Runaway : Chapter 11

4K 81 20
  • Dedicated to teamALSAftw
                                    

Maagang nagising si Sarah. Simula na ang bagong buhay niya bilang si Heidee Sarah Sanchez o "Sars". Ayon sa mga dokumento na binigay ni Gerald, siya ay anak ng siya ni Pablo at Mae Sanchez. Kapatid niya si Ernest Lorenzo Sanchez o "Ench", na mas kilala niya bilang si Enchong. Galing silang Maynila at nitong taon lang na to naisipan ng mga magulang nila na bumili ng mga lupain sa Nueva Ecija upang dito na manirahan at magsimula ng negosyo.

Napaisip si Sarah at naalala na kaya pala madalas magday-off si Enchong noon ay dahil dumadayo siya dito upang bisitahin ang mga magulang niya na sina Pablo at Mae. Nakilala na niya ang bago niyang mga magulang kagabi, matapos siyang sunduin ni Enchong kela Gerald. Nakapag kwentuhan na silang "mag-anak". Mababait sila at nagkasundo sila agad. Si Enchong naman ay mas lalo na niyang nakilala at natutuwa siya rito - may pagkakalog pala ito at makulit rin. Akala niya dati ay napaka-stiff nitong tayo dahil madalas itong seryoso, yun pala ganun lang siya pag trabaho.

Bilib rin siya kay Gerald dahil talagang pinagplanuhan niyang mabuti at halatang ginastusan niya ito. Kung sabagay, malakas naman ang kita ng manggahan at palayan dito sa Nueva Ecija. Maari rin silang magtanim ng iba pang mga gulay. Nakilala na niya ang mga magulang si Enchong at galak siyang nagpasalamat dahil pumayag sila na 

Naisip niya si Gerald. Si Gerald Andrew Rodriguez na ngayon. Nag-usap na sila kahapon at napag-alaman niya na dalawang taon na pala siya naninirahan dito sa Nueva Ecija. Kaya pala hindi niya naasikaso ang annulment papers niya dahil namamalagi siya dito bilang si "Ge".  Nagtayo siya ng steel shop sa may bayan. Ginamit niya ang kabihasaan niya sa pagiging inhinyero sa pagdidisenyo ng mga gate, bintana at iba pang mga nais ng kliyente na ipagawa na gawa sa bakal. Kahit paano naman raw ay maganda ang takbo ng negosyo niyang iyon. 

Natutuwa siya at lalo siyang napahanga sa asawa, dahil marami na itong nagawa upang maging maayos at tuluyan silang makapagbagong buhay. Ngayon, nais niya na siya naman ang dapat gumawa ng paraan upang mapasaya ang asawa, o dating asawa. Napabuntong hininga si Sarah ng maalalang di na nga pala siya si "Sarah Anderson, asawa ni Gerald Anderson". Hindi niya maiwasang manghinayang, ngunit tiwala siya kay Gerald at gusto niya rin namang itama at mabura ang bangungot na iyon. 

Tuluyan na siyang bumangon at nagshower upang simulan ang araw na ito bilang si Sars. Gusto na rin niyang makilala si Ge, ang "bagong" lalaki na di pa man niya nakikilala ay binihag na nito ang puso niya. Natawa siya sa sarili at kinikilig sa mga maaring mangyari. Basta ang alam niya, magkikita sila ngayon. 

Bumaba siya mula sa kwarto at doon nag-iintay ang bago niyang pamilya: si Tatay Pablo, Nanay Mae, Kuya Ench at ang Tita Irma niya. Nginitian niya ito at masayang binati.

"Good morning po tay, nay, kuya at tita!" 

"Wow, ganda ng gising mo ah at kuya na talaga ang tawag mo sakin." natatawang saad ni Enchong. 

"Syempre para masanay ako. Saka excited ako sa bagong buhay." masayang sambit nito.

"Mabuti naman anak at huwag kang mag-alala, kahit na di ka namin tunay na anak nitong Tatay Pablo mo eh, ituturing ka parin naming tunay na anak." sambit ni Nanay Mae.

Natuwa naman si Sarah at niyakap niya ito. "Salamat po." 

"O, tama na ang drama, kumain na tayo. Gutom na ako." Natatawang sinabi ni Tatay Pablo sa kanyang mag-anak.

Nagtawanan naman sila at masayang kumain. Matapos kumain ay sinabi ni Enchong na ililibot na siya nito sa bayan. Agad naman gumayak si Sarah at galak na galak siyang maglibot. Wala pang trenta minutos ay nakaligo na siya at nakapag-ayos. Simpleng skinny jeans at puting blouse ang suot nito at nakalugay lamang ang buhok. Naglagay siya ng lip balm at powder ngunit di maikaila ang kagandahan nito. Natawa naman si Enchong dahil sa bilis nito. Nakagayak na rin si Enchong at natawagan na rin nito si Gerald upang ipaalam na papunta na sila sa bayan.

Runaway...Where stories live. Discover now