Teen Clash (Boys vs. Girls)

By iDangs

174M 3.7M 1M

Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaib... More

Teen Clash: Boys vs. Girls
Prologue
Chapter 1: The Story Begins
Chapter 2: Second Encounter
Chapter 3: Teen Clash?
Chapter 4: Kingdom High
Chapter 5: About The Boys
Chapter 6: Thank you saan?
Chapter 7: Nice Girls No More
Chapter 8: Akin 'tong libro
Chapter 9: Palabok
Chapter 10: Let the games begin!
Chapter 11: Akala ko pa naman
Chapter 12: Laptop
Chapter 13: Forever is just a word
Chapter 14: Guidance
Chapter 15: Savior
Chapter 16: Kiss/Locked
Chapter 17: Other side of the story
Chapter 18: Girl in the Music Room
Chapter 19: Manager Ry
Chapter 20: End of the world
Chapter 21: Walking in the Rain
Chapter 22: Seven Rules
Chapter 23: Lunch
Chapter 24: Kasi wala lang
Chapter 25: Back off
Chapter 26: I'm here for you
Chapter 27.1: Ice
Chapter 27.2: Ice
Chapter 28: Piggyback Ride
Chapter 29: Usapang lovelife
Chapter 30: Tipo ni Zoe
Chapter 31: Weird
Chapter 32: Bakulaw
Chapter 33: Lover's Quarrel
Chapter 34: Blush
Chapter 35: Stay Close, Don't Go
Chapter 36: Truth or Dare
Chapter 37: Love Has No Reason
Chapter 38: Contest
Chapter 39: Too Late
Chapter 40: Payo ni Ayu
Chapter 41: Asungot
Chapter 42: Kukunin ko siya
Chapter 43: Untitled
Chapter 44: No way
Chapter 45: Phone call
Chapter 46: C.R. lang ako
Chapter 47: Mall
Chapter 48: Curious
Chapter 49: Sana
Chapter 50: Debate
Chapter 51: Deny
Chapter 52: Double Celebration
Chapter 53: Walk out
Chapter 54: Bitter
Chapter 55: Words and Actions
Chapter 56: Girl Talk
Chapter 57: Rule breaker
Chapter 59: Christmas Party
Chapter 60: Text/Reply
Chapter 61: Skype
Chapter 62: No title
Chapter 63: Alex and Eunice
Chapter 64: The truth
Chapter 65: So In Love
Chapter 66: Last Chapter
Epilogue
Super Random Special Chapter
Teen Clash Playlist ♫
Book 2 and Other Stories
Teen Clash Book
Teen Clash 2 Book

Chapter 58: Ikaw lang

2M 46.4K 9.4K
By iDangs

Zoe's POV


"Kailangan nasa may location na kayo one hour earlier. Maaga dapat kayo since kayo ang magcocover ng game."

"Yes, ma'am."

"Good. You may go."

Lumabas na kami ng photography club room. Kami kasi ni Ice ang napili para magcover nang gagawing basketball game this year. Intrams namin at nag-invite sila from other school ng iba pang players para kalabanin ang varisty team namin.

"Gusto mong mag-lunch muna tayo?" aya sa akin ni Ice.

"Sure."

Ang bilis ng panahon. Magpapasko na. Masyado talagang mabilis ang takbo ng oras kapag masaya ka.

Kami lang ni Ice ang magkasama ngayon kasi may kanya kanyang business ang mga kaibigan namin. Busy rin kasi kaming lahat dahil sa gaganapin na basketball game this month.

Ako at si Ice ang napili ng photohraphy club para kuhanan ng litrato ang laro. Si Ayu naman ang gagawa ng article tungkol dito. Si Sab, Xander at Yannie naman, nagprapractice na para sa cheer. Si Ken ang naatasan para ayusin ang event. At si Josh? Busy sa training kasi kasama sa varsity.

"Susunduin na lang kita sa inyo." Napatingin ako kay Ice at napatigil sa pagkain.

"Kailan?"

"Sa araw ng laro. Sabay na lang tayo." Tinanguan ko naman siya at nginitian.

Nagpatuloy na kami sa pagkain. Gutom ako kaya huwag lang siyang magulo. Napahinto ako sa pagkain nang marinig kong natatawa siya.

Hala. Napopossess na ata 'tong taong 'to. Pero in all fairness, ang ganda talaga ng tawa niya. Bihira kasing marinig kaya kapag narinig mo, maaamaze ka na lang. Ang sarap pakinggan. Parang hindi mo pagsasawaan.

Nabalik ako sa katinuan nang maramdaman ko 'yung thumb niya sa gilid ng lips ko.

"Dungis mo," tawa na naman niya.

Ayan na naman 'yang tunog na yan.

"Thanks," sabi ko na lang sa kanya at nagpatuloy na sa pagkain.

Napatingin ako sa kanya at ngayon, it's my time to laugh. Makapagpuna lang ng kadungisan ko akala mo siya wala.

Nang matawa ako ay tumingin siya sa akin ng nakakunot ang noo na para bang nagtataka sa kinikilos ko. Umiling lang ako. Kakain na sana ulit siya pero pinigilan ko.

"Teka." Pagpatigil ko at tinanggal yung kanin sa chin niya. "Ikaw rin madungis kumain." Napangiti naman siya.

"Pwede po bang mang-istorbo?" Napatingin kami ni Ice sa nagsalitang si Xander. Kasama niya si Yannie at Sab na binigyan kami ng mapanlokong ngiti at tingin.

Umupo na 'yung tatlo katabi namin. "Parang kayo na," sabi ni Yannie. Bigla namang nag-init yung mukha ko at biglang lumakas ang tibok ng puso ko.

"You're blushing, Zoe," tukso ni Sab at tumawa ng malakas. Kung totoo ngang nagbablush ako kanina, pakiramdam ko mas nagblush ako ngayon.

"Mas mapula ka na ngayon," tukso naman ni Xander sabay taas baba pa ng kilay. I knew it!

"Hey. Stop bullying her," saway ni Ice sa tatlo. "Hindi pa kami, okay? Kaya huwag niyo ngang pagtripan si Zoe."

Lalo namang nagtuksuhan yung tatlo kaya wala na lang akong nagawa kung hindi ang manahimik.


***

"Zoe! Nandyan na sundo mo," katok ni Ayu sa kwarto ko.

Ito na kasi. Ngayon na ang game.

"Ayan na kamo." Binilisan ko na ang kilos ko. Inayos ko na rin ang gamit ko saka lumabas ng kwarto. Inabutan kong nakaupo si Ice sa sala. Siya lang mag-isa dun kasi malamang, nag-aayos na rin 'yung tatlo.

"Phineas and Ferb?" tanong ko nang makitang nanunuod pala siya ng cartoon na pinakagusto naming tatlo nila Ate Cass at Ash.

"Yeah," sagot niya at pinatay ang TV saka ako niyayang umalis na.

"Kailan ka pa nahilig doon?" tanong ko sa kanya ng makasakay na kami sa sasakyan.

"Saan?"

"Phineas and Ferb."

Napabungsngis naman siya bigla. Hala. Ano kayang nakakatawa sa sinabi ko? Napapadalas tawa nito, ha. Baka nabaliw na. "Hindi ako baliw." OMG. Nakakabasa na siya ng isip ng ibang tao. "Nahawa na siguro ako kay Ash at Ate kaya pinapanuod ko 'yun," sagot niya sa akin habang nakatingin pa rin sa daan. "Saka pampalakas na rin sa 'yo. At least pinapanuod ko 'yung gusto mo."

Wala na akong nasabi nang marinig ko ang sinabi niya. Kaloka. Bakit ba bigla bigla na lang babanat 'to? Sana sinasabi man lang niya kung babanat siya para nakapaghanda naman ako.

Nang makarating kami sa school agad kaming dumiretsyo sa club moderator namin para mapag-usapan ang details. Nang matapos ang usapan, pumunta na kami ni Ice sa gym at maramirami na rin kaming estudyanteng inabutan doon. Nandoon na rin ang iba pa naming kaibigan.

Nagsimula nang magcheer ang mga kaklase at kaibigan namin at todo picture na kami ni Ice. Pati ang game nagstart na at maganda naman ang ipinapakita ng school namin. Umaariba rin si Josh. Pang-MVP pala tong si Josh, e. Hindi nagsasalita.

Nag-enjoy ako sa pagpipicture at hindi ko namalayan na patapos na pala ang third quarter. Pero kahit na tapos na ang third quarter, pinagpatuloy ko pa rin ang pagpipicture ko.

Napatigil ako sa ginagawa ko nang makita kung saan nakafocus ang camera ko. Kay Ice lang naman na nasa kabilang side ng court. May kausap kasi siyang isang cheerleader ng kabilang school at kung makangiti pa parang wala ng bukas.

Binaba ko ang camera ko at tiningnan lang sila.

"I can see myself in you two months ago." Napalingon ako sa bumulong sa akin na si Yannie.

"Sinasabi mo dyan?" Pagmamaang-maangan ko at nagpatuloy sa pagkuha ng litrato pero sumusunod pa rin sa akin si Yannie.

"Ganyang ganyan ako noong unang beses ko makita si Xander na may kausap na babae tapos mukhang masaya pa siya. Sungit ko lang nun." Inirapan ko na lang siya kasi napakanon-sense ng sinasabi niya.

Tumawa siya bigla dahilan para tingnan ko ulit siya. "Ganyang ganyan talaga ako noon. Mahilig mang-irap." Dumikit siya sa akin at inakbayan ako. "Alam mo. Zoe, kung type mo naman at hindi mo feel makitang may kasama siyang iba, bakit hindi mo pa sagutin?"

"Ewan ko sa'yo Yannie. Doon ka na nga. Nagpipicture ako dito." Umalis naman siyang patawa tawa pa. Tsk.

Natapos ang game at nanalo ang school namim. Syempre. Magaling, e. Ganu'n talaga. Napagdesisyunan ng coach nila na sa No Name na lang magcelebrate since kakilala naman daw ni Josh si Manager. Umaasa kasi sila sa discount. At syempre, lahat ng in-charge sa nangyaring game kasama. Pati kami ni Ice, Ayu, Ken at ang buong cheerleading team.

Dahil sa sobrang dami namin, napagdesisyunan ni Manager na iclose muna ang No Name para kami kami lang ang tao. Tinawagan na kasi agad siya nila Josh.

Palabas na ako ng campus para pumuntang parking. Hinhintay na kasi ako ni Ice. Sabay kasi kaming pupuntang No Name.

Napahinto ako sa paglakad nang makita ko siyang may kasama. Siya na naman. 'Yung babaeng kakwentuhan niya nu'ng game. So, close na sila? Ganun? At kung makangiti 'tong lalaking 'to. Akala mo naman – tss.

Napalingon sa akin si Ice at nginitian ako. "Ayan ka na pala, Zoe." Obviously. Hindi mo kasi napansin kasi busy ka sa pakikipagdaldalan dyan.

Tumango lang ako at ngumiti sa kanya.

"Tara na?" aya niya.

"Hindi. Sige, nag-uusap pa ata kayo, e. I can wait," sabi ko at nginitian ulit siya.

Pinakilala niya ako sa babaeng kasama niya at nakipagshakehands naman sa akin 'yung babae.

"Pasok na muna ako sa loob. Medyo ngawit kasi ako. By the way, nice meeting you," sabi ko sa babae.

Nang makarating kami ng No Name pumaparty na ang mga tao. Nako. Parang bukas din ang No Name ha. Napakaingay. Sabagay buong varsity team 'to.

"Hi, Ice. Hi, Zoe," bati sa amin ni Manager. Binati lang din naman namin siya.

Nakisalo na kami ni Ice sa iba. Infairness ang saya naman pala. Pinagtripan nila kaming apat na babae na pakantahin sa stage. Kami naman, para na rin hindi masabihang KJ ay kumanta na lang din.

Tumayo kami sa may stage at nagsimula na akong kumanta.


♫ Is this love? Feeling restless inside

Wanting you to always be by my side

I don't even want you out of my sight

You are in my thoughts all day and night

I can't get you out of my mind

I think I'm in love

I think I'm in love

Think I'm in love with you

Every single day

Every single night

Every single moment of my life

I want to spend them all with you

I think I'm in love

I think I'm in love

I think I'm in love with you

Tell me that you care

Tell me, please

Tell me that you also feel

The way that I do ♫


Matapos kong kumanta ay nagbow ako at nagpasalamat.

Nagpalakpalakan at sigawan naman ang mga kasama namin at may isa pa ngang member ng varsity team ang sumigaw ng "I love you, Zoe." Minsan kasi expression na lang talaga 'yun ng audience namin kaya sanay na ako at hindi ko na binibigyang malisya ang ganung bagay. Tumawa na lang ako at nagpasalamat.

Bumalik kami sa pwesto namin kanina at sinalubong namin kami ng iba.

"Ang cool niyo talaga lagi kapag tumutugtog kayo sa stage," sabi sa amin ni Manager Ry.

"Sa sobrang cool may nainlove na ata sa 'yo Zoe," biro ni Josh at natawa na lang ako.

"Tss," dinig kong pagrereact ni Ice na nasa tabi ko. Tiningnan ko siya sa pero hindi naman siya nakatingin at umiinom lang.

"Hi, Zoe." Mapatingin ako sa lalaking bumati sa akin.

"Hello?" Medyo unsure na sagot ko sa kanya. Ito ata 'yung sumigaw kanina, e.

"Pwedeng makiupo dito?" tanong ng lalaki at tinuro 'yung bakanteng upuan sa kabilang gilid ko.

Sasagot pa lang sana ako pero inunahan na ako ni Yannie, "Sige. Upo ka na dyan."

Nakipagkwentuhan sa akin 'yung lalaki kaya panay sagot lang din ako sa mga sinasabi niya. Pero nagulat ako nang biglang tumayo si Ice at naglakad paalis.

"Hoy, saan punta mo?!" sigaw ni Ken sa kanya pero di niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Lumapit sa akin si Ayu at bumulong, "Nagselos ata kaya nabadtrip."

Seryoso? Si Ice? Nagselos? Parang hindi naman. Baka sadyang bugnutin lang.

"Excuse lang ha," paalam ko sa kanila at sinundan si Ice.

Pero dapat pala hindi ko na lang siya sinundan. Kasama na naman niya 'yung babae kanina. Paano nakarating 'to dito? Sabi na, e. Hindi talaga nagselos 'to. Sadyang may kakatagpuin lang siya kay siya lumabas. Galing lang. Napakainam niya. Ano to? Secret affair lang.

Babalik na sana ako sa loob pero may magaling na nilalang ang nagtapon ng plastic bottle sa daan at kung tumatiming nga naman, naapakan ko 'yung bote kaya tumunog.

"Zoe?" tawag ni Ice sa akin. Tinaas ko lang ang kamay ko at nagwave habang nakatalikod sa kanya saka naglakad pabalik sa No Name.

Hindi pa ako nakakalayo nang maramdaman kong may humawak na sa braso ko. Huminga ako nang malalim at humarap sa kanya saka ngumiti. "Bakit, Ice?"

Tinitigan niya ako at hindi ko napigilang mapairap. Papasok na sana ulit ako pero hinila niya ako sa kung saan man.

"Ano ba, Ice?! Tigilan mo nga ako sa paghila hila mong 'yan! Balikan mo na 'yung kausap mo kanina! Baka hinahanap ka na nu'n!" sigaw ko sa kanya kaya napahinto naman siya.

Nakatayo lang kami at hawak pa rin niya ang braso ko. Nakatalikod pa rin siya sa akin pero maya maya ay humarap siya sa akin na nakangisi pa.

"Ano?!" iritang tanong ko sa kanya at hinila ang braso ko.

"Sabi na may mali sa 'yo."

"Mali mali ka dyan. Bahala ka nga. Babalik – "

"Noong kausap ko siya kanina, pumasok ka agad ng sasakyan. Hindi mo pa ako kinakausap sa byahe. Hindi mo rin ako masyadong pinapansin. Tapos nu'ng nakita mong magkausap ulit kami sa labas ng No Name, bigla kang tumalikod – "

"Shut up, Ice. Itigil mo na 'yang mga sinasabi mo. Lumabas lang ako kasi sabi ni Ayu na nabadtrip ka. Kakausapin lang naman sana kita at itatanong kung nabadtrip ka nga pero mukhang hindi ka naman ata badtrip kasi – "

"Nabadtrip nga ako. Nagselos ako doon sa lalaking sumigaw ng I love you sayo. Umupo pa sa tabi mo. Ikaw naman nakipagkwentuhan pa halos hindi mo na nga ako – "

"Wala ka namang dapat ipagselos. Kung nag I love you siya, kahit pabiro lang 'yun, hindi ka pa rin dapat magselos. Magselos ka kung nag I love you too ako sa kanya. Pero hindi ko naman ginawa 'yun kaya walang basehan 'yang sinasabi mong selos. Saka siya na lang ang kakausapin ko kesa naman ikaw. Baka kasi mabadtrip ka lang sa akin. Mukhang mas enjoy kang kausapin 'yung babae kanina, e. Kung makangiti ka pa – "

"Sus! Sabi na talaga. Nagseselos ka rin. Para sa kaalaman mo, ganun lang naman ako makangiti kapag kausap ko siya kasi ikaw ang pinag-uusapan namin. Alam mo naman ako, kapag ikaw ang topic, automatic na napapangiti na ako. Saka may boyfriend 'yun na member ng varsity natin. Selos selos pa 'to," tawa pa niya at saka ako inakbayan.

Siniko ko siya sa tagiliran at tinanggal ko 'yung pagkakaakbay niya. "Selos mo mukha mo. Dyan ka na nga," sabi ko sa kanya at naglakad na papalayo. Hindi ko alam pero bigla na lang ako napangiti.

Bago pa ako makapasok ulit sa No Name, naabutan na niya ako at inakbayan ulit sabay bulong ng, "Ikaw lang naman. Ikaw lang palagi. Ikaw lang kahit noong una pa lang. Ikaw lang." 

Continue Reading

You'll Also Like

1.6K 97 7
Suffering from inoperable lung cancer, Aubree already accepted that her life appears to be literally out of breath. Amidst her critical condition, th...
28.1M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
74.6K 2.7K 26
Sia Corpuz, He have a Stepbrother and his name is, Clyde Jackson. He's possesive and obsess when it comes to him. He doesn't share. "What's mine, is...