CHAPTER 1-REIGN FERNANDEZ

60 3 5
                                    

"Ate Vangie,pwede po bang makahingi ulit ng ulam?"tawag nito kay Ate Vangie na kanilang kasambahay na mahigit sampung taon na namamasukan sa kanila.Simula pa nang maging magkasintahan ang mga magulang ni Reign.

"Oo naman Reign,halatang nagustuhan mo ang niluto ko ah" masayang sabi ni Ate Vangie habang inaabot ang mangkok kay Reign.

"Wala naman po kayong niluto na hindi masarap eh"sabi ni Reign.

"Ay!Naku! Nambola ka pa hahaha!" sabi ni Ate Vangie at sabay silang tumawa.

Tumingin si Reign sa kanyang orasan at nagulat siya rito.

"Hala ate! Malelate na po pala ako" taratang sabi nito at dahil sa kanyang pamamadali hindi na niya naubos ang kanyang pagkain.

"Ganun ba,O sige eto na yung bag mo,ingat ka sa pagda-drive" sabi ni Ate Vangie. Nasa College na si Reign at hindi na siya nagpapahatid at sundo sa kanilang driver minsan lang ito magpa-drive kapag alam niya sa sarili niya na pagod na siya.
Nag aral si Reign nang driving lesson nang simula nang siya ay tumuntong sa Highschool.

Pagkarating niya sa kanilang school,kinakabahan siya dahil hindi niya alam kung sino-sino ang kanyang mga kaklase. Hinanap niya ang kanyang classroom at mabilis naman niya itong nakita. Pagkarating niya sa tapat nang kanilang classroom nakita niya na kakaunti pa lamang ang nasa loob, siya ay naupo sa pinakadulong upuan. Si Reign kasi ay hindi masyadong palakaibigan hindi naman sa baka maldita siya kundi ganoon talaga siya,tahimik lang kasi siyang tao.

Pagkalipas nang ilang minuto nagsisidatingan na rin ang iba pa niyang mga kaklase. Mas naantig ang kanyang atensyon sa isang babae na tagatak ang pawis at halatang namamadali ito. Agad siyang naupo sa tapat ni Reign. Narinig ni Reign na pinag-uusapan ito nang kanyang mga katabi.

"Ano ba iyan? Hindi man lang nag-punas nang pawis bago pumasok rito" sabi ng katabi ni Reign.

Pagchi-chismisan pa sana nang kanyang mga katabi yung babae ngunit dumating na ang kanilang adviser na si Mrs. Serdon.
Gaya ng mga pangyayari sa unang araw nang klase nagpakilala silabg lahat at nagbigay nang mga rules ang kanilang mga guro. Pagkatapos niyon ay nagrecess na ang lahat,yung iba ay may kasama at yung iba naman ay wala gay na lamang ni Reign.
Pagpunta niya sa canteen maraming nakapila kaya naghintay na lamang siya, mabilis naman ang pagse-serve sa mga estudyante kaya hindi na rin masyadong naghintay si Reign.
Paglabas niya sa canteen nakita niya na may nagkukumpulang mga estudyante at may narinig siya na nanghihingi nang tawad ang isang estudyante. Agad siyang lumapit rito at nakita niya ang kanyang kaklase na nakaluhod sa isa rin niyang kaklaseng babae.

"Patawad po...Patawad po" paulit-ulit na sabi nang babaeng nakaluhod.

"ANONG PATAWAD? WALANG PATAWAD ANG GINAWA MO SA DAMIT KO! ALAM MO BANG NAPAKAMAHAL NITO HA! HINDING HINDI MO ITO MABABAYARAN!!" galit na galit ba sabi nang babae.

Natapunan kasi nang iniinom na tsokolate ang damit nang babae.

"Napakaliit naman ang problema nitong babaeng ito" sabi ni Reign sa isip niya.

"Ate, baka pwede mo anng patawarin ang liit naman po nang problema mo eh, pwede mo nang labhan o bumili nang bago" singit na sabi nang isang babaeng estudyante.

Pagkatapos niyang sabihin iyon nag sang-ayon din ang mga estudyante na naroon. Pagkatapos niyon ay sumingit na si Reign.

" Magkano ba iyang damit mo? Babayaran ko na lang" biglang singit ni Reign. Nagulat lahat ang mga estudyante na naroon.

"SANA ALL!" sabay sabay na sabi ng mga estudyante.

Biglang namang tumawa ang babae.
"Alam mo ba kung magkano ito?
P 8,000 lang naman ang isa nito!" pagmamayabang nang babae.

Kinuha ni Reign ang kanyang wallet at kumuha nang pera na aabot sa mahigit P50,000 at inabot ito sa babae,napatulala ang lahat nang mga estudyante doon. Hindi kinuha ng babae ang pera kaya binulungan siya ng isang babae na katabi niya.

"Kunin mo na bes, ipang shopping na natin yan mamaya" bulong ng isang babae sa tabi niya.

Dahil hindi pa rin kinukuha nang babae ang pera,ang kanyang kaibigan na lamang ang kumuha nito.

"Ang arte nang kaibigan mo siya na yung binibigyan umaayaw pa" sabi ni Reign.

Pagkatapos sabihin iyon ni Reign ay umalis na ito at sinama niya ang babaeng binully kanina pabalik sa kanilang room. Pagkaka-alis nila Reign ay nagsibalikan na rin ang mga estudyante sa kani-kanilang klasrum.

MEJOR AMIGAWhere stories live. Discover now