Sinubukan ni Celeste na na imulat ang namamagang mata upang tingnan kung saan sya dadalhin ng lalaki, at nakita nyang sa may labahan sya nito dinala. Isang kwarto iyun sa bahay nila kung asan ang mga lamog na mga damit.

Walang ilaw duon at madilim. Initsa sya ng lalaki sa loob dahilan para mapahiga sya sa sahig. Pag katapos ay agad din syang iniwan. Locking the door behind kung saan nanggagaling ang nagsisilbing liwanag sa loob.

Oo. Tama andito sya nakakulong sa madilim na kwartong ito. Hindi na nya mabilang kung ilang oras sya sa loob. Umiiyak, humihikbi habang dumudugo at sumasakit ang buong katawan.

"Mama... Mama-"

"-Tulungan mo ako mama. Natatakot ako..." Celeste opened her eyes. May luha at namumula. Bumungad sa kanya ang hindi pamilyar na kisame.

For a moment she was still in daze, pero ng matauhan ay agad ding napabalikwas ng bangon.

Kinapa nya ang kanyan katawan gamit ang nanginginig nyang mga kamay. Malalim ang bawat pag hinga nya na tila tumakbo ng ilang kilomentrong layo.

Tagaktak din ang kayawan nya sa pawis at kulang nalang ay mag ligo sya duon. Ni hindi nakuhang tumalab ng aircon na asa kwarto nya. Ang puso naman nya ay malakas ang tibok dahil sa takot at kilabot na nararamdam.

"Bangungot." Nabulong ni Celeste sa sarili. Palinga linga pa sa paligid. Andito parin sya sa bahay ni Shadden. Dito mismo sa kwartong ipinahiram ng binata sa kanya.

Napahawak sa ulong nag buntong hininga si Celeste. Hindi nya matandaan nang nalinaw ang napanaginipan nya pero ang takot at pait ng mga kaorasang iyun ay ramdam nya.

Hindi ito ang unang nangyari ito. At sa mga kailang beses nyang napanaginipan iyun ay natatakot parin sya at tila nasasaktan ng husto. Hindi iyun simpleng panaginip nya lang.

Alam ni Celeste na nangyari iyun sa kanya ng bata pa sya, hindi nya lang matandaan, liban sa ayan at napapanaginipan nga nya kaya alam nyang nakaraan nya yun. At sa oras oras na mapanaginipan nya yun at takot sya sa lahat.

Wala syang matandaan sa nakaraan nya, o kung ano ang naging buhay nya ng bata pa sya. Ni iba pa nyang kapamilya ay di nya lubos na tanda, pero alam nyang may ina syang namatay na at isang kapatid na nakakatanda sa kanya ng ilang taon.

Ewan ba nya dahil kapag iniisip nya ang buhay nya nuon ay sumasakit ang ulo nyo. Ang tanging natatandaan nya lang ay ang ilang alala ng kanyang ina kasama sya bago ito mamatay at nang mag layas na sya sa bahay ng tiyahin nyang daig pa ang anak ni satanas sa sama ng ugali.

Ang buong pag katao nya ay hanggang ngayun ay palaisipan parin sa kanya. At alam nyang ang panaginip nya ay hindi basta bastang panaginip lang.

Alam ni Celeste na isa itong alala mula sa nakaraan. Pilit na kumukodlit sa kanyang isipan. Sa isang linggo ay halos tatlong gabi nya itong napapanaginipan. At tulad ngayun ay lagi syang takot at pawisan pag nagigising.

"Bangungot ng nakaraan... Bakit ba hindi ko matandaan ang nangyari? At bakit lagi ko nalang silang napapanaginipan?" Bulong ni Celeste sa sarili. Tila pagod at maiiyak na sa sitwasyon nya.

Napapagod na sya sa paulit ulit na panaginip na iyun. Napapagod na syang matakot at gabi gabing mabahala sa mga nangyaring hindi nya naman naalala pero nararamdaman naman nya ang takot at sakit ng mga iyun.

Nakakaubos ng bait at katinuan.

Pilit na kinalma ni Celeste ang sarili. Sinulyapan ang orasan na asa ibabaw ng night table na aandito sa loob ng kwartong tinutuluyan nya. Halos kalagitnaan palang nga gabi.

She was decided. Lilipat sya sa kwarto ni Shadden. Alam nyang hindi na sya makakatulog pag nag tigil pa sya sa kwartong ito. Tutal kasalanan naman nito kung bakit sya andito sa lugar nato. Dapat syang panindigan ng lalaking iyun.

Symphony Of The PastWhere stories live. Discover now