The New Day Sun (gxg)

By dark19

109K 4.6K 588

Lesbian love story More

The lost Painting
Her Bad Luck Day
I Don't Care
for dark19's girlfriend
Insane
The Cure
Cloud Cortez
Speechless
And they like her...
They are weird
The New Her
The Plan B
Chua Sisters
Trap
Kier
When Harra fall in Love (part 1)
When Harra fall in Love (part2)
Upside Down
Apart
Kier (part2)
Tension
Joke
Epic
Torn
Wish
Truth
Black
Castle
Two Message
Her about to say
Soulmate
El que se escapó
Her New Sun (Final Chapter)

How to spell SELOS

3.1K 133 17
By dark19

Harra's POV

Ewan ba kay Papa bakit pinasunod sunod nya ko dito sa resort namin kung tutuusin malaki na si Kier para bantayan....hay bakit ba kase napakalapitin sa disgrasya ng babaeng yun eh... Nagleave pa si Lopez kaya heto ko ngayon ngalay sa pagdadrive.

mayamaya ay nagring yung phone ko

"Hello..." walang ganang bati ko at isang malakas na halakhak lang yung binigay nya sakin...This bitch again..

"What?" walang ganang tanong ko

"Pauwi na ko ng Pilipinas." sabi nya. Jusko naman nagpatong patong na kamalasan ko...

"Carmela kay Kier ka bumarkada ng payapa yung buhay ko.." natatawang sabi ko.

"Ayoko...masyadong mabait yung kapatid mo...gusto ko ikaw ang makasama ko...magkatimpla tayo ng kidney...." maktol nya...

"Bahala ka..." sagot ko

"See you soon bitch...." sabi nya bago nya ibaba yung tawag.

Sino si Carmela? bestfriend ko at ex girlfriend ni Aya na paasa....thats why i really hate Aya...pinaiyak lang naman nya yung bestfriend ko matapos nyang kunin yung ano ng kaibigan ko.....

nang makarating ako sa private resort namin ay agad akong sinalubong ng katiwala namin...

"Magandang araw maam....di po namin inaasahan na darating kayo para naman po nailuto namin agad yung paborito nyo.." sabi nya

"Okay lang po...mamayang gabi nyo na lang iluto....gusto ko sapat lang sa isang tao.."  sabi ko...tatakamin ko mamaya si Kier...ganti ko dahil sa kapangahasang ako pa ang taga bantay ng babaeng yun...

Naglalakad ako papunta sa balcony ng resthouse ng matanaw ko si Jade kasama yung mga kaibigan ni Kier....Napahinto ako sa paglalakad at napahanga sa taong pinapanuod ko mula sa malayo....Her smile that you dont have any strength to ignore....nakakahawa kapag ngumingiti sya kase pati mga mata nya ngumingiti...bawat anggulo ng mukha nya na sigurado ikamamangha mo kapag nakita mo.....ito ba yung pakiramdam ni Andrea Cielo ng una nyang nasilayan yung mga ngiti ni Jade?

Napapikit ako at kumuha ng lakas ng loob para makalapit sa kanya......kase baka kung hindi ay matuluyan ako mapugtuan ng hininga everytime na nasa harap ko sya at nakangiti sakin.....isinuot ko yung black shade ko para di nya makita sa mga mata ko kung gaano ko sya hinahangaan......

Russell's POV

lumipad yung suot suot kong balanggot dahil sa lakas ng hangin....nasa tabing dagat kase kami nina Van at Grace dahil si Kier ay busy kausap yung Papa nya...paglingon ko para pulutin yun ng may maglahad nito sakin....Si Harra...

"Bakit parang nagulat ka na nandito ako? tsk! Amin to..."  sabi nya at bigay sakin ng balanggot sakin...napakasungit ng telepandas na Mulan na ito....

Napatingin sya sa gawi nina Van...

"Hoy..Vanessa bakit nandito ka? Hindi mo pa alam yung english ng pustiso ah! Sinong guard nagpapasok sayo dito?" natatawang pang aasar ni Harra kay Van

"Harra!!!! Ikwento mo sa buko para maging inyog! Hindi gataan sa comedy tandaan mo yan..." balik pang aasar ni Van kaya natawa ako..

"Hayaan mo sulit naman comedy ko kase bentang benta sayo....."  balik na kantyaw ni Harra

"Harra sabi ko naman sayo matutulog ka para di ka nahihibang...." sagot ni Van.

"Demanda kita trespassing kapag di ka tumawa..." sigaw ni Harra

"Ilan gusto mo apat? HAHaHaHa?!" sarkastikong sagot ni Van sabay walkout..

"Sweet nyo ni Van baka magkatuluyan kayo nyan?" pang aasar ko kay Harra. Napahubad sya ng shades at napatitig sakin.

"Mas sweet kaya ako sayo...baka tayo magkatuluyan nito.." sabi nya na nakangisi.

"Harra...sabi ko naman sayo takal takal lang sa shabu wag kilo kilo ang tirahin...hibang ka na eh.." pang aasar ko sa kanya

napangiti sya at parang kampanteng kampante...

"Jade naman....hindi mo kailangan ng drugs saakin lang maaadik ka na...." sabi nya at saka sya tumawa

Napataas yung kilay ko at ngumisi sa kanya

"O baka naman ikaw ang may gusto sakin?" balik pang aasar ko sa kanya at napatahimik syang napatitig sakin at sarkastikong tingin huh....

"Hoy Villarino talaga pa lang napakaganda ng tingin mo sa sarili mo eh...naku mag iingat ka nakakaabnormal ng utak yan..." pang aasar nya.

"Maganda ako sabi ng mga magulang ko saka nina Ronby....napakaepal mo naman kung ikaw lang yung tutol...." sabi ko sabay suot ng balanggot sa ulo ko.

"Bakit nandito ka Ate?" tanong ni Kier habang papalapit sa amin.

"Yung totoo Kier,may amnesia ka ba? What's yours,its mine but what's mine sad to say is not yours..." sabi nya sabay walkout. Napakabipolar talaga ng babaeng yun gusto lahat eh kaaway...

Narinig ko yung buntong hininga ni Kier...Naiintindihan ko sya kahit ako ang may kapatid kay Harra jusko hahapdi din ang ulo ko.

"Gusto mo pektusan ko sa ulo yang kapatid mo?" tanong ko kay Kier na natawa sakin.

"Sanay na ko kay Ate Harra sadyang sa isinalang sa apoy na takure pinaglihi yang kapatid ko eh napakahot....hindi ang katawan ah yung ulo ang mainit..." sabi nya na natatawa kahit ako ay natawa.

At heto na kakain na kami ng tanghalian sa may cottage malapit sa tabing dagat. At heto sobrang stress na stress na ko kina Harra at Van

"Anung gusto mo? this or this?" tanong ni Kier sakin habang hindi iniinda yung wal-walan nina Harra.

"This one.." turo ko sa sinigang na hipon at pinaglagyan nya ko sa isang bowl na maliit.

"After this punta tayo sa bayan....nakakatuwa doon na ang daming murang bilihin para souvenir..." sabi nya at napangiti ako. Napakasimple talaga ng taong to.

"Kier parati ka dito?" tanong ko

"Oo...pero lagi ako mag isa...." sabi nya habang nilalagyan nya ko kanin sa plato ko

"Gusto mong sumama,uuwi kase kami nina Max sa hacienda namin sa Quezon next week...maglilibot tayo.." nakangiting alok ko.

nagulat ako ng bumagsak yung kamay ni Harra sa lamesa namin kaya lahat kami natigilan sa kanya.

"Anong problema mo intsik?" tanong ni Grace

napatingin si Harra sakin tapos napabaling ng tingin sa dagat.

"May langaw eh.." sabi ni Harra

"Ang baboy mo Harra talagang kamay mo yung pangpatay ng langaw..." naiiling na sabi ni Van.

"Ito yung maiinit na bagay at parang sumusundot sundot sa dibdib ng isang tao at ito rin yung dahilan kung bakit hindi makahinga ng maayos ang isang tao...minsan ito yung sanhi ng suicide at pagpatay ng mga tao..Van anong tawag dun?" natatawang sabi ni Grace lahat kami ay seryosong nakatingin sa kanya maliban kay Van na natatawa.

"Spell ko?" natatawang tanong ni Van

"Sige sige sige gusto ko yan.." natatawang banat naman ni Grace

"capital S-E-L-O-S?" natatawang sabi ni Van

"Congratulation!!! Bigyan ng Jacket!!!!"

napataas yung kilay naming tatlong kina Van at Grace at natahimik sila...

"Hindi talaga gataan sa comedy.." bulong ni Van

nagring yung Cp ni Harra at tumayo sya at lumayo sa amin para kausapin yung tumawag sa kanya.

"Ang daming wirdo sa mundo.." pabulong ni Grace.

At ng bandang hapon ay nagpunta sa tabing dagat para maglakad lakad kaso wala si Kier dahil may sinundo sa may gate.

"Harra...Magdrawing ka sa buhangin dali!!!!" hyper na pangungulit ni Grace kay Harra.

"Ano bang gusto mo? Porn o medyo porn?" natatawang sabi ni Harra habang hawak hawak yung stick.

"Uhmmm...Medyo porn.." natatawang sabi ni Grace.

Nagtawanan yung dalawa at nag apir talaga mga manyak sa mundo mahirap gapiin ang populasyon...

Lumapit sa akin si Harra at nakangisi...o my! heto na naman yung pilya na ito..

"Magdodrawing ako....sa isang kondisyon.." sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko pagkatapos ay bumaba yung tingin nya sa labi ko ilang saglit at muling binaling yung paningin nya sa mga mata ko....

"Kapag napaamaze ko si Miss Jade Villarino sa pagdrawing ko dito sa buhangin...magiging model ko sya sa susunod na ipepaint ko..." sabi nya

"Hell No!" sigaw ko at napangiti sya lalo...kilala ko tong babae ito....Marami syang kagaguhan sa katawan nya.

lumapit sya sakin at bumulong sa bandang tenga ko.

"Nude painting is not bad...at dahil ikaw ang model ko magbebahave ako.....pumayag ka lang and you will know who Harra is...." sabi nya at ewan ng muli syang tumingin sa akin yung ngiti nya...totoo...totoo kase parang kumikislap yung mga mata nya.

"Stay away from her..." walang kaemo emosyong sabi ni Sid..ni Sid? at paglingon ko nandito na sina Sid,Cloud,J-ann,Kiyo,Ronby at Dominique at nakasunod si Kier.

"Pinasunod kami ni Kier dito..." sabi ni Ronby

"Kier san pwedeng magpahinga?" tanong ni Cloud kase parang masama yung pakiramdam ni J-ann.

"Tara sumunod kayo sakin." sabi ni Kier

"Hindi ko malubos maisip kung bakit madami ka pa ding lakas ng loob para humarap sa amin Anderson?" nakakalokong tanong ni Harra habang walang emosyong nakatingin kay Sid.

"Wag kang mag alala...hindi ako naparito para makita ka o si Kier....Im here because what Andy told me...protektahan si Russell..." sabi nya

"Ano bang pagkakaiba kung nandito sya kasama kami at sayo na ikaw ang kasama nya? Baka kung nakilala lang kami ng husto ni Andrea Cielo sa London baka mas ipagkatiwala pa nya sa amin si Jade kaysa sayo na naninira ng pundasyon ng samahan nyo?" nakakalokong sabi ni Harra.

napatawa si  Sid ng malakas...

"Kilala kita Chua....sa akala mo hindi ko alam ang lahat ng tungkol sayo? well nagkakamali ka....kapagpinilit mo yang sayo para sa kanya madami kang masasaktan..."

makabuluhang sabi ni Sid.

"Really? kilala mo ko? Paki alala lang sa taong ito na nasa teritoryo ko sya..." sabi ni Harra at bago sya makalagpas kay Sid ay binangga nya ito sa balikat.

"Kung sa tingin mong areglado ka na kay Kier dahil sa ginawa mo sa tuhod nya..pwes sakin hindi..." nakangiting sabi ni Harra bago kami iwan.

"Really Sid?" parang dismeyadong sabi ni Dom bago sila umalis ni Ronby kasama nila si Kier na ilag kay Sid.

Sina Van at Grace sumama sila kay Kier....naiwan kami doon ni Sid.

"Sid...Kahit ngayon lang please...pwedeng ikaw muna yung dating Sid na sweet at maiintindihin na kaibigan  namin  ni Andy....kase yung Sid na kaharap ko ngayon parang ibang tao na...." sabi ko ewan sobrang bigat ng loob ko bakit nagkaganito si Sid ngayon..

"Sorry..." sabi nya bago nya ko talikuran.

Ang hirap hirap ng ganito...simula ng nawala si Andy ang daming nagbago...

Kier's POV

kapag mahal mo ang isang tao ang una mo daw gagawin ay mahalin din yung buong pamilya nya at kasama na dito ay mahalin mo yung mga kaibigan nya...kaloka lang itong mga kaibigan ni Russell labat iba iba ang ugali.....parang nasa Isang kulungan ka ng mga tigre lahat katatapang....tapos paano mo ba mamahalin din yung kaibigan nya na muntik kang lumpuhin at kulang na lang eh pangaraping wag ka ng makalakad....

papaliko na ko ng hallway papunta sa kwarto ng ate ko ng makasalubong ko si Sid....kaya heto poker face ulit ako.

"Wala naman ng dapat ikagalit yang Ate mo kase you look fine..." nakakagagong sabi nya.

hindi ako kumibo dahil wala naman din papatunguhan kung makikipagtalo pa ko sa kanya...Nakakailang hakbang palang ako palayo sa kanya ng humirit pa sya.

"Yang Ate Harra mo...May gusto din sya kay Russell..." walang kabug abog na sabi nya. napahinto ako at ewan bakit nakadama ko ng sakit at selos kahit alam kong nagsisinungaling lang sya.

"Gusto mo talagang magkagulo ang lahat..." sabi ko

"Paano ka nga ba makakalaban kung hindi lang pala si Andy yung kalaban mo sa puso nya? ang saklap lang kapatid mo pa..." natatawang sabi nya

"Eh ano naman ngayon kung may gusto ako sa kanya?" sabi ni Ate habang papalapit sa amin ewan ba parang gusto kong maiyak. Bakit?

napatingin sakin si Ate bago tumingin kay Sid.

"Kier...Naging masamang Ate ako sayo dati pero hindi ko pa din kayang mang agaw ng bagay na nagpapasaya sayo at isa pa.....bakit ako magkakagusto kay Jade? para sakin walang dahilan para mahulog sa kanya...she is nothing....I didnt know bakit lahat ng tao gusto sya gayong wala namang kakaiba sa kanya....ewan ko ba sayo bakit sya pa...." nakangising sabi nya...at mayamaya napatigil kami ng may nabasag na vase....paglingon namin si Russell...napalunok sya at medyo teary eyes...

"Sabi ng kaibigan mo may gusto daw ako sayo? patawa masyado....sa tingin mo bakit ako magkakagusto sayo?" sarcastic na tanong ni Ate...

Hindi ko alam bakit kusang humakbang yung mga paa ko papalapit sa kanya at di ko napigilang yakapin sya...

"Hindi mo kailangang sumagot......" sabi ko.

napatingala sya sakin

"K-Kier..." parang nagpipigil na iyak ni Russell...

Ewan bakit sobrang pagmamahal ko sa babaeng ito...

..................................................................................

guys maraming salamat sa pagsuporta at pagbasa ng story ko..pasensya na kung di ako gaanong nakakareply sa mga comment nyo dahil madalang lang ako mag open ng watty ko eh....next chap magdedicate na ko sa may pinakamagandang comment bad or good comment....violent reaction kayo guys para sa ikagaganda pa lalo ng story natin....

vote and comment kayo

thanks for reading

dark19

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...