LOVER | ✓

بواسطة secretlifeofmarry

7.5K 3.7K 1.8K

Claire Ann Madge Smith, she's a living with a complete, lovely and happy family. But, one day her suitor tell... المزيد

DISCLAIMER
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 32

107 54 33
بواسطة secretlifeofmarry

Lance's Point of View...

Nandito kami ngayon sa swimming pool area ng mga Smith. Umakyat na kanina pa sila tita Caryn dahil may meeting pa raw sila bukas ng maaga.

"Hoy! Panalo kami" saad ni Claudette mukhang may tama na.

San Mig lang iniinom namin dahil ito lang ang available sa ref nila Claire. Ito rin ang approval ng parents ni Claire na p'wede niyang inumin.

"Ito na excited" saad ni Alexa na bumoto sa lalaki.

Nag-lapag siya ng 1k at nag-lapag na din kaming lahat. Anim silang bumoto sa babae kaya tiglilimang libo sila.

"Parang kami 'yong luge dito, ah" palag ni Marco.

"Si Lance nagsabi, e" natatawang saad ni Pinky at tinuro pa ako.

"Hindi kasali si Claire, wala naman siyang binanggit na hula niyang gender ng pamangkin niya" saad ni Claudette kaya natawa kami dahil sinamaan siya ng tingin ni Claire.

"Hindi niyo ba narinig ang sinabi ko?" saad niya pero lahat umiling kahit ang kuya niya. "Pake ko kung hindi niyo narinig?" saad niya at umirap.

"Hayaan niyo na 'yang si Claire. Baliw lang talaga 'yan" saad ni Clark na lasing na.

"Ano? Angas mong pangit ka, ah" lasing na rin na banat ni Claire.

"Sapakan. Kay kuya Clark ako" saad ni Claudette habang umaayos ng upo.

"Clark din ako" saad ng lahat kaya tumayo si Claire para hampasin sila isa-isa sa ulo.

"Ang kakapal ng mukha niyo. Kumampi sa pangit na 'to, ah" turo niya sa kapatid na umiiling na tumatawa. "Kinampihan niyo kasi parehas kayong mga pangit? Tama 'yan" saad pa niya at bumalik ulit sa pagkakaupo.

"Tama na 'yan, love, baka malasing ka" maya-mayang saad ko kay Claire na nilagok 'yong isang bote.

"Kaya ko" saad niya at umayos ng upo. Mukha na siyang lasing dahil nakasandal na siya sa upuan.

Nag-usap-usap pa kami hanggang sa makaramdam na kami lahat ng tama ng San Mig.

"Kung hindi niyo kayang umuwi ngayon ay may kwarto pa sa taas na p'wedeng tulogan" saad ni Clark ng makatayo.

"Ako na bahala sa kanila. Kapag ayaw nila sa taas matulog, e'di rito kami lahat sa damo matulog" saad ni Claire at dahan-dahang humiga sa damo.

Dinamayan naman siya lahat ng mga babae. Lahat sila ngayon ay nakahiga na at nakapikit.

"Maraming salamat sa pagpunta sa gender reveal namin ni Dane" lasing na sabi niya. Sabay baling sa kapatid na nakahiga pa rin. "Umakyat ka na ro'n, Claire. Ang pangit mo" panga-asar niya pa sa kapatid kaya nagsitawanan ang mga kaibigan namin.

"Pangit ka pala, e" lasing na panga-asar ng mga kaibigan namin kay Claire na kakaupo lang habang galit na nakatingin sa kuya niya at sa mga kaibigan namin.

"Umalis ka na nga, ang pangit mo rin" saad niya at kinuha ang boteng hawak ko para inumin.

"Tama na" saad ko, pagkuha ko ng bote sa kaniya. "Lasing ka na kaya" saad ko pa ng nakanguso siyang nakatingin sa akin.

"Sige na, pasok na ako sa loob. Salamat ulit sa pagpunta" saad ni Clark at umalis na.

Bumaling ako sa mga kaibigan namin na nagu-usap at nagha-halikan sa gilid. Hindi na ako bumaling sa kanila at tinignan ko na lang si Claire.

"Bakit gano'n si kuya? Lagi na lang niya ako inaasar. Lagi niyang sinasabi at inaasar sa akin na ang pangit ko. Kahit ang totoo naman ay sobrang ganda ko" maya-mayang saad ni Claire.

Nagpu-punas siya ng luha kahit wala namang luha.

"Ano 'yon? Lagi siyang lasing kaya pangit ako sa paningin niya? Siya rin naman, e, kahit hindi ako lasing ay pangit talaga siya" saad niya pa sabay tawa.

"Pinagsasabi mo, love?" nakangiting tanong ko sa kaniya dahil sa itsura ako ni Claire na natatawa. "Ganito ka pala malasing, love" saad ko sabay uminom.

Ngayon ko lang nakita si Claire na uminom kasama ko at nakakatawa na ganito siya kaingay kapag lasing.

"Ano para ka ring si kuya? Ang ganda ganda ko kaya!" saad niya at hinampas na naman ako. "Lahat ng tao sinasabing maganda ako! Kayo lang ang nagsasabing pangit ako!!" sigaw niya kaya agad kong tinakpan ang bibig niya baka magising ang mga taong tulog.

"Maganda ka sa paningin ko. Ikaw lang ang pinaka maganda, pinaka masungit este pinaka mabait na girlfriend ko" nakangiting saad ko habang sinasangga ang kamay niya dahil hahampasin niya na naman ako ulit.

Hindi talaga 'to nagsasawang manghampas. Kada may sasabihin o iku-kwento ay may kasamang hampas sa braso o kahit sa hita.

Kawawa ang nagiging katabi ni Claire. Bugbog sa hampas at siko niya.

"Gan'yan. Very good ka. Ako lang talaga ang maganda mong girlfriend. Subokan mo magdagdag nang maputol ko 'yang alaga mo at hindi ka magkaanak sa kanila" pananakot niya habang pumapalakpak. Umiling na lang ako at humarap sa kaniya.

"Dapat sayo lang ako magkaanak? Gusto ko rin 'yan. Gusto ko rin maging tatay ng mga anak mo"

"E, ayaw kita maging tatay ng mga anak ko, at ayaw ko namang magkaanak. Mahirap kaya 'yon" nakangusong saad niya.

"Madaling makabuo pero mahirap manganak, mag-alaga at magpalaki ng isang bata" seryosong saad ko.

"Buti alam mo. Kung gusto mo magkaanak, palit tayo. Ikaw ang mag-buntis at mag-ire, at ako ang maghanap buhay" at pinatong niya ang ulo niya sa hita ko.

"Mas gugustohin mo mag-hanap-buhay kaysa magkaanak?" tanong ko habang hinahawakan ang buhok niya.

"Oo. Para kung magkaanak man ako ay may ipapakain ako sa kaniya. Para maranasan niya ang masayang buhay."

"Ang sabi mo, love, ay ayaw mo magkaanak" nakangusong saad ko.

Mahilig kaming dalawa sa bata pero hindi ko inexpect na ayaw niyang magkaanak.

Siya pa naman ang gusto kong maging nanay ng mga future anak kong babae at lalaki.

Siya rin ang gusto at nakikita kong ihaharap ko sa altar.

Siya rin ang gusto kong makasama habang nabubuhay ako sa mundo.

At, si Claire Ann Madge Smith-Bautista.

"Gusto ko pero sa ngayon, gusto kong enjoy-in ang pagiging dalaga ko. Gusto kong makahanap ng maayos at magandang trabaho para sa pamilya ko, para sayo, at sa magiging pamilya natin" saad niya at pumikit. Napangiti ako sa sinabi niya. "What?" tanong niya ng makitang nakangiti ako sa harap niya pagkamulat ng mata.

"Mahal kita araw-araw, Claire" saad ko.

Hindi siya sumagot sa akin at umupo ulit kaya inalalayan ko siya maupo.

Kinuha niya gamit ang dalawang paa ang inupuan ng kuya niya kanina para makahiga ng maayos.

"I love you more, Lance" saad niya at hinalikan ako sa baba. Ginantihan ko naman siya ng halik sa noo. "Huwag mo akong iiwan, ah?" nakangusong saad niya pa. Tumango naman ako.

"Never kitang iiwan, kahit ano pa ang mangyari" at hinalikan ko siya sa noo ulit.

"Kasi kapag iniwan mo'ko sunog 'yang bahay mo" pananakot niya at tumawa.

"Bahay nating dalawa susunogin mo?" nakangising tanong ko pero tumango siya. "Sure ka na d'yan?" tanong ko pa ulit, tumatango na naman siya.

Nakatulog na siya maya-maya pati mga kaibigan namin. Ako at si Kurt na lang ang gising ngayon.

Nasa kabilang pwesto lang naman sila Claudette kaya pwede kaming makapag-usap.

Lahat bagsak na dahil sa kalasingan.

"Ninong ka ng anak ng ex mo? Ayos 'yon ah" nanga-asar na saadniya.

Bumaling ako kay Claire dahil baka narinig niya. Inayos ko ang buhok niya na nakalagay na sa mukha niya.

"Gago. Alangan naman umayaw ako? Anak 'yon ng kapatid ng girlfriend ko, at magiging asawa ko" sagot ko.

Kahit naman tumanggi ako ay wala pa ring mangyayari. Well, happy ako ngayon. Happy akong may Claire sa buhay ko.

Pero bakit nasasaktan pa rin akong makitang masaya 'yong babaeng una kong minahal sa iba?

Ang sakit makitang buntis siya pero iba ang ama? May anak kami dati pero namatay!? Gulong gulo na ako!

Nag-usap pa kami ni Kurt hanggang sa makaramdam kami ng antok.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

4.3K 91 7
⚠️ This story it's not just a 'Horror' for entertainment purposes, it is more than that, it dives deep into the Realm of terror and human's deepest f...
18.9K 512 33
A dangerous game she was playing, one that could cost the girl her life. "I'm a threat to you, baby". sᴏᴜʟᴍᴀᴛᴇ/ᴍᴀғɪᴀ ᴀᴜ [ Book One of S.O.S Series ]
19.1K 349 16
After the successful Sasuke retrival mission, Naruto is treated far worse than he ever had been. Feeling betrayed by his comrades, he leaves the vill...
5.8K 336 11
Where Mino is a very famous idol. Along with his manager, they had a Fansigning event in Seoul. But what if Mino suddenly found an Angel, and what h...