Ikalabing-isang luha

7 0 0
                                    

Ikalabing-isang luha, ikalabing-isang tula, ikaw sana'y mayakap MULI.

Ikalabing-isang luha | Muli | lazyrature

Sana'y mahagkan kang muli,
Maramdaman muli ang iyong mga dampi,
Pati ng iyong mapupulang labi,
Na siyang nagbibigay sa akin ng ngiti.

Sana'y mawala ang aking pagkahikbi,
Pati ang lungkot na dahilan ng aking pagkasawi,
Tanging mga haplos mo lang ang makapapawi,
Sana'y mahagkan ka ngayong gabi.

Sa paglitaw ng mga bituin sa langit,
Kasabay ng pusong sumasamo't umaawit,
Mga mata'y ipipikit,
Humihiling ng ika'y mahagkan ulit.

Sa pagsapit ng kadiliman,
Sa paglitaw ng buwan,
Sana'y muli kang mahagkan,
Kahit man lang panandalian.

-

Project Poetry (Non-stop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon