The Perks of being a Fangirl

由 tengpls

33.2K 346 109

This is a story of how a typical UAAP fangirl met her ultimate crush, and how she strives to be the most loya... 更多

The Perks of being a Fangirl
PROLOGUE
CHAPTER 1: The day it all started
CHAPTER 2: He accepted me on Facebook
CHAPTER 3: Me and my girlfriend
CHAPTER 4: One Step Forward
CHAPTER 5: Who's my seatmate?!
CHAPTER 7: Passenger Seat
CHAPTER 8: The Man who can't be moved
CHAPTER 9: All out, all heart
CHAPTER 10: The Broken Promises
CHAPTER 11: Bringin' on the heartache
CHAPTER 12: Here without you
CHAPTER 13: Count on me
CHAPTER 14: Picking up the pieces
CHAPTER 15: The Tigers
CHAPTER 16: New Friends?
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 17: ADMU-DLSU
CHAPTER 18: The Bet
CHAPTER 19

CHAPTER 6: The day I met him and his family

1.3K 16 4
由 tengpls

TASHA’s POV

*Notification alert*

@jericteng16 followed you on twitter

My heart skipped a beat pagkakita ko nito. Seryoso ba talaga ‘to? Finofollow na ako ni Jeric. Oo, alam ko tutor ang tingin niya sa’kin, pero pati sa twitter finollow pa niya ako. Ang bait talaga niya. Feeling ko tuloy close na kami, feeling ko lang naman. HAHAHAHAHA.

Matweet nga ‘tong isang ‘to..

@tashasquared:

@jericteng16 Seatmate! Buti naman nahanap mo yung account ko hehe joke. Thank you sa pag-follow! :)

@jericteng16:

@tashasquared Sus, walang anuman seatmate! Don’t forget to review for our long test tomorrow! Tuturuan mo pa ako. Hahaha!

After that, may nareceive naman akong dm galing sa kanya.

Direct Messages: @jericteng16

Tashaaa! Paano nga pala ako makakacope up dun sa lesson sa stat? Papalapit na kasi yung UAAP kaya naman puro na ulit kami training :(

I replied:

Sus, Idol wag nang sad. Tuturuan kita promise! Pano nga pala kita matuturuan eh bukas na ng umaga yung long test natin? 

@jericteng16:

Hala, oo nga ‘no. Paano na yan :( Free ka ba today?

@tashasquared:

Yup, free naman ako today. Gusto mo ngayon na lang?

@jericteng16:

Buti naman! Osige. Wait send me your number para matext kita!

*Dug* *Dug* *Dug*

Totoo ba ‘to? Hindi lang ako finollow ni Jeric Teng kundi itetext pa niya ako. Ako naman message agad ng number ko! Hahahaha! Syempre Jeric Teng ‘yan eh.. atsaka about naman sa school-related activity so pagbigyan niyo na :p

1 message received

From: 09*********

Hey, this is Jeric Teng.

Oh ayan na, nagtext na si Jeric. Alam ko na number niya… Yeheeesss!!!!! :)

To: Jeric Teng

Hello seatmate. Saan pala tayo magkikita?

From: Jeric Teng

I can’t go out today eh. Minor sprain kasi from the training. If you want you could go here sa bahay. Pinaalam ko na kila Mom and it’s okay lang naman daw.

BAHAY?!?! Sa bahay ng mga Teng kami magkikita? Sa bahay ni Jeron Teng?!!!!!!

To: Jeric Teng

Nge! Baka hindi ako makapunta kasi nakakahiya naman po :(

Nakakahiya naman kasi talaga eh. Lalo na bagong kilala lang sakin nitong si Jeric Teng. Baka iba pa isipin sa’kin ng pamilya niya…. :(

From: Jeric Teng

Okay lang ‘yun ‘no! Atsaka diba nag-promise ka? Eh paano pag di mo ako naturuan? Edi babagsak na ako :(

Ikaw naman kasi Tasha pa-promise promise ka pa di mo naman kayang panindigan… Okay fine, nakakahiya naman lalo kay Jeric kung di ko tutuparin yung sinabi kong tuturuan ko siya.

To: Jeric Teng

Sige na nga lang, pupunta na ako sa inyo para turuan ka. Mapilit ka eh! Hahaha!

From: Jeric Teng

Buti naman pumayag ka. Saan ka nga ba nakatira?

To: Jeric Teng

I’m living in a condo near UST lang. Eh ikaw? Paano kita mapupuntahan?

From: Jeric Teng

Pasundo na lang kita sa UST, alright? 

Nge.. ipapasundo pa talaga ako? I feel special tuloy… hehehe. “Wait Tasha, magpakipot ka. Nakakahiya naman. Mag-commute ka na lang!” Bulong ko sa sarili ko.

To: Jeric Teng

Hindi ‘wag na! Mas nakakahiya tuloy kasi ipapasundo mo pa ako dito. Ang hassle naman dun sa susundo kung ako lang pupuntahan nun dito sa UST. Traffic kaya! Mag-cocommute na lang ako. Sabihin mo na lang sa’kin kung paano ko ba mapupuntahan yung bahay niyo.

After 45 seconds hindi pa siya nagrereply. Ang risky kasi nung tinext ko kaya atat akong makatanggap ng reply galing sa kanya….

From: Jeric Teng

Lol, hahahaha! Andun sa UST si Almira dahil may meeting silang mga blockreps para sa isang event kaya may magsusundo talaga sa’yo diyan sa UST. Ipapasabay na lang kita sa kanya pauwi dito. Hahahahahahaha… ;)

PATAAAAY. Nakakahiya sobra! Ikaw naman kasi Tasha, nag-assume ka kaagad na ganun ka special para ipasundo. Nakakahiya tuloy dito kay Jeric. Pwede bang mag-disappear ako sa mga pangyayaring ganito? Ugh tasha, nakakahiya ka. -___-

To: Jeric Teng

Ay, ganon ba? Di mo naman sinabi agad. Nakakahiya. Sorry hehehe!

Oh gulay ano naman kayang irereply sa’kin nitong lalaking ‘to :|

From: Jeric Teng

Hahahahaha! Natawa nga ako pagkabasa ko kaya natagalan ako mag-reply. ;) I’ll tell Almira na, okay? She will text you na lang. Bye, See you later!

“Natawa nga ako pagbasa ko…” Asdfghjkl, pwede ba talagang mawala muna ako sandali, kahit ngayon lang. Embrassing moment 101! Nakakainis ka Tasha! -______________________________________-

“Hey, are you Tasha? Yung classmate ni Ahia?”

“Ah opo, kayo po si ate Almira diba?"

“Yes, I’m Almira! Tara, let’s get in the car na”

First time kong mameet ‘tong kapatid nilang si Almira. Actually nakilala ko siya sa twitter kasi syempre twinetweet siya nila Jeron at Jeric. Ang ganda lang talaga niya, at ang bait pa. Nakakadepress huhuhu. All-in-one package na sila.

“So Tasha, tell me something naman about yourself” Sabi niya habang nakangiti. Ano bang meron sa mga magkakapatid na ‘to at ‘pag ngumiti nakakatunaw…

“Uhm, I’m a Marketing Freshman. I'm your kuya's classmate sa stat and I’m his tutor. Hehehe…” sabi ko naman habang ngumiti rin.

“Oh tutor ka ni ahia sa Stat? You must be really good in Math!”

“Ah yeah, you could say that… How about you? I'd like to hear something from you, too.” Sagot ko naman.

“Hahaha yeah! Madaldal akong tao I’m warning you…” Sabi niya habang tumatawa.

“Sure! Gustong gusto ko nga ng mga taong madadaldal eh!” sabi ko naman. Totoo naman talaga eh. Madaldal din akong tao atsaka sanay na sanay na ako kay Marga.

“Talaga? I think magkakasundo tayong dalawa!”

Nakakatuwa palang magkwento ‘tong si Ate Almira. Ang kalog niya kaya tawanan lang kami ng tawanan dito. Kahit traffic eh hindi nakakabagot kasi siya yung kakwentuhan ko. Sabi nga niya friends na daw kami eh. Hihihi :”>

JERON’s POV

“Yes, I’m jealous with your new guy friends. You can’t take that away from me, I’m your boyfriend. Di mo man lang muna pinakilala sa’kin! And to think na you’re now smoking because of their influences? I am so upset...” I told her on the phone with a mad tone of voice.

“ Hello Jeron?! What’s wrong with getting to know your newly found friends? Ayan ka naman eh. It’s my own choice to start smoking by the way. Wag mo ‘yang isusumbat sa kanila, you don’t know anything. Yan kasi ang hirap sa’yo eh!” She shouted.

Wow. Now I’m madder than ever.

“I might as well end this call ‘cause I know this isn’t going to be a good conversation.  Well, have fun hanging out with those boys and act like you don’t have a boyfriend” I turned my phone off after that phone call.

TASHA’s POV

“Tasha, that’s our house over there” Sabi sa’kin ni ate almira habang nakaturo sa isang malaking bahay.

Di na ako nakaimik. Ang yaman nga talaga nila. Pagkababa naming ng kotse nila, sinalubong agad kami ni Mommy Teng.

“Hello! How are you?” bati sa akin ni Mommy Teng

“Ay hello po ma’am!” Sabi ko.

“Wag mo akong i-ma’am, Tita Susan na lang itawag mo sa’kin.” Ngumiti siya.

“Ah hehe, sige po Tita Susan” sabi ko naman. Feel ko talaga close na ako sa kanila eh. :””>

“Itong si Jeric nakatulog kakahintay sa inyo… akyat lang ako sa kwarto niya at gigisingin ko siya para maturuan mo na” sabi ni Tita Susan.

“Ah nako Tita kahit ‘wag na po. Baka po kasi pagod na pagod talaga yan dahil sa training kaya nakatulog. Maghihintay na lang po ako dito hanggang magising siya.” Sagot ko naman.

“Sure ka ba iha? Parang mantika kung matulog ‘yung batang ‘yon!”

“Opo, tita. Nakakahiya naman po kasi sa kanya. Medyo maaga pa naman po eh”

“Ah osige, hintayin mo na lang siyang magising ha? Itetext ko siya na pag nagising bumaba na agad. Aalis kasi kami ng Tito Alvin mo kasama si Almira at Alyssa kasi may awarding kaming kailangang puntahan. Hindi naman namin masama si Jeric kasi may sprain nga, baka lumala pa. Si Jeron naman may lakad. Osha, ‘pag nagutom ka sabihin mo agad kila manang ha?” sabi ni Tita Susan. Ang bait bait niya talaga. No doubt napalaking maayos yung magkakapatid na Teng eh.

“Ah opo Tita, mag-iingat po kayo!”

Nagmasid masid naman ako sa living room nila. Andaming mga trophies, medals, at mga pictures sa PBA at UAAP ang makikita mo dito. Andito nga din yung mga old photos nila eh. Ang cute cute talaga! Lalo na ‘tong si Jeron! Bata pa lang ubod na ng cute at puti eh. Dagdagan mo na yung napakasingkit niyang mga mata. Eto nga hawak hawak ko yung picture frame na may litrato niya eh.

“Who are you and why are you here?!”

OH. MY. GOD. 

Napatalikod ako. Nanginginig yung mga kamay at paa ko. Pagkalingon ko dun sa nagsalita, isang galit na galit na Jeron ang nakita ko. Nananaginip ba ako? Nag-blink ako ng ilang beses at kinurot ko yung isa kong kamay para malaman ko kung nananaginip ba ako. Si Jeron Teng na iniidolo at crush na crush ko, ay nasa harapan ko na. OH EM GEE TASHA, Ikaw naaaaa!!

JERON’s POV

Who’s this girl and why is she holding my baby picture? Never ko pa naman siya nakita sa buong buhay ko kaya nagtataka ako kung bakit siya andito sa bahay.  Tinanong ko nga siya kung sino siya at kung bakit siya nandito pero di siya nakasagot. Pinagmasdan ko yung ginagawa niya, kinurot niya yung isang kamay niya ng ilang beses at paulit ulit siyang nagbliblink. Ewan ko pero natawa ako bigla deep inside sa ginawa niya pati na din sa reaction niya. Parang si Brad Pitt yung nakikita niya eh. ;)

Actually pagkadating ko ng bahay, sobrang galit pa din ako eh. Nag-away kasi kami ni Julianne sa phone habang pauwi ako. Hay, wag na nga nating pag-usapan! Mas lalo lang akong mababadtrip.

Hanggang ngayon, hindi pa din sumasagot yung babae ay nakatingin lang siya sa’kin. Naintimidate yata siya dahil akala niya sa kanya ako nagagalit. Wala ba talagang balak tong babaeng ‘to na sagutin yung tanong ko kung sino siya?

“Relax, di kita kakainin okay. Sino ka ba kasi?”

Pagkasabi ko nun, bumalik na siya sa mga senses niya. Hahahaha! Kung nakita niyo lang yung pag-transform niya, matatawa kayo. “Di ka ba talaga magsasalita?” sabi ko.

“Ah ah, s-so-sorry. M-medyo nabig-la lang a-ako.” Nauutal pa niyang sabi.

“And, your name is?” hirap naman kausap nito. Tinatanong ko nga kung sino siya eh.

“I’m Tasha” Finally.

“Tasha? I’ve never met you before. What are you doing here?”

“Ahh, Classmate ko kasi yung kuya mo at ako yung nagtuturo sa kanya sa Stat, and we have a long test tomorrow kaya I’m here to teach him. Di na kasi siya nakakapasok minsan dahil sa mga trainings.” She said.

“Oh, okay. And why are you holding my baby picture?”

“Ah ah ito?” She pointed on the photo she’s holding. Of course yes -___-  “Oh, I’m sorry. Wala kasi akong magawa kaya tumingin ako ng mga pictures dito. Nakuha kasi nitong baby picture mo ‘yung attensiyon ko kasi napaka-cute“ she blushed. I smirked. Hahaha. This girl is funny and witty

“Talaga? Mas cute kaysa dun sa baby picture ni Ahia?” I told her in a serious mood. Haha.

“Oo naman!” she answered quickly without hesitating. “Uy don’t tell him about what I said! Mas cute ka naman talaga dito oh, compare mo dun sa baby pic niya. Naka-pout ka pa kasi dito hehe” she smiled like there’s no tomorrow. Okay, this girl is really cute when she smiles. Kulang na lang eh matunaw na yung baby picture ko sa kakatitig niya.

“Hahahaha! Yeah sure. I’ll switch on the TV lang to watch some movies, watch ka na rin” I told her, baka kasi nabobored na siya dito.

“Ha? Ah sige.” She replied

TASHA’s POV

Alam mo yung feeling na parang lumulutang ka na sa sobrang kilig? Yun yung nararamdaman ko ngayon eh. Tasha ang haba ng hair mo! Pulang pula na nga ako dito eh. Bahala na kung mapansin niya. :””>

Napansin kong medyo badtrip ‘tong si Jeron. Dahil kaya sa’kin? Malabo naman yata ‘yun. Niyaya nga niya akong manood ng TV eh. Kung sa’kin siya galit o ‘di sana kanina pa niya ako pinaalis. Eto naman ako, gumagana ang pagiging fangirl. Tinitigan ko siya. As in yung titig na parang nang-aakit. Hahaha syempre joke lang ‘yun. Pasimple lang akong tumititig sa kanya. Eto namang si Jeron, napansin yata….

“Ganon ba ako kagwapo para titigan mo ng ganyan?” He smiled. Aba aba, nahuli ako. Anong sasabihin ko?

“Ha? Anong sabi mo? Sus! Napatingin lang ako sa’yo ‘no!“ I told him. He smirked. Ang cute niya talaga! Yun na lang sinabi ko sa kanya. Totoo naman kasing ganun siya kagwapo para titigan ko ng parang wala nang bukas. Pero syempre pakipot effect pa ako. Ayoko namang malaman niya na patay na patay ako sa kanya kasi baka maging awkward. Hahahaha.

After ilang minutes, napatingin ulit ako sa kanya… Mukha pa rin siyang badtrip. Ang lalim nga ng iniisip eh. May problema nga siguro talaga siya. Edi ayun, nakatitig na naman ako sa kanya, Unconsciously…. Napatingin din siya sa’kin. Oh my gosh Tasha… Hindi na nga ako mapakali dito eh. Hindi ko alam yung gagawin ko kasi badtrip ‘tong lalaking ‘to. Anong pwede kong gawin? 

 JERON's POV

After 30 minutes, naalala ko na yung away namin ni Julianne. Ayoko naman talaga siyang awayin kaso I think I need to tell her how I feel. Yun na nga lang yung time na nakapag-usap kami for three days tapos mag-aaway pa kami. Sabi niya kasi sa’kin 2 days ago na hindi daw muna siya makokontact kasi busy siya sa mga research papers niya. Okay, yun naiintindihan ko pa eh. Pero yung nalaman ko na he’s hanging out with some new guys,  nag-init na yung ulo ko.  She told me na hindi kami makakapagkita and makikipag-usap for three days kasi busy siya, then malalaman ko na lang she’s going sa mga gimmicks with her new friends she just met a month ago. Nalaman ko pa na sila pala yung nag-influence sa kanya to start smoking. Imbes na iwanan niya yung mga yun, pinagtanggol pa niya sila…

“Uy, malungkot ka yata?” Tasha said to me. I didn’t answer back. Not being rude but I don’t want her to know that I’m really sad.

“May problema ka ‘no? Sus, magiging okay din yan” after she said that, kinuha niya yung picture frame na may baby picture ko. “Tignan mo ‘to oh, ang cute cute diba? Nakangiti kasi siya eh. Eh yung Jeron ngayon? Wala, di na cute kasi nakasimangot! Buti pa si Baby Jeron  ang cute cute!"

By hearing that, I smirked.

“Ngingiti na ‘yan! Sus, kunwari pa eh. Uso kasi ngumiti”

She smiled.....

that wonderful smile that made me smile, too.

繼續閱讀