CHAPTER 11

3.1K 111 39
                                    

THADEI

"OHH.." Napaungol ako nang hugutin ni Marco ang kanyang mahabang ari pagkatapos ng pangpitong beses na pag-angkin sa akin.

Hindi lang sa kama. Sa sala rin, at maging sa kusina ng bahay. Walang kapaguran ang pag-angkin niya sa akin. Ako naman ay buong-pusong nagpaubaya.

"Another round baby?" Bulong niya habang nasa ibabaw ko pa rin siya. Hinahabol pa rin namin ang aming paghinga.

Damang-dama ko na rin ang paghapdi ng aking kaselanan dahil sa ilang ulit niyang pag-angkin sa akin. Kaya hinampas ko siya sa kanyang balikat.

"Grabe ka! Di ba marunong magpahinga 'yang ano mo?" Sabay nguso ko sa baba niya na lantad na lantad pa rin dahil wala pa'ng kumot na nakatabing sa amin.

Mahina siyang tumawa at umalis na sa ibabaw ko para tabihan ako sa paghiga. "Hindi." Tawa niya na naman. "Pero para sayo mahal ko, magpapahinga tayo.." Kinintalan niya ako ng halik sa labi.

Nginitian ko siya at hinawi ko ang buhok na tumatabing sa noo niya. Siya naman ay kinabig ako at ang ginawa kong unan ay ang kanyang matipunong bisig.

"Inaantok na ako. Goodnight Marco.." Bulong ko sa kanya at siya nama'y hinalikan ako sa noo.

"Goodnight baby.." Bulong niya.



"MAHABAGIN! Thadei anak, gumising ka!"

Naalimpungatan ako sa ingay na narinig ko. Pagmulat ng mga mata ko ay bigla akong napabalikwas ng bangon. Mabuti na lamang na may suot na akong damit.

Hindi ako makatingin kay tatay dahil alam kong nagpupuyos siya sa galit. Pero nang makita kong inundayan niya ng suntok si Marco ay tumayo ako agad at inawat si tatay.

"'Tay wag po!" Sigaw ko nang muli ay suntukin niya na naman si Marco. "'Tay ano ba wag mong saktan si—"

"Tumahimik ka Thadei! Ito ba ang dahilan kung bakit isinama kami ni Senyor Agustin sa lungsod?! Ano?! Pinilit ka ba niya?! Sabihin mo nang maisuplong ko sa pulis ang tanginang 'to!"

Galit na galit si Tatay at nang akmang susuntukin niya na naman ulit si Marco ay iniharang ko na ang sarili ko sa kanya. Naiwan sa ere ang kanyang kamao.

"T-tay... Hindi ako pinilit ni Marco." Hindi ko maiwasang mapahikbi dahil ayaw kong maging masama ang tingin ni tatay sa kanya. "Sumama ako sa kanya ng bukal sa loob ko 'tay. Nagmamahalan po kami. Please 'tay.. Wag po kayong magalit kay Marco. Pero kung galit kayo sa kanya, magalit din kayo sa akin."

Matiim akong tinitigan ni tatay kapagkuwa'y hinila niya ako sa isang kamay pero hinila rin ni Marco ang isa kong kamay.

"'Tay mahal ko si Thadei. Handa akong panagutan ang nangyari sa amin. Please.. wag mo po siyang ilayo sa akin.. Patawarin niyo po ako na naging pangahas ako pero 'tay hindi ko po pinagsisihan kung anuman po ang nangyari sa amin." Pakikiusap niya.

"Kung mahal mo ang anak ko, patunayan mo. Mamanhikan ka at pakasalan mo ang anak ko. Kung hindi mo 'yon magagawa hanggang bukas ay hinding-hindi mo na makikita pa si Thadei. Tsaka wag na wag mo akong tatawaging tatay dahil hindi kita anak na damuho ka!" At mas nilakasan ni tatay ang paghila sa akin na hindi namalayan ni Marco kaya nabitawan niya ako.

Tumingin ako kay Marco at nakita ko ang pagdilim ng mukha niya. "Marco..."

Ngumiti siya sa akin. "Go baby. I'll follow you. I promise you that." Pag-a-assure niya sa akin. Nag-aalala ako sa kanya, putok ang labi niya dahil sa suntok ni tatay at namamaga na rin ang kanang pisngi niya na nakuha niya sa unang suntok.

𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 1: 𝒮ℯ𝒾 𝒯𝓊𝓉𝓉ℴ 𝒫ℯ𝓇 ℳℯ♡Where stories live. Discover now