CHAPTER 6

37 3 3
                                    

Pagkarating ni Ellianna sa bahay nila agad na itong nagpaalam kay Ian.

"Ellianna!!" sigaw ng tita niya na si Maxine kasama nito ang kanyang asawa na si Mariano. Nakatira na lamang si Ellianna sa kanyang Tito at Tita dahil iniwan ito sa kanila nung siya ay maliit pa lamang, minsan pa ay tinanong siya nang kanyang tita kung gusto pa daw niyang makita ang kanyang nanay ngunit ang sagot ni Ellianna ay ayaw na daw niya itong makita kailanpaman.

"Sino yung kasama mo ha?" tanong ni  Maxine habang nakahawak sa kanyang beywang.

"Si-si Ian po... pero Tita,Tito kung ano namang pong iniisip ninyo kaibigan ko lang po iyon ha at saka po pumunta po kami sa birthday nang kapatid nang kaibigan po namin" sagot ni Ellianna.

"Oh, hinay-hinay lang tinatanong lang namin kung sino ang kasama mo ang dami mo nang sinabi hahaha" sabi ni Mariano sabay tawa nito.

"Oh tama na iyan, tayo'y pumasok na sa loob at malalim na ang gabi" sabi ni Maxine at pumasok na sila sa loob.

Ang hindi alam ni Ellianna may tao na kanina pa sumusunod sa kanya.

"Nandito ka pala nakatira..ngayon alam ko na" sabi nito habang nakadungaw sa may gate nila.
  
                                ●●●

"Bye Jhasmin...sa uulitin" sabi ni William at pinaandar na nito ang kanyang kotse. Pumasok siya kaagad sa kanilang bahay at agad nitong nakita ang kanyang nanay na si Beth at ang tatay niya na si Roberto.

Si Jhasmin ay ampon lamang, kanila itong inampon nung siya ay sanggol pa lamang sa may bahay-ampunan. Pinalagay na rin nang mag-asawa ang kanilang apelyido upang maging tunay na nila talaga itong anak. Ngunit ganun pa man gusto pa rin  makita nito ang kanyang tunay na mga magulang para malaman na rin niya kung bakit siya dinala sa bahay-ampunan. Naging mabuting magulang sina Beth at Roberto kay Jhasmin at minahal nila ito na parang tunay nilang anak.

                                  ●●●

Kinabukasan ang magkakaibigan ay maagang pumasok maliban sa isa, si Reign. Si Reign ay palaging maagang pumapasok kaya naman malaking pagtataka nila bakit hanggang ngayon at wala pa rin ito. Maya-maya lamang ay dumating na si Mrs. Serdon sa kanilang klasrum.

"Bakit wala pa si Reign? Anong oras na ah" bulong ni Forsythia sabay tingin nito sa kanyang orasan.
"Kaya nga eh, hindi naman nalalate iyon" saad ni Abigaile.
"Baka naman may sakit siya kaya wala siya" sabi ni Jhasmin.

Maya-maya lamang ay may nakita silang babae na tumatakbo sa kanilang terrace.
"Oh, Ms.Fernandez, why are you late?" tanong ni Mrs. Serdon.
"Mam, I'm very sorry, kasi po naplatan po ako atsaka po nung nakasakay na ako sa jeep natraffic naman po ako.. pasensya na po." sabi ni Reign,napatingin naman siya sa kanyang mga kaibigan na nakatingin sa kanya ngayon at binaling uli niya ang kanyang atensyon kay Mrs.Serdon.
"Okay Reign, i will forgive you, halata naman na namamadali kang pumunta dito eh. Sige na pumunta ka na sa upuan mo" sabi ni Mrs. Serdon.
"Thank ypu po, Mam" sabi nito at agad na pumunta sa kanyang upuan. Pagkatapos nang kanilang pangatlong subject ay nagbreak time na sila.

"Reign,bakit ka nga pala na late, first time mong nalate ngayon,akala nga namin aabsent ka eh at baka may sakit ka" sabi ni Ellianna.
"Nagkaroon lang nang problema sa pamilya ko at nalate na kasi akong naging" sagot nito habang pumunta sa mga upuan para maupo at makakain.
"Kung okay lang sa iyo,pwede mo bang ikuwento sa amin?" tanong ni Carleigh. Napabuntong hininga naman si Reign.
"Uhmm..Ganito kasi yun..."

Pagkatapos magpaalam ni Reign kay David ay agad na itong pumasok sa kanilang bahay. Pagbukas ni Reign nang pinto nagulat siya nang makita nito ang kanyang mga magulang.

"Bakit kasama mo si David? Bakit ginabi ka na? Saan kayo galing?" sunod-sunod na tanong ni Richard ang tatay ni Reign.
"Bakit kayo po ba tinanong ko po ba kayo kung saan kayo pumupunta ni Mommy, hindi po diba? Kaya wala po kayong karapatan na tanungin ako" sagot ni Reign. Dahil doon nasampal siya nang tatay niya at napaiyak ito sa sakit.

Malaki kasi ang galit ni Reign sa kanyang mga magulang kasi simula nang siya ay bata pa lamang si Ate Vangie na ang lagi niyang nakakasama. Kahit nga sa pag-akyat sa stage si Ate Vangie ang gumagawa dahil palaging busy amg kanyamg mga magulang. Minsan pa nga naisip niya sana hindi na lang sila naging mayaman dahil marami nga silang pera ngunit hindi naman niya nakakasama ang kanyang pamilya.

"HINDI KA NAMIN PINALAKI NANG GANYAN HA, NA SAGUT-SAGUTIN MO LANG KAMI..IKAW ATE VANGIE KUNG ANO-ANO ANG ITINUTURO MO SA ANAK NAMIN!" galit na sabi ni Richard,nagulat naman si Ate Vangie nang marinig nito ang kanyang pangalan.

"Sir..."

"Wala pong kasalan si Ate Vangie dito kaya huwag ninyo siyang idamay. Kayo po ang may kasalan..Paano ba naman puro kayo trabaho...trabaho." sabi ni Reign.

''Anak,para sa iyo naman ang ginagawa namin eh" sabi ni Cecilia.

"Yes po Ma, alam ko...pero ang gusto ko lang naman po eh okay naman po na magtrabaho nang magtrabaho, pero bigyan ninyo naman po ang sarili ninyo nang pahinga para makasama kayo. Kahit nga po sa pag-akyat sa stage hindi ninyo magawa at yung pagpunta sa mga meeting sa aming school na dapat kayo ang gumagawa pero si Ate Vangie ang pumupunta. Minsan pa nga naiinggit ako sa mga ibang estudyante na kasama nila ang kanilang magulang sa school naghahatid at sundo sa kanila" sabi ni Reign habang umiiyak.

"Ipapangako namin anak na gagawa kami nang paraan para makasama ka namin" sabi ni Cecilia.

"Huwag ninyo lang pong ipangako gawin ninyo po dahil takot po akong umasa" sabi nito.
"Atsaka po tinatanong ninyo kung saan ako galing at bakit ako ginabi..inimbitahan po kasi ako sa birthday nang kapatid nang kaibigam ko" dagdag ni Reign at umakyat na ito sa kanyang kuwarto.

"Umiyak kasi ako magdamag kaya hindi ko na rin alam king anong oras ako nakatulog" sabi ni Reign.
"Dapat kasi hindi mo na sinagot yung tatay mo" sabi ni Jhasmin.

"Hindi ko kasi mapigilan yung galit ko eh kaya nasagot ko yung tatay ko nang ganun" sagot nito.

''Pero tama si Reign, kapag galit kasi ang isang tao kung ano-ano na lang lumalabas na hindi magagandang salita sa bibig nila kaya kung may nasabi mang hindi maganda sa'yo, ikaw na ang magpasensya" sabi ni Forsythia.Sumang-ayon naman ang magkakaibigan sa sinabi ni Forsythia.

Habang nagkukwentuhan ang silang magkakaibigan may dumating na guro na si Mrs. Lapaz at pinapatawag ang lahat nang mga estudyante sa may court.

MEJOR AMIGAWhere stories live. Discover now