Runaway : Chapter 14

4K 97 39
                                    

Dalawang linggo ang lumipas at normal naman ang naging pagpapatakbo ng panibago nilang buhay.  Nagmistulang swerte si Sarah sa pagtatakbo ng negosyo ni Gerald dahil kasabay ng pagdating niya bilang bagong project manager ay dumagsa rin ang mga kliyente. Gumagawa naman ang dalawa ng paraan upang magkita at mapagpatuloy ang relasyon nila nang tahimik.

Kung minsan ay lumalabas sila kasama sila Enchong at Julia pagkatapos ng trabaho. Minsan naman ay dumadalaw si Gerald sa bahay ng mga Sanchez at binibigyan silang dalawa ng oras para sa isa't isa. Ngunit ang paborito ng dalawa ay ang pagpunta sa mga site ng kanilang mga proyekto. Dahil mas nasosolo nila ang isa't isa. Mas nagiging kumportable ang dalawa sa bago nilang sitwasyon at masaya naman silang dalawa sa pagdahan-dahan ng mga bagay-bagay sa pagitan nila. Ngunit minsan may mga pagkakataong hindi nila maiwasang mag-isip na tanggalin ang limitasyon sa pagitan ng isa't isa.

Huwebes ng umaga at abala ang mga tao sa opisina. Tulad ng normal na araw nila sa opisina ay di maiwasan ang pagpapa-cute ni Erich kay Gerald. Madalas itong dumikit sa boss nila na parang walang bukas kung minsan naman ay pasimpleng hinahawakan nito si Gerald sa braso o sa kamay. Hindi nakakalagpas ang mga kalandian na to ni Erich kay Sarah ngunit kahit na nakakaramdam ng inis at selos ito ay hindi naman niya ito ipinahahalata. Nakikita naman rin ni Sarah na di pinapatulan ni Gerald ang babae at madalas itong umiiwas kay Erich hangga't maari, bagay na kinatutuwa niya. Napag-usapan na rin naman nila ito at sinugurado naman ng binata na wala siyang dapat ipagselos.

Lumipas ang hapon at okupado ang mga tao sa kanya-kanyang ginagawa ng mapansin ni Sarah may tao sa harapan ng kanyang lamesa. Inangat niya ang ulo upang tingnan ang tao at laking gulat niya ng mamukaan niya kung sino ito. Nginitian siya nito bago nagsalita.

"Fancy meeting you here... Miss.." tiningnan nito ang name plate ng dalaga sa lamesa bago tiningnan muli ang dalaga. "Miss Heidee Sarah Sanchez." nakangsing bati nito.

Ngumiti naman si Sarah. "Hi, Mr?" tanong nito.

"Herras. Mark Herras." pagpapakilala ng lalaki at inabot nito ang kamay nito.

"Mr. Herras, please take a seat and how can I help you?" Nakipagkamay naman si Sarah. 

"Ah, gusto ko lang kasi magpalagay ng grills sa bintana namin, at saka sliding grills rin sa may pintuan. Nairekomenda sa akin ng isang kaibigan itong steel works na ito kaya ako napadpad, and mukhang hindi ako nagkamali." paliwanag ni Mark at kininditan nito ang dalaga.

Medyo naiilang man sa pakikitungo ng kausap ay sinubukan pa rin maging propesyonal ni Sarah. "Ah, yes, you've come at the right place. Uhm.. Ilang windows po ba ang ipapagawa ang balak nyo ipagawa?"

Hindi nakalusot sa pandinig ni Mark ang paggamit nito ng "po". "Di mo na kailangan mag-po saakin, halos magkaedad lang naman tayo." saad ni Mark habang inilagay ang kamay nito sa ibabaw ng kamay ni Sarah na nasa mesa.

Tila nanigas si Sarah sa ginawa ni Mark. Agad naman siya natauhan at binawi ang kamay ng marinig na may biglang umubo sa tabi niya. Nilingon niya ito at nakita si Gerald na nakatayo na pala sa tabi niya.

"Ahem. Ako nga pala si Engineer Gerald Andrew Rodriguez." pagpapakilala nito. Kanina pa niya pinagmamasdan ang dalawa, at hindi niya malaman kung bakit nakakaramdam siya ng hindi maganda sa lalaki. Hindi niya gusto ang lagkit ng tingin nito sa dalaga. Hindi siya nakatiis at agad na lumapit ng makitang hinawakan nito ang kamay ng kanyang pinamamahal.

Nginitian naman siya  nito at nakimagkamay. "Nice meeting you Engr Rodriguez, I'm Mark Herras, and I was just talking to Ms. Sanchez here." sambit nito habang nakangising tinitingnan si Sarah.

Nagtinginan ang dalawang lalaki at tila may namuong tension sa hangin. Nakahalata naman si Sarah kaya pasimpleng hinawakan nito ang kamay ni Gerald at pinisil ito. Tiningnan naman siya ni Gerald kaya masuyong nginitian ni Sarah ang binata at tumangong kaya na niya ito. Wala naman nagawa si Gerald kaya nagpaalam na rin siya.

Runaway...Kde žijí příběhy. Začni objevovat