Ikalawang luha

17 0 0
                                    

Ikalawang luha, ikalawang tula, mahal ko, ikaw ay paborito kong TULANG WALANG KASIGURADUHAN.

Ikalawang luha | Tulang walang kasiguraduhan | lazyrature

Sa aking tula,
Gusto kong tayong dalawa ang pangunahing tauhan,
Ididikta ang mga karanasan,
Itutula ang pagmamahalan ating pinagsaluhan.

Ang salitang “hanggang dulo,
Tila isang mahika na nagkatotoo,
Alam niyo kung bakit?
Dahil kaming dalawa'y nakakapit.

Wala sanang magbago,
Manatili kung ano tayo,
Pero alam kong walang permanente sa mundo,
Kaya tatangapin ano mang maging desisyon mo.

Sa tulang ito,
Nais kong malaman mo,
Pagmamahal ko ay totoo,
Sana'y gano'n din sa iyo.

Project Poetry (Non-stop)Where stories live. Discover now