CHAPTER 7

29 4 9
                                    

Pagdating nila sa may court marami nang estudyante ang nandoon kaya sila'y napapunta sa may bandang likod. Tinawag ni Mr. Lapitan ang mga magulang ni Reign at umakyat ito sa may stage ,hindi na nagulat si Reign nang makita niya ang kanyang mga magulang.

"Goodmorning, students!" bati nila Mr. and Mrs. Fernandez. At bumati rin nang sabay-sabay ang mga estudyante sa kanila.

"Okay,we have an announcement for our upcoming SPORTS FEST this July 16. We have big suprises for all the winners and para naman sa hindi mananalo syempre meron din. Sa mga magiging 3rd place makakatamggap kayo nang 30,000, sa 2nd place ay 50,000, sa 1st place ay 70,000 at sa ating magiging Grandwinner ay makakatanggap ng 100,000. Kaya sa mga gustong sumali magpalista na kayo at magpraktis" sabi ni Richard. At bumababa na ito sa stage.

"Ano guys, sasali ba tayo?" tanong ni Ellianna.

"Sige,sali tayo sayang yung mga prizes ang lalaki pa naman" sang-ayon ni Jhasmin.

"Kayo na lang sumali" napatingin naman ang mga kaibigan ni Reign sa kanya na tila ba'y parang nagtaka. Tumingin din si Reign sa kanyang mga kaibigan. " Wala naman kasi akong alam na sports na laruin. Kaya kayo na lang sumali,susuport ko kayo" sabi ni Reign sabay ngiti.

"Nasisiraan ka na ba nang bait Reign,kaya nga tayo magpapraktis para mapaghandaan natin yung laro. Atsaka kahit naman matalo tayo okay lang kasi may makukuha pa rin naman tayo,hindi mo ba narinig sinabi ng tatay mo. Atsaka gusto rin namin maexperience kung paano panoorin ng maraming tao" sabi ni Forsythia na tila ba'y parang galit.

"Sumali na kasi tayo!" pangungulit ni Abigaille habang hawak ang braso ni Reign. Napabuntong hininga naman si Reign. "Sige na nga, tara na at magpalista na tayo" sagot nito at dali-dali silang pumunta kay Mr. Gonzales.

Pagdating nila doon ay sobrang daming estudyante ang nagpapalista. At napalingon naman sila nang tawagin sila nila David.
"Nandito din pala kayo,sasali din ba kayo?" tanong ni Matthew.

"Hindi ba obvious" mahinang sabi ni Carleigh at may pagtaray pa ito pero ang hindi niya alam narinig ito ni William.

"Akala mo hindi ko narinig iyon ha" inis na sabi ni William sabay tingin kay Carleigh nang masama.

"Pake ko kung narinig mo,pinarinig ko talaga sa iyo yun" sabi ni Carleigh at nagtaray muli ito.

"Ehem,tama na iyan baka kung saan pa mapunta yang usapan ninyo." awat ni Ian kila William at Carleigh.

"Ano ba balak ninyong salihan?" tanong ni Ian.
"Ako ang sasalihan ko ay table tennis,si Carleigh Tennis, sila Ellianna,Forsythia at Abigaile ay volleyball at si Reign ay-"

"Badminton" singit ni David dahil doon hindi na naituloy ni Jhasmin ang kanyang sasabihin.Napakunot naman ang noo nang magkakaibigan dahil sa sinabi nito.
"Diba, naglalaro ka ng badminton nung bata pa tayo.. Lagi ako natatalo nyan,magaling yan si Reign ako na nagsasabi sa inyo" sabi ni David.

Yun naman pala eh,iyon na lang salihan mo, for sure ikaw mananalo" sabi ni Ellianna.

"Basta ito lang masasabi ko, hindi ako magaling doon atsaka baka mamaya matalo lang ako eh di nadisappoint pa kayo sa akin diba. Gagawin ko/ natin ang best natin para manalo tayo" sabi ni Reign.

At sumang-ayon naman ang magkakaibigan sa sinabi ni Reign at umayos ulit sila nang pila. Nang sila ay natapos magpalista sila ay babalik na muli sa kanilang klasrum pero bago yun nakasalubong nila sila Thea.

"Nandito na naman yung mga impaktang ito,kailan kaya mawawala sa mundo itong mga ito" mahinang sabi ni Carleigh. Napatingin naman ang kanyang mga kaibigan sa kanyang sinabi."Charot lang" sabi niya habang nakapiece sign.

"Oh,sasali din kayo?" tanong ni Allyssa.
"Oo bakit may problema tayo?" inis na sabi ni Jhasmin.

"Dapat hindi na kayo sumali baka matalo lang kayo,sayang naman yung praktis ninyo" pang-aasar ni Thea.

Susugudin sana ni Carleigh sila Thea buti na lamang ay napigilan siya nang kanyang mga kaibigan, buti na lamang ay umalis na sila Thea bago pa uminit ang ulo ni Carleigh.

"Napakayabang talaga nang mga iyon akala mo naman sinong magaling" inis na sabi ni Carleigh.

"Pabayaan muna iyong mga iyon parang hindi ka naman nasanay ganon naman talaga mga ugali niyon. Tara na nga at bumalik na tayo sa klasrum." sabi ni Forsythia at sumunod naman sa kanya ang kanyang mga kaibigan.

                                 ●●●

Kinabukasan, dahil wala silang pasok at sabado ngayon. Jhasmin decide to go in the mall to buy something. After a minutes driving her car,she arrived in the mall. The store that she went first was in the closet store. While she was picking a clothes, there was a woman beside her who like the clothes that she was like too.

"Ay! Gusto mo din pala ito" sabi nito. Ang babae ay parang 40 plus na pero mukha pa rin itong dalaga.

"Opo sana eh, pero sige po sa inyo na" sabi ni Jhasmin.
"Okay lang ba?"tanong nito. Ngumiti lamang si Jhasmin bilang tugon. Nagpasalamat naman ang babae sa kanya at pumunta na ito sa cashier upang magbayad.

"Bakit ganun, unang kita ko pa lang sa kanya pero parang ang gaan na ng loob ko sa kanya?" tanong ni Jhasmin sa sarili pero imbis na isip- isipin niya ito ipinagpatuloy na lamang  niya ang kanyang pagsho-shopping.

Pagkatapos nito mamili,pumunta ito sa isang restaurant sa mall upang kumain. Pagdating niya doon ay agad siyang umorder. Habang naghihintay siya nang kanyang inorder nilingon-nilingon muna niya ang kanyang mga mata sa restaurant at napatigil ang kanyang mga mata ng makita niya si William na may kasamang babae.

Masaya  si William kausap ang babae at may kasama pa itong pagtawa ,hindi man niya nakita ang mukha nito pero alam  niya  na maganda ito. Dahil doon nakaramdam si Jhasmin nang kirot sa kanyang puso.

"Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit ganito ang aking nararamdaman? Hindi ko dapat maramdaman ito. Hindi PWEDE!" inis na sabi nito sa kanyang sarili.
Pero kahit na sinabi iyon ni Jhasmin sa kanyang sarili hindi pa rin niya maalis ang kanyang mga mata kila William.

                                 ●●●

"Kailan ka aalis?" tanong ni William sa babae.
"Baka mga next next week pa" sagot nito.
"Bakit ba kasi kailangan mo pang umalis paano kami nila mama?" tanong ni William sabay subo ng kanyang pagkain.
"Kuya.... para kang bata,malaki ka na kaya mo na alagaan sila mama,atsaka saglit lang naman ako doon mga 3months lang ako sa America" sagot nito.
"Kelly,pero matagal pa rin iyon. Baka pag-uwi mo may boyfriend ka na ha" sabi ni William sabay tawa.
"Para kang baliw,malaki na ako kaya pwede na ako mag-boyfriend" sagot nito.
"Kelly!!!" sigaw ni William,napa-peace sign si Kelly at tumawa nang bahagya. Si Kelly at William ay magkapatid,sobra silang close sa isa't isa kaya naman minsan ay napagkakamalan silang magjowa lalo na sa mga tao na bago pa lamang nilang nakikilala.
"Pero seryoso kuya,wala ka  pa bang balak magkagirlfriend?" tanong ni Kelly.
"Wala pa iyan, sa mga balak ko eh" maikling sagot ni William habang nilalaro ang kanyang tinidor.
"Pero may nagugustuhan ka na?" muling tanong ni Kelly. Ngunit hindi sumagot si William at nilalaro pa rin niya hanggang ngayon ang kanyang tinidor.

"Silent means YES!,sino iyan kuya? kuwento mo naman sa akin" sabi ni Kelly na sobrang exited na malaman ang isasagot nang kanyang kuya at inayos pa nito ang kanyang pagkakaupo para maging kumportable ito habang  nagkukuwento si William.

MEJOR AMIGAWhere stories live. Discover now