Apostle Thirteen: The Return...

By altheadelarama

11.1M 216K 62.5K

The Queen is back! One year has passed since Lyra regain her memories as Bloody Maria and she will do whateve... More

A13: The Return of the Queen
PROLOGUE:
Chapter 01: GANG WAR
Chapter 02: THE PROPOSAL
Chapter 03: AGENT
Chapter 04: UNDERCOVER
Chapter 05: THE SUPERSTAR
Chapter 06: INVITATION
Chapter 07: THE PARTY
Chapter 08: THE RETURN
Chapter 09: LYRA
Chapter 10: CONCLUSION
Chapter 11: MOVING CLOSER
Chapter 12: INFORMATION
Chapter 13: CHANGES
Chapter 14: CAPTURED
Chapter 15: REVIVAL
Chapter 16: VERDICT
Chapter 17: BROMANCE?
Chapter 18: THE CONCERT
Chapter 19: ENTRAPMENT
Chapter 20: HUNTING
Chapter 21: HELP
Chapter 22: SIBLINGS
Chapter 23: SUSPECT
Chapter 24: TOWARDS THE EMPIRE
THE TENTH APOSTLE: CAPRICORN
Chapter 26: OFFENSE
Chapter 27: PAYBACK
Chapter 28: APPEARANCE
Chapter 29: DELIBERATION
Chapter 30: ASSUMPTION
Chapter 31: RAMPAGE
Chapter 32: BEHIND THE CURTAIN
THE FOURTH APOSTLE: CANCER
THE ELEVENTH APOSTLE: AQUARIUS
Chapter 35: BRINGING IN
Chapter 36: IRONIC
Chapter 37: THE FALL OF HELENA GANG
Chapter 38: THE FIRST DAY
Chapter 39: UNVEIL
THE FIFTH APOSTLE: LEO
Chapter 41: KING vs QUEEN
Chapter 42: THE MISSING PART
Chapter 43: ASSAULT
Chapter 44: ALONE
THE EIGHTH APOSTLE: SCORPIO
Chapter 46: THE OPPONENT
Chapter 47: WAVERING HEART
Chapter 48: GOODBYE
Chapter 49: LAST KISS
THE SIXTH APOSTLE: VIRGO
Chapter 51: CONNECTED
Chapter 52: LIAM MONTENEGRO
Chapter 53: BLOOD DESCENT
Chapter 54: PRONOUNCEMENT
Chapter 55: PREPARATION
Chapter 56: TANGO IN THE NIGHT
Chapter 57: KING
Chapter 58: THE DEAL
Chapter 59: A COLD SILENCE
Chapter 60: THE MASK OF OPHIUCHUS
Chapter 61: THE CALL
Chapter 61: THE CALL (repost)
Chapter 62: AS ONE
Chapter 63: THE GANGSTER'S PRAYER
Chapter 64: KING VS THE SERPENT HOLDER
Chapter 65: WAR OF APOSTLES part 1
Chapter 66: WAR OF APOSTLES part 2
Chapter 67: THE LAST BATTLE
APOSTLE THIRTEEN
APOSTLE THIRTEEN SPECIAL
Special Chapter Part 1
Special Chapter Part 2

THE THIRTEENTH APOSTLE: OPHIUCHUS

174K 2.8K 524
By altheadelarama

THE THIRTEENTH APOSTLE: OPHIUCHUS

“Hindi ibig sabihin na masaya ka, tinatakasan mo na ang problema mo. Isa ito sa paraan para sabihin na kaya ko pa, kinakaya ko pa, may pag-asa pa...”

**********

OPHIUCHUS

Symbol: Serpent Holder, Enki, a Sumerian god.



 

Angel: Caduceus “Angel of Healing”


 

Character:

Ophiuchus the Serpent Bearer is one of those desert-sky constellations. Most people pretty much know what the Zodiac is --- the constellations on the plane of the ecliptic through which the sun passes in the course of a year --- and what their "Sun Sign" is in relation to the Zodiac (i.e., Sagittarius, Taurus, etc.). What most people don't know is that there are actually thirteen Sun Signs, NOT twelve. According to the official modern constellation boundaries that astronomers use today, the sun passes through thirteen constellations, not twelve. The Greeks chose to remove one of the original thirteen constellations from the Zodiac in order to accomplish their desire to have each sign rule for an even 30º of sky, so they selected Ophiuchus to be eliminated. It can only be because of his origins in Egypt as one of their most powerful dieties, on par with Osiris and Thoth, all of whom answered only to Ra. Mysteriously enough, just like Obeah is secret, hidden, and unknown, the "thirteenth constellation" of the Zodiac, Ophiuchus the Serpent Bearer is secret, hidden, and unknown. About one person in twenty is an "Ophiuchus," and they don't even know it.....

LIST OF KEY WORDS DESCRIBING THE SIGN OF OPHIUCHUS

Interpreter of dreams, vivid premonitions,

Attracts good luck and fruitful blessings,

Serpent holder, lofty ideals,

A seeker of peace and harmony,

Doctor of medicine or science, natural-pathic,

Adds, increases, joins, or gathers together

Poetical, inventive nature, expanding qualities,

Seeks higher education and wisdom,

Overseer, supervisor of work,

Fame - either grand, or completely misunderstood,

Longevity, aspirations of healing the ills of man,

Architect, builder, reaches for the stars, figuratively and literally,

Tax assessor, or levys taxes,

Astrological talents, intuitive, 

Large family indicated, but apt to be separated from them when young,

The number twelve holds great significance, 

Foresight and good fortune to benefit from hard times,

Has secret enemies in family or close associations,

Many jealous of this subject,

Notable father, apple of father's eye when young,

High position in life expected [depending on aspects] highest fame and legend comes after death

Feelings of grandeur, wise, a genius mentality,

Likes to wear clothing of vibrant colors, tartans and plaids in particular,

Receives the favor of those in authority.

Source:

http://the-red-thread.net/ophiuchus2.html

http://startistics.com/2012/01/ophiuchus-tips-for-astrologers-ophiuchus-cliffsnotes/

http://www.davidicke.com/forum/showthread.php?t=4101

**********

Noon, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan meron pang mga tao na higit na makakalamang sayo. Bakit kailangang may division ang lahat ng bagay? May pagkakakilanlan? At bakit hindi na lang pantay-pantay ang lahat?

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan sa inuupahan naming bahay, maliit lang ito at pinagtagpi-tagpi, sapat na para sa amin. Ipinatong ko sa mesa ang mga bagay na pangalakal ko gaya ng lata at bote na ibebenta ko matapos linisin.

“Ah”

Napatingin ako sa kamay ko na dumudugo matapos mahiwa ng isang basag na bote. Binaliwala ko ang sugat na iyon ng maagaw ang atensyon ko ng ingay mula sa kwarto.

Noong una, hindi ako sanay na marinig ang ingay na nanggagaling doon hanggang sa nakasanayan ko na lang sya. Unang beses na may pumasok na lalaki sa bahay naming, akala ko sya ang ama ko pero hindi pala. Ang isa ay nasundan pa at nasundan pero ang mas nakakatawa, iba-ibang lalaki sila.

Tiningnan ko ang kaldero at ang nakataob na plato, wala man lang pagkain o inumin, mukhang buong araw na naman akong magtitiis na walang kainin.

Hinugasan ko ang mga kalakal ko at saka naupo sa isang tabi. Patuloy parin ang ingay sa kwarto na nililikha ni mama at kung sino mang lalaki ang kasama nya ngayon.

Tiningnan ko ang kamay ko na walang tigil parin sa pagdugo at saka kinuyom ito. Napabaling ako sa may pintuan ng bigla itong bumukas at lumabas ang isang lalaki na nagbibihis habang naglalakad.

Napatingin sya sa akin at saglit na tumigil.

“Anong pangalan mo?”

Nakatingin lang ako sa kanya, sa mga mata nito. Maamo yun at malamlam hindi katulad ng iba. Bakas ito ng awa at panghihinayang pero kahit ganun, nasa itsura nya na mula sya sa isang mayamang pamilya.

“Kne—Kneel!” bulong ko dito.

“Kneel” saka ito ngumiti.

Kinuha nya ang wallet nya at saka kumuha ng pera dito at inilagay sa kamay ko. Hindi ko alam kung gaano kadami yun pero napuno ang mga kamay ko.

Ginulo nya ang buhok ko saka umalis at isinara ang pinto. Napahawak ako sa ulo ko kung saan hinawakan nya ito. Ang init ng kamay nya.

Iyun na ang huling beses na nakita ko sya at iyun na din ang huling beses na may lalaki na pumasok sa bahay namin. Nakaupo lang ako sa isang tabi habang pinagmamasdan si mama na naduduwal sa may lababo.

Gusto ko syang tanungin pero natatakot ako.

Bigla syang nagbihis at hinila ako, sumakay kami ng tricycle at tumigil sa isang malaking bahay. Ang taas ng gate nito at may fountain sila sa gitna bukod doon, ang daming bodyguards na nakapalibot dito.

Sino kayang nakatira dito?

“Pakiusap, kailangan ko syang makita”

“Hindi nga pwede eh” saka itinulak ng malakas ng guard si mama.

“Wag mong sasaktan ang mama ko”

“Kneel!”

Bago ko pa masuntok yung guard ay niyakap na agad ako ni mama at hinila sa isang tabi. Naupo lang kami doon at naghintay sa di ko malamang dahilan. Nagugutom na ako at nilalamig sa kabila ng mataas na tirik ng araw.

Tiningnan ko si mama, ang payat na nito na halos mababakat mo na ang buto nya sa katawan pero kaihit kalian hindi ko sya narinig na nagreklamo. Naghintay lang kami sa lugar nay un hanggang sa sumapit ang gabi at tumaas na ulit ang araw.

Nagugutom na ako.

Napaangat ako ng tingin ng biglang nagtakbuhan yung mga guards sa may gate dahil sa may dumating na itim na saakyan. Mahaba yun at kumikinang, ngayon lang ako nakakita ng ganung sasakyan.

Nagulat na lang ako ng makita si mama na nasa harapan na ng sasakyan at muntikan ng mabangga. Hinawakan ito ng mga guards at pilit na inilalayo pero mapilit sya.

Kinatok nya ang bintana ng sasakyan at napilitan bumaba ang sakay nun. Kilala ko sya, sya yung lalaki na huling pumunta sa bahay namin.

“Tulungan mo ako...”

Agad na lumapit dito si mama at lumuhod saka humawak sa mga paa nya. Hindi ko alam, hindi ko maintindihan kung bakit pero naaawa ako sa kondisyon at ginagawa nya.

“Buntis ako...”

Umupo yung lalaki at lumevel kay mama saka ito hinawakan sa balikat para itayo.

“Nakasisiguro ka ba na ako ang ama ng batang yan...”

“Pakiusap”

Isa pang babae ang lumabas sa sasakyan at itinulak si mama. Napasubsob ito sa sahig kaya agad akong lumapit dito.

“Umalis ka dito! Ang kapal ng mukha mo na magpunta dito”

Hinawakan nya ang buhok ni mama at saka hinatak ito, pinipigilan sya nung lalaki pero ayaw magpapigil nung babae sa ginagawa nya at ako, wala akong magawa kung hindi ang umiyak.

Bakit? Bakit kailangan nilang saktan si mama?

“Pa?”

Mula sa sasakyan ay bumaba ang isang bata na sa tingin ko ay kaidaran ko lang. Nakapormal syang damit at ang linis nyang tingnan kung ikukumpara sa akin.

“Jireh pumasok ka sa loob”

Pabalik na sana yung Jireh sa loob ng mapatingin sya sa akin, katulad ko, nagtatanong din ang mga mata nito.

“Jireh ano ba? Pumasok ka sa loob!”

Ipinasok sya nung babae at saka isinara ang pinto ng sasakyan ang sunod ko na lang nalaman ay nasa labas na kami ng mansion at naglalakad na may sira-sirang damit at hindi pa kumakain.

“Ma!”

Agad akong napatakbo kay mama at sinalo ito ng bigla syang matumba. Mabuti na lang at may mga taong nakakita sa amin at dinala kami sa isang lugar.

“Dito na po ba tayo titira?”

Lumingon ako sa paligid ko, may mga putting kurtina at puti din ang kulay ng pader isama pa na madaming higaan sa lugar.

“Gusto mo ba dito?”

“Opo, malaki ang lugar na ito at maganda”

Kung ikukumpara sa bahay naming mas maganda ito at matibay pero masyadong madaming tao dito at lahat sila nakatingin sa amin.

At sa mga matang yun doon ko naintindihan na ang tanga ko. Sobrang tanga ko dahil hinayaan ko lang ang lahat na mangyari ito.

Mabilis lumipas ang ilang buwan at nanatili kami sa hospital na yun. Lahat na yata ng paraan ginawa ko pero kulang pa din. Lumilipas ang bawat araw na sobrang bilis pero ang bigat ng pakiramdam ko.

Araw araw kailangan kong pumunta sa hospital na yun para makita ang nanghihina at unti-unti ng namamatay na katawan ni mama. Na kahit anong gawin ko kulang padin para mabuhay sya.

“Ilayo nyo sa akin ang batang yan...”

Napatingin ako sa baby na inilapit nila kay mama, sabi nila kapatid ko daw yun pero hindi mawala sa isip ko ang nangyari ng araw na yun.

“Malala na ang kondisyon nya...”

Napabaling sa akin ang doctor at lumuhod para maging kalevel ko sya. Ngumiti sya sa akin at binigyan ako ng candy.

“Wala na ba kayong ibang kamag-anak?”

Kamag-anak? Hindi ko alam ang bagay na yun pero kung meron man hindi ba dapat naandito sila ngayon?

“Ilang taon ka na ba?”

“Lima” saka ko iniangat ang kamay ko sa kanya.

Tumayo sya at bumaling dun sa isang babae na nakaputi din tulad nya. Hindi

ko na maintindihan kung anong sinasabi nila pero kinakabahan ako.

Sinundan ko yung doctor at babaeng kasama nya at napatigil sila. May isang lalaki na kausap sila, yung lalaki na umaway kay mama. Inabot nila dito yung baby at saka tumalikod.

“San nyo dadalhin ang kapatid ko?”

Tumakbo ako at hinabol sila pero agad akong hinawakan nung isang doctor at pilit na inilalayo.

“Ibalik nyo samin si Liam”

“Kneel”

Kapatid ko sya, sa amin sya. Saan nila dadalhin si Liam?

“Kneel, anak ni Mr. Montenegro si Liam kaya may karapatan sya dito at isa pa, sila na ang magbabayad ng gastusin ng mama mo...”

“Pero...”

“Bata ka pa, paglaki mo, maiintindihan mo din”

Bata pa... yun ang idinadahilan ko sa lahat, na bata pa ako kaya ok lang. Na bata pa ako kaya hindi ko maintindihan, na bata pa ako kaya wala akong magawa.

At kahit wala na si Liam, ganun parin kami ni mama, mas lalo lang lumala ang kondisyon nya sa paglipas ng mga taon. Hindi ko na nga makilala ang itsura nya dahil sa sakit nya.

Lumabas ako ng hospital at pinuntahan yung mansion. Kung kakausapin ko si Mr. Montenegro, baka tulungan nya kami bukod sa bayarin sa hospital.

Napatigil ako sa may gate ng makita ko ang isang batang lalaki na naglalaro. Mukhang nasa dalawang taon na ito, kasing idad ni Liam.

Si Liam.

Tumigil sya sa may gate at tumingin sa akin. Pinagmasdan ko ang bahay kung saan sya nakatira, ang suot nito at kung ano paman na meron sya.

Nabubuhay sya ng ganito habang kami ni mama, kahit si mama lang. Dapat ba akong matuwa o hindi?

“Liam!”

“Kuya” saka sya tumakbo dun sa isa pang lalaki na nasa likod lang nito.

Kahit ilang taon na ang lumipas, natatandaan ko ang itsura nya, si Jireh Montenegro. Napansin nya ako na nakatayo s agate kaya naman agad akong umalis at nagtago.

Nagpunta ako dito para humingi ng tulong pero hindi ko maiwasang hindi mainis. Ibinababa ko ang sarili ko sa mga taong dahilan kung bakit ganito ang condition ngayon ni mama.

Bumalik ako sa hospital at nangako na hindi na ulit lalapit sa kanila. Hindi ako lalapit sa mga Montenegro para humingi ng tulong o ano paman, hinding hindi ko gagawin yon.

Napatigil ako sa paglalakad ng mapansin ang mga doctor na nagkakagulo kung nasaang kwarto naandoon si mama. Agad akong tumakbo at tiningnna kung anong nangyayari.

“Ma?”

Nakatayo sila sa paligid ng kama habang may nakataklob na kumot dito. Wala ni isa man ang nagsasalita sa kanila o kumikibo.

“Ma”

Humarang sa akin yung isa sa mga doctor at hinawakan ako sa kamay pero tinanggal ko ang kamay nya.

“Ma!” hinawakan nila ako pero tinanggal ko parin ito at pilit na lumapit.

“Bitawan nyo ako, ma! Ma! Ma!”

Napasubsob ako sa sahig, hindi ko alam kung ilang beses akong sumigaw at tinawag sya pero hindi man lang sya lumingon sa akin. Hindi sya ngumiti at tinawag ang pangalan ko.

Nang araw ding iyon, inilibing naming si mama. Wala naman kaming kamag-anak kaya hindi na kailangan ng burol.

“Anong ginagawa nyo dito?”

“Kneel”

Pinagmasdan ko si Mr. Montenegro habang nakatingin sya sa akin. Ganun parin ang mga mata nya katulad ng una kaming nagkita. Awa, yun ang nakikita ko doon.

Awa na sila mismo ang may gawa.

Tumalikod ako sa kanya at umalis. Hindi na ako magtataka kung sasabihin nila na tutulungan nila ako o kung ano paman, dun naman sila magaling eh, yun lang ang kaya nilang gawin.

Dahil wala akong kamag-anak, napilitan akong mabuhay sa kalye, sa ibat-ibang paraan. Nangako ako sa sarili ko na babalikan ko ang mga Montenegro at ibabalik ko sa kanila ang nangyari sa mama ko.

Napatigil ako sa paglalakad at saka lumingon. Kanina ko pa napapansin na sinusundan ako ng matandang ito eh. Siguro kasama sya dun sa mga grupo na nangingidnap ng bata at ibebenta o kaya pagnanakawin.

Pero syempre, hindi ako papayag na mahuli nya ako.

Agad akong tumakbo at lumiko sa kabilang eskenita, mukhang tama nga ako na sinusundan nya ako. Pumasok ako sa eskwarter area, wala akong pakeelam kung may mabangga man ako o wala.

Kabisado ko ang kalye na ito dahil una, dito ako lumaki. Tumalon ako sa bakod na nakaharang sa dadaanan ko pero nagulat ko dahil sa mismong babagsakan ko, naandoon na agad sya.

Paanong?

Ipinihit ko ang paa ko para lumiko at tumakbo pero nahawakan nya ang kwelyo ng damit ko at nahuli ako.

Kaasar.

“Bitawan mo ako” umikot ako at sinuntok sya pero hindi tumatama ang kamay ko sa kanya.

“Teka lang...”

Napatigil ako at tumingin sa kanya saka sinipa sya sa paa.

“Aray”

“Akala mo mahuhuli mo ako ha...”

Napaluhod sya at hinawakan ang paa nya, mukhang napalakas yata ang pagsipa ko dahil nakayuko pa sya hanggang ngayon.

“Anong sinasabi mo?”

Nagtataka syang tumingin sa akin, akala nya siguro madadaan nya ako sa inosente nyang mukha, nagkakamali sya.

“Magtatanong lang sana ako sayo kaso bigla kang tumakbo...”

“Hindi mo ako maloloko, bakit kailangan sa akin ka magtanong?”

Umayos sya ng pagkakatayo saka napakamot sa ulo nya bago ulit tumingin sa akin.

“Sinubukan kong magtanong sa iba pero lumalayo sila sa akin, hindi ko alam kung anong problema...”

Pinagamsdan ko yunng lalaki sa harapan ko, nakasuot sya ng katulad sa tradisyunal na damit ng mga hapon mula ulo hanggang paa. Walang duda na lalayuan nga ito ng mga tao.

Sino bang sira ang magsusuot ng ganyan sa Pilipinas at isa pa, kung hapon man sya, ang tuwid nyang magsalita ng tagalong.

“Napahiwalay kasi ako sa mga kasama ko at naiwan ko pa ang gamit ko sa hotel...”

Hotel? Mukhang mayaman ang isang ito. Kung sasakyan ko sya, baka bigyan nya ako ng pera. Sinuswerte yata ako ngayon.

“Saan ka ba nakatira? Ibig kong sabihin yung hotel mo...”

“Manila Hotel”

Manila Hotel? Mayayaman lang ang tumutuloy doon. Ano bang klaseng tao ang isang ito? Kinakabahan tuloy ako, may mga pulis naman pero sa akin sya lumapit.

“Gabi na kaya hindi kita masasamahan, kung gusto mo bukas na lang...”

“Walang problema...”

Parang gusto kong magmura sa sagot nya isama pa na mukha syang tanga dahil hindi nawawala ang ngiti sa mukha nya. Sinong matinong tao ang magtitiwala agad sa iba at papayag ng ganung kabilis?

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang sya ay nakasunod lang sa akin. Hindi ko maiwasang hindi mainis dahil yung mga tao, napapatingin sa amin lalo na sa kanya dahil sa suot nya.

Wala naman akong damit na pwedeng ibigay sa matandang ito. Buti sana kung sya lang ang napapahiya pero pati ako.

“Malayo pa ba tayo sa bahay mo?”

“Naandito na tayo sa bahay ko”

“Wow, ang laki ng bahay mo”

Ay tanga! Nasa kalsada kami kaya natural na ang ibig sabihin ko ay wala akong bahay at kung saan saan lang ako nakatira. Hindi naman nya siguro iniisip na bahay ko ang buong Roxas Boulevard?

Pinagmasdan ko ulit sya, mukha naman syang may pinag-aralan. Sinasakyan lang yata nito ang mga sinasabi ko eh. Hindi kaya takas ito sa mental? Bakit kasi naisama sama ko pa ito.

“Nasaan ang magulang mo?”

“Wala ako nun”

Hindi ko kilala ang papa ko at si mama, matagal ng namatay. Mas lalo lang tuloy lumalaki ang galit ko sa mga Montenegro sa twing naaalala ko si mama.

“Kung ganun, gusto mong sumama sa akin?”

Sumama sa kanya? Ito nab a yung kukunin nya ako tapos ipagbebenta ang lamang loob o di kaya aalipinin? Iba na talaga ang strategy ng mga kawatan ngayon.

“Saan naman?”

“Sa Japan”

Ang lapad ng ngiti nya sa pagkakasabi nya niyan. Wala bang pamilya ang isang ito o problema? Masyadong lutang ang utak nya, pinatritripan nya lang ako eh.

“Sige ba”

As if naman na gagawin nya talaga yung sinabi nya.

O ako lang yung nag-iisip ng ganun dahil bago ko pa namalayan, nakarating na kami sa Japan. Mukhang lahat ng iniisip ko sa kanya, totoo lahat yun. Nagpunta sya ng Pilipinas para sa iassist ang crown prince ng Japan, hindi ko inakala na ganun pala kalaking tao itong kasama ko.

“Bitawan mo ako! Bitawan mo ako!”

Pilit kong tinatanggal ang kamay nya sa damit ko pero masyado syang malakas at ayaw nya talaga akong bitawan.

“Caleb!”

Isang lalaki na nakayukata ang lumabas ng bahay at sinalubong kami. Dumako ang tinngin nya sa lalaking ito na nagngangalang Caleb bago tumingin sa akin.

“Nai”

“Dare ga soko ni kodomo? (Sino ang batang yan?)”

Pinagmasdan nya ako bago napatapik sa noo nya at tiningnan ng masama si Caleb na para bang naiintindihan na nya ang sitwasyon.

“Watashi wa jibun no ie no satooya no ie o tsukuru tame ni nanigadekiru? (Pwede bang wag mong gawing bahay ampunan ang bahay ko?)”

“Hahahha... Sabi nga nila, kapag mas madami mas masaya” saka nya ako binitawan at itinulak papasok ng bahay.

Tumalikod ako at patakbo palabas ng bigla nyang isinara ang gate. Mukhang alam nya na tatakas ako sa kanila.

“Kung ginagawa mo ito dahil nangungulila ka sa anak mo, bakit hindi mo na lang sya kunin kesa kung sino-sinong bata ang dinadala mo dito?”

Tumawa lang si Caleb sa sinabi nung Nai at pumasok sa loob. Pinagmasdan ko ang buong lugar, malaki ito pero makaluma ngunit kahit ganun, mukhang matibay parin ang bahay na ito.

Napabalik ang tingin ko sa kanila ng lumapit ang isa pang batang lalaki na sa tingin ko ay kasing idaran ko lang. May hawak itong wooden sword at nakasuot din ng yukata.

“Master!”

“Lowell” saka nito ginulo yung buhok ni Lowell.

Napatingin sa akin si Lowell at napakunot noo, nagtataka sa presensya ko. Hinatak nung Lowell yung laylayan ng Yukata ni Caleb saka tumingin dito. Ngumiti lang ito at humarap ulit sa akin.

“Lowell, this is Kneel. Since, anak ko din sya, parang kapatid mo na din si Kneel” napakamot pa ito ng ulo na parang iniisip kung tama ba ang sinabi nya.

Pinakilala nya akong anak nya pero anak nya din ang isang ito. Malayo ang mukha nung Lowell kay Caleb kaya siguro pareho kami ng sitwasyon ng batang ito.

“Tama, magkapatid kayo”

“Nani - anata ga anata no kodomo o oshieru n... (Kung ano-anong tinuturo mo sa mga bata...)” saka sinipa ni Nai si Caleb sa likod, muntikan pa itong mpasubsob sa sahig pero tumawa lang si Caleb na para bang napakanormal na bagay nun.

Hindi ko alam kung bakit ako naandito pero mas mabuti na ito kesa sa lansangan ako nakatira. Ito ang unang beses na nakapunta ko ng ibang bansa at sa japan pa, mabuti na lang at marunong silang magtagalog.

Napansin ko na parang school din ang lugar na ito dahil kung ano-ano ang itinuturo nila. Mga ibat ibang lenggwahe at kung papaano humawak ng katana.

Pinagmasdan ko yung Lowell habang nagtretraining kasama si Master Nai. Wala naman akong nakikitang espesyal sa Nai at Caleb nay un pero ang taas ng respeto ng mga tao dito sa kanila.

Kung tutuusin, mas mukha pa silang isip bata kesa sa akin. Madalas ko lang silang nakikita na naglalaro at nagtatawanan.

Napakuyom ako.

Paano nila nagagawang mabuhay ng ganito, pati na din ang mga Montenegro? Sa labas ng pintuan na yun, naandoon ang totoong buhay hindi yung ganito.

Alam ko na marami pang tulad ko sa labas.

Napaangat ako ng tingin ng lumapit sa akin si Caleb at ibinuka ang palad ko. Sobrang diin ng pagkakakuyom ko na dumugo ito.

“Kailangan kong umalis sa lugar na ito”

Nangako ako sa sarili ko, babalikan ko ang mga Montenegro, ibabalik ko sa kanila lahat ng dinanas namin.

“Bukas ang pinto kung gusto mong umalis at bumalik” saka sya ngumiti sa akin.

Sa ginagawa nya, mas lalo lang akong naiinis. Bakit ba nya ako dinala dito? Bakit ba hindi na lang nya ako pabayaan? Bakit

nakukuha pa nyang ngumiti na parang wala lang?

“Pwede ba! Wag kang ngumiti na parang okay lang sayo lang lahat, na para bang wala kang problema o kung ano paman!”

“Masama ba?”

Saglit syang tumigil at sumulyap sa akin bago tumingin ulit kina Lowell. Hindi ko na maalala ang pakiramdam na maging Masaya dahil sa mga nangyari.

“Masama bang maging masaya at ngumiti sa kabila ng masamang nangyayari sayo? Masama ba na kahit ang dami mo ng problema, nakukuha mo pang ngumiti?”

“Sa tingin mo ba may mangyayari sa ginagawa mo? Niloloko mo lang ang sarili mo”

Alam ko pareho lang kami, katulad ng sinabi noon ni Nai sa anak nya. Pilit nyang tinatago kung ano talaga ang nararamdaman nya at nagkukunwari.

Ganun ang tao pero hindi ako, hindi ko kailangang magbulag-bulagan at baliwalain lahat ng nangyari sa akin.

“Hindi ibig sabihin na masaya ka, tinatakasan mo na ang problema mo Kneel. Isa ito sa paraan para sabihin na kaya ko pa, kinakaya ko pa, may pag-asa pa...”

Lumapit sya sa akin at saka ginulo ang buhok ko. Sinubukan kong tapikin ang kamay nya pero para akong nawalan ng lakas. Tumingin sya sa akin ng nakangiti, katulad dati ng una kaming nagkita.

“Bata ka pa, wag mong dalhin ang problema ng mundo sa balikat mo. Alam ko, hindi ganun kaganda ang nangyari sayo. Lahat tayo dumadaan sa ganung pagsubok pero kung magpapadala ka sa galit mo, hindi mo makikita ang kagandahan sa mundong ito...”

“Sinasabi mo lang yan pero ang totoo...” ngumiti si Caleb.

Pakiramdam ko, wala akong laban sa kanya. Masyadong positibo ang taong ito sa buhay na kahit anong gawin ko, kahit ano pang sabihin ko, babalik at babalik lang sa akin yun.

“Hindi ko maintindihan!” pinipigilan kong pumatak ang mga luha ko.

Kung hindi dahil sa mga Montenegro, hindi mamamatay si Mama, hindi nya kailangang maghirap ng ganun at si Liam.

“Hindi mo kailangang intindihin, basta alam mo ang tama sa mali, sapat na yun”

Tumalsik ang wooden sword ni Lowell at bumagsak sa paanan ni Caleb. Inilapat dito ni Caleb ang paa nya saka inihagis pataas ang sandata at sinalo.

“Need help?”

Ngumiti si Nai at pinatong ang wooden sword nito sa balikat nya saka nagsalita.

“Sigurado ka? Hindi kita pagbibigyan...”

“Yun din ang gusto ko”

Sumugod si Caleb kay Nai at hindi ko maiwasang hindi mamangha. Ang husay ng pagkakahawak nila sa armas nila na para bang ginawa lang yun para talaga sa kanila. Kahit na kitang kita mo ang advantage ni nai, hindi parin nagpapahuli si Caleb.

Napatingin ako sa langit, sumapit ang gabi at ang tahimik ng lugar. Normally, sa mga ganitong oras, naghahanap na ako ng matutulugan ko o pupuntahan pero ngayon, naandito lang ako sa bahay na ito at nakahiga sa bubong.

Bumangon ako at bumaba, babalik ako ng Pilipinas, kahit anong mangyari, babalik ako.

“Anong nangyari?”

Umiwas ako ng tingin kay Caleb habang papalapit sya sa akin. Napapalibutan ako ng mga tao sa mansion habang pilit kong itinatago ang sarili ko.

“Wareware wa, ichiba de no kanojo o mita, saiwai kanojo wa kare o mite ita” (Nakita namin sya sa palengke, mabuti na lang at may nakakita sa kanya)

“Kneel”

Pinagmasdan nya ako, ang payat kong katawan na puno ng sugat at galos. Ang sira-sira kong damit, at ang dugo sa bawat sugat ko.

Sinubukan kong tumakas at hanapin ang daan pabalik sa Pilipinas pero hindi ko alam kung saan ako napadpad. Nakaharap ko yung mga yakuza na hindi ko naman nakilala hanggang sa maging ganito na nga.

At gaya nga ng sabi ng isa sa kanila, nakita ako ng mga tauhan ni Nai at dinala pabalik dito.

Lumapit sa akin si Caleb at iniangat ang kamay nito na mabilis ko namang tinapik papalayo.

“Huwag mo akong hahawakan!”

Sobrang lakas ng pagkakatulak ko na natumba sya, lumapit sa kanya ang mga kasamahan nya at inalalayan itong tumayo.

“Master Caleb”

Lalapit pa sana ang isa sa kanya ng pigilan nya ito at naupo sya sa tabi ko. Kinuha nya ang first aid kit sa tabi nya at binuksan.

“Let me see...”

Kahit na ayoko, nagpumilit parin syang tingnan ang ma sugat ko sa katawa pati ang mga galos. Masakit at mahapdi pero higit sa lahat, mas masakit yung pride ko na nnilunok ko dahil sa kanya.

“Sa susunod na aalis ka sa lugar na ito, siguraduhin mo na hindi ka mapapahamak o masasaktan. Kung ayaw mong tulungan ka ng iba, wag kang gagawa ng bagay na pwede silang kumilos ng ganon...”

Matapos nyang gamutin ang mga sugat ko ay ginulo naman nya ang buhok ko saka ngumiti.

“Bakit? Bakit? Bakit mo ginagawa ang lahat ng ito?”

“Sinabi ko na sayo hindi ba? Anak kita at trabaho ko na protektahan ang lahat ng anak ko”

Anak?

Sa kabila ng ginawa ko iyun parin ang tingin nya sa akin. Tumingin ako sa mga tao sa paligid naming, lahat sila ay nakangiti sa akin at naghihintay sa kung anomang sasabihin ko.

“Pwede ba kitang maging papa?”

Mukhang nabigla naman silang lahat sa sinabi ko maliban lang kay Caleb. Kahit kalian, hindi ko naranasan magkaroon ng ama, ni hindi ko nga kilala ang totoong papa ko.

“Oo naman”

“Bakit ka agad pumayag?”

Sinipa ni Nai sa likod si Caleb na tumawa lang sa naging reaksyon nito at dahil doon, hindi ko na din napigilan ang sarili ko na hindi mapatawa saka yumakap kay Caleb.

“Papa”

Ito ang unang beses na nagkaroon ako ng ama, na naramdaman ko na may pamilya ako at nag-aalaga sa akin. Sana nga, si Master Caleb na lang ang totoo kong papa.

“Papa, sino po sya?”

Lumapit ako sa kanya ng makita na may hawak sya na isang larawan. Batang lalaki din ito at halos kaidaran ko o ams matanda lang ako ng ilang tao.

“Anak ko, ang gwapo no hahahah”

Ilang beses ko ng naririnig kay Nai sat wing mag-uusap sila ang tungkol sa anak nya.

Kung ganun, bukod sa amin ni Lowell, may iba pa pala syang anak.

Pinagmasdan ko yung picture, mukhang galing sa isang kilalang pamilya yung nasa larawan. Based sa damit nito at prostura, at yung aura nya.

“Kapatid ko din sya?”

Pinagmasdan ko si papa, ito ang unang beses na nakita ko syang ganun. Nag mga mata nya, puno ng sakit at pangungulila.

“Oo”

Hindi na ako nagtanong pa sa kanya kahit na gusto kong malaman ang totoo dahil sinasagot ako ng bawat pagngiti nya. Mabilis lumipas ang mga araw na para bang nakalimutan ko na kung ano ba ako noon. Lahat ng sakit na nararamdaman ko, inalis lahat yun ni Caleb.

Akala ko habang buhay na kaming ganon, na okay at maayos na ang lahat. Na ito na yung hinahanap ko.

“Anata ga shiyou to shite iru otōsan, (Papa, saan ka pupunta?)”

Nakita ko sya sa may pintuan at naandoon din ang lahat. Bibihira lang sya umalis ng bahay at sa tuwing aalis sya, kasama nya si Nai o mahalaga ang lakad nya.

“Watashi wa watashi no otōto ni iku yo (Pupuntahan ko ang kapatid nyo)”

Kapatid?

Napalingon ako kay Lowell na nakangiti habang nasa likod ng ulo nito ang dalawa nyang kamay.

“E no mono ka o jikkō (Yung nasa picture po ba?)”

“Masutā wa, uwamuki no o iji suru koto o wasurenaide kudasai (Master, wag nyong kakalimutan ang pasalubong ko ha)” isang malawak na ngiti ang binitawan ni Lowell.

Pinagmasdan ko silang lahat, bakit parang ako lang ang may ayaw na umalis sya? Lahat sila nakangiti dito na parang wala lang, maging si Nai.

“Sigurado ka ba dito? Edogawa ang makakabangga mo...”

“Ikaw ang nagsabi na puntahan ko ang anak ko kesa sa magdala ng mga bata dito”

Kinakabahan ako, ayoko syang umalis, ayokong iwan nya ako. Sya na lang ang meron pa ako.

“Anata ga usetsu kaeshimasu? (Babalik ka naman diba?)”

Natahimik silang lahat sa sinabi ko na para bang isa itong malaking pagkakamali o ipinagbabawal. Lumapit sa akin si Cale at lumevel saka ako niyakap.

Ayoko syang umalis.

“Oo naman”

Yun ang pinanghawakan ko sa sinabi nya, nababalik sya. Kahit kalian, hindi pa nabali ang mga pangako nya sa akin pero bakit hanggang ngayon, hindi pa sya bumabalik?

“Kare wa dare? (Sino sya?)”

Lumapit ako kay Lowell na kausap yung isa sa mga kasambahay at nakatingin sila dun sa isang batang lalaki na kasama ni Nai. Hindi ko maaninag ang mukha nya dahil nakayuko ito at puno ng dugo ang katawan.

“Masutā no musuko Caleb (Anak sya ni Master Caleb...)”

“Kung ganon, pareho po kami” bulong ko sa kanila.

Kung may bata ulit sa bahay na ito ibig sabihin, bumalik na si papa.

Sya lang naman ang nagdadala ng bata dito. Bumalik sya katulad ng pangako nya.

Gusto ko syang makita.

“Ah, anak, tunay na anak Kneel...”

Napatigil ako sa sinabi nung babae at tinitigan ulit yung sinasabi nilang anak ni papa. Kahawig nya yung bata sa picture na tinitingnan nya dati.

“Otōsan kudasai? Doko kanojo wa? (Si papa po? Nasaan sya?)”

Tumingin lang sa akin yunng babae at umiwas ng tingin, tumingin ako kay Lowell at mukhang hindi nya din alam ang sagot.

“Kare wa kanojo o kaesu to iu (Sabi nya babalik daw sya...)”

Tumakbo ako at nagpunta sa kwarto kung saan angpunta sina Nai. Gusto kong makita si papa, gusto kong malaman ang totoo.

Napatigil ako dahil sa lakas ng pagsigaw na nangaggaling sa loob.

“Ako ang pumatay sa kanya...!”

Hindi ko nagawang buksan ang pinto dahil sa narinig ko. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nya pero iba ang kaba at pakiramdam ko sa bagay na ito.

“Kneel, Anata wa soko ni nani o shite iru? (anong ginagawa mo dyan?)” si Lowell na sumunod sa akin.

Tumalikod ako at naglakad pabalik, ayokong magtanong, ayokong sabihin nila kung nasaan si papa. Nangako sya sa akin, nangako sya na babalik sya kaya...

“Kneel”

Napabagsak ako sa pagkakatayo, nanlalambot ang tuhod at mga paa ko at hindi ko na magawang makatayo. Si papa...

Lumapit sa akin si Lowell at inalalayan ako. Isang bagay lang ang dapat kong gawin para makumpirma ang bagay na ito.

“Master Nai!”

Nagderetsyo ako sa kwarto ni Nai at sakto naman na naandoon sya at gumagawa ng calligraphy. Sumulyap sya sa akin at itinuloy ulit ang ginagawa nya.

Mabuting tao si Nai at masayahin katulad ni Caleb pero pagdating sa akin, ibang–iba ang ugali nya at hindi ko maintindihan kung bakit. Tinanong ko sya noon sa bagay na ito pero isang bagay lang ang sinagot nya sa akin.

Ang sabi nya, kaya nyang kilalanin ang kalooban ng isang tao, kung masama ba ito o mabuti at kung ano paman.

“Sabihin nyo sa akin ang totoo, si Master Caleb, si papa, babalik pa naman sya hindi ba? Babalik sya! Nangako sya!”

Napasuntok ako sa lamesa nya pero parang baliwala lang ito sa kanya at itinuloy ang ginagawa nya. Lumapit sa akin ang ilan sa mga tauhan nya at pinigilan ako.

“Kneel, tumigil ka nga. Sorry Master Nai”

Pilit akong inilalabas ng mga tauhan nya pero nagpupumilit akong pumasok. Gusto kong malaman mismo sa kanya ang totoo.

“Nai!!”

Itinigil nya ang ginagawa nya at tumingin sa akin. Sa mga mata palang nya, alam ko na agad ang sagot. Hindi ko alam kung gusto ko pa ba itong marinig sa kanya o aalis na lang.

“Īe, kanojo wa modotte kuru koto wa arimasen... (Hindi, hindi na sya babalik...)”

“Pero nangako sya...”

Yumuko sya at itinuloy lang ulit ang ginagawa nya. Kung hindi na makakabalik si papa alam ko, may dahilan at alam ni Nai yun.

“Kanojo wa yakusoku yun o mitashite inai koto... (Hindi na nya matutupad ang pangako na yun..).”

Ako ang pumatay sa kanya...

Iyun ang sinabi ni Kanata na anak ni papa at ayokong isipin ang bagay na totoo nga ito. Ayoko.

“Sinungaling ka”

Itinulak ko papalayo ang mga tauhan nya at sumugod kay Nai. Hindi totoo ang sinasabi nya, nagsisinungaling lang sya.

Hindi paman ako nakakalapit sa kanya ay bumagsak na ako sa kinatatayuan ko. Isang maliit na erasare ang tumama sa nook o, sobrang lakas na napabagsak ako.

Pinunsan ko ang luha sa mga mata ko. Ayokong umiyak dahil sa oras na gawin ko yun, tuluyan na nga syang mawawala at ayokong mangyari ang bagay na ito. Hindi kay papa.

“Yo!”

Papunta na kami sa training namin ni Lowell ng makasalubong namin si Kanata. Mukhang kahit isa man sa bahay na ito, walang balak pagusapan ang nangyari sa kanya.

At ang mas masakit, nung araw na umalis si papa, alam nilang lahat na imposible na syang makabalik pa. Ako lang talaga ang umaasa.

“Anak ka ni Master Caleb diba?”

Hindi nagsalita yung Kanata at umiwas lang ng tingin sa amin. Sya ang pumatay kay papa, pinatay nya ang sarili nyang ama at dahil doon, tuluyan na syang nawala sa amin at hindi na makakabalik pa.

“Ako si-“

Nakangiting itinaas ni Lowell ang kamay nya dito, hindi ko maintindihan kung bakit ganun lang nila kadaling natanggap ang lahat ngayon alam nila na ito ang pumatay kay Caleb.

“Lowell” sagot nung Kanata.

“Oh, Watashi o oboete imasu ka? Koreha Kneel-kun (Naalala mo ako? Ito si Kneel” saka ako hinila ni Kneel at iniharap sa kanya.

Pinilit kong ngumiti sa harap ni Kanata pero hindi ko magawa. Pumapasok sa utak ko ang araw na makita sya na puno ng dugo at ang dugong yun ay kay papa.

“Anata ga nanika no rihāsaru o motte imasu ka?

(Magprapractice ka din ba?)”

“Sabi ni Nai...” tipid nitong saad.

Sinundan ko lang sila ng tingin ni Lowell habang naglalakad kami papunta sa dojo. Mas lalong nakakadagdag sag alit at inis ko ay ang pagkausap sa kanya ni Lowell.

“Kneel?”

Agad kong hinarang si Lowell matapos ang training naming at isinandal sya sa pader. Itinuon ko sa dibdib nya ang kamay ko para hindi sya makatakas o makaalis.

“Bakit ganun? Kung umasta kayo parang baliwala lang ang pagkamatay ni papa”

“Ano bang sinasabi mo?”

Pilit nyang tinatannggal ang kamay ko pero pilit ko din itong idinidiin sa kanya. At isa pa, bakit kailangan nilang tanggapin ang Kanata na yun matapos nyang patayin si papa?

“Lowell, pati ba naman ikaw?”

Tinanggal ko ang kamay ko sa kanya. Ako lang ba ang nakakaramdam nito? Ayokong mawala si papa, ayoko syang kalimutan. Gusto kong bigyan ng hustisya ang pagkamatay nya.

“Kanojo ga natte... (Pinatay sya...)”

“Master Caleb wa kanojo ga Edogawa ni iku toki ni ikite iru kare o modosu koto wa fukanō shitteita (Alam ni Master Caleb na imposible ng makabalik pa sya ng buhay sa oras na pumunta sya sa mga Edogawa...)”

Mahigpit na magkalaban ang Aragon at Edogawa kaya lang hindi nila magalaw ang isat-isa ay dahil sa connection ng Aragon sa Royal family.

“Shikashi, kare wa yakusoku shita, watashi wa kare ga sore o mitasu koto o shitteita. Kanojo no kodomonotameni-sōdenai baai (Pero nangako sya, alam ko tutuparin nya yun. Kung hindi dahil sa anak nya)”

“Kneel!”

Totoo naman ah, kung hindi dahil kay Kanata hindi sya pupunta doon, hindi sya mamamatay. Makakabalik pa sya dito at...

“Okay lang yan... Kapag may isang umaalis, may isa ding dumadating.” Saka ngumiti sa akin si Lowell.

“Iiwan mo din ba ako?”

“Hindi, pangako ko yan sayo...”

Pero nung araw na yun, kahit na alam kong nangako si Lowell, nararamdaman ko na namawawala din sya katulad ni papa. Na sinabi nya lang ang bagay nay un para pagaanin ang loob ko.

“Gagamitin ni Kanata ang pangalan ni Caleb-“

“Nai!”

Hindi pa ba sapat na kinalimutan na nila ang ginawa nya kay papa, pati ba naman pangalan nya gagamitin pa nito?

“I know na matutuwa si Caleb kapag ginamit ng anak nya ang pangalan nya...”

Because he is the real son...

“Iilan lang kayo na nakakaalam

sa bagay na ito at sana panatilihin na lang nating sikreto...”

“Naiintindihan ko...”

Kahit na hindi. Tuminngin ako kay Nai na abala sa binabasa nya, ang komplikado at misteryoso ng taong ito. Sa una akal ko simple lang sya at mababaw mag-isip pero hindi pala. Na para bang nagliliwaliw lang sya at walang pinagkakaabalahan pero sya pa ang maraming alam.

Itinaas ko ang katana ko para sanggain ang kay Caleb saka sumipa.

Hinrang ko ang atake nya sa may harap at likod bago nya ako tinalapid.

Ganun kabilis lumipas ang mga oras at kahit hindi ko tanggap ang mga pangyayari ay wala akong magawa. Hanggat nasa poder ako ng mga Aragon, wala akong magagawa.

“Yosō sa reta yō ni... (Katulad ng inaasahan...)”

Lumapit si Lowell sa akin at inabot ang kamay ko saka ako tinulungang tumayo. Training naming ngayon at si Kanata ang kapareha ko.

“Nanalo ka...”

Iniabot ko ang kamay ko para sa isang shakehands. Habang lumilipas ang panahon, natuto na akong itago ang emosyon ko o kung anoaman ang nararamdaman ko para hindi na ako masaktan pa ng iba.

“Naze anata wa itsumo watashi o ataete imasu ka? (Bakit ba lagi mo akong pinagbibigyan,) Kneel?”

Nabigla ako sa sinabi nya, kung ganon, alam nya pala. Kung ako lang ang masusunod, gusto ko na syang patayin o pahirapan pero alam ko na hindi ko magagawa ang bagay nay un hanggat naandyan si Nai.

“Watashi wa anata no subete o ataete inainode, watashi wa shōri ga, yo... (Nananalo ako pero dahil yun sa hindi mo binibigay lahat ng kaya mo...)”

Gulat-gulat naman si Lowell at tumingin sa akin na parang gusto nyang kompirmahin ko ang bagay na iyun.

“Hindi ko pwedeng gawin yon. Anak ka ni Master Caleb...”

Master... kahit gusto ko syang tawaging papa hindi ko na pwedeng gawin yun dahil hindi naman ako ang totoong anak. Hindi na mawawala sa amin ang katotohanan na isa syang Aragon at kami, sampid lang sa bahay na ito.

“Pupunta si Caleb sa Pilipinas”

“Kasama ba kami?” excited na tanong ni Lowell.

“Oo”

Pilipinas. Ang tagal na din ng huli akong magpunta sa bansang iyon at ngayon, babalik kami doon. Sigurado ako na may kinalaman na naman ito kay Kanata.

“Yes! Maghahanda na ako”

Lumabas na ng kwarto si Lowell at pasunod na din ako sa kanya ng bigla akong tawagin ni Nai kaya bumalik ako.

“Naniniwala ako na lahat ng tao sa mundong ito ay masama pero mas pinili nilang maging mabuti. Kaya normal lang na mag-isip ka ng mga ganung bagay, dahil natural sa isang tao yun pero may hangganan ang lahat ng bagay...”

At dahil doon mas lalo akong naiinis sa kanya. Para bang alam na alam ni Nai kung anong tumatakbo sa isip ko o gusto kong gawin, na nababasa nya kung sino talaga ako.

“Ano pong sinasabi nyo?”

“I am no more an Apostle and this is not my fight kaya hindi ako mangengeelam pero...”

Apostle Thirteen, nalaman ako ang tungkol sa kanila ng minsang marinig ko si Nai at Caleb na magusap tungkol sa maskara nito. Hindi ko pa naiintindihan amsyado dahil wala din naman sa libro ang tungkol sa kanila.

“Wag po kayong mag-alala, ako ng bahala kay Kanata”

Agad akong lumabas ng kwarto nya at huminga ng malalim. Para akong sinasakal sat wing kinakausap ko si Nai. Ganun nga yata kapag isa kang Apostle, presensya mo palang, kakabahan na agad sila sayo.

Pabalik na ako sa kwarto ko para magimpake ng makita ko si Kanata sa dojo na nageensayo. Aaminin ko na mahusay talaga syang humawak ng katana at parehong pareho kami ng istilo. SIguro dahil parehong si Nai at Caleb ang nagturo sa aming dalawa.

Pumunta ako sa dojo at pinanuod sya, kung dati, tahimik sya at ilag sa mga tao, nagbago na ang bagay na yun. Kinuha ko ang isang katana at ng umikot si Kanata ay sinangga ko ang katana nya ng katanang hawak ko.

“Kneel”

Bahagya kong inilapit sa akin ang katana saka sya itinulak ng malakas, napaatras sya pero napanatili nya ang balance nya.

“Before we leave, can we settle this at sa pagkakataong ito, seryoso na ako...”

Itinutok ko sa kanya ang katana na hawak ko na nagpangiti naman sa kanya. Bahagya syang tumalon talon sa kinatatayuan nya at sa huli nyang pagtalon, biglang sumugod sa akin si Kanata.

Iniharang ko ang katana ko sa kanya at saka pumihit sa gilid at sinipa sya sa tagiliran. Napaatras sya ulit sa ginawa ko at bago pa sya makabangon ay sumugod na ulit ako.

Inihagis nya sa kabila nyang kamay ang katana at saka sumabay sa akin. Yumuko si Kanata at saka ako sinuntok sa sikmura. Pinaikot ko sa kamay ang katana ko at saka itinaas.

Ito na ang pagkakatao ko, kung papatayin ko sya ngayon, magkakaroon na ng hustisya ang pagkamatay ni papa. Pwede kong sabihin na masyado kaming nadala sa training na ito at katulad ng pagpapatawad nila sa kanya, ganun din ang gagawin nila sa akin.

Hindi nila ako pwedeng sisihin o saktan dahil anak din ako ni Caleb.

Itutusok ko na sana ang katana sa kanya ng biglang may humarang dito ay itinulak pataas. Nabitawan ko ang katana ko at tumalsik ito papalayo.

“Nai”

Bago pa man ako makapagreact sa nangyari, lumapat na sa mukha ko ang isang malakas na sampal mula sa kanya.

“Nai, Watashi wa kore ga suki... (ako ang may gusto nito...)”

“Watashitachi ni keikoku shita, to anata wa watashi no ryōdo ni iru kagiri, watashi wa hōritsu ni shitagatte kudasai. (Binalaan na kita, hanggat naandito ka sa teritoryo ko, susundin mo ang batas ko...)”

Yumuko ako at umiwas ng tingin kay Nai habang pinupulot nito ang mga katana na ginamit namin.

“Kneel- Ni warugi nai... (Walang kasalanan si Kneel...)”

“Wala nga ba?”

Wag mo akong tingnan ng ganyan, Nai. Wag mo akong tingnan na para bang ako na ang pinakamasamang tao na nakilala mo.

Umalis si Nai at iniwan kami, kung hindi sya dumating possible na napatay ko na si Kanata.

“Sorry”

“Wag mong isipin yon, OA lang talaga yung si Nai, tumatanda na kasi hahaha”

At ng araw ding iyun, umalis kami ng japan at pumunta ng Pilipinas pero may mga pagkakataon na bumabalik ako sa Japan. Hindi ko alam kung hanggang kalian ako magiging ganito.

“Nande? Alam mo na hindi ko matanggap ang pagkamatay ni Caleb at ang anak nya tapos...” sinasadya nya talaga na pagsamahin kaming dalawa.

“Naze? (Bakit?)”

“You never changed.”

Napatigil ako sa sinabi ni Nai ng minsan akong bumalik sa Japan. Nakiusap ako sa kanya na iba na lang ang ipasama nya kay Kanata at hindi ako pero ayaw nyang pumayag.

Alam nya kung gaano kalaki ang galit ko sa isang yun.

“Anata wa imamade kaette kurunode, dare mo onegai shite imasendeshita. (Simula ng dumating ka sa bahay na ito hanggang sa ngayon, wala kang ibang ginawa kung hindi magtanong.) Know the answer yourself, Kneel. Watashi wa Caleb o oshie, junban ni anata no koto o oshiete... (Hindi ako si Caleb na tuturuan at sasabihin sayo ang mga bagay bagay...)”

Pakiramdam ko pinaglalaruan nya ako, kahit na sinasabi nya na hindi sya mangengeelam, para bang pinaparusahan nya ako sa mga desisyong ginagawa nya sa pagitan namin.

Alam ko naman na mas papaboran nya si Kanata pero bakit kailangan nyang gawin sa akin ito?

Hindi pa ako nakakalayo sa mansion ng mga Aragon ng may makasalubong ako na grupo ng mga tao. Hindi lang sila grupo, para silang isang samahan katulad ng mga clan.

Nagmamadali silang tumakbo na para bang may tinatakasan at sa kamay ng isa sa kanila nakita ko ang isang pamilyar na maskara.

“Sandali (Matsu)”

Shit! Ano bang ginagawa ko? Bakit hinahabol ko pa sila sa halip na umalis na lang? Bakit sumusunod ang mga paa ko sa kanila?

Simula ng dumating ka sa bahay na ito hanggang sa ngayon, wala kang ibang ginawa kung hindi magtanong.

Mukhang tama nga si Nai. Wala na akong ginawa kung hindi ang magtanong na lang. Lahat na lang ng bagay kinukwestyon ko.

Nagtago ako para hindi nila makita, ano kayang ginagawa nila at bakit nasa kanila ang maskara ng isa sa mga Apostles? Alam kaya ni Nai ang tungkol dito?

Nanatili ako sa kinalalagyan ko habang nakikinig sa kanila, masyadong delekado kung lalabas ako ngayon, armado sila at madami kaya mahihirapan ako kung susugurin ko sila.

Mas maganda kung ngayon palang umalis na ako at kalimutan ang nangyari.

Umatras ako at dahan-dahan naglakad pero lintik, nasipa ko yung isa sa mga lata sa gilid at lumikha ito ng ingay.

“Soko ni daredesuka? (Sinong naandyan?)”

Shit! Ang tanga mo Kneel, mukhang wala na akong takas ngayon. Napahawak ako sa dibdib ko para pakalmahin ang sarili saka lumabas at nagpakita sa kanila.

Mukhang illegal na transaction ang nakita ko ngayon at ibinebenta nila ang maskara. Hindi ba alam ng mga ito kung anong kapangyarihan meron ang isang Apostle at pinagbebenta nila ang maskara nito ng ganun ganun lang?

“Kodomo? (Isang bata?)”

Napatawa sila ng makita ako, hindi ko maiaalis na bata pa nga ako at laging ganun ang tingin nila sa akin pero kung may isang bagay man akong natutunan kay papa, iyun ay ang huwag maliitin kahit sino man ang kalaban mo.

Itinutok ng isa ang baril nya sa akin, mabilis naman akong tumakbo pasugod sa kanila bago pa nya ito maiputok. Pinilipit ko ang kamay nya at saka inipit dahil doon, nabitawan nya ang baril nito.

Sunod ay sinipa ko ang isa sa mukha at sa sikmura. Mukhang malalaki lang sila pero wala silang alam sa pakikibang laban. Advantage ko na siguro na sa Aragon ako lumaki at nagsanay.

Napaatras ako ng hugutin ng isa sa kanila ang katana nito. Nasugatan nya ako sa may balikat at mabilis din naman itong dumugo.

Kung may katana lang din sana ako.

Hindi, hindi dapat ako umaasa sa armas o sandata para manalo. Kailangan kong dumepende sa sarili kong lakas.

Mabilis syang umatake sa akin habang ako naman ay puro pag-iwas lang ang ginagawa isama pa na sumasabay sa pagsugod ang mga kasamahan nya. Kung tutuusin, ito ang una kong laban na hindi miyembro ng Aragon ang nasa harap ko.

Yumuko at at pumailalim sa may hawak ng katana saka ito sinuntok sa may baba, inagaw ko ang katana na hawak nya at saka pumihit bago ito isaksak sa kanila.

Napatingin ako sa kamay ko, dugo.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko, sa halip na matakot o magsisi sa nakikita ko, parang gusto ko pang makakita ng dugo. Hindi ng dugo ko pero dugo ng ibang tao...

Kung naging ganito rin ba ako dati, mamamatay ba si mama at papa? Kung naging ganito lang ako kalakas noon, sa tingin ko hindi ko mararanasan ang lahat ng ito ngayon.

Tama ito ang lakas na kailangan ko.

Kung magpapatuloy akong ganito, wala ng makakapanakit sa akin at makakapaghiganti na ako sa Montenegro at kay Kanata.

Gamit ang katana, mabilis akong sumugod at inatake sila. Iniikot ko ito at pinuntirya ang vital points ng mga ito.

Ito ang gusto ko noon paman, ito ang tinatago ko na hindi ko mailabas. The desire to kill someone. Sinawakan ko sa balikat ang isa sa kanila at pinagsasaksak ito, hindi ko sya tinigilan hanggang sa makontento ako.

“Matte, Kare wa kureijīdesu (Teka, nababaliw nab a sya?)”

Hindi ko alam kung anong expression o kung anoman ang nakikita nila sa akin ngayon pero gusto ko ang takot sa mukha nila, ang kaba nila

na parang nararamdaman ko na din.

Ipinagpag ko ang katana at kumalat lalo ang dugo sa sahig. Bata? Tama isa lang akong bata, yun ang gusto kong isipin nila. Kinuha ko ang maskara ni Ophiuchus na nakakalat sa sahig at sinuot ito.

“Matte (Wait)”

Bahagya akong nag-inat habang nakatingin sa kanila. Gusto kong marinig ang boses nila, boses na takot at nagmamakaawa.

Bigla akong napangiti sa naiisip ko at bumaling sa kanila. What is that famous line of the Apostle an ayaw na ayaw marinig ng lahat. Tama, its...

“Welcome ad infernum...”

Pagkatapos ng gabing yun ay bumalik agad ako sa Japan, ayokong maghinala sila Kanata na matagal akong nawala. I am now an Apostle and I have the power of one, konti na lang, mangyayari na lahat ng gusto kong mangyari sa kanila.

“Sino yan?” sumubsob si Lowell kay Kanata.

Mabilis lumipas ang mga araw na parang wala

lang pero sa mga panahon nay un, iniisa isa ko na ang gagawin ko sa kanilang lahat. Isa pa, may isang babae na kinalolokohan ngayon si Kanata at hindi ko alam kung masama ba ito o mabuti.

“Huwag!”

Pilit na inaagaw ni Lowell yung picture pero pilit din itong inilalayo ni Kanata sa kanya. Nagsisipaan na nga sila at bumabaliktad na sa kinauupuan.

“Girlfriend mo”

“Hi-hindi” saka ito namula.

“Hahaha namumula si Caleb”

Napabagsak na lang ang balikat ko at huminga ako ng malalim saka tumingin sa kanilang dalawa.

“Anong pangalan nya?”

Pareho silang napatigil at nagulat ng magtanong ako. Pakiramdam ko naout of place ako sa pagtatanong ko dahil hindi ako makarelate sa kanilang dalawa.

“Lyra”

Bulong ni Kanata pero sapat na para marinig ko. Para syang bata na nahihiya sa ikinikilos nya.

“Kanata”

“Caleb, call me Caleb”

Hindi ko yata sya kayang tawagin sa pangalan na yun lalo na at sya ang pumatay sa kanya. Tumingin naman sa akin si Lowell at parang sinasabi nito na gawin ko na lang ang sinasabi nya kaya kahit mahirap o masakit, pinilit ko. Sinanay ko ang sarili ko na tawagin sya nun.

“Ca-Caleb”

Napasandal ako sa pader ng gate ng Wimbledon habang pinagmamasdan ang mga estudyante na maglabas masok dito. Based sa information na nakuha ko, dito sya nag-aaral.

Nakita ko sya na lumabas habang bitbit bitbit sa isang kamay ang bag at may lollipop pa sya sa bibig nya na nilalaro.

“Liam Montenegro”

Napatigil sya sa paglalakad at lumingon saka tumingin sa paligid nya. Noon paman pinangako ko sa sarili ko na babalikan ko ang mga Montenegro at kailangan ko si Liam sa bagay na yun.

“May kailangan ka?”

Hindi nya ako makikilala dahil bata palang sya nun, sa ngayon, kailangan ko lang kunin ang tiwala nya at pagkatapos nun pababagsakin naming ang mga Montenegro.

“I’m Kneel---“

“Liam!”

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may tumawag sa kanya. After how many years, ngayon ko lang sya nakita ulit.

Jireh Montenegro

“Kuya!” kumaway dito si Liam pagkatapos ay humarap sa akin. “Sige po, nice to meet you, tawag na ako eh” saka sya tumakbo papalayo.

Hindi ko alam kung maswerte o malas si Liam sa buhay na meron sya ngayon pero mukhang hindi ko sya malalapitan sa ganitong paraan kaya naman, ginamit ko si Lyra.

Si Lyra na mas kilala ng lahat na Bloody Maria para makuha ang tiwala ni Liam. Wala akong pakeelam kung masira o mamatay pa ang babaeng yun, pabor pa sa akin para maranasan ni Kanata kung papaano mawalan.

“Caleb”

Napaangat sya ng tingin sa akin habang tinatapos ang isang calligraphy na balak nyang ibigay kay Nai.

“Death Anniversary ni pa- ni Master Caleb”

Tumango lang sya at tinapos ang ginagawa, nanahimik ako habang pinagmamasdan sya. Kahit kalian, hindi pa sya pumunta sa libingan nito o binisita man lang yun kahit isang beses.

“Hindi ka ba sasama?”

Ibinalot ni Kanata ang Calligraphy na ginawa nya at iniabot sa akin. Bibihira na sya umuwi ng Japan at kung babalik man sya doon ay para lang alamin ang mga bagay bagay na may kinalaman kay Lyra.

Simula ng makilala nya ito wala na syang ibang inisip o sinabi kung hindi si Lyra, nakalimutan na din ba nya na may pamilya sya lalo na ang mga tao na naghihintay sa kanya sa Japan?

“Ingat kayo”

“Kahit isang beses hindi ka pa...”

“Kneel”

Hindi na nya tinapos ang sasabihin ko, ayoko na din namang makipagtalo kaya umalis na ako. Kasama ko si Lowell sa sasakyan habang bumabyahe kami.

“Anong problema?”

“Iniisip ko kung may halaga ba si Master kay Kanata”

Dahil kung meron, bakit hindi ko maramdaman o makita? Kahit minsan, hindi pa

nya nabanggit si papa at iniiwasan nya ang kahit anon a tungkol dito.

“Wag ka ngang mag-isip ng ganyan...” saka ginulo ni Lowell ang buhok ko.

Pagkagaling naming sa Japan at matapos ang pagbisita, bumalik din agad kami sa Pilipinas. May mga plano pa ako na dapat gawin lalo na sa mga Montenegro pero ang hindi ko inaasahan ay si Liam mismo.

Kahit na nalaman nya na hindi sya purong Montenegro, kahit na nalaman nya ang totoo, wala parin syang balak bitawan ito. Masyado syang nakakapit sa pangalan na iyon.

Pakiramdam ko, para akong natraydor dahil yung kaisa-isang tao na inaasahan kong tutulong sa akin, isa lang palang walang kwenta at hindi ko kailangan ang mga katulad nya.

Kung gusto nya sa mga Montenegro, wala na akong pakeelam, isasama ko sya sa pagbagsak nila at pagkatapos nun isusunod ko si Kanata.

“Kneel”

Muntikan na akong mapasubsob ng biglang tapikin ni Lowell ang likod ko. Nakangiti sya sa akin katulad ng dati, kung meron man isang tao pa na naiwan para sa akin, sya yun.

“Wag mong pababayaan ang sarili mo, hindi sa lahat ng oras naandito ako para pagsabihan ka”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Caleb asked me na bantayan si Aries at Scorpio”

“Lowell!”

Napatayo ako sa sinabi nya, dalawang Apostle ang tinutukoy nya at hindi lang basta Apostle, dalawa sa pinakamalalakas sa kanila. Sigurado ako na may kinalaman na naman si Lyra dito, hindi ba naisip ni Kanata ang posibleng mangyari?

Tumawa si Lowell at saka ginulo ang buhok ko. Pinilit kong tanggalin ang kamay nya sa akin. Si Lowell na lang ang kakampi ko dito, pati ba naman sya.

“Kakausapin ko sya...”

“Kneel”

Nakangiti parin sa akin si Lowell habang kalmado samantalang ako, hindi ko na alam ang gagawin ko. Papaano kung mamatay din sya?

“Hindi tama ito...”

“Kneel”

“Fuck!”

Napasipa ako sa lupa at napahilamaos sa mukha ko. Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko pero hindi ko magawa.

“It’s okay...” at saka sya ngumiti sa akin.

When I saw him acting like that, alam ko, iyun na ang huling beses na makikita ko si Lowell. He had the same look as Caleb ng magpaalam ito sa akin pero hindi na sya nakabalik pa.

At ang laki ng pagsisisi ko na hindi ko sya pinigilan ng araw na yun. Kung papaano namatay si Lowell sa kamay ni Persona, yun ang hindi ko mapapatawad pero ams hindi ko mapapoatawad si Kanata dahil sya ang dahilan ng lahat ng ito.

Lahat sila, lahat sila kinuha nya sa akin at ngayon wala ng natira. Pagod na ako, pagod na mag-isa at kunin ang lahat.

Ipaparanas ko din sa kanya lahat-lahat.

Bumalik ako sa kwarto ko at mula sa isang kahon, kinuha ko ang isang maskara, the mask of Thirteen Apostle, Ophiuchus.

This time, wala ng matitira sa inyo at sisiguraduhin ko yon.

Continue Reading

You'll Also Like

13.6K 929 26
"We are all sinners." There was a prediction that the end of the world will be coming soon but nobody knows when and how will it end. Christians beli...
5.7M 18.4K 5
Heartless, ruthless, and merciless-four legendary gangster princesses bound by their thirst for revenge. They are the four Fujiwara sisters. Despite...
14.6M 324K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
257K 10K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...