Runaway : Chapter 17

2.8K 62 16
  • Didedikasikan kepada PicnicGirls
                                    

Nakatingin siya sa kawalan na naglalakad habang hawak-hawak  niya nag singsing na ginawang palawit sa kanyang kwintas. Ang singsing na nagsisimbolo ng kanilang pagmamahalan ng kanyang asawa. Ang singsing na nagmimistulang pangako sa walang hanggang pag-iibigan nila. Ang singsing na naging saksi sa mga pinagdaanan nila bilang mag-asawa. At ang singsing na nagsisilbing lakas at ang nagbibigay sa kanya ng pag-asa na magkikita sila muli ng kanyang pinakamamahal.

Mahigit dalawang buwan na ang nakakalipas. Dalawang buwan na din silang naghahanap sa asawa niya. Dalawang buwan na siyang nangungulila, na parang sa bawat araw na lumilipas ay nauupos siya na parang kandila. Hindi niya maintindihan kung bakit parang pinaglalaruan sila ng tadhana. Wala na ba silang karapatan matamasan ang tahimik at masayang buhay? Bakit kailangan lagi nalang silang pinaghihiwalay?

Ang mahirap nito, hindi lang ang paghahanap sa asawa ang pinoproblema niya. Imbis na bumiti ang pakiramdam ng ama niya ay mas lalo pa itong humihina. Idagdag pa ang kumpanya nilang nagkakaproblema dahil sa nagkakagulo ang mga tao simula ng nawala ang ama nito sa kumpanya. Kaya ito siya ngayon, kaliwa’t kanan ang problema. Hindi niya alam kung anong uunahin. Hindi naman siya inutil upang hindi tulungan ang pamilya niya. Pamilya pa rin nya yun at kailangan siya nito. Ngunit hindi niya alam kung paano siya gagalaw kung ang nagsisilbing lakas niya ay nawawala?

Hindi niya alam kung paano niya nakayanan na mawalay sa asawa ng mahigit dalawang taon. Dahil ngayon parang hindi niya alam kung paano magsisimula. Sa tuwing iniisip niya na wala na ang kanyang asawa ay parang pinipiga ang puso niya. Hindi niya kaya. Tumulo muli ang luha niya. Lagi na lang ganito simula nang mawala si Gerald. Isang buwan silang walang tigil na naghanap sa kanyang asawa, ngunit hindi sila sinuwerte. Wala silang nakita. Walang katawan. Walang bangkay. Hindi niya alam kung matutuwa siya dahil kahit paano malaki pang pag-asa na buhay pa ito. Ngunit asan ito ngayon? Buhay pa nga kaya ito? Paano kung tama yung mga mangingisda na inalon patungo sa kung saan ang katawan ni Gerald kaya hindi na ito matagpuan? Paano kung…. Ipinikit niya ang mga mata. Hindi niya kaya. Hindi niya kayang isipin na wala na siya. Hindi siya nawawalan ng pag-asa. Pero asan na si Gerald?

Kinailangan niyang tumigil sa paghahanap sa asawa dahil sa kalagayan ng ama niya at ng kumpanya nila. Kaya andito siya ngayon sa opisina nila. Kinailangan niyang bumalik upang tulungan ang kapatid niya, ang panganay niyang kapatid ang uupo bilang CEO ng kanilang kumpanya, kapalit ng ama. Samantalang ang isa pa niyang kuya ay uupong VP for Finance na binakante naman ng kuya nila, at siya naman ang papalit sa kuya niya bilang Head ng Project and Management.

Wala siya sa loob na naglalakad sa hallway patungo sa kanyang opisina, marami siyang iniisip at si Gerald ang halos sumasakop ng kanyang isipan ng may makabangga siya.

“I’m sorry.” Paghingi niya ng paumanhin sa nakabangga niya.

“Well, well.. Isn’t this a surprise, hello Miss Geronimo.” Bati sa kanya ng lalaki sa harap.

Tiningnan niya ito ng mabuti, pamilyar ang lalaki. Matipuno ang pangangatawan, gwapo ito may pagkamestizo, ngunit may pagkamaangas ang dating nito. Nakita niyang ngumisi ang lalaki na parang nang-iinis kaya tinaasan niya ito ng kilay.

“Mataray ka pa rin kahit kalian, and it hurts my ego, for you not to remember me, Sarapot.” Sambit ng lalaki, na tila nagmistulang daan upang maalala ni Sarah ang binata sa harapan.

“Calokoy is that you?” gulat na tanong niya sa lalaking nasa harap.

Binigyan ng masamang tingin ng binata ang babae sa harapan. “Psssh.. Don’t call me that, it’s embarrassing. It’s Jake okay?”

“Asus, you called me, Sarapot nga.” Natatawang saad nito. “How are you Calo-“

“Don’t you dare call me by that name, or else I’d kiss you.” Pagbabanta ng binata na siyang kinatahimik naman ni Sarah.

Runaway...Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang