Runaway : Chapter 15

3.7K 78 23
                                    

Nagising si Sarah ng madaling araw dahil sa pangangailangan niyang pumunta sa banyo. Minulat niya ang kanyang mga mata at di maiwasang mapangiti ni Sarah ng makita ang natutulog na mukha ng asawa. Pasimpleng hinalikan ni Sarah ang ilong ng natutulog na asawa at dahang-dahang kumawala sa mga bisig nito. Gumalaw ng bahagya si Gerald ngunit tulog pa rin ito, kaya sinamantala ni Sarah ang pagkakataon upang magtungo sa banyo.

Tila naalimpungatan naman si Gerald at agad na napansin na wala ang asawa sa tabi kaya agad itong napalikwas at umupo sa kama. Saktong nagkukuskos ng mga mata si Gerald ng lumabas si Sarah mula ng banyo.

“I’m sorry. Did I wake you up babe?” masuyong tanong ni Sarah.

Umiling lang si Gerald at agad hinatak si Sarah at mahigpit na niyakap ito. Nagulat man sa ginawa ng asawa ay sinuklian niya ito at hinimas ang likod nito. Naramdaman ni Sarah ang luha ng asawa sa kanyang mga balikat kaya kumawala ito sa pagkakayakap upang tingnan ang asawa. Naalarma ito nang nakita ang takot sa mga mata ni Gerald.

“What’s wrong babe?” nag-aalalang tanong ni Sarah.

“I thought I lost you again…” mahina at nanginginig bulong ni Gerald.

Agad naman niyakap ni Sarah ang asawa sa narinig. “Sssh.. Nandito lang ako. You’ll never lose me again.. sshhh…” pagpakalma ni Sarah habang inuugoy ito sa kanyang bisig. Naramdaman na lang ni Sarah na nakatulog na ito.

“Naku, ang baby boy nakatulog.” Natatawang saad ni Sarah. Hinalikan nito ang noo nito, at dadahan inihiga sa kama.

“Wooh! Bigat naman nitong baby boy na to.” Pabirong reklamo nito bago tuluyang pumwesto sa tabi ng asawa at sumiksik sa mga bisig nito.

Kinaumagahan, nagising si Sarah sa maliliit na halik ng asawa sa kanyang braso. Dahan-dahan niyang minulat ang mata at nakita si Gerald na nakakaloko ang ngiti sa mukha.

“Bakit ganyan ka makangiti?” tanong ni Sarah sa asawa.

“Wala, masama ba maging happy?” nakangising sambit ni Gerald.

“Hindi, pero kilala kita Mr. Anderson, may kapilyuhan ang mga ngiting yan…” mapagdudang saad ni Sarah.

“Asus, then read my mind my love..” hamon ni Gerald habang taas-baba ang mga kilay nito. Nang maintindihan ni Sarah ang nais ipahiwatig ng asawa ay agad itong nahampas.

“Ikaw talaga. Di pa ba sapat na nakarami ka na kagabi?” natatawang tanong nito.

“Eh… sinusulit ko lang.” malungkot na ngiti ni Gerald.

Napansin naman ito agad ni Sarah kaya hinawakan nito ang mukha ng asawa. “Babe… I’m not going anywhere.”

Napabuntong hininga si Gerald at masuyong hinawakan ang kamay ni Sarah na nasa mukha niya. “I know, I know… Pero bakit ba pakiramdam ko, pag nagiging okay na lahat sa atin, saka naman biglang may hindi magandang nangyayari.”

Bahagyang ngumiti si Sarah at umayos sa pag-upo. “Halika ka nga dito.” Utos nito, at masuyong niyakap ang asawa. “Ang baby boy ko, ang laki-laki na parang baby pa rin.” Bungisngis na saad ni Sarah.

Hinigpitan naman ni Gerald ang pagkakayakap sa asawa tila nanggigigil. “Eh ang sarap kaya maging baby mo… sarap ng mga yakap ng mommy..” natatawang sambit nito. “Eh kelan naman tayo gagawa ng baby, mommy?” pilyong tanong nito na sinuklian ni Sarah ng pitik sa tenga at hampas sa balikat.

Ginamit naman ni Gerald ang pagkakataon upang maihiga ang asawa sa kama, at umibabaw dito. Napatili naman si Sarah sa ginawa ng asawa. Lalong napatili si Sarah ng kilitiin siya ng asawa sa tagiliran. Nangibabaw ang mga halakhak ni Sarah sa buong kwarto at para kay Gerald, ito ang pinakamagandang musika sa kanyang pandinig kaya di makakaila ang kasiyahang nadarama nito ngayon. Biglang nawala ang lahat ng pang-aanlinlangan at takot na nadarama niya ngayon.

Runaway...Where stories live. Discover now