3.0 | Carniah Celeste A. Velchour

Start from the beginning
                                    

Ang mga classroom naman na nakakarinig ng ingay galing sa kanila ay saglit na napapatigil. Pati ang mga teacher ay napapailing sa mga naririnig kahit na hindi nila actual na nakikita ang nangyayari sa labas. Nasanay na sila sa mga estudyanteng matitigas ang ulo na nadadala sa council's office.

"Ano ba bitawan mo akong animal ka!" Sigaw pa ng babae na buhat buhat ni Shadden. Binuksan naman nya ang pinto ng office nya at medyo nag pasalamat na wala duon si Frost para abutan sya sa ganung situation. Parang unan naman nyang initsa yung babae sa sofa na saglit pang napatili. After that ay lumapit si Shadden sa lamesa nya na malinis na ulit. Kinuha ang specific na notebook ng mga violations.

"You! Apaka walang hiya mo talagang lalaki ka!" Inis na inis na turo sa kanya nung babae at inayos ang sarili habang masamang tinitingnan si Shadden na wala paring paki dito dahil busy pa ito sa hinahanap.

"Bakit mo ba ako dinala sa parang motel na kwarto na to? Pinag nanasaan mo ako ano!? Walangya ka talagang lalaki ka!" Turan pa ng dalagita na nag pupuyos sa inis.
Tumayo ito upang umalis sa silid nayun pero hindi nya mabuksan yung pinto.

Nilingon ng babae si Shadden na ngayun ay may pinapaikot na susi sa daliri nya habang seryosong nakatingin sa hawak nyang notebook, as if na mah hinahanap ito duon na napaka importante. The girl became more frustrated dahil kay Shadden.

"Sit. Let me ask you some few questions" Seryosong utos ni Shadden sa dalagita. Inilagay sa bulsa ang susi na nilalaro sa kanyang daliri. Inis namang sumunod ang babae dito.

"Ano ba kaseng kailangan mo? Nag sorry na nga ako diba? Bakit ba di ka makaintindi nun?" Komento pa ng babae na hindi pinansin ni Shadden.

"What is your name?" Maikling tanong ni Shadden sa babae. Tinaasan lang naman sya ng kilay nito at umirap bago sumagot.

"Eh ikaw anong pangalan mo huh? Kung maka asta ka ay para kang isang anak ng presidente ng pilipinas" The girl scoffed at him. Hindi alam ni Shadden kung bakit sya napangiti sa tinuran ng dalaga. Maybe dahil talaga ngang hindi sya nito kilala, at pag nalaman ng babae kung sino sya ay baka bigla itong maging angel sa bait.

"Shadden Tylor Selveron" Shadden smugly grinned at the girl. Saglit na nangunot ang nuo ng dalaga na tila inaalala kung kaninong pangalan iyun. Halos tumawa naman ng may panunuya si Shadden ng mabilis nya ngang nakita kung paano mamutla at manglaki ang mata ng dalagitang kaharap nya dahil sa pangalan nya.

"Huwaat!?" Hindi makapaniwalang bulalas ng babae at mabilis na napalayo kay Shadden.

"Nice meeting you, Princess" Shadden said smugly. Nakita nyang napalunok yung babae at titig na titig sa kanya na para bang lalapain nya ito ano mang oras.

"I-ikaw yung Shadden na may ari nitong school? Y-yung nakakatakot na halimaw?" Komento pa ng dalagita. Tila natilihan sa kinatatayuan nito. Si Shadden naman ay napawi ang ngiti dahil sa itinawag sa kanya ng babae. He was starting to hate those students na kung ano ano ang pinag sasasabi tungkol sa kanya out there.

"Hind ako halimaw! I just said my name for goodness sake!" Inis na wika ni Shadden dito at wala sa sariling napalo ang lamesa nya na ikinatalon ng dalaga sa gulat. Mukhang takot talaga ito sa kanya for his relief. Ngayun ay madali nya na itong mapapasunod.

"S-sorry na nga diba. Hindi ka na nga halimaw! Kaya paalisin mo na ako dito" Kabadong sabi ng dalaga kay Shadden. Tinaasan lang naman nya ito ng kilay.

"No" Shadden firmly said. Pursing his lips. He was being amused to this girl dahil nakuha pa sya nitong sabihan ng ganun after knowing his name. Iyun ang ikana mangha ni Shadden sa dalaga, but also called it stupidity of the girl. A recklessness of this silly thing in from of him.

Symphony Of The PastWhere stories live. Discover now