Bumuntong hininga ako at dahan-dahang umupo roon. May namumuong kaba at hiya dibdib ko dahil sa matamang titig nito sa 'kin. "Anong pag-uusapan natin? May problema ba sa trabaho?"

I shook my head and gave him a small smile. "Hindi, Boss. Uhm, una sa lahat, gusto ko munang magpasalamat sa pagtatanggol n'yo sa akin doon sa mga bastos na customer noong minsan."

Tipid siyang tumango bago umangat ang gilid ng sulok ng kaniyang labi. "It's nothing, Eloisa. It's my responsibility to keep my employees safe. Kahit sino sa inyong lahat, kapag nakita kong binabastos kayo ay hindi ako magdadalawang isip na ipagtanggol kayo."

"Thank you, Boss." I smiled widely at him.

Kita ko ang bahagya niyang pagkatigil bago kumurap-kurap at umiwas ng tingin. He heaved a deep sigh and shifted his seat.

"Gusto ko lang din po sanang humingi ng favor, Boss..." Nahihiya man ay nilakasan ko na ang loob ko. Alam ko kasing si Boss lang ang makakatulong sa akin sa ganitong bagay.

"What is it?" His brows furrowed.

Umayos ako ng upo at pinagsalikop ang mga nanlalamig kong mga kamay. "B-Baka may alam kayong extra na trabaho, Boss? Kailangang kailangan ko lang po talaga ng pera ngayon o baka naman puwede mo akong pautangin diyan? Promise! Babayaran ko po or puwedeng ibawas n'yo na lang sa mga sweldo ko!"

Matagal siyang tumitig sa akin habang pinaglalaruan ng hintuturo ang ibabang labi niya. Habang ako naman ay sa loob loob ko ay bumubulong na ng samu't saring dasal para matulungan niya 'ko. Sa dami ng gastusin namin ngayon, alam kong hindi sasapat ang iisang trabaho lang. Tama si Nanay. Kahit pagsamahin pa namin ang mga perang nakukuha namin sa pagtra-trabaho araw-araw ay hindi talaga sasapat iyon dahil mas malaki pa nga yata ang gastusin kaysa sa kinikita naming dalawa.

"Hmm... tamang tao ang nilapitan mo. Kaya kitang tulungan sa problema mong 'yan, Puwede kitang bigyan ng trabaho at pautangin ng pera..."

My eyes widened. "Talaga ba, Boss—"

"But in one condition, Eloisa," he said in a serious tone. Namumungay ngunit bakas ang panghahamon sa paraan ng pagtitig nito sa akin.

Umawang ang labi ko at naramdaman ang bahagyang panunuyo ng aking lalamunan. Shit! Hindi kaagad ako nakasagot nang sabihin niya iyon. Ang excitement at pag-asang nabuhay sa dibdib ko kani-kanina lang ay biglang naglahong parang bula.

"C-Condition? Anong klaseng condition, Boss?"

Instead of answering me... a devilish smirked formed into his lips that sent shivers down my spine. Shit this is not good. 

Continue Reading

You'll Also Like

12.9K 544 28
Season Series #4 Olivia Shane Salves, an accounting student is a fun to be with girl and a palaban filipina. His brother is living and studying abroa...
120K 7.2K 36
Making Every Second Count - Book 2 (Narration)
2.2K 67 13
Panacea Series #2 Paris Franz Allende is the breadwinner of their family. Her parents died when they were young and ever since that day, she lived a...
406K 12.2K 80
Coleen Allester and Colt Vincent Fabian were childhood sweethearts. They were inseparable. For almost 10 long years, everybody expected a very perfec...