Ikaapat na luha

11 0 0
                                    

Ikaapat na luha, ikaapat na tula, nandito na naman ang ULAN, pinapaala ang mga pasakit na aking naranasan.

Ikaapat na luha | Ulan | lazyrature

Sa pagpatak ng ulan,
Ako na naman ay nasasaktan,
Lumuluha sa isang tabi,
Problema ay aking isasarili.

Ako'y napapaisip minsan,
Ako ba ay isang laruan?
Para iyong saktan?
At sa sarili mong kamay ay paikutin?

Napasakit,
Mga salitang iyong binanggit,
Gano'n ba ang tingin mo sa akin?
Isang bagay na hindi dapat pinapahalagahan at iniingitan.

Puso kong manhid na,
Dahil sa ginawa niyong dalawa,
Malabo na muling mabuo,
Maisalba ay sobrang labo.

Kaya suko na ako,
Sobrang nasaktan ang ang aking puso,
Kaya ngayon ay sumasamo,
Meron pa bang bubuo nito?

Project Poetry (Non-stop)Where stories live. Discover now