CHAPTER 4

39 3 6
                                    

Tumunog na ang bell hudyat ito na recess na nila.

"Reign,pupunta kayo ng canteen? Pwede ba kaming sumabay?" tanong ni Abigaile.
"Sure, no problem" sabi ni Reign.

Sabay-sabay silang pumunta nang canteen kasama ang mga kaibigan ni Abigaile sina Forsythia, Elllianna at Jhasmin. Maganda na rin iyon dahil magkakagrupo naman sila at para mas maging close sila sa isa't-isa. Pagkatapos nilang bumili nang kanilang  mga pagkain sila muna ay naupo.

"Reign,Carleigh, parang ngayon ko lang kayo nakita sa school na ito." sabi ni Ellianna.
"Ako kasi sa public ako nag-aral nung elementary at highschool ako" sabi ni Carleigh.
"Ako din sa iba din akong school  nag-aral noon" sabi ni Reign.
Habang masaya silang nagkukwentuhan nagulat sila nang biglamg nagtilian ang mga babae sa canteen. Dumating kasi ang anim na Campus Hearthrob roon.
"Sino-sino ang mga iyan?" tanong ni Carleigh.
"Sila ang campus heartthrob dito sa school.Yung nakadilaw si William Muller, yung naka blue si Lucas Tyler huwag ninyong aagawin yun bebe ko yun hihihi,yung naka green si Ian Smith, yung naka maroon si Matthew Wilson medyo mayabang iyan. Yung naka violet si Nicolas Everson at yung leader nila yung naka red si David Hogan" sabi ni Abigaile.

Maya-maya lamang ay lumapit ito sa kanila at may hinahanap.
"Mga miss nakita ninyo ba si Reign Fernandez?" tanong ni David.
"Ay! Nandoon bumibili ulit nang pagkain" sabi ni Abigaile habang kinikilig. Ang mga estudyante ay medyo naiinis sa kanila lalo na sila Thea na nakatingin sa kanila.
Bumalik ulit si Reign sa kanilang pwesto kanina.
"Reign???!" tanong ni David.
"Ha? Bakit sino ka?"takang tanong ni Reign.
"Reign, hindi mo na ba ako nakikilala,ako yung childhood bestfriend mo" sabi ni David.
"CHILDHOOD BESTFRIEND??!!" sigaw ng mga kaibigan ni Reign.
"Ahhh...David Hogan??.. mygosh ang laki-laki mo na dati ang liit-liit mo pa" sabi ni Reign.
At nagyakapan silang dalawa.
"By the way ipapakilala ko sa iyo mga kaibigan ko, this is Forsythia, Carleigh, Abigaile, Ellianna at Jhasmin." sabi ni Reign.
At nakipag shakehands ito kay David.
"Ipapakilala ko naman sa inyo mga tropa ko, ito si Nicolas, Matthew, Lucas,Ian and William" sabi ni David.

At nakipagshakehands din ito sa kanila.Kinilig naman si Abigaile nang makipagshakehands ito kay Lucas.

"Pwede ba kaming maki-upo? tanong ni David.
"Oo naman, walang problema" sabi ni Forsythia.

Agad naman na umupo sina David katabi sila Reign. At ang ibang estudyante ay inggit na inggit sa kanila lalo na sila Thea.

"Lagot talaga sa akin yang magkaka- iibigan na iyan lalo na yang si Reign. Lahat nalang inagaw niya pati ba naman sila David. Hindi ko hahayaan na mapunta sa kanila ang mga Campus Heartthrob" sabi ni Thea habang nakatingin kila Reign na masayang kakwentuhan kasama sila David.
"Diyan lang kayo..." sabi ni Thea.
"Sama kami!!!" sigaw ng mga kaibigan niya.

"Hi! Boys!!!" biglang singit nila Thea kila Reign. Nagulat naman ang magkakaibigan nang biglang sumulpot sila Thea sa kanila.
"Ano na naman kaya ang gagawin nila dito" bulong ni Carleigh kay Reign.

"He-hello.." maikling sabi ni David at tumigin kila Reign na parang sinasabi na sila at ano ang ginagawa nila dito.
"I'm Thea"
"I'm Krystal"
"I'm Allyssa" pagpapakilala nang magkakaibigan kila David at nakipagshake-hands ito sa kanila.
Pagkatapos niyon ay umalis na sila.

"Sino yung mga yun" tanong ni  Ian.
"Mga mortal enemy namin iyon" sagot naman ni Carleigh.
"Ha,bakit ninyo naging kaaway?" takang tanong ni Lucas.

Kinuwento lahat ni Carleigh ang mga pangyayari kung bakit nila naging kaaway sila Thea.

"Ahh, Grabe naman pala yung mga yun, pero don't worry nandito lang kami, kung aawayin ulit kayo nang mga yun lagot sila sa amin" sabi ni William.

Napangiti naman ang mga girls sa sinabi ni William.
"Matanong ko lang David, paano mo nalaman na nandito ako sa FU?" tanong ni Reign.

"Tinanong ko kasi sila Tita kung saan ka nag-aaral tapos ang sabi nila nandito ka sa FU kaya kinabukasan maaga akong pumunta pero hindi kita nakita eh tapos nalimutan ko pang tanungin kung anong section ka kaya sabi ko sa canteen na lang kita pupuntahan at alam kong matakaw ka eh hahahaha" sagot ni David sabay pisil sa pisngi ni Reign.

"Hanggang ngayon talaga inaasar mo pa rin ako huhuhu" sabi ni Reign habang nakapout.

"Ang cute cute mo pa rin hanggang ngayon hahahaha" sabi ni David sabay pisil ulit sa pisngi ni Reign.

"Ehem...Ehem... parang ang dami atang langgam dito kanina pa ako kinakagat eh" sabi ni Elllianna habang nakatingin kila Reign at David.
Napatingin naman sila Reign sa kanilang mga kaibigan na nakangiti ngayon. Tinignan nang masama ni Reign ang kanyang mga kaibigan ngunit tinawanan lang siya nang mga ito.

"Reign,pinapasabi pala ni Mama na kung pwede ka daw pumunta sa bahay, birthday kasi nang kapatid ko may kaunting salo-salo lang naman yun..Sama na rin kayong lahat" sabi ni Carleigh.
Masayang sumang-ayon ang magbabarkada at pagkatapos nang kanilang klase ay sabay-sabay silang pumunta sa bahay nila Carleigh.

MEJOR AMIGAWhere stories live. Discover now