LOVER | ✓

By secretlifeofmarry

7.5K 3.7K 1.8K

Claire Ann Madge Smith, she's a living with a complete, lovely and happy family. But, one day her suitor tell... More

DISCLAIMER
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 35

178 58 36
By secretlifeofmarry

Claire's Point of View.....

"Love, ang tagal na pala natin" saad ni Lance habang nakahiga kami rito sa terrace ng bahay niya.

"Bakit gusto mo na ba makipaghiwalay? P'wede naman" pabirong tanong ko habang nakatingin sa langit na may iilang star.

"Of course not" sagot niya agad at hinawakan ang kamay ko kaya nilingon ko siya habang nakangiti. "Never akong makikipaghihiwalay sayo, tandaan mo 'yan" seryosong seryoso siya habang nakatingin sa akin kaya lumapit ako sa kaniya at nilagay ko ang ulo ko sa braso niya.

"S'yempre kapag nakipaghiwalay ka sa akin, ayan"

Tumayo ako at tinuro ko ang daan papunta sa baba ng bahay niya. Tumingin naman siya. Nakakunot na tumango naman siya sa akin.

"Masisira lahat ng gamit mo d'yan sa baba. Importante pa naman 'yan lahat sayo" nakangiting pananakot ko.

Nakakunot pa rin siya sa akin. Humiga na lang ako ulit.

"I don't understand" page-english niya. Inirapan ko na lang siya. Tumingala na lang ako ulit sa langit.

"Itong bahay mo?" maya-mayang saad ko pa. Hindi siya nag-salita kaya tumawa ako.

"Love, tatawag na ba ako?" hinampas ko siya sa dibdib.

"Sira ulo ka ba? Ano akala mo sa akin, nababaliw na?" tanong ko pero umiling siya sa akin. Pinatong ko sa dibdib niya ang ulo ko.

"Baliw sa akin" saad niya pero iniba ko agad ang topic.

Ito na naman siya. Nagiging mahangin na naman.

"Tanga 'pag iniwan mo'ko, sunog itong buong bahay mo" saad ko at tumawa nang tumawa. Tinignan ko ang itsura niya dahil hindi 'yon nagbago. "Joke lang parang tanga" pagbawi ko at niyakap siya. Naramdaman ko ring niyakap niya ako.

"Sobrang saya ko sayo, love" saad niya habang yakap ako.

"Ako rin naman" sumandal ako sa dibdib niya at tumingala sa kaniya habang nakangiti. "Hindi ko nga kayang hindi ka makita sa isang araw lang, e. Paano pa kaya kapag ilang araw?" saas ko habang ginagalaw ang tenga niya. Trip ko kasi ang tenga niya.

"Ako rin naman kaso kailangan, e. May mga trabaho na tayo ngayon, Claire. Hindi na tayo naga-aral pa" seryosong saad niya.

"Alam ko, sinabi ko bang naga-aral pa tayo?" inirapan ko siya.

Teacher na ako ngayon at engineer na ang boyfriend kong si Lance. Ang trabaho ng mga kaibigan namin ay teacher, model, civil engineer, actor, director, doctor, model at manager.

Teacher si Claudette tinuturuan niya ay grade 3 at ako ay grade 2. Civil engineer sina Lloyd at Marco, magkakasama sila ni Lance.

Manager si Pinky ng isang shop. Doctor si Alexa ng mga bata.

Pinasok na trabaho ni Kurt ay pagiging aktor. Sa Drama siya natapat. Director si Sky at Modeling naman ang pinasok ni Jane.

Minsan lang kami magsama-sama dahil na rin sa mga schedule namin na sobrang hirap.

Kami ni Lance ay magkasama lang tuwing sabado't linggo dahil din sa schedule niya.

Si Claudette, same school lang kami ng pinasukan kaya nakakapag-usap pa kami. Kaso tuwing free time lang namin. Magkaiba kasi kami ng subject at grade level na tinuturuan.

Kasama ko lagi 'yong dalawa kong pamangkin. Si Micah at Aziel. 6 years na ngayon si Micah at 2 years naman si baby Aziel.

Nasa bahay pa rin sila kuya dahil ayaw pa sila payagan nila mommy umalis at iwan ako mag-isa. Kahit kaya ko naman na ang buhay ko.

Ang tanda ko na. May sarili na akong trabaho at may income na pumapasok sa akin every month.

Hindi lang ako teacher. Minsan ay tumutulong ako sa business ni Pinky. Hindi gano'n kataas ang binibigay niya sa akin pero okay na 'yon dahil minsan lang naman ako tumulong.

Stay na rin sila mommy't daddy sa bahay dahil matanda na sila. Si mommy ay 43 years old. Si daddy ay 46 years old.

Ako at si kuya na ang nagtatrabaho para may makain kami sa araw-araw. Si Dane nasa bahay lang din, taga-alaga sa dalawa niyang anak at s'yempre sa kanila mommy't daddy.

"Thank you" saad ko ng makabalik siya rito sa terrace. Kumuha kasi siya ng snack para may makain kami.

May unan at kumot kami rito para mag-daldalan at mag-pahinga. Bababa kami mamaya kapag nakaramdam na kami ng antok.

Hindi kami p'wedeng matulog dito dahil malamok at baka umulan.

"I love you so much" saad ko at hinalikan siya sa pisngi.

"I love you too, Mrs. Bautista" nakangising saad niya.

Uminit naman ang pisngi ko sa gulat at kilig, kaya umiwas ako ng tingin sa kaniya.

"Mrs. Bautista?" bulong ko sa sarili ko.

"Yes, Mrs. Bautista" saad niya mismo sa tenga ko kaya nilingon ko siya. Sa sobrang lapit ng mukha namin nahalikan ko siya. "Manyak" saad niya at tinusok ako sa pisngi.

"Wow! Sino kaya itong sobrang lapit ng mukha sa akin? Ako ba?" pagtataray ko. Tinuro turo ko pa ang sarili ko. Tumawa naman ang gago. "Parang hindi nagustuhan. Tse" saad ko at inirapan siya.

Tumalikod ako at kinain 'yong Piattos na dala niya. Tatlo ang dala niyang piattos at apat na coke.

Sa aming sampu kami lang ni Lance ang mag-partner na hindi umiinom ng alak kapag magkasama.

Iyong walo kasi ay umiinom 'pag nagkakasama o kahit magkakasama kaming magkakaibigan.

Si Lance umiinom lang kapag kasama ang mga kaibigan namin. Pero kapag ako ang kasama niya ay hindi siya umiinom.

Pinagbabawal ko kasi sa kaniya ang pagi-inom ng alak lalo na kapag sobrang dami.

Matakaw kasi sa alak ang mga kaibigan niya. Alak lang naman ang bisyo nilang lima. At wala ng iba pa.

Mahina pang uminom sina Pinky, Alexa, Jane at lalo na si Claudette. Madaling sumuka at mabilis mahilo kahit nakakailang shot pa lang.

"Tara, baba na tayo" pagyaya ko maya-maya dahil ubos na 'yong piattos at coke.

Kinuha ko ang unan na ginamit ko at nagpaunang mag-lakad.

"Wait lang" sigaw niya ng malapit na ako sa hagdan papasok sa loob.

Inirapan ko siya at nag-hintay. "Bading kumilos, amp" singhal ko habang nakatingin sa kaniya.

Tinutupi niya pa kasi ang kumot. Akala naman niya ay hindi na niya gagamitin pa.

"Bilis! Inaantok na ako" sigaw ko sa kaniya. Tinignan niya naman ako at tumango nang tumango. "Sumakit sana 'yang leeg mo" saad ko.

Tapos na siya kaya tumakbo na siya sa akin. Nauna na siya at inalalayan akong bumaba.

"Gan'yan" saad ko habang bumababa at hawak ang kamay niya.

"Lagi ko namang ginagawa sayo ito, love" saad niya sa akin.

"Pake ko?" singhal ko pa rin sa kaniya.

"Hindi pa rin tayo bati?" nakangusong tanong niya. Tumango naman ako. "Love, ang pangit mo" saad niya pa.

Sinipa at hinampas ko siya dahil sa sinabi niya.

"Ah! Pangit pala, ah!" ulit ko at hinampas hampas siya hanggang sa makababa kami.

"Sorry na" saad niya at pumunta sa likod ko.

"Sapakan" pagyaya ko habang pinapakita sa kaniya ang kamao ko.

"Sorry na nga" saad niya at niyakap ako sa likod ko.

"Pangit 'di ba?" saad ko habang kumakalas sa yakap niya. "Sapakan na nga lang. Bilis. Papalag naman ako, e" panghahamon ko sa kaniya. Tumawa naman ang loko.

"Talo ako kapag ikaw ang kalaban" natatawang saad niya. Nilingon ko naman siya at sinikmuraan. "Masakit" saad niya habang hinahawakan ang tiyan niya.

"Masasaktan ka talaga sa akin ngayon" saad ko at pinahiga siya.

"Ibang sakit ata gusto mo, love" nakangising saad niya kaya umupo ako sa tiyan niya at hinampas hampas siya sa braso. "Hindi sakit ang gusto mo. Ang gusto mo ay..." pagpuputol niya sa sasabihin niya.

Hindi ako nag-salita at hinampas siya. At nang hindi ako masatisfied sa ginawa ko ay kinagat siya ng malakas. Yung babakat talaga sa kaniya ang ngipin ko.

"Sarap ang gusto mo" pagpapatuloy niya.

"Pagkain ka ba?" nakataas na kilay na tanong ko habang tumatayo.

"Oo, masarap pa nga ako, e" proud na saad niya.

"Mahiya ka nga sa sarili mo kahit hindi na sa akin. Kahit sa sarili mo na lang" nandidiring saad ko. Tumawa nang tumawa naman ang gago habang nakahiga pa rin sa sahig. "Tumayo ka na d'yan" saad ko at umalis na sa harap niya.

Pumunta ako sa kusina at uminom ng coke. Nang maubos ko ay umalis na ako at pupunta na sa kwarto niya dahil wala na siya sa sahig kung saan ko siya iniwan.

Umakyat na ako at may tatlong kwarto sa taas kaya pumunta ako sa isang kwarto dahil walang lock.

Hindi ko ito pinupuntahan before dahil feeling ko wala naman akong makikita, at kung meron ay alam kong para sa sarili niya na lang 'yon.

Comfort room kumbaga.

Binuksan ko 'yon at tumambad sa akin ang gaming room niya. May mga PC. Mukhang dito sila nakatambay habang walang schedule magkakaibigan.

"Ang ganda" saad ko habang iniikot ang paningin ko sa buong kwarto.

Malaki ang kwarto pang gaming room talaga. Maraming appliances. May mini refrigerator din. Mga tamad talaga.

"Love" pagtatawag ni Lance sa labas ng kwarto.

Hindi ako sumagot dahil busy ako sa pagtitingin dito sa kwarto na ito. Pumunta ako sa drawer dahil sobrang ganda no'n.

"Ang ganda" mahinang sigaw ko dahil sobrang ganda ng drawer kahit hindi ko pa 'yon binubuksan.

Ano kaya laman nito?

"Love, nasaan ka ba?" sigaw pa rin ni Lance.

Mag-hanap ka hindi naman sobrang laki ng bahay mo para hindi mo ako makita. Tse.

"Sa kaniya itong lahat?" tanong ko. Kaya 'pag may sumagot dito, e'di takbo palabas.

Ang daming letter pagbukas ko pa lang. Nag-bukas ako ng isa at binasa.

To : Lance Carl Bautista

Hi baby char HAHAHAHA. Since day 1 crush na crush na kita. Sana mabasa mo ito. Sana hindi mo itapon :< . Sana mapansin mo na ako!! Ang dami ko ng binigay na letter sayo pero wala pa rin! Baby! Love! Babe! Mahal! Sweetie! Bal! Lab! Honey!! Ano pa pwedeng itawag sayo ha??? Pansinin mo na ako!!! Mahal na mahal kita! HUHUHUHUHU

From: Karyl Kael

"Daming tawag, ha?" singhal ko habang binabalik sa envelope ang sulat. "Napansin ka ba? Naging kayo? E'di congrats" saad ko habang nakatingin sa envelope.

Mukhang letter ito ng mga taong humahanga sa kaniya. Simula nang mag-aral siya. Lalo na siguro no'ng nag-junior high siya.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto kaya nilingon ko si Lance na nakakunot na nakatingin sa akin at tumingin sa hawak ko kaya dali-dali siyang lumapit.

Hinila niya sa akin ang hawak ko at nilagay sa drawer at sinara 'yon.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya pagkasara ng drawer.

"Wala" saad ko at nagpaunang lumabas. Hindi pa siya sumunod sa akin. "Pakain ko pa sayo 'yang mga letter na 'yan" saad ko habang masamang masama ang tingin sa pinto ng kwarto na 'yon.

Hawak ko na ang doorknob ng kwarto niya. Bumukas na 'yong pinto ng kwarto na 'yon kaya pumasok na ako sa loob.

Dumeretsyo ako sa banyo dahil naiihi na ako. Narinig kong bumukas ang pinto.

"Love" pagtatawag niya ulit. Hindi ako sumagot. Kumatok siya sa banyo. "Love" pagtatawag niya.

"Maghintay ka" sigaw ko habang nagsusuot na ng short.

Nag-flash na ako at pumunta sa sink para mag-hugas ng kamay at mag-hilamos.

Narinig kong bumukas ang tv kaya mukhang manonood siya. Tinagalan ko ang pag-hilamos. Nag-toothbrush na rin ako para hindi naman maging mabaho ang hininga ko.

Lumabas na ako dahil tapos na ako sa paghi-hilamos at pagto-toothbrush. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Parang walang nangyari.

Humiga na ako at kinuha ang cell phone ko. Basketball kasi ang pinapanood niya, akala ko pa naman Netflix. Open si kuya kaya chinat ko.

"Wazzep, pangit" bungad ko. Naseen niya naman agad at nag-reply.

"Oh! Problema mo, Ms. Smith?" reply niya.

"Wala lang trip ko lang mag-chat, angal ka?"

"Palag"

"Bahala ka sa buhay mo. Tse" reply ko at pinindot ang gc namin magka-kaibigan.

"Nabuhay na po si Ms. Smith" chat ni Pinky. Kanina pa kasi sila maingay kaya binuksan ko na ang gc namin.

"Hayaan niyo na, baka may ginawa sila ni Mr. Bautista" chat ni Sky. Agad naman ako nag-reply.

"Kadiri mo, Direk Sky" reply ko. May emoji pa na sumusuka.

"Pero gusto rin 'yan ni Ms. Smith" reply ni Claudette.

"Masarap?" reply ni Marco.

"Masarap? (2)" reply ni Kurt.

"Masarap? (3)" reply ni Lloyd. Halos lahat nag react sa mga pinagsasabi nila.

"Masarap? (4)" reply ni Alexa.

"Masarap? (5)" reply ni Jane.

"Masarap? (6)" reply ni Claudette.

"Masarap? (7)" reply ni Pinky.

"Masarap? (8)" reply ni Sky.

"Kadiri niyo. Mga pakeo kayo" reply ko sa kanilang lahat. Kaya nag-react sila ng fire at haha.

"Tara vc" chat ni Lance.

Kaya nilingon ko siya dahil hindi ko naman nakitang kinuha niya ang cell phone niya.

"G!" reply ng walo.

Si Kurt ang nag-start kaya sinagot ng siyam. Hindi ko sinagot, ayaw ko makipag-vc sa kanila. Tumagilid na lang ako. Kaysa itapat pa sa akin ni Lance ang camera niya.

"Saan si Claire?" rinig kong tanong ni Claudette.

"Oo nga" saad ng lahat.

Miss na ba nila agad ako? Tsk.

"Nandito" sagot ni Lance at kinalabit ako.

"Fuck you" saad ko sa kanilang lahat kaya tumawa sila.

"Kasi baka nasa kalagitnaan na sila" panga-asar ni Kurt.

"Sino ba kasi nag-yaya mag-vc?" natatawang saad ni Alexa.

"Si Lance" sigaw ng lahat kasi nasa video call na ay sumisigaw pa rin.

"Ang ingay niyo" saad ko at umirap. Kahit hindi naman nila nakita ang irap ko.

"May regla po ata si Ms. Smith kanina pa mainit ang ulo" natatawang saad ni Claudette.

Hindi ako nag-salita. Nag-usap-usap na silang lahat kasama si Lance. Tumagilid na ako at pumikit.

"Good night" saad ko sa kanilang lahat.

"Good night" sabay na saad ng lahat. Natawa naman ako.

"Good night, love" saad ni Lance sa akin. Nag-mute at nag-off cam pa siya para lang sabihin 'yon. "I love you" saad niya pa at hinalikan ako sa noo. Tumango lang ako at pumikit na.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 37.9K 70
HIGHEST RANKINGS: #1 in teenagegirl #1 in overprotective #3 in anxiety Maddie Rossi is only 13, and has known nothing but pain and heartbreak her ent...
229K 5.8K 56
Y/N Stark. You are the daughter of the famous Tony Stark. Born in 1990, by a twenty year old Tony Stark. You don't know who your mother is...she was...
110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...
18.9K 512 33
A dangerous game she was playing, one that could cost the girl her life. "I'm a threat to you, baby". sᴏᴜʟᴍᴀᴛᴇ/ᴍᴀғɪᴀ ᴀᴜ [ Book One of S.O.S Series ]