CHAPTER 2

38 2 4
                                    

'' Maraming  salamat nga pala sa ginawa mo sa akin kanina ah'' sabi  ng babae na tinulungan niya.

'' Wala iyon, ginawa ko lang naman ang tama para hindi ka na nila ibully'' sabi ni Reign.

'' Pwede ba kitang katabi sa upuan? Wala kasi akong makausap doon eh'' tanong ng babae.

'' Oo sure no problem, ako din eh wala din akong makausap doon eh'' sabi ni Reign.

''Teka lang kanina pa tayo nag-uusap pero hindi ko pa rin alam pangalan mo'' dagdag ni Reign.

'' Nagpakilala na tayo kanina ah'' sabi ni Carleigh.

'' Oo nga pala, pero nalimutan ko eh.. hahhaa'' sabi ni Reign sabay kamot sa ulo.

'' Ay! Okay hahaha.. ako si Carleigh Mendoza, ikaw alam ko first name mo eh, Reign right? hindi ko lang alam apelyido mo.'' sabi ni Carleigh.

'' Teka! Carleigh Mendoza??'' takang tanong ni Reign.

''Bakit parang nagulat ka,magkailala na ba tayo dati?'' takang tanong ni Carleigh

'' Ikaw ba yung scholar dito?'' tanong muli ni Reign.

'' Oo, paano mo nalaman? Atsaka hindi lang naman ako yung scholar dito, madami din kami.'' sabi ni Carleigh.

'' Ah wala nakita ko lang kasi sa... Ay! nakalimutan ko, ako nga pala sa Reign Fernandez'' sabi ni Reign.

'' Fernandez???'' takang tanong nito. Napakunot naman ang noo ni Reign pagkatapos sabihin iyon ni Carleigh.

"Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" sabi ni Reign.

"Hindi kaya tatay mo itong may ari nang University na toh" sabi ni Carleigh.

"Paano mo naman nasabi?" tanong ni Reign.

"Wait lang may ipapakita ako sa iyo" sabi ni Carleigh at kinuha nito ang kanyang cellphone at pinakita kay Reign.

"Saan mo nakita ito?" takang tanong ni Reign. Pinakita kasi ni Carleigh ang litrato nang pamilya ni Reign na galing sa google.

"Nakita ko ito sa google, nung nalaman ko kasing naging scholar ako dito may nakapagsabi sa akin na ang pamilya Fernandez daw ang pinakamayaman sa buong pilipinas at sa iba pang bansa kaya nakacurious akong isearch talaga siya" paliwanag ni Carleigh.

"Grabe nga yun hahaha" maikling sabi ni Reign.

Habang masayang nagkukukwentuhan sila Carleigh at Reign hindi nila namalayan na lumapit yung tatlong babae na nakaaway nila kanina yung isa ay hinampas si Reign sa balikat at napa-aray naman si Reign dito.

"ANO BA PROBLEMA MO HA???!!" galit na galit na sabi ni Reign.

"SINO KA PARA PAKIALAMAN AKO KANINA HA?" galit na sabi nang babae.

"Hindi mo siya nakikilala,sya lang naman ang..." hindi na naituloy ni Carleigh ang kanyang sasabihin nang biglang tumingin si Reign sa kanya na nagsasabi na huwag sabihin kung sino siya.

"Bakit sino ba sya?" tanong nang babae.

"Thea,tara na umupo na tayo sa upuan natin huwag ka nang gumawa ng gulo" sabi nang babae na katabi niya.

"Teka ka lang gusto ko lang malaman kung sino siya" sabi ni Thea.

"Hindi mo na kailangan malaman kung sino ako atsaka hindi ka ba nakikinig kanina nagpakilala na tayo.
Atsaka tinatanong mo kung bakit ako nakikielam sa ginagawa mo kanina kasi ginawa ko lang naman ang tama para tigilan mo na si Carleigh at para hindi ka na gumawa nang eskandalo 
dito sa school na ito" paliwanag ni Reign.
Ngunit hindi pa rin tumitigil si Thea sa pangungulit kay Reign.Akmang aalis na sana sila Carleigh ngunit  tinulak ni Thea si Reign dahil ayaw nitong sabihin kung sino siya.

"BAKIT AYAW MO BANG SABIHIN HA?!!" galit na galit na sabi ni Thea.

"EH AYAW KO NGA,BAKIT KA BA NAKIKIALAM HA?!!! galit na sabi ni Reign.

"Siguro nasa kulungan mga magulang mo noh,kaya ayaw mong sabihin dahil mga kriminal sila" sabi ni Carleigh.

"Paano mo nasabi ha??!! Dahil ang kulit kulit mo sasabihin ko na kung sino ako, ako si Reign Fernandez 17 years old nakatira sa Tandang Sora, Quezon City"pang-aasar ni Reign.

"NANG-AASAR KA BA HA?!!!" inis na inis na sabi ni Thea.

"Pikon ka pala eh..." sabi ni Reign.
Maya-maya lamang ay dumating na si Mrs.Santiago.

"ANONG KAGULUHAN ITO MS.BAUSTISTA  AND  MS.FERNANDEZ" galit na sabi ni Mrs. Santiago ang guro nila sa Math.

"Mam, eto po kasi si Thea sugod lang po nang sugod dito, nagkukwentuhan lang naman po kami ni Carleigh tapos bigla bigla na lang pong mananakit" paliwanag ni Reign.

"Mam,kasi po si Reign ayaw po niyang sabihin kung sino talaga siya namimilosopo pa po" paliwanag ni Thea.

"Okay class, Reign Fernandez is the daughter of Mr. and Mrs. Fernandez the owner of this Fernandez University" sabi ni Mrs. Santiago. Dahil doon nagulat lahat nang mga kaklase ni Reign lalo na sila Thea.
"Pero mam, kahit naman po na anak ako ni Mr. and Mrs.Fernandez kung  may magiging kasalanan ako sa school na ito tatanggapin ko naman po" sabi ni Reign.

"Oo Reign sinabi na rin sa amin yan ng daddy mo hindi ka daw exepted sa lahat nang gagawin mong kasalanan dito sa ischool na ito, okay class bumalik na kayo sa mga upuan ninyo magsisimula na ang klase natin" sabi ni Mrs. Santiago.
Nagsibalikan naman ang mga mag-aaral pero bago umupo sila Thea tinarayan nito sila Reign. Ayaw kasi ni Reign na malaman nang mga kaklase niya na anak siya nang may ari nang school na pinapasukan nila dahil baka pagnakasali siya sa honors baka sabihin nang mga kamag-aaral niya 
dahil nakasali lang naman siya dahil anak siya ni Mr. and Mrs. Fernandez.

MEJOR AMIGANơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ