ALTERNATE UNIVERSE ONE SHOTS

By writes_danica

5.5K 202 205

Consist of different pairs in their alternate universe. With some genres being romance or tragic. Some are al... More

On Past, Jealousy, and Alcohol
Deaths and Birthdays
The 7th of February
Queen Of My Heart
If Ever You're In My Arms Again
A Trip To Remember
She Used To Be Mine
A New Chapter
Traitor
Promise
Crashed
Haven
Someone Like You
Exchange of Hearts
Best Part
More Than Just The Two Of Us
To Love You More
Stuck With You
Heartbeat
How Do I Say Goodbye
Rewrite The Stars
Midnight Rain Strangers
Perfect
Wish Granted
The Sound of Goodbye
Can't Help Falling In Love With You
From Here To Eternity

Happily Ever After

285 5 1
By writes_danica

HAPPILY EVER AFTER(Someone Like You Finale Part)

A CAMBIO AU

"Mama, are you okay?" Biglang tanong sa akin ni Emma. "Ang putla putla niyo po."

"Yes, 'nak, okay lang ako." Ngiti ko kay Emma sabay hikab. "Puyat lang siguro ito."

"You sure, Mama?" Pagtatanong ulit ni Emma sa akin.

"Yes, Emma, okay lang talaga ako." Ngiti ko naman sa kanya.

"Halika nga rito, anak." Tawag ko sa kanya para tumabi sa akin kama.

"Masyado kang worried sa akin." Tawa ko sa kanya nang tumabi na siya sa akin.

"Siyempre Mama kita eh." Pout lang ni Emma sa akin.

"Hay nako, nambola ka pa talaga." Sagot ko sa kanya at hinaplos ang buhok.

"Kelan pala uuwi si Papa, Ma?" Tanong ni Emma sa akin at sumandal sa balikat ko.

"Sa makalawa pa, anak."

Nasa Macau kasi ngayon si Fabio para asikasuhin ang branch ng casino namin doon. Hindi na ako sumama dahil mas gusto kong samahan nalang dito si Emma at medyo hindi rin maganda ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw.

"Miss ko na si Papa." Buntong hininga ni Emma.

"Miss ko na rin siya, anak." Sang ayon ko sa sinabi niya.

"Are you sure, Ma, okay lang dito?" Tanong niya ulit sa akin.

Papunta kasi ng Manila si Emma ngayon para naman mangasiwa sa casino operations doon. Siya ang nagvolunteer dahil gusto niya rin maging maalam paano patakbuhin ang negosyo.

"Emma ang kulit mo rin talaga, manang mana sa Papa mo." Natatawa kong iling sa kanya. "Okay lang talaga ako."

"Bukas nalang ako pupunta sa casino."

"No, Emma, ngayon ka na pumunta."

"Pero Mama-"

"Emma sige na, okay lang talaga ako."

"Okay fine, Mama." Buntong hininga niya sa akin.

"Take care dito Mama ah." Halik niya sa pisngi ko.

"Opo, My Emma. Mag ingat ka rin sa biyahe mo." Halik ko rin sa pisngi niya.

Nang umalis na si Emma sa kwarto ko ay nagdesisyon akong matulog dahil inaantok na naman ako. Nitong mga nakaraang araw ay madalas akong antukin at matulog.

Nagising ako na para bang nasusuka ako kaya naman dali dali akong tumayo sa kama at nagtungo sa banyo para sumuka. Sumuka lang ako ng sumuka sa sink hanggat sa wala na atang laman ang tiyan ko.

"Ano bang nakain ko?" Bulong ko sa sarili ko habang nag mumumog ako para mawala ang lasa ng suka ko sa bibig ko.

"Sumabay pa talaga itong ulo ko." Hawak ko bigla sa sentido ko dahil sa hilo.

After kong magmumog ay hawak hawak ko ang ulo na lumabas ng kwarto at humiga ulit sa kama. Minamasahe ko ang sentido ko nang biglang may kumatok sa kwarto ko.

"Ma'am Camila?" Tawag sa akin ng isa sa mga maids.

"Yes? Bakit?" Tanong ko habang minamasahe ko pa rin ang sentido ko.

"Si Ma'am Tessa po nasa baba. Paakyatin ko na po ba diyan ma'am?" Sagot ng maid sa akin.

"Hindi na, paki sabi nalang na pababa na ako." Utos ko sa maid.

"Masusunod po, Ma'am Camila." Sagot na maid at nakarinig nako ng mga yabag ng paa.

Minasahe ko pa ng kaunti ang ulo ko bago ako tumayo at lumabas ng kwarto. Medyo nawawala na ang hilo na nararamdaman ko.

"Hi, Tessa!" Bati ko kay Tessa pagkababa ko ng hagdan.

"Oh, Camila!" Bati niya rin sa akin at nagbeso.

"Ayos ka lang ba?" Puna niya agad sa akin pagkaupo namin sa sofa. "Ang putla putla mo."

"Medyo nahihilo lang." Sagot ko sa kanya at minasahe ulit ang sentido ko.

"Asan si Emma, bakit mag isa ka lang dito?"

"Pumunta sa casino namin sa Manila." Sagot ko sa tanong niya.

Bigla naman akong nagutom at parang gusto kong kumain bigla ng something na may mint chocolate.

"Btw, nasa Killer Cafe ba si Luna ngayon?"

"Yeah, why?" Kunot noo niyang tanong sa akin.

"Pupuntahan ko siya, nagcrave ako bigla ng something na may mint chocolate." Tayo ko mula sa sofa pero napaupo kaagad ako dahil sa hilo.

"No, Camila." Saad ni Tess at pinigilan akong tumayo ulit.

"Ako na ang tatawag kay Luna. Maupo ka lang diyan."

"Oh, bat ka galit, Mrs. Dela Cuesta?" Natatawa kong asar sa kanya habang tinatawagan niya si Luna.

"Luna, can you come here sa bahay ng Tita Cams mo?" Pakikipagusap ni Tessa kay Luna sa telepono.

"Bring some mint chocolate cookies or any pastries na may mint chocolate, here.

"Naghahanap ang Tita Cams mo kaya lang hindi makalabas dahil masama ang pakiramdam."

"Yes, your Tita Cams is fine."

"I'll see you here nalang and check the text I'll send you." Saad ni Tessa bago niya ibaba ang telepono.

"Anong tinetext mo kay Luna?" Paguusisa ko sa kanya.

"Not telling you, Cams." Tulak niya sa noo ko para di ko mabasa ang laman ng phone niya.

"Masakit, ah." Reklamo ko naman sa kanya at hinawakan ang noo ko.

Fifteen minutes ang nakalipas nang marinig namin ang tunog ng kotse.

"Luna's here." Bulong ni Tessa.

Tama nga siya dahil maya maya ay naririnig na namin ang boses niya.

"Mom! Is this a miracle na ba?!" Sigaw ni Luna nang makarating sa sala at may bitbit na malapit na brown paper bag at isang black paper bag na may logo ng Killer Cafe.

"Am I having sa sibling na ba cause you asked me to buy?" Pagtatanong niya kay Tessa.

"What are you talking about Luna?" Tanong ko sa kanya.

Inabot na muna sa akin ni Luna yung black na paper bag at umupo sa tabi ni Tessa bago sumagot sa tanong ko.

"Well, Mom asked me to buy a PT sa pharmacy."

"The pharmacist looked so shocked when I asked for a PT my goodness." Dagdag pa niya kaya natawa ako kaunti.

"Akala siguro ng pharmacist ako yung gagamit nun." Irap pa niya.

"So, wait, wait, buntis ka Tessa?" Tanong ko naman kay Tessa dahil siya ang nagpabili nun kay Luna.

"No, Camila." Umiling naman si Tessa sa akin.

"That's for you, dummy." Tawa naman niya sa akin.

"What?!" Sabay naming gagad ni Luna.

"Buntis ka Tita Cams?" Pagtatanong ni Luna sa akim habang nakangiti.

"Hindi, Luna." Kaagad ko namang deny sa kanya.

"Di ko alam kung anong naisip niyang Mommy mo." Dagdag ko naman.

"Take the test, Cams." Utos naman ni Tessa sa akin.

"How about no." Asar ko sa kanya at binuksan na ang cupcakes na dala ni Luna.

"Why are you so worried, eh mag asawa naman na kayo ni Fabio." Pangungulit pa lalo ni Tessa sa akin.

"Kasi nga hindi naman kasi ako buntis." Irap ko bago kumagot sa cupcake.

"Ang kulit mo, Mrs. Dela Cuesta." Dagdag ko pa after punasan ang icing sa gilid ng labi ko.

"Mas makulit ka, Mrs. Serrano." Asar niya lang sa akin.

"Obvious naman na kasi."

"What's so obvious, Mommy?" Pagtatanong naman ni Luna.

"Look at your Tita Cams, she hates mint diba?" Sagot ni Tessa at magsasalita pa sana.

"And?" Pagputol ko sa mga idadagdag pa niya.

"And you're eating one, right now." Sabay turo niya sa cupcake na hawak ko.

"So? That is not conclusive, Tessa. What if gusto ko lang itry ang chocolate mint?" Hamon ko pa sa kanya.

"How about you not feeling well this past few days, huh." Sagot niya kaagad sa akin.

Magdedeny pa sana ako ng magsalita pa siya ulit.

"Don't deny it Cams, kaya ka nga nagpaiwan dito at hindi sumama sa Macau, diba."

"Eh, that's not enough reason to conclude nga." Irap ko sa kanya.

"Just take the test." Sagot niya sa akin.

"Para you can conclude it." Pang-aasar niya sa akin.

"Mommy's right, Tita Cams." Pag sang ayon naman ni Luna kay Tessa.

"Plus, there's nothing wrong with trying naman po." Dagdag niya pa.

"Okay, fine. I'll take the test." Buntong hininga ko sa kanilang dalawa.

"Let me eat my cupcakes in peace first."

"Well, can we have some?" Tanong ni Tessa sa akin.

"Nope."

"Get your own cupcakes."

"Luna, looks like you have to have more mint in your pantry now." Pang-aasar pa lalo ni Tessa sa akin.

"I agree with you, Mommy." Mahinang tawa rin ni Luna.

"Alam niyong naririnig ko kayo diba? Taas kilay ko sa kanilang dalawa.

"That's the point, Tita Cams." Tawang sagot lang ni Luna sa akin.

Tinapos ko lang ang cupcakes ko at binantayan lang talaga nila ako na kumain. Nang matapos nako ay binato na sa akin ni Tessa ang pinabili niyang PT kay Luna.

"Tessa, hindi na need ibato." Saad ko sa kanya after kong saluhin ang PT.

"Naninigurado lang baka takasan mo kami." Ngisi niya naman sa akin.

"Nakatakas ka nga for 20 years, Tita Cams, eh." Biro naman ni Luna kaya natawa ako.

"Hoy! Grabe ah!"

Tumayo nako para pumunta sa banyo at talagang sumunod pa sila sa akin.

"Ano sasama pa kayo sa banyo?"

"Of course, baka di mo itake."

"Ang lala ng trust issues niyo, ah."

Pagbukas ko ng comfort room ay tumigil din sila sa likod. Pagpasok ko sa loob ay susunod pa sana sila pero itinaas ko ang kamay ko para tumigil sila.

"Diyan nalang kayo sa labas." Saad ko bago ko isinara ang pinto.

Para na rin sa ikakatahimik naming lahat dahil pati ako ay nagdududa na rin ay tinake ko na yung test. Binasa ko muna ang instructions kung paano gamitin para sure na hindi mag false results or anuman yung PT. After kong itake yun ay lumabas na kaagad ng banyo.

"What's the result?" Sabay na tanong nila Luna at Tessa.

"Five minutes pa." Sagot ko.

Bumalik muna kami sa couch at naupo habang naghihintay. Bigla naman akong kinabahan sa magiging result ng PT.

"Chill ka lang, Cams." Tawa ni Tessa ng mapansin na kabado ako.

"Kayo kasi ang kukulit niyo." Irap ko sa kanya.

"What result are you expecting po ba Tita?" Tanong ni Luna sa akin.

"A positive one." Honest kong sagot.

"Don't worry Camila, sure akong positive yan." Saad naman ni Tessa.

"Pero paano mo pala sasabihin kay Fabio kung sakali?" Dagdag niyang tanong.

"Hindi ko alam." Kaagad kong sagot.

After five minutes ay kinakabahan akong tumato para bumalik sa CR. Hinayaan ko lang na sumunod sa akin sila Luna at Tessa dahil kinakabahan talaga ako. Nasa loob na kaming tatlo ng banyo pero di ko pa rin kayang tignan yung result.

"Tessa, di ko kayang tignan. Ikaw tumingin." Pagtatago ko sa likod ni Tessa.

"Ayaw ko nga." Sagot naman niya sa akin.

"Luna, ikaw na nga lang tumingin." Utos niya sa anak niya.

"Okay." Maikili niyang sagot.

Siya ang lumapit sa contertop kung nasaan ang PT ko at tinignan niya ng result nun. Natahimik siya ng makita iyon kaya naman sabay kaming napatanong ni Tessa sa kanya.

"What's the result?"

"Two lines!" Malakas na hiyaw ni Luna.

"It's positive!" Pagtatatalon pa niya.

Lumapit kami ni Tessa para tignan kung totoo nga ang sinabi ni Luna.

"Oh my god, Camila! Positive nga." Saad ni Tessa habang hawak ko ang PT.

"It's true. May kapatid na si Emma." Saad ko naman at halos maluha na.

Hindi ako makapaniwala pero tuwang tuwa ako dahil madadagdagan na ang pamilya namin ni Fabio. Medyo late man nasundan si Emma pero okay na rin dahil ngayon ay maayos na ang lahat at hindi ako mangangamba na may mangyayaring masama sa amin ng anak ko.

"We have to tell Dad about this." Excited na saad ni Luna.

"Huwag niyong sasabihin muna kila Emma at Fabio or kung kanino man." Saad ko habang tinatago ang PT.

"You heard your Tita, Luna. It's  a secret." Segunda naman ni Tessa.

"Hmmm, okay."

Kinabukasan bago makauwi si Emma ay nagpunta na muna ako ng ospital para makasigurado talaga sa resulta ng PT at para macheck na rin kung okay lang ba ang baby namin.

Naging maayos naman ang check up ko at cinonfirm din ng OB ko na 5 weeks na ako buntis at kambal pa kaya naman mas lalo kong need magingat ngayon dahil mas lalong delikado.

"Welcome home, My Emma." Salubong ko kay Emma paguwi niya.

"Mama, I missed you." Salubong niya sa akin ng yakap.

"Ako wala ba akong pa welcome home diyan?" Saad ng isang pamilyar na boses.

"Fabio! Mahal!" Pagkalas ko kay Emma at niyakap si Fabio.

"Akala ko bukas pa ang uwi mo." Bulong ko habang nakayakap sa kanya.

"Maaga akong natapos kaya umuwi na ako." Sagot naman ni Fabio.

"Tinawagan ako ni Papa sakto pauwi na rin ako kaya naman nagsabay na po kami." Saad naman ni Emma at niyakap kaming dalawa.

"Halika na at naghanda na ako ng pagkain natin." Aya ko sa kanila.

Sabay sabay kaming umupo sa hapag kainan. Masaya kaming naghapunan habang nagkwekwento silang mag ama sa mga naging lakad nila. After naming magdessert ay biglang tinawag ni Fabio ang isa sa mga maid.

"Paki dala rito ang inuwi kong wine para sa Ma'am Camila niyo."

Nanlaki naman ang mata ko dahil hindi ko pa nasasabi sa kanila pero hindi ko iyon ipinahalata sa kanila.

"Heto na po Sir Fabio." Abot ng maid kay Fabio ng isang bote ng wine.

"Maraming salamat." Ngiti ni Fabio.

Nagsalanin na si Fabio sa tatlong baso at parehas kaming binigyan ni Emma ng baso na tinanggap naman namin.

"Alam kong favorite mong wine yan Mahal kaya naman binilhan kita." Saad ni Fabio bago uminom.

"Hmmm, ang sarap ng wine na ito, Pa." Saad naman ni Emma after tikman ang wine.

"Oh, bakit hindi mo iniinom yang wine mo, Mahal?" Tanong ni Fabio ng hindi ko ininom ang wine.

"Bawal muna ako sa wine, Mahal." Ngiti ko sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin, Mahal?" Taka niyang tanong sa akin.

"May nangyari po ba, Mama?" Worried na tanong ni Emma sa akin.

"Wala anak, okay lang ang lahat." Ngiti ko st tumayo.

"Diyan lang muna kayo, may kukunin lang ako."

Saad ko bago ako lumabas ng dining area para kunin ko ang sorpresa ko para sa mag ama ko. Bukas sana ito dahil bukas pa ang balik ni Fabio pero dahil napaaga naman ang uwi niya ay maaga ko nalang din sasabihin sa kanila. Nang makuha ko na ang puting box ay bumalik na ako sa dining area namin.

"Mahal, ano yan?" Tanong ni Fabio nang makita ang hawak kong box.

"Do I have a gift, Mama?" Tanong naman ni Emma sa akin.

"Yes, I have gift sa inyo ng Papa mo." Malaki kong ngiti sa kanilang sa dalawa bago inaabot ang box kay Fabio.

"Iba ito ah, ikaw ang nagreregalo." Biro ni Fabio at tinanggap ang box.

Tmayo naman si Emma at lumapitnsa Papa niya para makita kung anong ang laman ng box. Napangiti naman ako noong nakita kong nagulat sila parehas noong binuksan ang box.

"Oh my goshhhhhh!" Tili ni Emma at nagtatatalon.

Si Fabio ay tahimik pa rin at tila shocked pa. Bigla bigla nalang siyang tumayo at lumapit sa akin para yakapin ako ng mahigpit.

"Thank you, Mahal. I love you so much!" Bulong niya sa tainga ko.

"I love you too, Mahal." Bulong ko rin sa kanya at gumanti ng yakap.

"One more thing, Mahal." Paglapit ko ng bibig ko sa tainga niya para bumulong. "It's twins!"

"The best gift to receive ever!" Sigaw naman niya at hinalikan ako sa noo.

Maya maya lang ay kumawala na ako kay Fabio at si Emma naman ang yumakap sa akin.

"Finally after two decades, I'm going to be an Ate na."

"Yes, Ate Emma, magiging Ate ka na rin finally." Haplos ko sa buhok niya.

"How's the baby? Anong sabi ng doktor?" Pagtatanong sa akin ni Fabio.

"Mahal, relax lang." Ngiti ko sa kanya. "The doctor's said the baby's fine and healthy."

"Need lang mag doble ingat since nasa 40s na ako at need iwasan ang stress." Dagdag ko pa.

"Hindi ka na muna papasok sa casino." Saad niya kaagad.

"Pero mahal-"

"Papa's right. Kami na pong bahala ni Papa sa casino." Tingala ni Emma sa akin na hanggang ngayon nakayakap pa rin.

"Need niyo po iavoid ang stress na dala ng casino. Baka makasama po kay baby at sa inyo na rin po." Dagdag niya pa.

"Well may magagawa pa ako?"

"Wala!" Sabay nilang sagot at natawa pa.

"Kayo masusunod." Tawa ko nalang din sa kanila.

Sa mga sumunod na buwan ay kami lang ni Fabio ang nakakaalam na kambal ang anak namin. Nadagdag lang si Vito dahil kinailangan namin ng tulong niya para sa gender reveal na si Emma mismo ang nag organize at asikaso.

"Mama, tell me na po kasi. Girl or boy po ba?" Pangungulit sa akin ni Emma.

"Malalaman mo rin mamaya, Emma." Tawa ko sa kanya.

Dahil na rin sa lagay ko ay pansamantala muna kaming umalis ng Las Espadas at nanirahan sa mansyon namin sa Manila at doon din mismo gaganapin ang party.

Nagsisimula na rin magdatingan ang mga bisita at busy si Fabio na ientertain sila dahil medyo nahihirapan na akong maglakad.

"Woah! Your house here is so huge, Ems." Manghang saad ni Luna noong dumating sila.

"Luna's right. Mukhang mas malaki ito kesya sa mansyon niyo sa Las Espadas." Segunda naman ni Tessa.

"Ang hilig hilig mo talaga sa malaki, Camila, apo." Biro naman ni Manay.

"Kaya nga po niya nagustuhan si Papa." Tawa ni Emma.

"Emma!" Reklamo ko kaagad.

"What? Malaki naman si Papa ah, matangkad ganun."

"Nako, Cams, baka iba yang iniisip mo ah." Biro sa akin ni Tessa.

"Isa ka pa, Tessa." Irap ko sa kanya.

"Oh, oh, wag niyong galitin ang buntis." Awat sa amin ni Vito na kakarating lang kasama si Fabio.

"Baka may patulugin yan mamaya sa labas ng kwarto." Dagdag niya pang tawa.

"Vito, isa ka rin." Irap ko rin sa kanya at tinawanan lang ako.

Maya maya lang din ay nagsimula na rin party. Mula sa mga games na inorganisa ni Emma at Luna, sa mga pagbibigay ng mga regalo, at ang pag bibigay suggestion ng pangalan ng baby.

At siyempre ang pinaka hinihintay nang lahat, ang gender reveal.

"Vito, paki pasok na." Utos ni Fabio.

"Dad!" Sabay na sigaw nila Luna at Emma.

"Alam niyo?!" Sabay pa nilang dagdag.

"Nako, lagot ka, Vito." Asar ko sa kanya bigla at natawa.

"Camila, ikaw may pakana nito." Sagot niya lang sa akin bago umalis.

Maya maya ay bumalik na siya bitbit ang isang cake na hugis sofa at kulay pula. Kapareha iyon ng disensyo sa sofa namin ni Fabio kung saan muntik na niya ako unang mahilikan noon kung hindi ko siya tinulak.

"That design looks familiar." Saad bigla ni Emma.

"So, anong hula niyo?" Pagtatanong ni Vito sa mga guest habang inaabutan kami ni Fabio ng kutsilyo.

Magkahalong sigaw na girl at boy ang naririnig namin. May itinuro na si Vito kung saan kami hihiwa at kaagad naming hiniwa iyon. Si Fabio ang nagpakita kung kulay nito.

"It's a girl!" Malakas na hiyaw ni Emma noong nakita ang icing.

Kaagad na nagdiwang ang lahat pero kaagad din silang pinatahimik ni Vito at Fabio.

"Hindi pa sila tapos." Tawa ni Vito bago nagturo nang panibong spot.

"Oh my god..." Nakita kong realization ni Emma kaya kinindatan ko siya.

Hinawa ulit namin ni Fabio ang tinuro na spot ni Vito at ako naman ang nagpakita nito sa lahat.

"It's another pink!" Sigaw ni Luna.

"Surprise! It's twins!" Sigaw namin sabay ni Fabio sabay sa pagputok ng mga pink confetti.

Kaagad na nagdiwang ang lahat at si Emma naman ay dumiretso sa amin ni Fabio.

"It's real?!" Hindi niya makapaniwalang tanong sa amin.

"Yes, Emma." Ngiti ko sa kanya.

"Ate ka ng dalawang baby sisters mo." Dagdag ko pa.

"Holy cow, kaya pala ayaw niyong sabihin sa akin." Sagot naman niya.

Maya maya lang ay lumapit na sa amin sila Luna kasama sila Vito at Tessa.

"Dad!" Sigaw ni Emma kay Vito.

Mukhang naaalala pa ni Emma na may alam si Vito kaya napa iling nalang ako.

"Alam mo pala na Mama's having twins. Ang daya mo Dad ah." Pagcross ni Emma sa arms niya.

"You knew all along. Hmp." Dagdag pa ni Luna.

"Nako, Vito, goodluck sa panunuyo." Tawa ni Fabio kay Vito.

"Mahirap pa naman suyuin yang si Emma." Pangaasar ko pa kay Vito.

"Emma, yung Mama mo kasi tinakot ako na wag sabihin." Pagpapaliwanag ni Vito sa sarili niya.

"Anong tinakot ka d'yan?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

"Ayan, ganyan oh, Emma, Luna. Kaya di ako nakapagsalita."

"Bahala ka d'yan, Dad. Nagtatampo kami sa'yo ni Emma." Paglingkis ni Luna sa arms nila ni Emma.

"Tessa, love, help me out here." Tawag ni Vito kay Tessa.

"Nah, you can deal with your two daughters, Vito. Ginusto mo yan." Tawa lang ni Tessa sa kanya.

"Love!" Angil ni Vito.

Parehas nalang kaming natawa ni Fabio sa mga nangyari.

"Infairness sa'yo, Dad. You knew how to keep a big secret." Saad ni Emma kay Vito.

"Dad and Tita Cams managed to hide their secret relationship for more than two years. They really know how to keep their mouth shut." Dagdag pa ni Luna at natawa.

"Hey!" Angal ko kaagad. "Bakit ako nadamay?"

"Mama, you can't deny it." Sagot naman ni Emma.

"You even kept your love for Papa a secret for almost two decades." Asar naman ni Emma sa akin.

"That's different, anak." Pagtatanggol ko naman sa sarili ko.

"Nope," Pangaasar pa lalo ni Emma sa akin.

"Mahal, tulungan mo naman ako sa anak natin." Baling ko kay Fabio.

"Tama naman si Emma, Mahal. Don't deny it." Tawa lang ni Fabio sa akin.

"Ah, ganun pala ah." Naningkit ang mata ko sa kanya.

"Gusto mo ata matulog sa guest room mamaya." Pananakot ko sa kanya.

"What I mean, Emma, anak, magkaiba iyon." Kaagad na sagot ni Fabio kaya naman natawa kaming lahat.

"Nako, Fabio, paano ba yan?" Tawa ni Tessa kay Fabio.

"Two girls, paano kaya pag niligawan na yang mga yan." Dagdag niya pa.

"For sure stress na stress ka niyan." Asar ni Vito sa kanya.

"Kayong dalawa hindi pa nga pinapanganak yung kambal, manliligaw agad nasa isip niyo."

"Sus, parang di ka nastress kay Emma noon, ah. Noong nililigawan ni Elias." Asar sa akin ni Tessa.

"Ibang usapan na yan, hoy!" Reklamo ko naman kaagad.

"Luna, may manliligaw ka na ba?" Tanong bigla ni Fabio kay Luna. "Para naman yung Daddy mo mastress na rin."

"Tito, wala pa." Tawa ni Luna.

Napuno lang kami ng tawanan sa mga kwentuhan namin.

After ilang buwan ay nagpaconfine na kami sa ospital para sa CS operation ko. Kaing dalawa lang ni Emma ang nasa kwarto dahil nasa labas si Fabio kausap ang mga doktor ko.

Nakaupo si Emma sa upuan sa gilid ng kama ko at parang tulala ito.

"Emma," Tawag ko sa kanya pero hindi ito sumagot.

"Emma, 'nak." Ulit ko at hinawakan ang kamay niya.

"Yes, Mama, need anything po?" Tanong niya sa akin at ngumiti.

"Ayos ka lang ba, anak?" Pag pisil ko sa kamay niya.

"Opo, Mama." Mabilis niyang sagot sa akin.

Pero hindi ako naniwala dahil kitang kita sa mga mata niya na may iniisip siya.

"Emma, hindi mo ako maloloko." Ngiti ko sa kanya. "Anong iniisip mo diyan?"

"It's nothing, Mama. I'm just worried that's all." Buntong hininga naman niya sa akin.

"Tungkol ba sa amin ng mga kapatid mo?" Tanong ko sa kanya at inilagay ang isang kamay ko sa tiyan ko.

Tumango naman si Emma bago magsalita.

"I'm just worried Ma, na baka hindi ka na o kayo bumalik sa akin."

"Naalala ko yung binaril kayo ni Juan Felipe, Ma. Dahil prinotektahan mo ako."

"Yung muntik ka nang mawala sa amin ni Papa."

"What if, hindi niyo kayanin yung operation? What if, may complications na mangyari. What if, di ka na bumalik sa amin."

Naluluha na si Emma kaya naman bago pa siya makapagsalita ulit ay mahigpit kong hinawakan ang kamay niya.

"Anak, walang mangyayaring masama sa akin." Ngiti ko sa kanya.

"Babalikan ko kayo ng Papa mo at pagbalik ko kasama ko na ang mga kapatid mo."

"Diba, nangako si Mama sayo? Hindi kita iiwan, Emma."

"Halika nga rito, lapit ka sa akin." Utos ko sa kanya at lumapit siya sa akin.

"Wag kang maalala anak, makakabalik kami ng ligtas ng mga kapatid mo."

"Promise, Mama?" Tanong niya sa akin at yumakap.

"Promise, Emma." Sagot ko naman at hinalikan siya sa sentido habang nakayakap sa akin.

Pumasok bigla si Fabio sa loob ng kwarto at may kasama nang mga nurse.

"Nako, nagdrama pa nga ang mag-ina ko." Biro niya sa amin.

"It's time na ba, Papa?" Pagtatanong ni Emma.

"Oo, 'nak. Dadalhin na sa OR ang Mama mo." Sagot naman ni Fabio.

"Can I come?"

"Emma, ang Papa mo na ang kasama ko roon." Sagot ko naman sa kanya.

"Bawal ba talaga na two persons?" Pag pout niya sa akin.

"Hospital rules, Emma. So, no, hindi talaga pwede." Sagot ko sa kanya.

"Okay, I'll just wait for my baby sisters here." Buntong hininga niya naman.

"Basta balikan mo ako, Mama."

"Babalikan kita, Emma. Don't worry. Magagaling ang mga doktor ko." Ngiti ko naman sa kanya.

Lumapit na ang nurse sa kama ko kaya naman lumayo si Emma sa akin para maitulak nila palabas ng kwarto ang kama ko.

"Please be safe, Mama."

Iyon ang huli kong narinig kaya Emma bago ako makalabas ng kwarto. Tinutulak na ng mga nurse ang kama ko patungo ng OR at nakasunod lang sa gilid ko si Fabio habang nakahawak ang kamay niya sa akin.

"Ano yung sinasabi ni Emma at gustong gusto niyang sumama?" Pagtatanong ni Fabio.

"Wala lang iyon, Mahal. Masyado lang nagaalala ang anak natin." Ngiti ko sa kanya.

Pagdating sa OR ay sa ibang lugar pinapunta si Fabio para makapag suot ng scrubs habang ako naman ay dineretso nila sa operating theater para mailipat ako sa operating table. Pinatagilid muna nila ako para lagayan ng anesthesia sa likod.

"Mrs. Serrano, may nararamdaman pa po ba kayo?" Tanong sa akin ng anesthesiologist.

"Wala na po, Doc." Sagot ko naman.

Maya maya lang ay dumating na rin si Fabio na naka blue scrubs na at naka surgical mask.

"Pwede ka nang doktor sa itsura mo." Biro ko sa kanya.

"Bakit gusto mo ba akong magdoktor?" Pabiro niya ring tanong sa akin.

Noong nagsimula na ang operation ay hinawakan lang ni Fabio ang kamay ko na nasisilbing init laban sa napaka lamig na OR. Wala akong nararamdaman na sakit tanging pressure lamang.

Nagkwekwento lang si Fabio sa akin para hindi ako masyadong kabahan.

Noong narinig namin ang iyak ng anak namin ay kitang kita ko sa mga mata ni Fabio ang tuwa.

"Baby number 1 is out!" Masayang anunsiyo ng doktor.

"She's here, Mahal." Bulong niya sa akin at hinalikan ang sentido ko.

"Would the father like to cut the baby's cord?" Tanong ng doktor kay Fabio.

"Yes, Doc." Kaagad niyang sagot at lumapit kaagad.

Ssaglit lamang iyon at kaagad na bumalik sa tabi ko si Fabio. Ilang saglit lamang ay nakarinig ulit kami ng iyak ulit ng sanggol.

"Baby number 2 is out!" Masayang anunsiyo muli ng doktor.

"Good job, Mahal. They're finally here." Buling sa akin ni Fabio.

"Frabrielle and Frabrienne." Bulong ko naman at halos maluha na.

"I love you so much, Camila." Dagdag niya pa.

"I love you too, Fabio."

Si Fabio rin ang pumutol sa umbilical cord ng bunso namin. Maya maya lang ay inilapit na sa akin ng mga nurse ang kambal na parehas umiiyak. Nakangiti lang ako sa kanilang dalawa lalo noong maalala ko kung paano ko nahawakan si Emma sa unang pagkakataon.

Nagising nalang ako na nasa private room na ulit ako. Ngayon ko lang din nararamdaman ang sakit ng tahi ko pero hindi naman masyadong masakit. Natutulog naman sa gilid ng kama ko si Emma.

"Emma," Paghaplos ko sa buhok niya para gisingin siya.

"Hmmm," Tanging sagot niya lang sa akin.

"Gising na, anak." Tawag ko ulit sa kanya.

Maya maya lang din ay gumising na siya at inangat ang ulo niya.

"Gising ka na pala, Mama." Ngiti niya sa akin.

"Okay lang po ba kayo? May masakit po ba sa inyo?" Pagtatanong niya sa akin at tumayo sa inuupuan niya.

"Medyo masakit lang ang tahi ko." Sagot ko lang naman sa kanya.

"Gusto niyo po tumawag ako ng doktor?" Tanong niya sa akin at aalis na sana ng hawakan ko ang kamay niya.

"Normal lang toh, anak. Hindi na kailangan tumawag ng doktor." Iling ko lang sa kanya.

"Maupo ka na nga lang." Utos ko sa kanya. "Masyado kang worried, Emma."

Sumunod naman siya at umupo ulit sa upuan niya.

"Ang Papa mo pala, nasaan?" Tanong ko dahil wala nga pala si Fabio sa kwarto.

"Pumunta po kanina sa nursery, pabalik na rin po iyon." Sagot naman niya.

Pagkatapos naman sabihin ni Emma iyon ay may kumatok na sa kwarto.

"Come in." Sagot ni Emma sa kumakatok.

Bumukas ang pinto at pumasok si Fabio kasunod ang dalawang nurse na karga karga ang kambal.  Iniabot nila ang isa kay Fabio habang ang isa naman ay inabot nila kay Emma. Kaagad din nagpaalam ang mga nurse at umalis.

"Awwww, they're so cute." Sambit ni Emma habang inihehele niya ang kapatid niya.

Mukhang gising ang isa sa mga kambal na karga karga ni Emma haabng ang karga naman ni Fabio ay mahimbing ang tulog.

"Mahal, patulong akong makaupo." Tawag ko kay Fabio.

Ibinaba muna ni Fabio sa bassinet ang anak namin bago siya lumapit sa akin. Inalalayan naman ako Fabio umupo at inalagyan pa ako ng unan sa likuran para may masandalan ako.

"Yung anak natin, please, Mahal."

Kinuha ni Fabio ang anak namin na nasa bassinet at iniabot sa akin. Habang ang na kay Emma naman ay pinasa niya kay Fabio. Napangiti naman ako ng ngumiti sa akin ang anak ko habang natutulog.

"Mahal, tignan mo, nakangiti siya." Tawag ko kay Fabio.

"Ma, Pa," Tawag sa amin ni Emma.

"Yes, 'nak?" Tanong ni Fabio.

"What are their names po ba?" Tanong ni Emma kaya parehas kaming ngumiti.

"This is Camille Frabrielle." Sagot ko.

"At ito naman si Catherine Frabrienne." Sunod ni Fabio.

"So, Elle's the sleepy one." Tawa ni Emma at lumapit sa amin.

"At ikaw naman Yen ang malikot noon sa tiyan ni Mama." Biro niya ulit at hinaplos ang pisngi ni Catherine.

"Mukha nga, Ate Emma." Segundo ko naman at natawa rin.

"Grabe kayong dalawa ah, pinagtutulungan niyo bunso ko." Biro rin ni Fabio kaya mas lalo kaming natawa.

"Hala ka Pa, may favoritism ka na agad. Paano naman si Elle niyan?" Asar ni Emma.

"Siyempre kay Mama siya lalapit diba, Elle?" Pag coo ko naman kay Elle.

"Ay parang ako pala bigla ang dehado rito." Biro ni Emma.

"Selos naman kaagad si Ate." Asar ko lang sa kanya at napuno ng tawanan ang kwarto namin.

"I love you." Bigla kong sambit sa mag ama ko.

"We love you too, Mama."

"We love you too, Mahal."

Sabay nilang sagot sa akin.

Finally, my dream came true after all those things in the past.

Indeed there's rainbow after the rain. Not all sufferings are forever, some are bound to end with love.

With the family that never left me since the beginning.

We live happily ever after.

END

Continue Reading

You'll Also Like

46.6K 2.3K 48
The Rajputs well known as the most powerful and devil's for the people who tries to messed up with them people got goosebumps just by listening to th...
86.2K 3.7K 24
Book #1 of DESTINY'S ALIGNMENT SERIES *๏ฝฅ๏พŸ๏พŸ๏ฝฅ*:.๏ฝก..๏ฝก.:*๏พŸ:*:โœผโœฟใ€€ใ€€๐Ÿช„ "Shut up" "Your lips please ma'am" "What do you want? " "You, your love " "What...
349K 40.1K 74
โœฆ แด„แด€ษด ส™แด‡ ส€แด‡แด€แด… แด€s ษขแด‡ษดแด‡ส€แด€สŸ.า“ษชแด„แด›ษชแดษด โœฆ - ๐–’๐–†๐–“๐–Ž๐– ๐– ๐–†๐–“๐–†๐–๐–Ž๐–™๐–† ๐– ๐–“๐–†๐–“๐–‰๐–Ž๐–“๐–Ž - --- โ™ก --- "๐˜”๐˜บ ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ณ๐˜ต ๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฑ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ข๐˜ณ๐˜ค๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ง...
576K 15.5K 78
A butler was the job description. Do what he wants. Get what he desires. That's all I have to do, but suddenly, I am thrown into a completely differe...