CHAPTER 15

3.1K 105 66
                                    

Thadei

"MERRY Christmas Mr. and Mrs. Dashwood!" Napahinto si Marco sa paglalakad habang pangko niya ako patungong kusina nang makita namin ang aming mga kaibigan na nakaupo na sa hapag kainan at madaming pagkain ang nakahanda sa mesa.

"Hindi pa pasko, bakit ang aga niyo mga bruha?" Pang aasar ko sa kanila.

Maaga pa para sa akin kahit papadilim na at ilang oras na lang pasko na. Kain tulog lang ang ginawa ko buong maghapon dahil ipinilit ni Marco na magpahinga ako at siya na ang mag aasikaso ng lahat para sa pagdiriwang ng pasko.

"Hoy bruha, pasalamat ka nga at nagluto na kami para pagkagising niyo kakain na lang kayo." Sabad ni Julie na napansin kong namumula ang pisngi.

"Lei? Lasing ka ba?" Takang tanong ko.

"Gaga! Hindi a!" Depensa niya.

"Panong hindi mamumula yan eh pupunta dito si Niccolo niya." Tudyo ni Czaren.

"Ows? Kaya pala. Iba din ang tama nitong si Julie kay Niccolo. " Pang aasar naman ni Monay na hindi ko namalayan ang presensya galing sa kusina.

"Oo, sagad hanggang taba." Ani Nel.

"Hoy Nel! Wala akong taba, che!" Mukhang naaasar na si Julie. Natatawa na lang kami sa kanya.

Ibinaba ako ni Marco at pinaupo sa upuan. "Thank you mahal ko." Nginitian niya ako at binigyan ng mabilis na halik sa labi.

"Hoy! Nandito po kami! Baka naman pwedeng maya maya na kayo maglampungan!" Singit ni Leslie.

"Hindi maka relate ang walang love life." Singit ni Julie.

Napasimangot si Leslie pero kaagad din naman siyang niyakap ni Julie. Kaya napangiti na rin siya.

"Parehas lang naman tayong walang love life. Ako, lust life lang ang meron. Ganun kasi ako ka hot." Sabay tawa niya na parang isang bruha.

"Wala din akong lust life." Kunyari umiyak pa si Leslie.

"Sabi ko naman sa inyo girls, andito lang ako. Kaya ko naman e balance ang time ko sa inyong dalawa. Come to papa Lander babies!" Ibinuka pa ni Lander ang kanyang braso't kamay na parang pinapalapit sina Julie at Leslie.

"Che! Di ka namin type!" Sabay na sabi nila. Kaya nagtawanan kami ng nagtawanan.

Bigla namang nagdrama si Monay at di sinadyang yumakap sa akin. "Best friend inaaway nila ako." Pagpapakampi niya sa akin.

"Gusto mong hindi na umabot mamaya sa pasko?" Banta ni Marco.

Biglang napabitaw sa akin si Lander at nilingon si Marco at nag sign of peace. "Sorna, nakalimutan kong may asawa na pala ang bff ko. Ikaw na lang tutal asawa ka naman." At doon siya yumakap kay Marco.

Natatawa na lang kami kasi nagpupumiglas si Marco mula aa yakap ni Lander.

"Get off me Lander! Urgh! So gross!" Reklamo ni Marco habang si Lander naman ay nanatili pa ring nakayakap kay Marco.

"Stop that you two! Baka may masagi kayo sa mga pagkain dyan sa mesa." Biglang sulpot ni Tres. Isa sa mga kaibigan ni Lander daw na naging kaibigan na rin ni Marco.

Sa wakas tumigil na din ang dalawa sa pag aasaran. At umupo ng maayos sa harap ng mesa. Aba, si Tres lang pala makakaawat sa kanila.

Di nagtagal ay dumating din ang isa pang kaibigan ni Lander. Si Mr. Kim--- at Maan?

Lahat kami napatingin sa kanilang dalawa at biglang namula si Maan habang nakatingin din sa amin.

"Hoy! Mga bruha kayo, alam ko iniisip niyo at no ang sagot ko." Litanya niya kaya mas tumawa pa kami.

𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 1: 𝒮ℯ𝒾 𝒯𝓊𝓉𝓉ℴ 𝒫ℯ𝓇 ℳℯ♡Where stories live. Discover now