Look, I found you (UNDER REVI...

By CloudedTale

9.8K 1.4K 673

How does it feel to be a character in the story or in a comic book? What if you are not aware that you are in... More

LAPSES
MENTAL ILLNESS?
GLIMPSE OF THE FUTURE?
WORLD OF COMICS
IN DENIAL
FATE OF AN EXTRA
DOING MY ROLE
ZACK'S ROLE
IRREFUTABLE PROOF
THE SCENE CHANGED
THE PROTAGONIST'S CONFLICTS ARISES
LITTLE THINGS
TRYING A CHANGE
FINDING MYSTERY GUY
PLANNING TO MARRY
TRIVIAL HIM
SECRET HERO
FIELD TRIP
TREVOR'S REJECTION
WISHING STONE
I REMEMBER YOU
LOST IN THE WOODS
HIRO
GETTING CLOSE
ZACK MEETS HIRO
TREVOR'S JEALOUSY
BAD CHANGES
WITH HIM
GLIMPSE OF THE PAST
TREVOR CARES
JAXTON'S MOTHER
JAXTON'S BIRTHDAY
CELEBRATION OR NOT?
HIRO IS MISSING?
TREVOR KNOWING THE TRUTH
YOU WON'T BE HIM
DISTRACTION
HIRO IS BACK
DREAMY DATE
EDGE OF DYING
SAVING ALORA
A GOOD NEWS?
HURT
AWARENESS AND DISAPPEARANCE
AWARENESS AND DISAPPEARANCE 2
FEW LAST PAGES
SAME ENDING?
PAIN REMEMBERS
SAY MY NAME
A BRAND NEW START

ALORA'S HARD TIME

76 15 4
By CloudedTale


CHAPTER 37:




Pinilit kong bumangon at pumasok ng school ngayong araw, bukod sa sakit ko ay pinapahirapan ako nang nararamdaman ko. I am praying everytime, wishing that, Hiro will comeback soon. I miss him already, I think I can't be myself without him anymore.



Trevor can't and will never be Hiro. Ayaw kong umasa si Trevor sa akin kahit na wala na si Hiro, hindi na maibabalik sa dating ako ang nararamdaman ko sa kanya.




"Ayos ka lang ba, anak?" Tanong ni Daddy ng magparada siya sa kotse sa harap ng school.




"Mmm," ungot ko lang at nagpeke ng ngiti bago bumaba.




Hindi na sumagot pa si Dad at bumaba na ako ng sasakyan at mag-isang naglakad papasok ng school building. Everyone is like having a great time, may mga nag-aasaran sa staircase paakyat ng school building at may mga estudyanteng nakatambay at nagtatawanan sa may entrance nito.




Pagtuntong na pagtuntong ko ng school building, isang familiar na mukha ang sumilay sa akin sa locker's area. Inanigan ko ang mukha nito dahil tumatama sa kanya ang sikat ng araw.




Tiningnan ko ang kabuuan nito, ayaw ko mag-assume dahil ayaw ko magkamali, pero wala akong pakialam. Gusto ko makasigurado. Kilala ko ang tindig na 'yon.




Hiro. There you go, I found you.




"Hiro!" I called his name, tumingin naman siya sa akin.




I-I c-can't believe that he's back. Sabi na at ma-oovercome namin ang gusto ng writer. I'm happy that I am seeing him again.



Kagaya noon, tinitigan niya lang ako at hindi man ako nginitian. Hindi siya lumapit at nanatiling nakatingin lang.




Ilang sandali pa ay marahan siyang naglakad sa direksyon ko. Pakiramdam ko ay maiiyak ako sa tuwa na nandito na siya. Napangiti ako at akmang kukunin ang kamay niya ngunit nilagpasan niya lang ako.



Napalingon ako sa likuran ko nang makitang umaakyat si Trevor. Sinalubong nito si Trevor at nakangiting inakbayan nang makalapit ito sa kanya. Kitang-kita ko kay Trevor ang pagtataka, itinulak niya ito at saka lumapit sa locker.





"H-Hiro, nagbalik ka na!" Halos maluha-luha ako nang lapitan ko siya at hawakan ang braso niya. Sobrang nanabik ako sa kanya.




"Trevor? Anong nangyayari sa fiancé mo?" Bumaling siya kay Trevor at napangisi nalang.




Kusa akong napabitaw sa kanya at nagtaka sa mga ikinikilos niya. He ignore me, like before. Parang naistatwa ako dahil doon, kay Trevor nakatuon ang atensyon niya. I don't like it.




Kinuha ko bigla ang kaliwang kamay niya, at inilahad ang palad niya. "I-It should be here. Nawawala y-y'ung sugat mo?" Hindi ko binitawan iyon at pinisil-pisil ang palad niya. Nawala ang mahabang peklat niya sa kamay, ni hindi siya nasaktan man lang.





What happened to you?




Pahablot niyang inalis ang kamay niya at tumingin sa akin ng masama. Nagkatinginan lang kami ni Trevor, kahit siguro siya ay hindi niya maintindihan si Hiro ngayon.




"Magpapalit ka ng damit? May practice tayo sa tennis ngayon di'ba?" Tinapik-tapik nito ang balikat ni Trevor at akmang aalis.




"H-Ha? Oo, sige. Mauna ka na." Iyon lang ang naging tugon ni Trevor sa kanya at hindi nilingon pa si Hiro.





Nang makaalis si Hiro ay aalis na rin sana ako nang hawakan ni Trevor ang kamay ko. Mas lalo yata akong napanghinaan ng loob sa inasal ni Hiro ngayon, parang nagbago siya.




"Sandali, Alora," He uttered while holding my hand. Ayaw ko siyang tingnan sa mukha, hindi rin kami okay ni Trevor.




"Do you still like him?" I don't know why he asked me this kind of question now.




Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala at pangamba sa magiging sagot ko. If he is a cold and heartless Trevor I known before pero parang ngayon ay nagbago ang ihip ng hangin.




Matamlay akong umakyat ng room, at naabutan si Hiro. Naroon siya sa dating pwesto niya at nakatayo habang inaayos ang bag niya na nakalapag sa arm desk. Nakasuot na siya ng jersey shirt ng tennis team at naka-shorts at rubber shoes din, wala siyang pakialam kahit napansin niya akong pumasok.




"Oy, Hiro!" Narinig ko ang boses ni Karl. Hindi nga ako nagkamali at kumakaway itong binati si Hiro habang pumapasok sila sa loob ng room.




Tumingin ito kay Karl at pasimpleng kumaway. Binati ni Hiro si Karl at Becky na parang matagal niya na itong kakilala. Napapailing ako, may mali sa mga nangyayari.




Bumaling ako sa kanila at naupo sa upuan ko. I rest my elbow in the edge of the back of my chair and lean towards them, Becky just stare at me, she knows I am going to say something.




"Magkakilala na kayo ni Hiro?" Ang tanong na iyon ay para sa kanilang dalawa. Pareho pa silang nagkatinginan na parang nagtataka sa tinanong ko.




"Tsk, seryoso ka ba, Alora? Siyempre, kaklase natin si Hiro e." Karl smirked at me and then focus on getting his notes from his bag.




"Bakit ba curious ka kay Hiro? Kasi halos magkasing-level na si Trevor at Hiro sa tennis? Alam kong mahal mo si Trevor pero sana give chance to Hiro, hihi." She chuckled and secretly smiling while covering her mouth.




Napansin siya ni Karl kaya naman napaliyad ang ulo nito kahit magkatabi pa sila, "Huy, tumigil ka sa kakaganyan? 'Di bagay sa'yo, tss." Inayos pa ni Karl ang pagkakasuot ng salamin niya.




"Mmmp!" Pinalo ni Becky si Karl sa balikat ng malakas dahil tumuntog ang ang paghampas nito. "Kahit kailan, epal ka 'no?" Becky rolled her eyes and crossed her arms.





"Psh, tama na 'yan," saway ko. "Magpalit na tayo, may P.E tayo ngayon 'diba? Kaya, tara na!"




Bumaba kami at sabay na pumasok ni Becky sa comfort room. Nagpalit na ako ng P.E. uniform sa isang cubicle, nakailang buntong hininga ako bago lumabas. Hindi ko kasi alam ang mararamdaman at ikikilos ko ngayong nagbago si Hiro. Hindi ko kayang hindi siya pansinin or iwasan na parang walang nangyari.




"Okay, hahatiin ko kayo sa dalawang team. Count yourselves into two!" Pumito pa ang P.E. teacher namin pagkatapos at inumpisahan ang pagbibilang. Nasa field kami at nakapila habang nakikinig.




Nasa kabilang team si Hiro kasama si Trevor, ganu'n na rin si Karl at kaming dalawa ni Becky ay magkasama pa rin.



"Now, ang activity natin ay pukulang bola. Anyone who knows this physical activity? Kindly raise your hand?" tanong ng teacher namin sa magkabilang panig na magkaharap ngayon.


Tumingin pa ako sa mga kaklase ko kung sino ang nagtaas ng mga kamay at napansin kong nagtaas ng kamay si Hiro, nangunguna pa siyang nagtaas kumpara sa mga kaklase ko.



"Wow, that's nice. What's your name again?" The teacher crossed his brows a little bit.



"Hiro." Confident nitong sagot.




His attitude and personality change a quite different, kung dati parang maamo siyang tupa ngayon ay parang nagiging kagaya na siya ng A3 ngayon. Siguro nga ay baka isa na siya ngayon dahil kasama niya si Trevor.



Nag-umpisa ng maglaro ang ibang kaklase kong ka-grupo at naka-line up rin ako sa susunod na susubok. Puro hiyawan at cheer ang mga kaklase ko kahit simpleng laro lang naman ito.



Nanalo ang grupo namin laban sa kabila, kaya naman parang bata na binelatan ni Becky ang kabilang team. Napansin ko ring ka-grupo ko pa si Claire at si Jaxton, hindi malabong mangyaring baka set-up na naman ito sa susunod na stage.





"Go, Alora! Kaya mo 'yan, fighting!" saad ni Becky na nakamuwestra pa ang kamao sa hangin at naka-angat sa hangin.





Kanina ay ang grupo namin ang pumupukol ng bola. Ngayon naman ay ang grupo ng kabila. At ang pupukol, walang iba kundi si Hiro.





This is my chance. I will let you know who I am.




Kunwari ay nakikitakbo rin ako, may mga kaklase akong natanggal, dahil na rin siguro sa magaling talaga siya rito. Dalawa nalang kami ng isa kong kaklase at ibinato na rin ng malakas ni Hiro ang bola sa ere at naghihintay sa kung kanino tatama ito.



I will let myself hit by the ball. Nakalahad pa ang dalawang braso ko at naghihintay na mapukol ng bola.




Let's see if you are just ignoring me for a purpose.




Napapikit ako nang makitang papalapit na ang bola at mukhang ako nga ang mapupuruhan.




This is it, Alora. Isa, dalawa, tat...



Nag-count down pa ako sa isipan ko habang hinihintay na masalo ang bola.




Tatlo!




Dumilat ako at naramdamang nakahiga na ako sa damuhan. Niliwagan ko ang paningin ko at nakita ang kamay ni Hiro sa gilid ng ulunan ko. Mas lalo akong nagulat nang makita ang mukha niya na nakayuko at nakatapat sa mukha ko.



Parang biglaang tumigil ang sandaling iyon nang maramdaman kong sinalo niya ako gamit ang braso niya. Tumunog ang health watch ko nang sandaling 'yon, sa kanya ko lang nararanasan ang ganitong klase ng pagtibok sa puso ko.




Our eyes met. It's like the first time.





TO BE CONTINUED...





AUTHOR'S NOTE:

Please leave a vote and just comment your reactions while reading, I appreciate that! Thanks for the support.💙

Continue Reading

You'll Also Like

1M 41.4K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
775 237 27
[UNDER REVISION] FIRST EVER ROMANCE-TRAGIC STORY THAT I'VE WROTE! --- Alam na'tin na sa bawat ngiti ay may kapalit na lumbay. Ang bawat buhay ay may...
17.1K 910 25
an epistolary ; serenity and caesar
1.1K 280 18
PETERBOROUGH ENCOUNTERS [COMPLETED] Regan has Davina's heart ever since they were little. Inseparable as described by people surrounds them. But how...