Runaway...

fangirl_sga

98.9K 1.8K 553

Let's runaway to the place where love first found us. Let's runaway for the day, don't need anyone around us... Еще

Runaway...
Runaway : Chapter 1
Runaway : Chapter 2
Runaway : Chapter 3
Runaway : Chapter 4
Runaway : Chapter 5
Runaway : Chapter 6
Runaway : Chapter 7
Runaway : Chapter 8
Runaway : Chapter 9
Runaway : Chapter 10
Runaway : Chapter 11
Runaway : Chapter 12
Runaway : Chapter 13
Runaway : Chapter 14
Runaway : Chapter 15
Runaway : Chapter 16
Runaway : Chapter 18
Runaway : Chapter 19
Runaway : Chapter 20
Runaway : Chapter 21
Runaway : Epilogue

Runaway : Chapter 17

2.8K 62 16
fangirl_sga

Nakatingin siya sa kawalan na naglalakad habang hawak-hawak  niya nag singsing na ginawang palawit sa kanyang kwintas. Ang singsing na nagsisimbolo ng kanilang pagmamahalan ng kanyang asawa. Ang singsing na nagmimistulang pangako sa walang hanggang pag-iibigan nila. Ang singsing na naging saksi sa mga pinagdaanan nila bilang mag-asawa. At ang singsing na nagsisilbing lakas at ang nagbibigay sa kanya ng pag-asa na magkikita sila muli ng kanyang pinakamamahal.

Mahigit dalawang buwan na ang nakakalipas. Dalawang buwan na din silang naghahanap sa asawa niya. Dalawang buwan na siyang nangungulila, na parang sa bawat araw na lumilipas ay nauupos siya na parang kandila. Hindi niya maintindihan kung bakit parang pinaglalaruan sila ng tadhana. Wala na ba silang karapatan matamasan ang tahimik at masayang buhay? Bakit kailangan lagi nalang silang pinaghihiwalay?

Ang mahirap nito, hindi lang ang paghahanap sa asawa ang pinoproblema niya. Imbis na bumiti ang pakiramdam ng ama niya ay mas lalo pa itong humihina. Idagdag pa ang kumpanya nilang nagkakaproblema dahil sa nagkakagulo ang mga tao simula ng nawala ang ama nito sa kumpanya. Kaya ito siya ngayon, kaliwa’t kanan ang problema. Hindi niya alam kung anong uunahin. Hindi naman siya inutil upang hindi tulungan ang pamilya niya. Pamilya pa rin nya yun at kailangan siya nito. Ngunit hindi niya alam kung paano siya gagalaw kung ang nagsisilbing lakas niya ay nawawala?

Hindi niya alam kung paano niya nakayanan na mawalay sa asawa ng mahigit dalawang taon. Dahil ngayon parang hindi niya alam kung paano magsisimula. Sa tuwing iniisip niya na wala na ang kanyang asawa ay parang pinipiga ang puso niya. Hindi niya kaya. Tumulo muli ang luha niya. Lagi na lang ganito simula nang mawala si Gerald. Isang buwan silang walang tigil na naghanap sa kanyang asawa, ngunit hindi sila sinuwerte. Wala silang nakita. Walang katawan. Walang bangkay. Hindi niya alam kung matutuwa siya dahil kahit paano malaki pang pag-asa na buhay pa ito. Ngunit asan ito ngayon? Buhay pa nga kaya ito? Paano kung tama yung mga mangingisda na inalon patungo sa kung saan ang katawan ni Gerald kaya hindi na ito matagpuan? Paano kung…. Ipinikit niya ang mga mata. Hindi niya kaya. Hindi niya kayang isipin na wala na siya. Hindi siya nawawalan ng pag-asa. Pero asan na si Gerald?

Kinailangan niyang tumigil sa paghahanap sa asawa dahil sa kalagayan ng ama niya at ng kumpanya nila. Kaya andito siya ngayon sa opisina nila. Kinailangan niyang bumalik upang tulungan ang kapatid niya, ang panganay niyang kapatid ang uupo bilang CEO ng kanilang kumpanya, kapalit ng ama. Samantalang ang isa pa niyang kuya ay uupong VP for Finance na binakante naman ng kuya nila, at siya naman ang papalit sa kuya niya bilang Head ng Project and Management.

Wala siya sa loob na naglalakad sa hallway patungo sa kanyang opisina, marami siyang iniisip at si Gerald ang halos sumasakop ng kanyang isipan ng may makabangga siya.

“I’m sorry.” Paghingi niya ng paumanhin sa nakabangga niya.

“Well, well.. Isn’t this a surprise, hello Miss Geronimo.” Bati sa kanya ng lalaki sa harap.

Tiningnan niya ito ng mabuti, pamilyar ang lalaki. Matipuno ang pangangatawan, gwapo ito may pagkamestizo, ngunit may pagkamaangas ang dating nito. Nakita niyang ngumisi ang lalaki na parang nang-iinis kaya tinaasan niya ito ng kilay.

“Mataray ka pa rin kahit kalian, and it hurts my ego, for you not to remember me, Sarapot.” Sambit ng lalaki, na tila nagmistulang daan upang maalala ni Sarah ang binata sa harapan.

“Calokoy is that you?” gulat na tanong niya sa lalaking nasa harap.

Binigyan ng masamang tingin ng binata ang babae sa harapan. “Psssh.. Don’t call me that, it’s embarrassing. It’s Jake okay?”

“Asus, you called me, Sarapot nga.” Natatawang saad nito. “How are you Calo-“

“Don’t you dare call me by that name, or else I’d kiss you.” Pagbabanta ng binata na siyang kinatahimik naman ni Sarah.

Natawa naman ang binata. “Glad you shut up. Still afraid to kiss me, Ms Geronimo? Anyway, I don’t want you to be late for your first day of work, so we better catch up later. See you around Sarapot!” Nakangising sambit nito bago tuluyang lumisan.

Napailing na lang ang dalaga at dumiretso sa kanyang opisina. Mamumula siguro ang mga tenga ni Gerald sa inasta ni Jake kanina. Hindi na naman maiwasan ni Sarah na isipin ang asawa. Napabuntong-hininga siya at hinawakan muli ang singsing.

“Babe, asan ka na ba? I need you and I miss you.” bulong nito.

Sinimulan niya ang araw niya at pinilit na ialis ang isip sa nawawalang asawa. Sinubukan niyang isubsob ang sarili sa trabahong nasa harapan niya. Hindi siya umalis sa kanyang opisina. Halos hindi na rin siya kumain pero di naman siya pinababayaan ng kanyang sekretarya at dinadalhan siya nito ng makakain. Laking pasasalamat niya at may malasakit sa kanya ang kanyang mga tauhan kahit bago pa lang siya bilang kanilang boss.

Narinig niyang tumunog ang kanyang intercom, at sinabi ng kanyang sekretarya na nasa labas raw si Enchong. Agad naman niyang sinabing papasukin ito.

“Maam.” Bati ni Enchong na sinuklian ng matipid na ngiti ni Sarah.

“Kamusta ang paghahanap Enchong?” walang paligoy-ligoy na tanong ni Sarah.

Lumapit si Enchong kay Sarah at marahang hinawakan ang kamay nito at marahang pinisil ito. “I’m sorry, wala pa ring progress.” Malungkot na sambit nito at binigay ang mga report sa kanya. “Pero di kami titigil hangga’t di namin siya natatagpuan.”

Tumango si Sarah at pinilit pa rin ngumiti kahit gaano kabigat ang nararamdaman. Nagpapasalamat siya at may mga kaibigan siya katulad ni Enchong at Julia. Sila ang mga taong alam niyang mapagkakatiwalaan niya at sila rin ang mga karamay niya sa panahong ito. “Salamat.”

Tumango si Enchong at sumenyas na mauuna na ito. Tumango naman si Sarah at sinabing ikamusta na lamang siya kay Julia. Pagkaalis ng binata ay agad niyang pinagmasdan ang mga papeles na nasa harapan niya. Panibagong emosyon ang nanaig sa puso niya ng mabasa ang mga papeles sa harapan niya. Galit at poot sa kung sino man ang may pakana ng lahat ng ito. Hindi pa man niya alam kung sino ang nasa likod nito, ngunit alam niyang kailangan magbayad ng sinoman ang ginawa nito sa kanilang mag-asawa. Natigil siya sa pagbabasa ng tumunog muli ang intercom. Ngayon naman ay si Jake raw ay tumawag at nag-aaya ng hapuan.

“Please tell Mister Cuenca that I can’t tonight. Maybe tomorrow, I have something to attend to tonight.”  Utos nito sa kanyang sekretarya.

Agad namang tinapos ni Sarah ang trabaho at nagmamadaling nagtungo sa address na iniwan ni Enchong. Nang makarating doon ay agad naman siyang sinalubong ni Enchong at Julia. Andun rin si Maja, Fred, Jalal at isa pang hindi kilalang lalaki na nasa late forties na. Binati ito ni Sarah bago tuluyang umupo sa isang tabi.

“Di na ako magpapaligoy-ligoy pa, this is NBI Chief Albert Martinez, at siya ang punong abala sa pagiimbestiga ng kaso ni Ge. Siya rin ang nakatuklas na may foul play sa nangyari at meron na siyang mga suspects. Kaya tayo lahat andito ay para makipagtulungan sa kanya na mahuli ang may kakagawan ng lahat ng ito.” Pagpapaliwanag ni Enchong sa mga kasama.

Pinaliwanag naman ni Chief Martinez ang mga natuklasan. Walang preno ang sasakyan ni Gerald kaya imbis na makaiwas sa rumaragasang bus ay bumangga ito rito. Natuklasan nila na may sadyang pumutol ng wiring ng preno ng sasakyan ni Gerald at napag-alaman nila sa pamamagitan ng CCTV camera sa opisina ni Gerald na si Mark Herras ang may kakagawan ng pagtanggal ng wiring sa sasakyan nito. Kasalukuyang pinaghahanap pa si Mark ng otoridad, ngunit hindi pa nagtatapos doon ang lahat sapagkat hindi nag-iisa si Mark, mayroon siyang kasabwat, ngunit hindi pa nila matukoy kung sino. Ang alam lang nila ay nagtratrabaho ito sa opisina nila Sarah.

Wari’y hindi maipinta ang mukha ni Sarah matapos marinig ang lahat mula kay Chief Martinez. Hindi niya alam ang sasabihin. Hindi niya alam ang iisipin. Pakana na naman kaya ng pamilya nya ang sadyang paghihiwalay sa kanila ng asawa. Sino ba talaga si Mark Herras at ano ang koneksyon nito sa pamilya niya? Hindi niya maintindihan bakit nagkakaganito at hindi na rin niya namalayan na tumutulo nap ala ang mga luha niya. Nilapitan siya nina Maja at Julia upang hagkan siya. Lalong hindi na niya napigilan ang pag-iyak. Hindi na niya namalayan na nakatulog na siya sa pag-iyak.

Binuhat ni Fred si Sarah at dinala siya sa isang kwarto upang makapagpahinga siya ng maayos. Inihiga niya ito sa kama bago bumaling sa isang lalaki na nakatayo sa may terrace.

“Hindi ka pa ba magpapakita sa kanya? Hirap-hirap na ang kalooban niya at alam kong makakabuti kung nasa tabi ka niya.” Malungkot na pinagmasdan ni Fred ang kaibigan sa harapan.

“Alam ko. Pero I just want to keep her safe.” Pagrarason ni Gerald.

“Are you sure she is safer when you are not around?” pagbalik tanong ni Fred sa kaibigan bago tuluyang umalis sa silid.

Napabuntong hininga naman si Gerald at nagtungo sa tabi ng asawa. Pinagmasdan niya ang mala-anghel na mukha ng asawa.

“Napakaganda mo pa rin kahit umiiyak. I’m so sorry baby girl. I’m so sorry.” Bulong nito habang dahan-dahang hinawi ang buhok ng asawa sa mukha. “I love you so much, and I promise you, I’ll fix everything. And the next time we’d be together… I’ll make sure it will forever.” Saad ni Gerald bago marahang dinampian ng halik ang labi ng asawa.

Nagising kinabukasan si Sarah kanyang kwarto sa kanyang condo unit. Hindi niya alam kung paano siya nakabalik sa kanyang condo. Ang huli niyang naalala ay ang pag-iyak niya sa mga bisig ng mga kaibigan. Tiningnan niya ang kanyang telepono at nakita ang ilang mensahe mula sa kaibigan. Napagtanto niya na si hinatid siya kagabi ng mga kaibigan. Nagpasalamat siya sa mga ito bago tuluyang nag-ayos upang pumasok sa opisina. Hindi niya alam kung bakit, ngunit napagaan ng pakiramdam niya. Alam niyang marami pa siyang kinakaharap na mga problema at kailangan niyang matuklasan kung sino ang kasabwat ni Mark sa opisina nila. May galit at lungkot sa puso niya ngunit bakit parang  meron siyang kakaibang pakiramdam na parang nagbigay sa kanya ng panibagong lakas at pag-asa. Pagkalabas niya ng kanyang condo unit ay narinig niya ang telepono. Isang mensahe sa di kilalang numero.

From : +63917xxxxxxx

“Never lose hope, things will get better. Always remember that all pain comes to an end. Smile. :)”

Hindi niya kilala ang numero at maaring na-wrong send lamang ito, ngunit hindi niya mapigilang mapangiti.  Napailing siya at lihim na nagpasalamat sa kung sino man ang nagpadala ng mensaheng iyon bago tuluyang pumasok sa elevator.

Lingid sa kanyang kaalaman ay may nagmamasid sa kanya sa di kalayuan na lihim na nagbunyi ng makita siyang ngumiti matapos niyang basahin ang mensahe niya. Simula ng makita niya muli kagabi ang asawa ay alam niyang hindi niya kayang hindi ito makita ule kahit sa malayo. Naisip niya rin na sa ganitong paraan ay maari niyang protektahan at alagaan ang asawa kahit hindi sila nagkikita.

“I love you baby girl, glad I can still make you smile even though you can’t see me.” saad ni Gerald bago tuluyang pumasok sa katabing condo unit ng asawa.

++++++++++++++++++++++++=

A/N:

Hehe sorry for the late update. Pero hope this chapter can compensate for the time lost. hahaha. Abangan.. Anong gagawin ni Sarah pag nalaman nya ang nawawalang asawa ay kapitbahay niya lang pala? LOL. :p Sino ang kasabwat ni Mark? Sino si Jake Calokoy? haha. Hanggang kailan kayang tiisin ni Gerald ang asawa? Abangan sa next chapter :]

Merry Christmas Everyone! :D Labyu!

Продолжить чтение

Вам также понравится

Illicit Affair (GxG) k.

Любовные романы

3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
MONTGOMERY 5 : Waiting For Superman Ms. Patch

Любовные романы

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...