Runaway : Chapter 21

1.2K 32 4
                                    

Hindi niya maalala kung paano siya nakarating sa isang maliit na naabandunang bahay sa kung saan. Ang alam niya lang ay kinailangan niyang tumakbo.

Kinailangan niyang magtago...

Kailangan niyang makalayo. 

Dahil na rin siguro sa pagod at sa halo-halong emosyon na nadarama nya ay ninais nya munang magpahinga. Dasal na lamang nya ay di siya matunton ng humahabol sa kanya.

Mariin nyang ipinikit ang mga mata at hinabol ang kanyang hininga. Unti-unti na ring tumulo ang mga luha na kanina pang gustong kumawala at hindi nya namalayan ang kanyang kamay ay napahawak na naman sa kanyang singsing na nakakwintas sa kanyang leeg.

Gerald...

Hiling nya ay makita at mailigtas siya nito. Dasal niya rin ay maayos at nasa mabuting kalagayan ang asawa. Gusto man nyang tawagan ito ay di nya magawa. Naiwan niya ang telepono sa kotse.. at kung sakali mang dala niya ang telepono ay malabo rin niya itong makausap kung ibabase sa sitwasyon nito bago pa man sila nagkahiway.

Napabuntong hininga siya ng malalim...

Paano ba kasi humantong sa ganito?

+++++++++++

Mahigit sa isang buwan na rin nagpapanggap si Gerald bilang si Erik Escalona, ang drayber ni Sarah. Naging maayos naman ang kanilang pagpapanggap at tila wala namang naghinala kahit di maiwasan ang kanilang pagiging malapit sa isa't isa. Dahil kahit anong pigil nila sa nararamdaman ay may sadyang kakaibang chemistry ang dalawa. 

Nagkaroon na rin sila ng iba't ibang lead sa kaso ni Gerald, at unti-unti ng nababawasan ang malawak na listahan ng posibleng suspek. 

Ngunit nang inaakala nilang mareresolba na ang kaso... saka naman naging mas magulo ang lahat.....

"Erik, may lakad kami ni Kuya Bobby mamaya kaya mauna ka na umuwi. Ihatid mo na lang sa condo ang sasakyan." Bilin ni Sarah sa drayber/asawa sa telepono. Kasama nya ang Kuya niya kaya di nya matawag ito sa tunay na pangalan.

(AN Bobby is a new character.. basta isa sa mga kuya ni Sarah..wala akong maisip na pwede so it's up to you kung sino maimagine nyo sa kanya...) 

"Alright babe, love you. Ingat ka ah." lambing na sagot naman ni Gerald sa kabilang linya.

Di maiwasang mapangiti ni Sarah sa narinig. "Yup. 522-1433." tugon naman nito sa kausap bago tuluyang binaba ang telepono.

"Anong 522-1433?" takang tanong ng kanyang kapatid.

"Phone number." Simple sagot nya.

May pagdududa man, ay hindi na muling nagtanong ito. "Tara na. Para maaga rin tayo makauwi." 

++++++++++++

Samantala.... Si Gerald naman, imbis na dumiretso sa condo nila ni Sarah ay may sinusundang itim na bmw 330ci convertible. Nakasakay rito ang pangunahing suspek na nasa isip niya na nais magpaligpit sa kanya. Kinakailangan nya lamang ng sapat na ebidensya na magpapatunay ng kanyang hinala.

Runaway...Where stories live. Discover now