Unang luha

32 0 0
                                    

Unang luha, unang tula, Ginoo, ikaw Ang aking siniSINTA.

Unang luha | Sinta | lazyrature

Ako ay may sinisintang Ginoo,
Tunay na totoo,
Mabait, mapagmahal, matalino, masunurin, bonus na ang pagiging gwapo.

Alam kong hindi ako ang iyong sinisinta,
Nawa'y maging masaya ka sa piling niya,
Aalahanin ang memoryang nating dalawa,
At no'ng tayo ay masaya pa.

Asahan mo na nandito lang ako,
Susuporta sa inyo,
Kahit na labag sa kalooban ko,
Pero pipilitin ko para maging masaya kayo.

Pero kung sakaling saktan ka niya,
Asahan mo andito lang ako sasamahan ka,
Papayuan ka pa,
Kahit na siya ang dahilan ngayon na nasa tabi kita.

Tandaan mo na nandito lang ako palagi,
Laging nandiyan sa iyong tabi.
Kung bakit ang ngiti mo ay napalitan ng pagkahikbi,
At kung bakit nasilayan kong muli ang matamis mong ngiti.

Asahan mo ang aking mga salita,
Kahit sobrang masakit makita kayong masaya,
Pipilitin kong maging maligaya,
Ngayon nasa piling niyo na ang isa't isa,
At tatandaan na kahit kailan hindi ako magiging siya,

Ang iyong tunay na sinisinta.

Project Poetry (Non-stop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon