MEJOR AMIGA

By chlorele

334 27 35

May anim na magkakaibigan na may sari-sariling problema pero paano kaya kung magkakila-kila sila magkakaroon... More

CHAPTER 1-REIGN FERNANDEZ
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10

CHAPTER 8

19 3 2
By chlorele

Bago sumagot si William huminga muna ito nag malalim.

"Si Ria...Ria Suarez" sagot ni William. Parang nawala ang saya ni Kelly nang marinig niya ang sinabi nang kanyang kuya.

"Ha?! Si Ri-ria? Suarez? Yung nakasama natin nung nag-outing tayo sa Palawan? Yung anak nang kaibigan nila Mommy?" hindi makapaniwalang tanong ni Kelly.

"Oo,siya nga...".maikling sagot nito.

"Pero kuya....hindi ko gusto ugali niyon. Paano ba naman sa tuwing uuwi ako ng bahay palagi ko siyang nakikita sa bar na malapit sa atin. At hindi ko siya type para sa iyo" sabi ni Kelly.

"Eh ano magagawa mo, siya talaga ang gusto ko eh" medyong naiinis na sabi ni William.

"Siya nga ang gusto mo pero mukhang bibig mo naman si Jhasmin." Dahil sa sinabi ng kanyang kapatid napatingin bigla si William kay Kelly at napakunot ang noo nito.

"Anong pinagsasabi mo diyan? Bakit napasama naman si Jhasmin sa usapan natin?"

"Hay! Naku! Kuya,aminin mo man o hindi si Jhasmin talaga mahal mo. Sige alalahanin mo ha... Yung galing kayong birthdayhan diba naikuwento mo sa akin habang nasa kotse kayo wala kang ginawa kung hindi tumawa nang tumawa dahil sa mga kuwento at jokes ni Jhasmin. Tapos eto pa hindi ko pa ito sinasabi sa iyo eh, nung umuwi ka nang lasing tapos nakatulog ka sa sala, narinig kitang tinatawag mo yung pangalan ni Jhasmin akala ko nga namali lang ako ng dinig eh pero nilapitan kita at galing mismo sa mga bibig. Hindi ko lang masyadong narinig yung unang sinabi mo eh pero yung pangalan ni Jhasmin sobrang linaw." sabi ni Kelly.

"Kung ako,ikaw mas pipiliin ko si Jhasmin kasi alam kong hindi niya ako sasaktan at mabait siyang tao." dagdag nito.

Pero Kelly, mahal ko nga si Ria. Hindi mo naman kasi nararamdaman yung nararamdaman ko eh at si Jhasmin mahal ko rin naman siya...bilang kaibigan" sabi nito.

"Okay sabi mo eh. At tama ka hindi ko naman nararamdaman yung nararamdaman mo. Pero ito lang gusto kong sabihin sa'yo kuya piliin mo yung siguradong sasaya ka...kasi alam mo naman na kung masaya ka masaya rin ako." sabi ni Kelly sabay ngiti nito.
At ang kanilang pag-uusap ay nabalot nang katahimikan.

                                ●●●

William's POV
Nandito ako ngayon sa kotse...mag-isa. Si Kelly kasi ay may pupuntahan pa daw kaya hindi na ito sumabay sa akin pauwi. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang mga sinabi sa akin ni Kelly.

Totoo nga ba talaga na mahal ko si Jhasmin kaysa kay Ria.

Pero tama naman siya kailangan kong magdesisyon kung sino ba talaga sa kanila ang mahal ko. Pero sigurado na talaga ako sa nararamdaman ko. Si Jhasmin kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya at alam ko din na kaibigan lang din ang turing niya sa akin.

Dahil sa kakaisip ko hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako sa bahay. Pumasok ako sa bahay na para bang walang gana.
Bigla ko namang iniangat ang aking ulo nang marinig kong tinawag ako ni Mommy. At nagulat ako na ng makita ko si Ria kasama ang kanyang mga magulang.

"Bakit ngayon ka lang? Nasaan ang kapatid mo?" tanong ni Mommy habang papalapit ito sa akin.
"Kumain pa po kasi kami ni Kelly at nagpaalam po siya sa akin na may pupuntahan pa daw siya" sabi ko sabay beso kay Mommy.

"By the way, nandito sila Tom at Marielle mga magulang ni Ria pumunta ka sa kanila at magbeso" Agad naman akong pumunta sa kanila at niyakap si tito at bumeso naman naman ako kay tita.

"Bakit po kayo napadaan dito, Tito at Tita? May problema ba sa kumpanya?" tanong ko sa kanila at pinapaupo ulit sila.

"We planning a wedding" biglang singit ni Mommy at naglalakad ito papunta sa amin.

"Wedding? But who?" takang tanong ko.

Kanino kayang kasal ang pinaplano nila? Baka kay Ria pero kanino naman siya ipapakasal?

"For you and Ria" masayang sabi ni Mommy. Nagulat naman ako sa sinabi ni Mommy, ano daw,kami ang ikakasal ni Ria? Pero bakit kami? Oo, sinabi kong gusto ko si Ria pero hindi pa ako handang magpakasal.

"But why? Ma,alam mo naman na hindi pa ako ready magpakasal. Alam ninyo naman yan eh" naiinis kong sabi.

"Yes, alam ko. Pero anak para naman sa kumpanya natin ito eh. Para kapag nawala na kami kayong dalawa na ang magpapatuloy nang nasimulan namin. Saka anak may tiwala naman ako kila Tom and Marielle dahil ka bussiness partner natin sila" sabi ni Mommy.

"Pero Mom, nag-aaral pa po kami ni Ria"

"Hindi naman porket kasal na kayo hindi ninyo na ipagpapatuloy ang pag-aaral ninyo syempre mas mahalaga pa rin sa amin eh yung makapagtapos kayo ng pag-aaral, ginagawa namin ito dahil paano kung wala kami may pupuntahan kaming mahalaga,sino ang papalit?.. Syempre kayo" pagpapaliwanag ni Mommy.

Sa lahat ata ng sinabi ni Mommy wala ata akong naintindihan dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kami ipapakasal ni Ria.
Tumingin ako kay Mommy, kila Tito,Tita at kay Ria.

"Dapat po kasi tinanong ninyo muna ako kung handa na akong magpakasal,hindi yung nagdedesisyon kayo nang kayo lang" Dahil sa aking inis agad akong umalis sa bahay nang walang paalam sa kanila. Narinig kong tintawag nila ako pero hindi ko ito pinansin bagkus pinapagtuloy ko lang ang pag-alis sa bahay.

                               ●●●

Habang mahimbing na natutulog si Abigaille hindi niya namalayan na naka 105 missed call na si Lucas sa kanya. Magta-tanghalian na ng magising si Abigaile. Pero bago ito bumababa ginawa muna niya ang kantang morning routine, ang pagtu-toothbrush  ang pagligo at pag-aayos nang kanyang pinaghigaan.
Pagbaba nito galing sa kanyang kuwarto, nagulat siya ng nasa sala na si Lucas at kinawayan siya nito kasama ang kanyang nanay.

''A-anong gi-ginagawa mo rito?" takang tanong nito habang palapit kay Lucas.
''Sinusundo kita" maikling sagot nito habang nakangiti.
"Sinusundo?? Bakit saan tayo pupunta" takang tanong pa rin nito.
"Samahan mo akong bumili nang regalo para sa birthday nang kaibigan ko" sagot ni Lucas.

"Bakit ako? Atsaka kaibigan mo naman yun dapat alam mo na kung ano ireregalo mo sa kanya." medyong inis na sabi nito.

"Ang dami mo namang tanong eh, samahan mo na lang ako" sabi ni Lucas sabay hila nito kay Abigaille.

"Teka lang!" napahinto naman si Lucas dahil sa sinabi ni Abigaile at napatingin ito sa kanya.

"Ano??" tanong nito.
"Magpapalit lang ako" sabi nito.

Lucas rolled his eyes."Okay na iyan, maganda ka naman dyan eh... Tara na!"hila nito kay Abigaille.
"Bye po Tita" paalam ni Lucas sa nanay ni Abigaille at kumaway naman ang nanay nito bilang tugon.

Dali-dali silang pumasok sa kotse at pinaharurot ito ni Lucas nang mabilis.

"TANG-INA,LUCAS
MAGPAPAKAMATAY KA BA? PWEDE BANG BAGALAN MO ANG TAKBO NANG KOTSE MO" sigaw ni Abigaille. Pero hindi siya pinansin ni Lucas at pinagpatuloy ang pagdadrive nito.

"LUCAS!!!" sigaw muli nito sa puntong ito narinig na siya ni Lucas at biglang pumereno si Lucas kaya muntik nang nasubsob si Abigaille.

"Bakit??" tanong ni Lucas habang pinipigilan ang tawa.
"Ang bilis-bilis mo kayang magpatakbo akala ko tuloy nasa racing car ako nakasakay. Dapat talaga hindi na ako sumama sa iyo eh" inis na sabi nito at akma sanang bubuksan ni Abigaille ang pinto ng kotse ngunit pinigilan siya ni Lucas.

"Teka lang! Hahaha, okay...sorry na! Hahaha" sabi ni Lucas habang tumatawa pa rin hanggang ngayon.

"Wow! Ang galing...nagsosorry ka pero tumatawa, ang galing sobra" sabi nito while clapping.

"Okay,sorry na talaga" sa puntong ito seryoso na si Lucas. Tumingin naman si Abigaille sa kanya.
"Okay, sige papatawarin na kita.. in one condition"
"Sige, kahit ano yan...gagawin ko"

"Bilhan mo ako nang lightstick at album ng twice". Bahagyang nagulat naman si Lucas sa condition ni Abigaille.
"Oh,bakit parang nagulat ka? Pag hindi mo ako binilhan nun hindi kita bati" sabi nito parang tila ba'y bata.

"Oo na!. Bibilhan na kita" sagot ni Lucas. At tuwang tuwang naman si Abigaille. At pinatakbo na muli ni Lucas ang kotse sa mga oras na ito normal na ang takbo ng kotse kaya nakampante na si Abigaille.

Continue Reading

You'll Also Like

94.5K 2.4K 35
A little AU where Lucifer and Alastor secretly loves eachother and doesn't tell anyone about it, and also Alastor has a secret identity no one else k...
140K 14.6K 30
"သူက သူစိမ်းမှ မဟုတ်တာ..." "..............." "အဟင်း..ငယ်သူငယ်ချင်းလို့ပြောရမလား..အတန်းတူတက်ခဲ့ဖူးတဲ့ အတန်းဖော်လို့ ပြောရမလား...ဒါမှမဟုတ်..ရန်သူတွေလို...
262K 39.9K 102
ပြန်သူမရှိတော့ဘူးဆိုလို့ ယူပြန်လိုက်ပြီ ဟီးဟီး ဖတ်ပေးကြပါဦး
251K 12.9K 92
Being flat broke is hard. To overcome these hardships sometimes take extreme measures, such as choosing to become a manager for the worst team in Blu...