CHAPTER 9

16 2 0
                                    

Abigaille's POV
Nakatingin ako ngayon sa maamong mukha ni Lucas at masasabi kong napaperfect nang mukha nito. May matangos na ilong,mahahabang pilik mata at may mapupulang labi. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ko siya ngayon parang dati lang pinapangarap kong makatabi siya, makausap pero tignan mo nga naman ngayon. Araw-araw ko na siyang nakakasama, nakakatabi at nakakausap. Kanina nga eh gusto ko na siyang sapakin dahil sa ginawa niya.

"Abigaille??Abigaille??" tila ba'y bumalik ang aking diwa nang marinig ko na tinatawag ako ni Lucas.
Tumingin naman ako sa kanya na tila ba'y nagtatanong kung bakit.
"Nandito na tayo... kanina pa kita tinatawag pero nakatulala ka lang...siguro pinagmamasdan mo itong napakaguwapo kong mukha" sabi nito sabay hawak sa kanyang mukha.

Jusko po! Ano ba itong kasama ko sobrang hangin. Pero infairness gwapo naman talaga siya.

"Ang dami mo pang sinasabi dyan eh,tara na sa loob baka gabihin na tayo" sabi ko.
"Gagabihin,kita mong ang tirik ng araw eh. Bilisan mo na at bumababa na tayo dito dahil kanina pa tayo nandito sa kotse." Bumababa na kami sa kotse at pumasok na sa mall.
Pagpasok namin doon ay kinulit ko na siya na bilhan niya muna ako ng lightstick at album,mahirap na baka makalimutan pa ng tukmol na ito.

"Hoy! Lucas yung promise mo sa akin. Akala mo malilimutan ko"

"Hindi ko naman nakakalimutan. Tara na nga at puntahan na muna natin yun baka maging dragon ka na dyan eh" sabi nito sabay tawa. At agad naman kaming pumunta kung saan may Kpop store.
Pagpasok namin doon sobrang daming kpop merch at dahil may nakita akong bts merch din hindi ko na inaksaya na magpalibre kay Lucas,minsan lang naman ito kaya susulitin ko na.
"Hoy! Lucas, bilhan mo din pala ako nang bts merch ha" masaya kong sabi.

"Ano?! Akala ko twice merch lang tapos nadagdagan na ng bts...grabe ka ha"

"Okay lang yan,mayaman ka naman eh hahahaha" biro ko sa kanya.

"Ang daya ah parang ako yata nagyaya dito tapos ikaw pa ata ang maraming mabibili."

Akala mo naman sobrang mahal nang pinababili ko sa lalaking ito. Milyon nga kinikita buwan buwan, nasa libo lang naman pinapabili ko. Napakakuripot!

"Ang dami mong sinasabi eh, bilhan mo na lang ako...dali na". At hinila ko sya papasok sa loob ng store.
Pagpasok namin sa loob agad akong pumili,dahil marami akong nakitang mga magagandang merch halos mapuno ko na yung basket na hawak ko. Pagdating ko sa may cashier nanlaki ang mata ni Lucas ng makita niya ang pinamili ko.

"Dapat inubos mo na lahat ang mga tinda dito. Nakakahiya naman diyan sa bitbit mong basket" sabi nito habang papalapit sa akin upang kuhanin ang mga pinamili.

"Kung gusto mo pwede naman" biro ko. At tinignan ako ni Lucas ng masama.
Habang iniiscan ni Ateng Cashier ang mga pinamili ko nagulat kami ng umabot ito sa 100,000. Biglang napatingin naman si Lucas sa akin.

"Ikaw magbayad nito ha..." pagkasabi nito akma sana itong aalis ng store buti na lamang napigilan ko ito.
"Hoy, lucas...huwag ka naman kaagad umaalis...gusto mo hati na lang tayo,tutal pinamili ko naman ito eh".

Dahil sa aking sinabi pumayag naman ito at bumalik muli kami sa cashier upang bayaran ang aking pinamili.
Pagkatapos niyon ay umalis na kami sa store.
"Ikaw magbibit ng lahat nang mga yan ha"

Mukhang nagalit ko ata si Kuya..Lagot ako nito.

"Hoy, Lucas bitbitin mo naman itong isa..dali na" sabi ko habang hinahabol ko siya. Ang bilis kasi nyang maglakad eh. Agad naman itong huminto at kinuha ang isang bag na bitbit ko.

MEJOR AMIGAWhere stories live. Discover now