Runaway : Chapter 6

4.6K 105 25
                                    

Napagkasunduan nilang magpunta sa bayan at mamasyal. Sakto naman at bisperas ng fiesta, kaya maraming aliwan at abala ang mga tao sa paghahanda para sa parada. Naglakad-lakad sila sa kalagitnaan ng kalye at pinanonood nila ang mga nag-aayos ng mga karosa. Manghang mangha si Sarah sa dami ng iba't ibang klaseng mga bulaklak na nakita niya na nakalapag sa kalsada. Hindi niya namalayan na nawala si Gerald, kaya laking gulat na lang niya ng may isang rose at tatlong orchids na bumulaga sa kanya.

"For you, miss beautiful..." nakangiting sambit ni Gerald sa asawa.

"Sira ka talaga!" hagikgik ni Sarah ngunit kinilig. Inamoy niya ang mga bulaklak at ngumiti. "Thank you. Ang ganda nila."

"Anything for you, love." mahinang sambit ni Gerald. Napangiti naman si Sarah at hinalikan sa pisngi ang asawa bago patuloy na naglakad.

Nagulat si Gerald sa ginawa ng asawa. Para siyang teenager na nakatanggap ng first kiss galing sa crush niya. Napailing siya at napansin na medyo nakalayo na si Sarah ay agad itong tumakbo at humabol dito.

Pinagpatuloy nila ang paglilibot sa bayan at pasimpleng inabot ni Gerald ang kamay ni Sarah at hinawakan ito habang naglalakad. Kahit medyo naiilang si Sarah ay hinayaan na lang niya si Gerald. Hindi naman sa ayaw niya, ngunit sa tuwing naghahawak sila ay tila may kuryenteng dumadaloy sa katawan niya. Pinipilit na lang niya pakalmahin ang sarili at sinusubukan nyang ituon sa ibang bagay ang pansin. 

Napansin ni Gerald ang pagiging balisa ni Sarah simula ng hawakan niya ang kamay nito kaya binitawan niya ito. Nagulat naman si Sarah at napatingin sa asawa.

"Bakit?" tanong ni Sarah.

Tumigil sa paglalakad ang dalawa. "Bakit ano?" tanong ni Gerald.

"Bakit mo binitawan yung kamay ko?" 

Tiningnan ni Gerald ang ekspresyon ng mukha ni Sarah ngunit hindi niya ito mabasa. Huminga siya ng malalim bago siya sumagot.

"Muka kang uncomfortable, kaya binitawan ko na."

Tumango si Sarah at huminga ng malalim bago kinuha ang kamay ni Gerald at hinatak upang magpatuloy sa paglalakad. Hindi naman maiwasan ni Gerald na mapangiti. Tiningnan niya ang kamay niyang hawak ni Sarah, at inayos ito upang magkalapat na ang kanilang mga palad at magkahawak ang kanilang mga kamay. Napatingin din naman si Sarah sa mga kamay nila bago nito tiningnan si Gerald. Nagtama ang kanilang mga mata saglit at nagpalitan ng malaking mga ngiti bago nagpatuloy sa susunod nilang destinasyon.

Tumigil sila sa isang maliit na restaurant upang mananghalian. Sinubukan nila ang halos lahat ng potahe nito at parang lima katao ang kakain sa dami ng inorder nila. Noong una ay halos wala silang imik at dahan-dahang kumain ng mga pagkain sa harapan nila. Palihim na nagsusulyapan, ngunit walang naglalakas loob na magsalita. Napansin ni Sarah na may dumi sa pisngi si Gerald. Kinuha nya ang tissue at pinunasan niya ito, nagulat si Gerald at napahawak sa kamay ni Sarah. Muling nagtama ang mga mata nila at parehas silang nakadama ng kakaibang tension. Unang binawi Sarah ang tingin.

"Ikaw talaga parang bata kung kumain. Baby boy na baby boy lang eh." Pang-aasar ni Sarah. "O sige, kain na baby boy." natatawang utos nito na parang kumakausap sa bata.

Namula naman si Gerald sa hiya, ngunit bigla siyang napatawa ng malakas ng mapansing may sarsa sa may gilid ng labi nito. 

"Bakit?" nagtatakang tingin ni Sarah.

"Eh kasi..." Hindi makapagsalita ng maayos si Gerald dahil natatawa pa rin siya kaya inabot ang tissue at dahan-dahang pinunasan ang bibig ni Sarah na may sarsa bago pinakita ito sa kanya. "Baby boy pala ah.. Eh ang baby girl, mas messy kumain." ganting pang-aasar nito sabay tawa ulit.

Runaway...Where stories live. Discover now